Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XIX

HAPON na nang mapagpasyahan na umuwi ni Miles at Ginang Margarita sa bahay. Lubos silang nasiyahan dahil na rin sa marami ang bumili sa kanilang paninda, kadalasan ay mga plato at lalagyan ng inihaw na baboy ang nabili sa kanila.

"Ang nais kong hapunan ay paksiw na isda," Nakangiting sambit ni Ginang Margarita sa dalaga, "Tayo'y pupunta sa palengke at mamili."

Napangiti si Miles nang malapad at agad na tumango nang maraming beses.

Nang makarating sila sa bilihan ng mga isda at karne ay mas lalong nabighani ang dalaga sa payak na estilo ng palengke. Lahat ay nakangiti at masigla ang bawat bati sa mga mamimili at sa hindi kalayuang tindahan ay natanaw niya si Preciousa na may kasamang dalawang kasambahay.

"Ginang, nariyan pala si Binibining Preciousa" Sambit ni Miles, "Lapitan natin siya." Ngunit nang akmang lapitan na niya ay sumingit naman ang babaeng mataba na naging kaaway niya sa hotel.

"Aba, pati ba naman dito ay naghahasik pa rin kayo ng kadugyutan at kahangalan?!" Singhal ng babaeng mataba sa kanila.

Todo na ang pagkapit ni Ginang Margarita sa braso ng dalaga upang mapigilan ang pagsugod nito sa matabang babae.

"Ang nakabalabal na iyan ay si Margarita! Ha! Tiyak na mamalasin ang inyong mga paninda!" Panunukso ng babae sa kanila.

Halos nagimbal ang lahat sa sinabi ng matabang babae. Habang si Miles ay napapikit sa sobrang inis at napayukom ng kamao. Bigla siyang kumawala sa hawak ni Ginang Margarita at agad na tinapakan ang maruming tubig sa lupa upang tumalsik ito sa saya ng matabang babae.

"Que horor! Ang aking palda!" Mangiyak-ngiyak na saad ng babae. "Guwardiya sibil!"

"Hoy! Ikaw na mujer ka! Ikaw pa talaga ang may balak na magtawag ng guwardiya sibil?! Kasing-kapal naman talaga ng iyong bilbil ang iyong mukha!" Singhal ni Miles. "At kayong lahat na naririto! Nilalason lamang ang utak ninyo ng babaeng ito!"

"Estupida ka!"

"Mas estupida ka!" Palaban na tugon ng dalaga, sobrang gigil na gigil na siya sa babae.

"Ano na naman ang kaguluhan na ito?!" Biglang singit ng isang guwardiya sibil.

"Iyan! Ang babaeng iyan ang may pakana kung bakit ako ay nadumihan!" Pag da-drama pa ng babaeng mataba.

"Ang mas mainam na gagawin ay pupunta tayo ngayon sa himpilan para mas malinawan tayo." Kalmadong saad ng guwardiya-sibil.

"Sasama ako!"

Napatingin si Miles sa pinagmumulan ng boses.

"Sasama ako, isa ako sa mga nakakita ng kaganapan na ito." Ani Preciousa.

Agad naman na tumango ang guwardiya-sibil, "May saksi na. Hali na kayo."

Samantalang si Ginang Margarita ay ipinulupot ang braso sa braso ni Miles at ngumiti siya rito. Ngayon niya lang naranasan na may kakampi habang wala ang anak.

PAGKADATING sa himpilan ay panay salita na ang matabang babae na nagngangalang Conchita. Puro siya satsat at umiiyak na peke lamang.

"Kung hindi ka lang sana nanglait sa amin ay hindi ka makakatikim ng dumi." Kalmado ngunit matigas na turan ni Miles.

"Ina, kumusta ka?" Biglang tanong ni Leonardo nang makarating sa himpilan, kasama niya si Juancho "May nagsabi sa akin na kayo ay nadawit ni Mila sa kaguluhan." Napatingin siya sa babaeng mataba, naalala niya ito. Napatingin din siya sa kaniyang irog na ngayon ay nakaupo katabi ni Miles.

"Ang babaeng iyan! Wala siyang respeto sa akin!" Singhal muli ni Conchita.

"Mawalang galang na po, Alperez Corpuz, ngunit batay sa aking nasaksihan ay ang nanguna sa gulo ay si Ginang Conchita." Despensa ni Preciousa kay Miles, "Lalo na at may pinagsasabi siyang mamalasin ang mga tindera at tindero sa talipapa dahil sa presensya nila."

"Hindi iyan totoo!"

"Anong hindi totoo? Marami ang nakasaksi!" Giit pa ni Miles.

"P-pero dinumihan mo ako!" Pag-aaklas pa ni Conchita, "Hindi ba't may parusa kapag ganito? Lalo na at galing sila sa mababang antas?!"

Doon ay parang nakuryente si Miles sa pinagsasabi ng babae at nagawa niyang ihambalos ang kamay sa ibabaw ng mesa, "Ano?! Kapag may nagawang hindi kaaya-aya ang mga mayayaman ay ayos lang at madadala sa salapi? Pero kapag kaming mahihirap ay hindi pwedeng ipaglaban ang sarili? Dahil nakatatak na sa inyong mga utak na mahirap ay wala talagang kaya?! Sabagay, oo nga naman, pero hindi sa aking perspektibo! Hindi ko hahayaan na aapakan kami nang basta basta na lamang!" Litanya ni Miles, "Nagpapahalata lamang kayo na kayo'y tunay na mga bulag at bingi! At Hahayaang maging panatiko sa bulok na pamamalakad ng mga mananakop!"

Halos napatunganga silang lahat sa sinabi ng dalaga, ramdam nila ang pag-aalab ng galit nito.

"At ikaw, Ginang Conching- or whatever your name is, mali ka ng iyong nakabangga. Hinding hindi mo kami mahahawakan sa leeg! Kaming mga nasa mababang antas ng lipunan ay may boses at may karapatan!"

"Husto na, sapat na ang aking narinig. Pumapanig ako sa iyo, binibini. Señorita Conchita, maaari ka na pong umuwi at gumagabi na. Bukas ay magpapadala ako ng liham para bayaran mo ang ginawang panlalait sa kanila," Mahinahong saad ni Alperez Corpuz.

Halos hindi makapaniwala si Conchita sa narinig. Wala siyang nagawa kundi ang padabog na umalis sa himpilan.

Sumilay sa labi ni Ginang Margarita ang ngiti, kahit na si Preciousa ay napayakap kay Miles.

Si Leonardo naman ay hindi alam ang nais sabihin dahil may nararamdaman siyang kakaiba kay Miles, tila isang babaeng dalubhasa na nakipagtalastasan.

"Talagang napakahusay mo sa iyong katarungan, binibini. Ako'y talagang pinahanga mo." Saad ni Juancho at agad na hinubad ang sombrero at inilagay sa dibdib bilang isang tanda ng paggalang.

Ngumiti nang matipid si Miles at napansin si Leonardo na seryosong nakatingin sa kaniya ngayon na tila ba hinuhusgahan ang kaniyang buong pagkatao.

KINABUKASAN ay napag-isipan ni Miles na mag-igib ng tubig para may maiinom sila. Hinanda na niya ang pansalok at timba. Pupunta siya ngayon sa isang sapa na hindi naman kalayuan sa tahanan.

Humihimig lamang ang dalaga habang dala-dala ang timba at napapangiti dahil naalala na naman niya ang buhay sa hinaharap. Nangungulila na siya nang lubos kung kaya ay ipapangako niya sa sarili na matapos ang misyon sa nakaraan.

"Binibining Mila"

Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses, "S-señor Francois?"

"Ikalawang babala ko na ngayon, huwag na huwag mong baguhin ang nakasaad na mga pangyayari rito sa panahon na ito," Kalmado ngunit seryosong saad ng matanda, "Maaaring malagay ang iyong buhay sa alangin at maging ang mga malalapit na tao sa buhay ni Leonardo."

Napayuko siya at napakagat ng labi. Inangat niyang muli ang mukha, "P-pasensya na po. Hindi ko po talaga mapigilan na makisali dahil hindi ko maatim na nilalait ng mga mas kalait-lait pa si Ginang Margarita." Nakita niyang umiling si Sir Francois.

"Hindi mo alam kung ano ang takbo ng utak ng mga tao rito sa panahon na ito."

Napataas naman ang isang kilay ni Miles, "Mukhang wala naman po, kung sa ugali ang pagbabasehan, parang ganoon din sa kasalukuyan."

Napabuga nang hangin ang matanda at pagkatapos ay napatingala sa langit, "Kahit ang langit na kalmado at inosente ay maaaring magbibigay ng kulog at kidlat. Heto, makinig ka nang mabuti, hija, huwag mong subukan na makaharap ang ama ni Leonardo."

"Bakit po?" Kunot-noong katanungan ni Miles, "Alam ko naman na masamang tao po iyon."

"At- at, hinay-hinay sa pagsasalita ng ingles." Babala pa ni Sir Francois, "Maaari kang maparusahan sa panahon na ito. Mahihinalaan ka nilang mangkukulam."

Napaismid si Miles sa narinig. "Hay, kung napunta na lang sana ako sa panahon na nalaman ko na kung sino ang may gawa ng estatwa, ay natapos na sana itong paghihirap ko." Reklamo niya pa.

Napataas ang isang kilay ng matanda at umiling-iling, "Hindi mo maiintindihan ang daloy ng storya kung lilipat na naman tayo ng panahon, gusto kong matuto ka rin, Mila-" Nais pa niya sanang magsalita nang marinig ang iilang yapak ng kabayo mula sa hindi kalayuan.

"Binibini!" Tawag ni Juancho sa dalaga na tila may kausap pero wala naman, agad siyang bumaba at hinila ang kabayo papunta sa isang puno upang itali ang lubid na nakakonekta dito upang hindi makawala.

Nagitla si Miles sa biglaang pagdating ng binata, nang lumingon sa kinaroroonan ni Sir Francois ay wala na naman ito, "Ginoong Juancho? B-bakit ka nandito?"

Ngumiti si Juancho habang naglalakad papalapit sa dalaga, "Nagliliwaliw lamang ako rito kapag nakakaramdam ako ng kabagutan sa tahanan."

"G-ganoon ba? H-hindi ka pumasok sa paaralan?"

Tumawa nang mahina ang binata, "Iyo na bang nakakaligtaan na ngayon ay araw ng sabado? Tila mukhang may malalim kang iniisip kung kaya ay hindi mo na batid kung anong araw na ngayon."

Napangiti si Miles at napahimas sa batok, "Pasensya na, mukhang ganoon na nga, marami akong iniisip. Teka, mag-iigib pa ako ng tubig sa sapa."

"Maaari ba akong sumama?" Tanong pa ni Juancho, "Tutulungan kita, lalo na at tatlong timba ang iyong dala. Da-dalawa lamang iyong kamay."

Napatawa nang mahinhin si Miles at agad na umiling, "Baka kung ano pa ang isipin ng iba kung may makakakita sa atin."

"Ano ba ang masama sa pag-igib ng tubig? Ano ang masama sa pagtulong?"

"Kung sabagay, halika na at nang masimulan na natin ang pag-igib." Ani Miles at agad na kinuha ang mga timba sa lupa at naunang maglakad. Habang ang binata ay sumunod na lamang sa kaniya.

"SIGURADO ka ba rito, sinta?" Tanong ni Preciousa nang makita ang masukal na kagubatan, "Ito ang iyong sinasabi na kapag malungkot ka ay dito ka nagpapalipas ng oras?"

Ngumisi si Leonardo, "Hindi rito, sa unahan ay may sapa. Huwag kang mag-alala, pagkatapos ng ating pagliliwaliw sa sapa ay pupuntahan natin si ina at ang aking pinsan."

Tumango si Preciousa at hinigpitan ang paghawak sa dalang buslo na naglalaman ng mga prutas at ibang pagkain.

Nang makarating ang dalawa ay agad na nakarinig sila ng mga tawanan at tunog ng tubig na tila may nagtatampisaw. Agad na hinawi ni Leonardo ang isang malaking dahon ng gabi. Doon ay nakita niya si Juancho at Miles na masayang nag-uusap habang sumasalok ng tubig.

"Ano ba ang iyong nabasang libro, binibini?" Tanong pa ni Juancho sa dalaga, nasisiyahan siyang makipag-usap dito dahil may dating at may laman ang bawat salita na sinasabi.

"Ah- oo, Les Miserables, ginoo." Tugon ni Miles, nagtaka naman siya nang tumigil ang binata sa pagsasalok dahil sa bigla, "Bakit? May masama ba sa pagbabasa ng Les Miserables?"

"Aba, talagang gumawa ka nang paraan para makita ang aking pinsan." Basag pa ni Leonardo sa pag-uusap ng dalawa.

Biglang napalingon ang dalawa sa pinanggagalingan ng boses. Nabalot ng hiya si Miles nang makita si Leonardo.

"Amigo, pasensya na ngunit mali ang iyong iniisip. Tinutulungan ko na lamang na magsalok ng tubig ang iyong pinsan. Ako'y napadaan at sakto, nakita ko siya. Hindi ba, binibini?"

"O-oo, Leo." Nauutal na saad ng dalaga.

Lumabas si Leonardo mula sa mga halaman at inabot ang kamay ni Preciousa para alalayan ito.

Ngumisi si Juancho, "Mukhang makaka-disturbo tayo sa pagmamahalan ng dalawa, binibini. Mabuti pa ay iwan na natin sila." Natatawang saad niya pa.

Agad naman na kinuha ni Miles ang timba na naglalaman ng tubig, "Mas mainam."

"Hindi, yaman din lamang na nandirito na tayo ay mas mainam na saluhan na lang natin ang mga pagkain na dala namin," Pagpigil pa ni Leonardo.

"Siyang tunay, nais ko rin na makilala kang lubos, binibining Mila." Ani Preciousa.

Nagkatinginan si Juancho at Mila sa sinabi ng dalawa at kalaunay sabay silang napatango.

NAKATINGIN lamang si Miles kay Leonardo at Preciousa na masayang naliligo sa sapa. May kung anong kirot siyang naramdaman sa eksena kung kaya ay binaling niya ang sarili sa pagbabalat ng santol.

"Alam mo, mas mainam na magpakasal na ang dalawa. Pero itong amigo ko ang hindi pa handa. Baliktad, ano?" Natatawang saad ni Juancho sa dalaga, "Alam mo naman siguro ang prinsipyo ni Leonardo, hindi ba? Hindi siya iyong tipong inaasa lahat sa mga magulang. Gusto niyang may sarili siyang pundasyon."

Ngumiti nang matipid ang dalaga at tumango, "Masasabi kong swerte si Preciousa sa kaniya."

"Siyang tunay. Ikaw din, swerte ka para sa akin." Hirit pa ni Juancho kay Miles, nakita niya itong umismid na tila hindi natinag sa sinabi niya, "Iba talaga kapag mga matatalino, hindi agad nagpapatinag sa mga litanyang matatamis."

"May gusto ka ba sa akin, Juancho?" Wala sa sariling tanong ni Miles pero natauhan siya sa kaniyang nasabi nang makita ang binata na natigilan.

Kalaunay napangisi si Juancho, "Halata na ba? Pasensya na. A-alam kung-"

"Ano ba ang nagustuhan mo sa akin? Ako'y medyo maitim. Hindi kasing kulay porcelana at hindi makinis ang kutis." Seryosong litanya ng dalaga.

"Walang problema, ako'y mahilig sa maitim na kape, ako'y mahilig sa-"

"Iyon na ang problema, baka magsawa ka na." Sabay ngisi ni Miles, "Bago ka pumasok sa puso ko ay pumasok ka muna sa utak ko."

Napatawa naman si Juancho at napailing, "Kakaiba kang tunay, binibini."

Hindi na makaimik si Miles at pinatuloy ang pagbabalat. Kalauna'y kinain na niya ang santol.

"Maaari ba kitang ayain sa isang hapunan?" Lakas-loob na katanungan ni Juancho.

"Ano naman ang pag-uusapan natin?"

"Maitim na kape."

Napatawa na lamang silang dalawa sa mga sinabi.

Napansin naman iyon ni Leonardo na nagkakamabutihan na si Juancho at Mila pero may pakiramdam siya na hindi niya mawari kung bakit parang nais niya pigilan ang dalaga na mahulog dito.
----

Hi, sorry sa pang gho-ghost. Sadyang dumaranas lang ng isolation. Eme Ahahahahah!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro