Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XXIII

ABOT langit na ang kaba ni Ginang Margarita nang hindi pa nasusumpungan ang dalaga sa labas. Agad siyang napasuot ng balabal at nagbabakasakaling makita niya ito sa tahanan ni Juancho, kakaiba ang kaba ng kaniyang dibdib na tila sasabog na kahit anong oras.

Lakad-takbo niyang tinahak ang daan na sinasakop na ng kadiliman. Hanggang sa nakarating siya sa tahanan ni Juancho at higit kumulang sampung kilometro ang kaniyang nilakad, "Hijo, Juancho!" Hingal niyang tawag sa binatang nasa balkonahe lamang at umiinom ng tsaa.

Nang marinig iyon ng binata ay agad siyang bumaba, "Ginang Margarita?" Pagkatapos ay binuksan ang tarangkahan ng pintuang bakal. "B-bakit po? May problema ba?" Napansin niya ang paghangos ng babae at nagsisimula na itong umiyak.

"H-hindi pa nakakauwi si M-mila. Nagbabakasali akong narito siya." Saad ni Ginang Margarita.

"Wala po, Ginang. Tutulungan po kitang maghanap sa kaniya, sasabihan ko ang aking kutsero." Kahit na si Juancho ay ginagapangan na ng kaba lalo na't talamak ngayon ang tulisan. Agad niyang tinawag ang kutsero upang ihanda ang kalesa.

HABANG sila'y nasa biyahe ay hindi maiwasan na mapaiyak ni Ginang Margarita at walang ibang magagawa kundi ang mag-usal ng dasal.

"Senyor Juancho, may mga nagkukumpulan na mga tao sa unahan." Saad ng kutsero.

"Sige po, manong. Puntahan natin." kinakabahang saad ni Juancho.

Nang makahinto ang kalesa sa nagkukumpulang tao ay agad na bumaba silang tatlo.

"Ang lupit ng sinapit ni Don Matias!" Bulalas ng isang lalaki na nasa sengkwenta anyos.

Biglang nanlumo si Ginang Margarita sa natunghayan, nanghina ang kaniyang tuhod at napaluhod sa lupa. Humagulhol siya ng iyak at hindi mapigilang hawakan ang malamig na kamay ng matanda. "D-don Matias..."

Agad na napayakap si Juancho sa Ginang na humagulhol sa iyak sa sobrang sakit. Napansin niya ang saksak ni Don Matias sa tiyan.

ALAS dyis na ng gabi nang makarating si Leonardo sa mansyon, hindi niya mawari kung bakit napakatahimik ng paligid, "Lolo? Nandito na po ako! May dala akong paborito niyong tinapay na regalo ng Visitador-Heneral sa akin-" Nakarinig siya ng iilang hikbi kung kaya ay pinuntahan niya agad nito, naabutan niya ang mayor-doma sa comidor. "Nanay Sylvia? Bakit kayo'y tumatangis?"

"Leonardo..."

Hindi na niya mawari ang sumunod na nangyari basta'y nakikita na niya ngayon ang sarili sa labas ng morgue. Umiiyak at nagsusumamo na pumasok sa loob subalit pinagbawalan siyang pumasok dahil sa maselan ang kaniyang makikita.

Mahigpit siyang napayakap sa braso ng ina at umiyak nang umiyak, nalaman din niyang nawawala ang dalaga kung kaya ay doble ang sakit na kaniyang nararamdaman ngayon. "Magbabayad ang may gawa nito!" Pagtatangis pa niya.

KINABUKASAN ay maagang pumunta si Leonardo sa tahanan ng ama. "Ama! Buksan ninyo ang pinto!" Bumungad sa kaniya ang madrasta, "Si ama?"

"Natutulog." Ikling tugon ni Rosita, "Bakit?"

Napamura sa isipan si Leonardo at napaigting ang kaniyang panga, "Kahit man lang na panindigan niya ang pagiging anak niya kay lolo! Patay na si lolo Matias!"

Lumabas si Don Anghelo at seryosong napatingin sa anak, "Alam kong wala na siya."

Napayukom siya ng kamao, "Bakit hindi ka man lang gumawa ng paraan para matugis ang may gawa sa karumaldumal na sinapit ni lolo?! Bakit parang wala kang pakialam?!" Hindi mapigilan ni Leonardo ang sabihin dahil sa bigat na naramdaman niya.

Hindi naman makaimik ang lalaki sa tinuran ng anak, ngayon niya lang itong narinig na magalit nang sobra.

"Para na rin akong naputulan ng pakpak sa mga pangyayari ngayon" Ani Leonardo na may seryosong boses bago tumalikod at umalis.

NANG makarating ang binata sa likuran ng simbahan ay nadatnan niya ang burol ng kaniyang lolo.

"Nakikiramay po kami, Senyor."

"Ako'y lubos na nalungkot sa sinapit ni Don Matias."

"Hindi na makakaranas ng sakit ang iyong butihing lolo."

Iyan lamang ang kaniyang mga narinig sa mga panauhin. Tanging tango lamang ang kaniyang maisasagot.

Sa unahan ay nakita niya ang ina na tulala lamang na nakaharap sa ataul. Kung may labis na nasaktan ngayon ay isa na roon ang kaniyang ina.

Lalapitan na sana niya ang kaniyang ina nang may humawak bigla sa kaniyang kamay- si Preciousa. Nabasa niya agad ang kilos nito na gusto siyang kausapin.

Nang makarating sila sa isang pasilyo ay nabalutan ng katahimikan ang buong paligid. Hindi pa rin binibitawan ng dalaga ang kaniyang kamay. Tinitigan niya ito sa mga mata na minsa'y inakala niya na ito ang dahilan kung bakit siya nagpapatuloy sa buhay.

"L-Leonardo..." Garalgal ang boses nito nang magsalita, "A-Alam kong mahirap ito, a-alam kong mali ang pagkakataon na ito pero..."

Nakatitig lamang siya sa dalaga, walang emosyon at walang bahid ng pagkaba kung anuman ang nais sabihin nito.

"P-Pasensya na, Leonardo. H-Hindi ko na alam k-kung paano kita mamahalin..." Hikbing wika ni Preciousa, "S-si Julio... siya ang magiging ama ng dinadala kong supling sa aking sinapupunan."

Doon ay halos wala na siyang marinig at tila naging blangko ang lahat. Hindi na niya naririnig ang pag-iyak ng babaeng naging kasintahan niya sa loob ng pitong taon.

Naramdaman na niya lamang ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang labi. Pero ni katiting na emosyon ay naglaho na parang bula. Naiwan siyang tulala habang tinitingnan si Preciousa na lumalayo.

MULA sa malayo ay natatanaw ni Leonardo ang paghihinagpis ng mga taong naroroon.

Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa patungo sa libingan. Kasama niya ngayon ang kaniyang ina, pansin na pansin niya ang pangangayayat nito na tila ba hindi na nakakatulog nang mahimbing sa gabi. Pitong araw na ang nakaraan pero wala pa ring bakas ng dalaga pero nagtitiwala sila na babalik ito.

Naramdaman din niya ang pagtabi sa kaniya ni Juancho. "Lahat ng sugat ay maghihilom sa takdang panahon."

Napatingin siya sa kaibigan, hindi na nababakasan ng pagkasigla ang mga mata nito at katulad niya ay parang iisang emosyon na lang ang alam- ang maging malungkot.

Lumipas ang mga oras at nakikita niyang paunti nang paunti ang mga tao sa libingan pero nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa pinaglibingan ng kaniyang lolo. Umuwi na ang kaniyang ina kasabay ni Juancho. Hindi niya mapaniwala na kasing bilis ng kidlat ang pangyayari sa kaniyang buhay. Kung kailan pa siya umangat-angat ay iyon din ang biglaan niyang pagbagsak.

Pinunasan niya ang nahulog na luha sa kaniyang mata, panaka-naka na lamang ito na tila isang senyales na wala na siyang mailuluha pa.

Sa huling pagkakataon ay naglakad siya papalayo sa sementeryo na iyon at tumungo sa isang lugar na kung saan niya gugunitain ang lahat.

LUMIPAS pa ang mga araw at buwan ay wala na silang naging balita pa sa dalaga. Samantalang si Ginang Margarita ay nakaratay na lamang sa higaan at mas naging masakitin pa. Laging bukambibig ang dalaga. Dinala na lamang siya ni Leonardo sa tahanan ng kaniyang lolo.

"Amigo!" Tawag ni Juancho mula sa labas ng mansyon.

Agad naman na lumabas ang binata at nadatnan ang kaibigan na pawisan, "Ano? Bakit parang galing ka sa karera?"

"Tinakbo ko lang mula sa sentro. N-natugis na ang pumatay sa iyong lolo. Balita ko'y..."

"Ano?"

"May kinalaman sila sa pagkawala ni Mila." Malungkot na pakli ni Juancho.
----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro