Kabanata XXIX
HINDI mapigilang idampi ni Miles ang kaniyang palad sa salamin. Nagmistulang karera ang kaniyang mga luha dahil sa nag-uunahan itong lumabas sa kaniyang mga mata. Nakita niya ang litrato na kung saan ikinasal sila ni Leonardo sa Santa Anghela kasama ng isang Prayle. Napansin din niya ang isang mukhang kawangis niya-gawa ito sa kahoy. Nakita niya rin ang baro at saya na kaniyang isinuot sa kaarawan ni Leonardo. At ang panghuli, ang papel na nakapaskil malapit sa litrato. Gamit ang nanunubig na mata ay binasa niya ito.
"Mila"
Ang ngiti mo'y parang isang bituing kumikinang,
Sa dulo ng dagat na may rosas na nakalutang,
Ang buhok mo'y parang isang gabing madilim,
Ang iyong ganda ang siyang nagsilbing lilim.
Tadhana ang dahilan,
Sa panaginip kong ikaw ang laman,
Dumaan man ang isang daang taon,
Paglipasan man ako ng panahon,
Hindi magbabago ang mararamdaman,
Hinding-hindi makikita sa kahit sinuman.
Walang oras na hindi kita naiisip,
Dahil sa mga mata mo'y walang pighating nakasilip,
Ika'y isang anghel na bumaba sa langit,
Kung kaya ako'y nanatiling nakakapit.
Leonardo Cruz y Romero
Marso 5, 1896
Nangulila siya sa boses ni Leonardo at nais niyang masamsam muli ang matamis na halik nito. Nagampanan niya ang nais na mangyari ni Sir Francois. Paano naman siya? Dala niya ang sakit at pangungulila sa hinaharap at sa susunod pa na hinaharap.
Mayamaya pa ay naramdaman niya ang mga iilang yapak kung kaya ay dali dali siyang napapunas ng luha at huminga nang malalim bago mag kunwaring hindi umiyak.
"Sabi ni papa, kamukha ko ang tiyuhin niyang tanyag na piyanista. Parang pinagbiyak na bunga sabi nila."
Napalingon siya at halos tumigil ang kaniyang mundo nang makita ang lalaking nagsasalita. Kamukhang kamukha ni Leonardo pero may nunal sa gilid ng labi at may salamin sa mata.
"Francis Leonard, but you can call me Leonard. How about you?" Pakilala ng binata sa kaniya sabay lahad ng kamay para makipagkamayan.
"M-Miles," Nauutal niyang saad sabay tanggap sa kamay ng binata. Napansin niya ang paniningkit ng mata nito.
"Oh, I see..." Pakli pa ni Leonard, "Papa sometimes mentioned a girl named Miles. Hindi ako magkakamaling ikaw 'yun, you see? Hindi na ako nagulat. Kamukhang kamukha mo ang asawa ni Senyor Leonardo at katunog din ng iyong ngalan ang kaniyang pangalan. Mila, Miles."
Napangiti nang matipid si Miles, hindi niya akalaing may anak si Sir Francois at kamukha pa talaga ni Leonardo.
"You want to talk to my papa? Nasa labas na siya."
Napatango siya agad at napagpasyahan niyang lumabas, bago pa man siya makalabas ay napansin niya ang estatwa ni Leonardo-walang basag, at nasa maayos na pwesto. Naalala niya tuloy na napaiyak siya sa harapan ng monitor habang nag e-explain ng kaniyang naging vlog patungkol sa buhay ng sinisinta.
Nang makalabas siya ay nakita niya ang matandang nakaupo sa isang wheel chair. Nilapitan niya ito.
"Kumusta, Miles?" Tanong ni Sir Francois.
Napahinga muna siya nang malalim bago magsalita, "Mas lalo lang po akong napagod kakahintay sa kaniya, sir. Pero kahit ganoon, hindi ako susuko. May pag-asa naman na bumalik siya, diba?" Napasinghap pa siya at pinipigilang hindi umiyak sa harapan ng matanda.
"Kung bubuksan mong muli ang iyong puso at tanggapin ang nangyari ay mapapanatag ka."
Napakagat siya ng labi at napatingala, ayaw niyang mahulog ang kaniyang luha.
"Miles-"
"Ang sakit pala, sir no? Grabe. Ang sakit na sa puntong hindi mo na alam ang gagawin. Ang sakit dahil hindi ko hawak ang panahon kung saan siya naroroon." Matigas niyang turan pero tuluyan na namang bumuhos ang kaniyang luha, "Kulang na lang iiyak ako ng dugo eh. Walang araw na hindi ko siya naiisip, kapag naisip-iiyak na naman ako."
Hindi makaimik ang matanda at nanatiling nakatingin sa dalaga, napuno siya ng konsensya dahil hindi na niya mauulit pa ang nakaraan.
"Kaya siguro binigyan ako ng Panginoon ng ganitong parusa dahil sa makulit ako, puro kalokohan ang nasa utak at pihikan." Natatawa niyang sambit sabay punas ng luha.
"Miles, salamat." Biglang wika ng matanda.
Natigilan siya, "You're welcome, Sir." Sarkastikong saad niya pa.
"Nang dahil sa'yo ay pinagpatuloy niya ang nais sa buhay. Nang dahil sa'yo ay natuto siyang magmahal kahit na alam nating sunod-sunod ang trahedya sa buhay niya. Nang dahil sa'yo ay nagkaroon ng kulay ang magulo niyang mundo at nang dahil sa'yo, natuto siyang lumaban hanggang sa huli niyang hininga. Hinintay ka rin niya, Miles. Umaasang bumalik ka at magpakita. Kaso, itong orasan ko, ayaw ng gumana. Nasira nang pinilit kong ipihit para iligtas ka." Mahabang litanya ni Sir Francois sa kaniya.
Napapikit si Miles at huminga nang malalim. "Nawa'y hilain kami ng kamay ng Diyos pabalik sa panahon na kung saan kami lamang dalawa ang may alam." Ngumiti siya bago tumalikod.
Ang binatang si Leonard ay natuod sa eksenang nakita, "Poor, Miles" malungkot niyang saad.
LUMIPAS ang anim na buwan ay nakita ni Miles ang sarili na nakahiga sa isang hospital bed. Puno ng bulaklak ang mesa at mga prutas na galing kay Audrey at sa naging kaibigan niyang si Leonard.
Napansin din niya ang kaniyang tatay na nagbabasa ng bibliya sa isang tabi. Nais niyang magsalita pero nanunuyo ang kaniyang lalamunan.
Hindi niya mawari kung bakit naging masaya siya nang marinig niya ang sinabi ng doktor sa kaniyang ina, "Nalulungkot akong sabihin sa inyo, maaaring kahit anong araw ay pwedeng kunin sa inyo si Miles. Lumalala na, misis."
May sakit siya sa puso, namamaga na raw ito at baka isang araw ay hindi na niya makakayanan pa.
Totoo nga ang sinasabi nila, nakakamatay kapag nabasag na ang puso.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, pumasok si Leonard na may dalang gitara kasama ng kaniyang Nanay Lydia.
"Gising na pala si Miles, Ding." Ani Nanay Lydia, "Maiwan na muna natin silang dalawa."
Walang nagawa si Tatay Nanding kundi ang tumayo na lamang kahit gusto niyang hindi iwan ang anak. Bago pa man siya sumunod ay hinalikan niya muna sa noo si Miles.
"Hi," Garalgal ang boses ni Leonard, "Lalaban ka ha?"
Ngumiti si Miles, hindi niya itong kayang tugunan. Nais na niyang mamahinga.
"Bumisita ako dahil, namiss kita. I mean, alam ko naman na basted na talaga ako sa'yo." Natatawang saad ng binata, "Pero ewan ko ba kung bakit ganito ako? Maybe, ang rare lang na may mangyaring ganito sa buhay ng tao. Alam mo 'yun? Parehas tayong may kamukha sa nakaraan. Pero alam ko naman na mas may puwang sa puso mo ang taong una mong minahal ng husto."
"S-Salamat." Mahinang sambit ni Miles.
"Heto, may kanta ako sa'yo. Pasensya na, hindi ako marunong mag piyano. Pero marunong lang mag gitara."
Napangiti siya sa sinabi ng binata. Pinagmasdan niya lamang itong kumumpuni sa gitara. Narinig niya pa itong nag-strum.
Ang buhok mo'y parang gabing numinipis
Sa pagdating ng madaling-araw
Na kumukulay sa alapaap
Napapikit siya at sinamsam ang malamig na boses ni Leonard.
Ang ngiti mo'y parang isang tala
Na matagal na ang kinang
Ngunit ngayon lang nakita kung kailan wala na
Nang malaman niya na lumulubha na ang sakit ay agad niyang tinanggap ang kapalaran.
Kailan kaya mahahalata
Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa?
Kahit mawala ka pa
Hinding-hindi mawawala
Ang damdamin ko'y sa 'yong sa 'yo
Ang buhay mo'y parang kandila na
Pumapawi sa kadiliman ng gabing puno
Ng dalita at ng lagim
Bawat segundo ay natutunaw
Tumutulo parang luha
Humuhugis na parang mga puting paruparo
"Sana ay hinihintay mo pa rin ako, Leonardo. Malapit na akong bumalik sa iyong mga bisig." Saad ni Miles sa sarili bago niya ipinikit ang mga mata.
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro