Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XVIII

NANG matapos kumain ay ibinalik na ni Ginang Margarita ang kaniyang balabal. Alam niyang may mga matang nakatuon sa kaniya ngayon. Napansin din niya ang bulungan sa kabilang mesa.  Napansin naman iyon ni Miles at agad niyang hinaplos ang kamay ng babae.

"Aba, dapat hindi pinahintulutan na tumuntong ang pangit na iyan dito." Saad ng isang babaeng mataba na nabibilang sa alta sociedad.

Napapaypay naman nang mabilis ang kasama nitong may makapal na kolorete sa mukha. "Siyang tunay, hindi naman na siya nabibilang sa matataas."

Tila isang batingaw iyon sa tenga ng dalaga, hindi naman iyon alam nila Leonardo, Juancho at Don Matias dahil abala sila sa mahalagang pag-uusap sa isang kakilala sa kabilang bulwagan ng hotel matapos kumain.

"Sumusobra na sila," Pabulong ngunit gigil na saad ni Miles kay Ginang Margarita.

"Hayaan mo na, hija. Sanay na ako at hindi ko na lamang sila pinapansin." Litanya ng babae ngunit napansin niya ang dalaga na matalim na nakatingin sa dalawa na kanina pa palihim na tumatawa sa likuran ng mga pamaypay nila.

"Sinumpa na siya ng diablo, aba! Dapat lang na–" Hindi natapos ng babaeng mataba ang sasabihin nang marinig ang kalampag ng mesa nila. Nakikita niya ang galit na mukha ng dalaga.

"Kung ang inyong sinasabi ay walang katuturan ay mas mainam na isara ninyo ang inyong bibig!" Nanggagalaiting saad ni Miles, "Walang nakakahawang sakit si Señora Margarita o hindi siya sinumpa sa diablo! Kayo! Kayo ang tunay na alagad ng diablo!"

Halos walang kurap ang mga tao sa paligid, kahit na sila Leonardo ay nakita ang gulo kung saan nanggaling. Agad na pinuntahan nila ang dalaga.

"At sino ka para lapastanganin kami?!" Bulyaw ng babaeng kasama ng mataba.

"At sino kayo para laitin ang babaeng sobrang bait?! Alam kong nilalait ninyo ang mukha ng Señora, dinig na dinig ko hanggang sa aming mesa!" Sigaw na pabalik ni Miles, "Wala akong pakialam kung galing kayo sa mataas na estado ng buhay! Kung mang-aapak lamang kayo ng kapwa ay mas mainam na ayusin ninyo ang inyong mga maiitim na budhi! Karma is real for stupid people like you!" Natigilan naman siya nang makapagsalita siya ng wikang ingles sa harapan ng maraming tao.

"Miles–" Pigil pa ni Leonardo ngunit winaksi lamang ang kaniyang mga kamay at tumungo  ito sa mesa.

"Halika na, Ginang Margarita. Aalis tayo sa impyernong lugar na ito." Kalmadong saad na ni Miles, "Nawa'y sumpain kayong lahat ng Panginoon!" Huling sigaw niya sa mga tao.

Todo despensa naman si Don Matias sa mga tao bago lumabas.

"Binibini! Ginang Margarita!" Dali-daling tawag ni Juancho sa dalawa nang makita sila na naghihintay na ng kalesa sa labas.

"Ina," Tawag pa ni Leonardo sabay lakad-takbong tumungo sa dalawa, "Mag hunus-dili ka, Mila! Gabi na para kayo lang na umuwi ni ina."

Seryosong napalingon si Miles sa dalawang binata, "Pasensya na sa aking kapahangasang ginawa, sapagkat sukdulan na ang kanilang pinapakita sa iyong ina. Bakit hindi mo siya kayang ipagtanggol sa nakakarami?"

"Mila–" Suway pa ni Ginang Margarita sa dalaga, "Husto na."

"Sumakay na kayo sa kalesa at sa mansyon kayo matutulog," Kalmadong saad ni Don Matias, "Juancho, umuwi ka na at lumalalim na ang gabi."

"Sí, Don Matias. Maraming salamat po." Magalang na sagot ni Juancho sa matanda. "Adios." Paalam niya pa sa kanila. Napasulyap pa siya sa dalaga na ngayon ay nakahalukipkip at nakasimangot. Gumuhit sa kaniyang labi ang mga ngiti nang makatalikod na.

KINABUKASAN ay nagising na lamang si Miles sa haplos ng mga kamay ni Ginang Margarita sa kaniyang buhok. Napahimbing ang kaniyang tulog dahil na rin sa pagod at sinabayan pa ng malambot na kama.

"G-ginang Margarita?"

"Magandang umaga, hija." Bati ni Ginang Margarita sabay ngiti.

Agad naman na napabangon si Miles at inayos-ayos ang sarili. Nakikita niya naman ang sariling repleksyon sa salamin kung kya ay napanatag siya nang makita na walang natuyong laway sa kaniyang labi.

"Kumusta ang iyong tulog, hija?"

Ngumiti nang matipid si Miles bago sumagot, "Maayos lang naman po, Ginang. Pasensya na po kagabi."

"Huwag kang mag-alala, Mila. Ako'y masaya sa iyong katapangang ginawa," Mahinahong sambit ni Ginang Margarita, "Kakaiba ang iyong karisma at talagang ikaw ay palaban. Alam mo ba, noong dalaga pa lamang ako ay sumagi sa aking isip na kapag ako'y nakapag-asawa na ay gusto ko ng babaeng anak."

Nakinig lamang ang dalaga sa sinasabi ng Ginang.

"Hindi man ako pinagbigyan ng isang babaeng anak ay kahit papaano ay nariyan ka, na dumating sa hindi inaasahang pagkakataon."

Napaawang ang labi ni Miles sa narinig at tila ba umatras ang dila, kung kaya ay niyakap na niya lamang ang babae.

"Maraming salamat, Mila." Pabalik na yakap ni Ginang Margarita.

Kakalabas lang ng pintuan ni Don Matias nang makita ang pangyayaring yakapan ng dalawa kung kaya ay napangiti siya at sinenyasan ang isang katulong na lumapit sa kaniya, "Sabihan mo na sila na kakain na ng agahan."

"Masusunod po, Don Matias." At agad na lumapit ang katulong sa pintuan ng silid.

MATAPOS ang agahan ay napagpasyahan nila Ginang Margarita ang umuwi dahil na rin sa kailangang ibenta ang nagawang ukit sa talipapa.

Samantalang si Miles naman ay kanina pa handa na lumabas ng mansyon nang biglang bumungad sa pintuan si Juancho.

"Magandang umaga, binibini. Mukhang kayo'y aalis na? Mabuti at inabutan ko pa kayo." Nakangiting saad ni Juancho sa dalaga.

"M-magandang umaga rin, ginoong Juancho–"

"Mi amigo!" Tawag pa ni Leonardo sa kaibigan, "Kanina ka pa?" Tanong nito nang makalapit sa dalawa.

"Bago lamang ako nakarating. Ako'y lubusang mapalad ngayon dahil nakita ko ang iyong pinsan," Pilyong saad ni Juancho.

Napayuko naman si Miles nang marinig ang kataga. Hindi siya sanay sa ganitong eksena.

Napaismid naman si Leonardo sa tinudan ni Juancho, "Aba, ikaw ba ay pumuporma sa aking pinsan? Ha!"

Tumawa naman si Juancho, "Bakit? Bawal ba?"

"Hay naku, Juancho! Kay aga aga pa sa ganiyang usapin." Natatawang singit ni Ginang Margarita, "Anak? Kami ay uuwi na. Pakisabi na lamang sa iyong lolo na umuwi na kami."

Tumango tango naman si Leonardo at agad na napayakap sa ina, "Mila, ikaw na muna bahala kay ina, ha. Ako'y magiging abala dahil sa papalapit na piyesta sa bayan at magiging abala rin ako ngayon sa skwela."

"S-sige, Senyor." Tugon ni Miles.

"Mag-ingat ka, senyora Margarita at sa iyo, binibini." Ani Juancho, sinagi naman siya ng kaniyang  kaibigan kung kaya ay inismiran niya na lamang ito.

Nang makalayo-layo na sina Miles at Ginang Margarita ay agad na kinuha ni Leonardo ang tampipi.

"Ako'y nahihiwagaan sa iyong pinsan, mi amigo. Siya'y nagmura sa salitang ingles." Saad pa ni Juancho.

"Si Mila ay mahilig magbasa ng mga libro, amigo. Marahil ay galing sa isang kwento ang kaniyang tinuran," Pagsisinungaling pa ni Leonardo, "Mukhang interesado kang tunay sa kaniya."

"Tama ka, mi amigo. Ang babaeng katulad niya ay dapat lang na iniingatan at minamahal–" Hindi pa natapos ng binata ang sabihin nang biglang tumawa si Leonardo. "Bakit mo ako tinatawanan?"

"Mahal mo agad? Kagabi lamang kayo nagkita. Tingnan na lamang natin kung papansinin ni Mila ang iyong nararamdaman." Tukso pa ni Leonardo.

"Tutugtugan ko siya ng biyulin. Iba ang karisma ng mga biyulinista!" May pagmamalaki na boses ng binata.

Tumawang muli si Leonardo, "Aba, kailangan mong mas lamangan kaming mga piyanista."

Hanggang sa tumawa na lamang silang dalawa at nagpasyahan ng lumabas upang pumunta sa isang eskwelahang ekslusibo para lamang sa mga lalaki.

SA talipapa na kung saan ang pwesto na pagbebentahan nila ni Miles ay naroroon ang iba't-ibang disenyo ng mga palamuti at abala rin ang lahat ng mamimili.

"Bili na po kayo nitong plato na gawa sa kahoy! Matibay at kahit na ipangsampal niyo sa mga matitigas ang mukha ay tiyak na hindi ito mabibiyak!" Paghihikayat pa ni Miles sa mga taong dumaraan sa harapan nila. "Señorita! Bili na kayo!"

Huminto naman ang isang dalaga sa harapan ni Miles at tumingin-tingin ito sa mga nakalatag na plato, baso, at iba pang kagamitan na makikita sa bahay, "Ang galing ng pagkakagawa nito, ikaw ba ang may gawa?"

Humagikgik naman si Miles at napatango, "Ang iba po, senyorita. Tinuruan ako ng may-ari talaga nitong tindahan. Tingnan mo ang malalaking aso at lalagyan ng inihaw na baboy, hindi ba't nakakamangha?"

"Siyang tunay, nais ko sanang makilala ang may-ari–"

"Ah– wala siya rito. May pinuntahan. Bakit po?" Pagsisinungaling ni Miles sa dalaga, bilin sa kaniya ng Ginang ay hindi pwedeng ipagsabi ang tungkol sa kaniya.

Noong unang nagtinda si Ginang Margarita ay suot suot niya lamang ang balabal na tabon ang mukha. Pero kalaunan ay hindi na niya makakaya ang ganoong istilo dahil siya'y nahihilo at isa rin itong sanhi na sa isang linggo ay isa o dalawang beses lamang siyang makakapagtinda. Lubos ang kaniyang pasalamat nang dumating si Miles dahil may karamay na siya.

"Kapag dumating na siya ay sabihan mo na lamang na inyayahan ko siya sa isang patimpalak ng pag-uukit. Magsisimula bukas at matatapos sa huling araw ng piyesta. Ikaw rin? Baka balak mong sumali." Wika ng dalaga.

Napakamot sa batok si Miles at nahihiyang napangiti, "Tingnan ko lang. Tiyak na maraming magagaling ang sasali,"

"At sa aking wari'y, magaling din kayo ng may-ari ng tindahan na ito. Dalawang daang piso ang premyo. Manonood din ang tanyag na piyanista na si Don Matias at ang apo nitong si Senyor Leonardo, kahit Gobernadocillo ay ganoon din." Mahabang litanya ng dalaga.

Napangiti nang kusa ang mga labi ni Miles sa narinig, "Sige po, binibini. Sabihan ko lamang po ang may-ari nitong tindahan."

"Mabuti. Adios, binibini!"

"A-adios." Napaismid si Miles nang makatalikod na ang babae, "Akala ko naman ay bibili." Saad niya sa sarili. Kaniya na lamang inayos ang mga paninda.

"AMA, ano itong nauulingan kong kaguluhan sa Hotel de Oriente kagabi? Kasama mo si Margarita at isang estranghera?" Biglang tanong ni Don Anghelo sa kaniyang ama na kakarating lang sa munisipyo. "Hindi ba't naputol na ang ugnayan natin sa babaeng yaon?"

Inayos-ayos ni Don Matias ang kaniyang kwelyo at hinubad ang sombrero. Tanging tunog lamang ng kaniyang sapatos at baston ang umalingawngaw. Umupo siya at hinanda ang ibang papeles sa mesa.

"Ama! Totoo ba ang mga kwentong kalat? Nag eskandalo ang isang mujer na hindi niyo kilala nang husto?!"

Napatingin nang seryoso si Don Matias sa anak, "Iyan ba ang ibubungad mo sa akin? Hindi pagbati at pagmano? Hindi kita pinalaking bastos, Anghelo. Kahit nasa wastong edad kana ay wala kang karapatan na ako ay sigawan." Kalmadong wika ng matanda.

"Nadadawit ang aking ngalan, lalo na at naroroon kayo ni Leonardo!"

"Kay init ng iyong ulo, iyon ay tapos na. Bakit mo kailangang malaman? Sige, dahil sa ginawa mo ay nakakasakit ka ng tao. Nilalait ang iyong dating esposa kung kaya ay pinagtanggol siya ng kaniyang pamangkin.  Minahal mo pa rin si Margarita, Anghelo. Kahit katiting lamang na respeto, sana ay iyong binigay! Walang ginagawang masama sa iyo ang babae para lapastanganin mo ang kaniyang pagkatao!"

Hindi magawang makaimik ni Don Anghelo sa tinuran ng ama, napayukom ang kaniyang kamao at nakabuo ng plano sa kaniyang isipan. Nais niyang ipadukot ang estrangherang babae.

"Kung may gagawin ka naman na ikakapahamak ni Margarita ay hindi ako mag da-dalawang isip na ipagtanggol siya. Walang anak anak dito lalo na kung mali ang iyong katarungan." Matigas na turan ni Don Matias.

"Sí, ama. Pasensya na sa aking nasabi. Ako'y nagulat lamang sapagkat ang mga babaeng nakasagutan ng estranghera ay kaibigan ni Rosalia." Kalmado na ngayong boses ni Don Anghelo.

Napailing na lamang ang matanda at ibinaling na lamang ang sarili sa gawain bilang isang tagapamahala ng salapi.

---





Juancho Salazar

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro