Kabanata XIV
AGAD na tumungo si Miles sa kaniyang drawer upang kunin ang cellphone. "Gosh, kailangan kong ma contact si Sir Francois! Parang may mali!" Saad niya pa sa sarili. Agad siyang napa-install ng facebook.
"Binibini, huwag ka nang mag-alala sa akin." Biglang sambit ni Leonardo nang makarating sa harapan ng pintuan ng kwarto ng dalaga. Napansin niya ang balisang kilos nito na tila hindi mapakali sa pwesto. "Bakit? M-may masama bang mangyayari sa akin?"
"Thank God! Na-install ko na!" Sabi pa ni Miles at napatingin sa gawi ni Leonardo. Napahinga siya nang malalim bago magsalita muli, "H-hindi, w-wala, Leonardo. Walang masamang mangyayari sa'yo. Si-siguraduhin ko 'yan. Pangako."
Hindi naman namalayan ng binata na sobrang lapit na sa kaniya ni Miles dahil nakatitig lamang siya sa mga mata nitong puno ng pag-aalala.
"Wait, need ko padalhan ng message ang pamangkin mo. Sana naman may facebook 'yun." Bigla niyang sabi at agad na tumungo sa kama at napaupo. Halos sumabog ang kaniyang notification at ang napakaraming message ni Audrey. Pero mas inuna niya ang paghahanap sa facebook ni Sir Francois.
"Nahanap mo ba, binibini?"
"Oo, teka! Shocks, 2016 pa ang last niyang post? Kaloka. Try kong e-add friend si sir." Ani Miles at agad nag friend request. Pagkatapos ay nag message na siya agad.
[Sir, good evening po. May unusual po kasing nangyayari sa skin ni Leo. May guhit po ng star ang kaniyang kamay. Sana maka-reply ka po.]
At agad agad niyang sinend ang nabuong message, "Leo, kuhanan natin ng larawan ang kamay mo." Ani Miles.
Ipinakita naman ni Leonardo ang kamay na may guhit at nakita niyang may parang kidlat na kumislap sa cellphone ni Miles na ikinagulat niya kung kaya ay nabawi niya ang kamay.
"Ulit, kumalma ka, Leo. Hindi naman masusunog ang kamay mo sa flash ng phone ko no." Seryosong sabi ni Miles at inulit niya muli ang ang pagkuha ng litrato. Napansin naman niyang pumikit ang binata kung kaya ay napangisi siya, "Oa talaga." Pagkatapos ay ipinadala niya ang picture ng kamay ni Leonardo kay sir Francois.
Mayamaya pa ay biglang tumunog ang notification sa messenger ni Miles.
[BIBISITA AKO SA BUKAS SA CASA, MILES. HUWAG KANG MAG-ALALA.]
[TITINGNAN KO RIN ANG STATWA KUNG NASA MAAYOS BA ITONG KALAGAYAN]
"Kaloka mag-type nitong si sir parang naninigaw sa chat." Bulong ni Miles sa sarili.
[Okay po, sir. Salamat po.]
[MILES, INGATAN MO ANG AKING TIYO LEO. PAKIUSAP. KUNG MAY MANGYAYARING HINDI KAAYA-AYA AY TAWAGAN MO AKO SA TELEPONO]
Agad na naka received si Miles ng isang picture na may telephone number ni sir Francois kung kaya ay agad niya itong sinave sa phone.
[Noted, sir. Huwag ka pong mag-alala, nasa maayos na kalagayan si Leo.]
Pero sa ganoong eksena ay may napagtanto ang dalaga, "Bakit hindi na lang kasi kinupkop ni sir ang tiyo niya?" Sa isipan niya pa, "Pero ako kasi ang nakatakda na makatulong. Hays!" Napatingin siya sa binatang nakasandal na ngayon sa pader at nakayuko.
"Binibini, kung ano man ang mangyayari sa akin ay lubos akong nagpapasalamat sa iyong kagandahang loob. Kung bumalik man ako sa taon na kung saan ako nanggaling ay sana makilala kita." Puno ng panaghoy ang boses ni Leonardo nang bigkasin ang bawat kataga.
Napatayo si Miles at nilapitan ang binata, "W-walang mangyayari sa'yo. Pangako ko 'yan, narito ako para tulungan ka." Sabay pakita ng hinliliit sa kamay na tila ba nais na tuparin ang pangako.
Napatitig si Leonardo sa kamay ng dalaga, ginaya niya iyon at nag-krus na ang kanilang mga hinliliit. Pagkatapos ay bigla niyang niyakap ang dalaga, "Salamat."
Bakas man sa mukha ni Miles ang gulat pero niyakap na niya lamang ito pabalik.
"SIR, pasensya na po ngunit kailangan na talagang ilagay sa museum itong statwa ng iyong tiyuhin. Nababahala na ako sa mga nangyayari ngayon." Saad ng bagong may-ari na si Jamaica Yu.
Napatitig ang matanda sa sahig at iniisip kung mainam ba na sundin ang sinasabi ng babae.
"Tingnan mo ang ginawa ng mga salarin, may vandal na nga ang statwa, nakuha pang magnakaw ng mga antique dito sa casa." Naiinis na turan ni Jamaica, "Para ma-preserve ang statwa ay nagpadala na ako ng email sa museo rito sa atin."
"Tapos ano ang kasunod nito, hija?"
Ngumiti nang malumanay si Jamaica sa matanda, "Sir Frans, huwag na po kayong mag-alala. Alam ko namang may sentimental value sa inyo ang statwa ni Señor Leonardo pero para makasiguro po tayong hindi masira ang quality, eh, mas mainam na ilagay na lang sa museo. Mamayang gabi ay kukunin na nila ito."
Napatango-tango na lamang si Sir Francois, "Bueno, mamayang gabi ay pupunta ako rito. Anong oras ninyo ihahatid ang statwa?"
"Mga alas syeste po ng gabi." Tugon naman ni Jamaica.
Napatingin na lamang si Sir Francois sa statwa at napansin ang guhit sa likurang palad nito. Napagtanto niyang magkaparehas ang nasa larawan na ipinadala ni Miles. Kunot-noo niya itong tinitigan.
KINAHAPUNAN, napagpasyahan ni Miles na gawin na lamang ang kaniyang performance sa P.E., "Lintik na, hindi ako marunong sumayaw!" Reklamo niya pa habang tinitingnan ang demonstration ng waltz sa youtube.
"Baka maaari akong makatulong, binibini." Pakli ni Leonardo, "Kung nais mo ng kapareha sa pagsasayaw ay narito lamang ako."
Napangiti naman ang dalaga, "Thankful talaga ako sa pamangkin mo. Dahil kung wala ka, puro talak lang ang aabutin ni Milo sa akin. Parehas kasi kaming parehas kaliwa ang paa."
Napatawa nang mahina si Leonardo at agad na inilahad ang kamay, "Bakit hindi mo subukan? Kung matatalisod ka man ay narito lang ako para alalayan ka."
Natigilan naman si Miles at agad na inirapan ang binata sabay tawa, "Nakakahiya no."
"Sige na, subukan mo." Aya pa ni Leonardo na nakalahad pa rin ang palad.
"O siya, siya! Sige. Doon tayo sa malawak na hardin ni tatay. May malapad na bermuda grass 'dun." Tugon ni Miles at tinanggap ang kamay ni Leonardo para makatayo siya. Pero kalaunay kaniya rin itong binitawan nang sa gayon ay hindi mahahalata na pinagpaawisan siya sa presensya ng binata. "Milo! Pahiram muna ng speaker!"
"Nasa ilalim ng cabinet ng tv!" Tugon ng binatilyo na nasa loob ng kaniyang kwarto at abala rin sa pagsasagot ng kaniyang assignments sa online.
Agad naman na kinuha ni Miles ang speaker nang makita ito.
Nang makarating na ang dalawa sa hardin ay inilagay na ng dalaga sa isang malaking bato ang cellphone upang gayahin ang steps sa youtube.
"Mukhang madali lamang iyan, binibini." Ani Leonardo. "Halika." Sabay pakita ng iilang steps ng waltz.
"Ay wow, dancerist ka rin pala."
"Dancerist? A-ano 'yun, binibini?"
Tumawa si Miles nang mahina, "I mean, mananayaw ka. Ang galing! Talented kang tunay."
Ngumiti na lamang si Leonardo dahil sa kakulitan ng dalaga sa kaniya.
Lumipas pa ang mga oras at binalot na ng kadiliman ang kanina'y kahel na kalangitan. Si Miles at Leonardo ay nag-eensayo pa rin.
"Rest muna tayo, ang sakit na ng mga paa ko. Literal!" Reklamo pa ni Miles sa binata.
"Ang ganda pala ng hardin ninyo, binibini. Ngayon ko lamang ito napansin." Saad ni Leonardo at napaupo na lamang sa damuhan.
"Sa katunayan ay regalo ito ni tatay kay nanay. Mahilig kasi si nanay sa mga bulaklak." Ani Miles, nakita niyang napatingala si Leonardo sa kalangitan.
"Ganoon ba, talagang tunay na pag-ibig iyan." Sagot pa ng binata.
"Mismo. Sana all na lang ako."
"Makakahanap ka rin." Pakli pa ni Leonardo, "Ang pag-ibig ay dumarating nang hindi inaasahan. Mabibigla ka na lang, isang araw ay nandiyan na pala siya sa iyong harapan." Pagpapatuloy niya pa.
Napaismid naman si Miles, "Ikaw ang hindi ko inaasahan."
Napatingin bigla ang binata sa gawi ni Miles, "Ano ang ibig mong sabihin, binibini?"
"Wala! Wala! Magpa-music na lang tayo." Pag-iiba pa ng dalaga, "Nais kong makinig ng Iris by Goo goo dolls in violin version."
Hindi man naiintindihan ni Leonardo ang sinasabing kanta ng dalaga ay pinakinggan niya itong mabuti. Hanggang sa tumayo siya at inilahad muli ang isang kamay.
Agad naman iyon na tinanggap ni Miles at nagsimula na silang sumayaw nang mabagal kasabay ng kanta. Naririnig niya ang tibok ng puso ni Leonardo nang mailapat niya ang kaniyang ulo sa dibdib nito.
Hindi mapigilan na yakapin ni Leonardo ang dalaga at isabay sa agos ng musika. "Ikaw din ang dumating sa buhay ko at hindi ko iyon inaasahan."
-----
Featured song:
IRIS BY GOO GOO DOLLS (Violin Version)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro