Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XXVII

PHILIPPINES, 1939

SA loob ng isang casa ay naroroon si Leonardo. Nakaupo sa isang silyang tumba-tumba na nakaharap sa bintana at tila ba may hinihintay at may inaasahang gustong dumating. Mula sa maputi na niyang buhok at kulubot na balat ay nakikita mong marami na siyang pinagdaanan. Ni minsan ay hindi nakitang ngumiti simula noong mawala ang kaniyang tinatanging makakasama habang-buhay.

Hawak hawak niya ang mga papel na pinaglumaan na ng panahon. Mga papel na ang tanging nakapaloob dito ay patungkol sa kaniyang asawa na si Mila.

Napatingin din siya sa isang litrato na kuha noong sila'y kinasal. Naintindihan na niya kung bakit sa larawan ay makikita niyang malungkot ang mga mata nito kahit nakangiti. Naiintindahan niya na rin kung bakit hindi nasabi ni Mila ang salitang "Paalam" kahit sa huling hininga nito dahil alam niyang may nakalaang panahon para sa kanila-panahon na alam niyang wala ng makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.

Minsan ay napapaginipan niya si Mila pero hindi na iyon nagiging sapat dahil nais niya itong mahawakan, mahagkan, at makasama habang buhay.

Mula sa likuran ng matanda ay naroroon si Francois na nakatayo malapit sa sariling silid. Hindi niya maintindihan ang sarili, naiiyak siya sa kadahilanang naging mag-isa sa buhay ang tiyuhin. Oo nga't nakapag-asawa ito pero sa maikling panahon lamang.

Tama ang sinabi sa kaniya ng dalaga, naging makasarili siya. Dahil sa kaniyang kuryusidad ay gumamit siya ng ibang tao para malaman ang nakaraan.

Pero kung hindi niya niligtas ang dalaga sa kamatayan, siya'y madadamay. Kung kaya ay pinili niya itong sagipin kahit malaking oras ang kaltas nito.

"Francois, hijo? Lumapit ka rito."

Agad na napapunas ng luha ang binata, napangiti na lamang siya dahil naalala minsan ng kaniyang tiyuhin ang kaniyang pangalan. "Po?"

"May ibibigay ako sa'yo." Ani Leonardo at may kinuha sa bulsang nasa loob ng kaniyang baro. "Heto, hijo."

Nagtaka ang mukha ni Francois ang isang gintong relo, "Saan ka po galing nito, tiyo?"

"Galing iyan kay Mila, regalo niya noong kaarawan ko."

Napatitig ang binata sa naturang bagay, "Bakit niyo po ibinibigay sa akin?"

"Gusto kong ikaw ang magtago niyan. Tumatanda na rin ako, hijo. Hindi natin alam ang lakbay ng ating buhay baka isang araw, maabot ko na ang dulo." Malalim na litanya nito.

"Salamat, tiyo. Pangako, iingatan ko ito." Nakangiting saad ni Francois. Napaupo siya sa isang bakanteng silya at nakatitig pa rin sa relos na nakalimbitin sa kaniyang kamay. Alam niyang hindi ito ang nangyari sa nakaraan pero napangiti siya.

"Alam mo, noong araw na nawala ang aking asawa..."

Napatingin ang binata sa gawi ng matanda, iniurong niya ang upuan para makinig sa kwento- isang kwentong ilang beses na niyang narinig. Nakalimutan man ng kaniyang tiyo ang mga pangyayari sa paligid dahil sa sakit pero ang gunita na kung saan naroroon ang babaeng minahal niya ay nanatiling nakaukit sa kaniyang puso at isipan.

•••

Papalubog na ang araw nang mapansin ni Leonardo na kanina pa natutulog si Mila sa kaniyang kandungan. "Sinta, uuwi na tayo."
Ngunit walang anumang tugon ito, "Aba, marunong ka palang magbiro?" Natatawang saad niya pa. Pagkatapos ay napahinga siya nang malalim. "Ang ganda mo kahit natutulog. Alam mo 'yon? Binatilyo pa lang ako nang magsimula akong nanaginip sa'yo..."

Napapikit siya sa naalalang panaginip, "Sa panaginip ko, nasa isang paaralan daw ako na puro babae ang nag-aaral, nakakita rin ako ng mga madre na naghahanda sa amin dahil magtutugtog daw kami ng piyano para sa mga parokyanong bagong dating galing Europa. Pagkatapos ay nakita ko ang isang natatanging ngiti, hindi ko maaninag ang mukha pero alam kong ikaw ang nagmamay-ari ng ganoong klaseng ngiti."

Iminulat niya muli ang kaniyang mga mata na nagbabasakaling nakikinig lamang ang irog. "Sinta? Gising na." Naningkit ang kaniyang mga mata nang mapansing hindi na tumataas- baba ang paghinga nito. Agad niya itong pinakiramdaman, "M-mila?"

Hanggang sa iniyugyog na niya para magising, "Mila!" Abot hanggang langit ang kaniyang kaba nang hindi na ito sumasagot. "Mila!" Inangat na niya ang ulo nito at hindi maiwasang yakapin, "Bakit?! Mila, gumising ka!"

Patakbong tumungo ang kutsero ng kalesa nang marinig ang bulahaw ng amo, "Senyor? A-anong nangyari?!"

"Si M-Mila..." Bumuhos ang kaniyang luha.

Napuno ng paghihinagpis ang buong mansyon nang malaman ang nangyari sa dalaga, tahimik ang lahat habang pinagmasdan nila itong nakahimlay sa isang higaan. May hawak itong kumpol ng rosas sa kamay na nakatapat sa dibdib.

Tulala lamang si Leonardo habang nakatingin sa gawi ng asawa. "Ang daya mo naman sa akin, Panginoon. Minsan na nga lang ako makaramdam ng saya, binawi mo naman kaagad. Ano ba ang naging kasalanan ko sa'yo? Bakit ba kailangan sila ang magbayad?" Saad niya sa sarili habang dumadaloy sa kaniyang pisngi ang mga luha.

Mayamaya pa ay biglang may mga paruparong nagsisiliparan sa loob ng silid, puti ang kanilang maliliit na pakpak na tila umiilaw dahil sa repleksyon na nanggagaling sa mga nakasinding kandila. May isang dumapo sa kamay ni Leonardo na parang nagpapahiwatig na kailangan niyang magpatuloy sa buhay kahit anuman ang mangyari. Katulad ng isang paruparong maikli lang ang oras sa mundo pero nilaan ang panahon para gawin ang kaniyang natatanging misyon-ang magbigay ng kulay sa mundong magulo.

•••

PHILIPPINES, 1946

NANLALABO na ang paningin ni Leonardo habang nakahiga sa kaniyang malapad na kama. Napansin din niya ang binata na naghahanda ng kaniyang gamot. Napalingon pa siya sa gawi ng estatwang ginawa ng kaniyang lolo na kung saan nakapatong ang kaniyang inukit na mukha ng asawa na gawa lamang sa kahoy. Pagkatapos ay napunta naman ang kaniyang paningin sa nag-iisang piyano na pinaglumaan na ng panahon. Ang instrumentong hindi nakaligtaan ang kwento ng kaniyang buhay, ang instrumentong nagsilbing gabay niya para makilala ng karamihan.

Ngayon, kailangan na niyang mamahinga at isasara ang kurtina ng buhay dahil sa wakas ay tapos na ang kaniyang pagtatanghal.

Napapangiti siya sa ideyang makikita na niya ang mga taong mahal niya sa kabilang buhay.

Samantalang si Francois naman ay nasagi ang isang bote ng gamot at gumulong ito patungo sa isang tukador na may mga papel na siyang palaging hinahawakan ng kaniyang tiyuhin kapag ginugunita ang alaala sa nakaraan. Napansin niya ang isang piraso ng papel natabunan nang bahagya na may nakalagay na "Mila" sa palagay niya'y ito ay isang tula kung kaya ay kinuha niya ito kasabay ng boteng gumulong.

Nang matapos basahin iyon ng binata ay napatingin siya sa kalendaryo- nanlaki ang kaniyang mata nang makita kung anong petsa na, "a-kinse na ng Disyembre..."

Agad siyang lumapit sa higaan, alam niyang ito 'yung araw na mawawala na sa kaniya ang pinakamamahal niyang tiyo.

Natunghayan niya ng dalawang beses ang pagkamatay ng tiyuhin. Hindi niya pa rin mapigilan na maiyak nang malaman na nalagutan na ito ng hininga.
----

A/N: Kung inyong naalala ang eksenang nasa isang silid ng klase si Miles na akala niyang prank na may buwan ng wika (haha) dahil sa nakita sa paligid ay isa 'yong hudyat na nakapasok siya sa panaginip ni Leonardo (Ito rin ang sinabi ni Leonardo sa eksenang nawala na si Miles)

Ewan, nag la-lag utak ko mag-explain. HAHAHAAH!

Siya ang binatang bersyon ni  Sir Kabute–este, sir Francois pala. Ehehe!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro