Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XV

"INGATAN ninyo ang statwa ng aking tiyo." Paalala pa ni Sir Francois nang matanggal na sa pwesto ang statwa. "Pakiusap." Tapos sinundan niya pa ang mga nagbuhat palabas.

"Kumalma lamang po kayo, sir Frans." Saad pa ni Jamaica.

"Mag-ingat kayo sa hagdanan!" Paalala muli ng matanda, "Mahirap na, mabigat pa naman 'yan."

"Ang hirap pala kapag may facemask sa bibig at ilong kapag may binubuhat." Saad pa ng drayber ng truck.

"Totoo talaga, manong. Naku!" Tugon pa ni Jamaica, "Sir Frans, mas mainam na palagyan ko na lang muna ng fountain ang gitna ng casa."

"Gawin mo na ang gusto mo, Jai." Pakli pa ni Sir Francois habang nakatingin pa rin sa mga nagbubuhat.

"Salamat, sir Fra-"

"Ingat!" Napasigaw ang matanda nang muntikan ng matalisud ang isa sa mga taga-buhat, "Kahit na abutan tayo ng madaling araw dito sa casa, gusto kong makita ang statwa na- QUE BARBARIDAD!"

Halos hindi sila makapaniwala sa susunod na pangyayari nang sumabit ang laylayan ng damit sa isang bakal ng isa sa mga tauhan at natalisud, sanhi ng pagbitaw niya sa likurang bahagi ng statwa. Nabasag ito.

Ang iba ay nadaganan pa ng mga natipak na semento.

Parang binuhusan ng napakalamig na tubig ang buong katawan ng matanda sa natunghayan. Bumabagal ang lahat sa kaniyang paligid, kahit ang nag pa-panic na si Jamaica ay tila ba hindi mapasok sa kaniyang isipan.

"Sir Francois!!!" Sigaw ni Jamaica nang makita ang matanda na napaupo sa sahig at napahawak pa ito sa dibdib.

"H-hindi!" Bulahaw pa ng matanda.

NANATILING magkayakap si Leonardo at Miles habang tumutugtog pa rin ang musika. Ngunit napansin niyang mukhang bumibigat ang binata at parang  matutumba na sila. "Leo? Okay ka pa ba?" Tanong pa niya habang tinapik ang likuran ng binata. Hindi na niya mapigilan at parehas silang bumagsak sa damuhan.

"Leo?" Sabay tapik niya sa pisngi nito, "Leo, huwag kang magbiro ng ganiyan! Hindi nakakatuwa! Huy!"

Ngunit walang naging tugon ang binata at nanatili itong wala sa ulirat.

"Leo naman o! Please, huwag kang magbiro." Ginagapangan na ng pag-aalala si Miles sa binata. Naisipan niyang i-check ang pulsuhan nito. "TAY! NAY! MILO! TULONG!"

Narinig naman iyon ni Lydia at Nanding kung kaya ay agad silang lumabas sa likuran ng kusina.

"Ano ang nangyayari, anak?!" Nagulantang si Lydia sa nakita, "Napaano si Leonardo?"

"H-hindi ko alam, nay!" Hindi na mapigilan ni Miles ang mga luha na gustong kumawala sa kaniyang mga mata.

"Leo? Gising" Tapik pa ni Nanding sa binata. "Bakit hindi na siya humihinga?"

Doon ay halos umalingawngaw ang iyak ni Miles, "M-may kailangan akong tawagan." At agad siyang tumayo at tumakbo, kahit na halos matalisud sa daan patungo sa kanilang bahay at kahit na nanlalabo na ang kaniyang mga mata ay kinaya niya ito.

"Ate?! Ano ang nangyari?!" Pag-aalalang katanungan ni Milo sa ate.

"Kailangan kong tawagan si Sir Francois! Kailangan kong tawagan si sir!" Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang tinitipa ang bawat numero sa telepono na nakasulat lamang sa isang sticky note na nakadikit sa dingding. Halos hindi na siya makakurap sa mga hindi inaasahang pangyayari. Parang mawawalan na siya ng hininga. Napaupo siya sa sahig.

Tumabi si Milo sa nakakatandang kapatid at napaiyak na rin. Kaniyang niyakap ang ate.

ALAS dos na ng madaling araw nang marating ni Sir Francois ang bahay nila Miles. Mugto rin ang kaniyang mga mata sa buong magdamag na pag-iyak.

Nakita niya ang tiyuhin na nakahiga sa isang malambot na kama na tila natutulog lang nang mahimbing. "Pasensya na, tiyo. Hindi ko nagawang iligtas ka sa kapahamakan."

Bumuhos muli ang luha ni Miles nang makita ang pagdadalamhati ng matanda. Sobrang naaawa siya rito at alam niyang sobrang mahal nito ang tiyuhin.

"P-pero... gagawin ko pa rin ang lahat, tiyo. Gusto kong mabuhay ka nang masaya." Saad ni Sir Francois. "Miles, samahan mo muna ako sa labas."

Wala namang sa sariling napatango si Miles.

NANG makarating ang dalawa sa labas ay may kung anong kinuha si ang matanda sa bulsa nito.

"Mahal ko si Leonardo." Iyan na lamang ang nasabi ni Miles.

Natigilan naman si Sir Francois sa ginagawa, "Kung sa gayon ay kailangan mo akong tulungan kung sino ang gumawa ng statwa." Sabay pakita niya ng isang maliit na orasan, "Ibabalik kita sa nakaraan."

"P-paano? Maiiwan ko po sila." Hindi makapaniwalang saad ng dalaga.

"Huwag kang mag-alala, hija. Titigil ang oras dito sa kasalukuyan." Ani Sir Francois, pagkatapos ay napahinga nang malalim, "Last alas ko na lang ito." Pagkatapos ay pinihit na niya ang maliit na bakal sa orasan na siyang nakakapag galaw ng dalawang kamay nito. Pabaliktad ang kaniyang pagpihit para maibalik si Miles sa nakaraan.

Napangaga ang dalaga sa natunghayan sa kalangitan, pabaliktad ang bawat galaw ng mga ibon, pati na ang mga ulap at kulay ng langit ay umaatras.

Hanggang sa natunghayan nila ang isang napakalaking mansyon.

"B-bakit malayo po ito sa totoong Casa Romero?" Hindi mapigilang katanungan ni Miles sa matanda, "At... at... Nag-iba na rin ang aking kasuotan at-" Napatabon siya bigla ng bibig, "At ang aking tagalog ay naging matatas."

"Maligayang pagdating sa taong 1895." May hiwagang saad ni Sir Francois, "Mag-ingat ka parati. Tumatakbo ang oras, Mila. Kilalanin mo na ang may gawa ng statwa."

Nawindang man si Miles ay agad niyang pinuntahan ang naturang mansyon na sa kaniyang palagay ay may piging na nagaganap. Wala siya sa sarili at tila may hinahanap siya sa kaniyang paningin.

"Ama, hindi pa ako handa na ipakasal ako kay binibining Preciousa. H-hindi ko magawang magkaroon ng pamilya dahil nais kong pagtuunan ng pansin ang aking pag-aaral."

Dinala ang dalaga ng sariling paa sa isang bintana na kung saan naririnig niya ang pamilyar na boses.

"Akala ko ba ay mahal mo ang dalaga? Pero bakit ngayon ay ayaw mo siyang pakasalan? Ano ba ang nangyayari sa'yo, Leonardo?"

"Oo nga't mahal ko siya pero ayaw kong maging miserable ang kaniyang buhay. Gusto kong may maipapagmalaki ako sa babaeng gusto ko."

Nang marinig ni Miles ang mga katagang iyon ay tila ba may kirot na namutawi sa kaniyang puso.

"Pag-isipan mo nang mabuti!"

Nagulat naman ang dalaga sa padabog na pagsara ng pinto.

Samantalang si Leonardo naman ay nilagok ang vino sa baso at agad na binuksan ang bintana at doon balak na lumabas. Pero kailangan niyang lumundag nang kaunti.

"Ay Dios mio!" Gulat na saad ni Miles nang humarap sa gawi ng bintana.

Kahit na ang binata ay nagulat din, "K-kanina ka pa nakikinig? Espiya ka ba?"

"Ha? H-hindi ako espiya, Ginoo. Sa katunayan ay... N-naliligaw ako, oo, naliligaw ako!"

Ngumisi si Leonardo, "Magpatulong ka na lang sa mga gwardiya sibil. Wala kang maaasahan sa akin." Pagkatapos ay isinabit na niya sa balikat ang isang eskudo.

Napakunot-noo si Miles sa sinabi ni Leonardo.

Ibang-iba ang ugali ni Leonardo sa panahon na 'to. Mukhang suplado! Pero susundan pa rin kita.

----

Author's Note: Sa susunod na mga kabanata ay matutunghayan natin si Leonardo sa iba't-ibang taon. I know medyo magulo pero,  talagang magulo. HAHAHA eme. Basta. Abangan na lamang.

Ihanda ang tissue at ilong upang hindi dumugo sa malalalim na tagalog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro