Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XIII

"MILES, alam kong galit ka pa sa akin dahil sa nagawa ko sa ating relasyon dati. Sana'y napatawad mo na ako." Saad ni Philip nang maibahagi ang saloobin sa dalaga. Napasulyap pa siya kay Leonardo sa unahan na tahimik lang na nakaupo sa may tindahan na kanilang tinambayan kanina.

"Wala na, okay na. Okay na 'yun." Ani Miles at ngumiti na may pag-aalinlangan. Totoong masakit ang ginawa sa kaniya ng dating kasintahan, naging bingi siya sa mga pasaring na kwentong umaabot sa kaniya patungkol sa babaeng bagong salta sa kanilang lugar. Hanggang sa nalaman niya na lamang sa isang kabarkada ni Philip na hindi na makatiis sa ginagawang panloloko kung kaya ay nagpadala ito ng litrato sa messenger habang siya ay nasa Manila at nag-aaral na ng kolehiyo. Doon niya nakita ang pag ebidensyang pag che-cheat sa kaniya ni Philip at sa babaeng sinasabi nila.

"M-miles, maaari ba tayong magsimula muli? Swear to God, matino na ako." Saad pa ng binata.

Napaismid si Miles sa tinuran ni Philip, "Dinamay mo pa talaga ang Diyos no? Anyway, ayaw ko na talaga, Philip. Naka- move on na ako."

"Dahil ba sa lalaking 'yan? Kung kaya ay nagbago na ang ihip ng hangin at nawala na ang pagmamahal mo sa akin?" Katanungan pa ng binata kay Miles. Nagsisimula ng mamula ang kaniyang mga mata, hudyat ng pamumuo ng luha. "Nagsisisi ako sa ginawa ko, Miles."

"Hindi dahil kay Leonardo, Philip kung bakit ako naka-move on. Ang tao ay natututo rin at natatauhan. Tanggapin na lang natin na hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa. May mga taong dadating sa buhay natin na mag ma-match sa atin. Gets mo ba? Sorry, but, ayaw ko na." Saad ng dalaga sabay iling, "Huwag kang umiyak. Please." Huling sabi niya pa kay Philip at tumalikod na.

Naiwan si Philip na tulala at tanging pagdampi ng hangin na lamang sa kaniyang pisngi ang kaniyang naramdaman bago nahulog ang kaniyang mga luha.

Samantala, kunot-noong napatingin si Leonardo sa paparating na si Miles. Matamlay ang mukha ng dalaga. "Bakit? May problema ba kayong dalawa?" Bigla niyang katanungan dito.

"Wala. Binusted ko lang," Tugon ni Miles sabay ngumiti ng nakakaloko, "Uwi na tayo, Leo."

Napatayo na lamang si Leonardo mula sa pagkakaupo, kahit naguguluhan man ay ramdam niya ang bigat ng bawat buntong-hininga ng dalaga.

Nasa gitna na sila ng malubak na kalsada. Tanaw ng binata ang malawak na palayan, masyadong tahimik ang mga oras na ito at ang tanging mga batong naaapakan lamang ang kanilang naririnig.

"Sa totoo niyan, Leo..." Basag pa ni Miles sa katahimikan, "Nais makipagbalikan ni Philip sa akin."

Naituon na ng binata ang sarili kay Miles, "Tinanggap mo ba muli?" Nakita niyang umiling ito, "Ganoon ba"

"Oo, gusto ko 'yung lalaking hindi ako lolokohin, paglalaruan, o ipagpalit sa iba. Nais ko kasi 'yung lalaking sasamahan ako hanggang sa huling hininga ko. Mahirap ba 'yun? Pero sa point of view ko naman, hindi mahirap . Kasi kapag mahal mo ang isang tao, may sakripisyo."

Napayuko si Leonardo at naituon ang sarili sa paa na nilalapatan na ng alikabok, "Totoo 'yan, binibini. Kakaiba ang nagagawa ng pagmamahal na 'yan."

"Wow ha? Parang may hinanakit diyan ah? Parang may hugot, ganon." Saad pa ni Miles, "Teka nga, pakinggan ko ang tibok ng puso mo." Sabay lapit niya sa dibdib ng binata at inilapat ang kaliwang tenga, "Dugdug... Dugdug..."

"Tumigil ka nga, malamang ay ganiyan ang iyong maririnig." Natatawang saad ni Leonardo.

Umiwas naman si Miles sabay ismid, "Ulitin ko,"

"Huwag kang masyadong ganiyan ang kilos, binibini. Baka kung may makakita sa atin at kung ano pa ang isipin." Suway pa ng binata.

"O siya sige po, manong!" Natatawang tugon ng dalaga, "OA mo."

"OA?" Naguguluhan na naman na tanong ni Leonardo, "Ano na naman ba ang mga orasyon na iyan?"

"Wala. Ibig sabihin ay gwapo mo." Loko-lokong sambit ni Miles.

Hindi naman makatingin si Leonardo sa dalaga, "Dati pa akong OA, binibini."

Humagalpak sa tawa si Miles. Napailing na lamang ang binata sa natunghayan.

SUMAPIT ang linggo at mas naging mahigpit ang seguridad sa bawat baranggay at maging sa karatig lugar.

"Magsuot ka ng mask, hijo. Masyadong mahigpit ngayon." Saad ni Nanay Lydia sa binata. Tanging si Miles, Leonardo at si Milo lamang makakapunta sa simbahan dahil sila lamang ang kinakailangan sa pagtutugtog. Tanging sa live na lamang lahat makakakita.

"Opo, nay. Huwag po kayong mag-alala sa amin." Tugon pa ni Leonardo.

"Tara na, alas dyis na." Singit pa ni Miles, "Nay, Tay. Alis na po kami."

Tumango naman si Tatay Nanding habang abala sa pagbabasa ng dyaryo.

"Mag-ingat kayo. Huwag huhubarin ang mask. Dapat mag alcohol parati ha." Nag-aalalang saad ni Nanay Lydia.

"Opo, nay." Tugon pa ni Milo.

Tamang-tama naman na dumaan ang walang lamang jeep ni Rico, "Sakay na kayo." Matamlay na saad sa kanila, "Sa simbahan ba?"

"Kuya Rico! Anong balita sa lungsod?" Tanong agad ni Miles nang makasakay sa loob ng Jeep.

"Wala eh, hindi pa pwedeng mamasada hanggang hindi kami natuturukan ng lintik na vaccine na 'yan. Sobra na sila. Simpleng ubo at lagnat, gagawing grabe. Ang mas malala pa ay may namamatay." Tugon pa ng drayber, "Signos na ata 'to."

Bakas sa mukha ng tatlo ang pagkabahala sa sinabi ni Rico.

Napalunok ng lawas si Miles bago magsalita, "M-may namatay na?"

Sandaling napalingon si Rico at pagkuwa'y binaling muli ang sarili sa pagmamaneho, "Oo, kalat na kalat na ngayon sa facebook at sa balita."

"Mag-install ka na kasi ng facebook app," Singit pa ni Milo, "Nagmumukha kang taga-kuweba niyan, ate."

Bahagyang napatawa si Leonardo sa tinuran ni Milo at kahit na ang drayber na si Rico ay nakitawa rin kahit may dinadalang problema.

"Wow, Leo ha? Over yung reaksyon mo. Hiyang-hiya ako." Pabalik na tukso ni Miles sa binata.

"Pasensya na, natawa lamang ako sa biro ni Milo." Natatawang saad ni Leonardo. Nakita niya namang napairap ang dalaga sa kaniya.

NANG makarating ang tatlo sa simbahan ay agad na sinalubong sila ni Pastor Jerry at ng asawang nitong isang Doktor na si Rose.

"Pasok na agad kayo, magsisimula na ang live." Agad na saad ng pastor.

"Good morning po," Bati ni Miles, siniko niya naman si Leonardo hudyat na dapat batiin ng binata ang pastor at asawa nito.

"Magandang umaga po sa inyo." Agad na bati ni Leonardo.

"Good morning. Pasok na kayo. Ako pala si Rose." Pagpapakilala ng doktora sa binata.

"Ako po si Leonardo." Tugon niya pa at napangiti pero napagtanto niyang may mask pala siya sa bibig.

Nang matapos ang lahat ng mga pagbati sa isa't isa ay nagsimula na silang mag set up ng mga instrumento. Si Milo bilang drummer, si Leonardo na bilang piyanista, at si Miles na mag le-lead ng worship songs.

Dumating naman si Philip na halatang hindi pa nakapag ayos ng buhok at basa pa ito. Agad siyang tumungo sa stage at kinumpuni ang kaniyang gitara.

Napasulyap naman si Miles sa gawi ni Philip na tila ba walang nakikitang tao sa paligid.

"Miles, may kasama kang kakanta." Saad ni Ms. Rose nang makalapit sa kaniya, "Si Shaina."

Halos mabingi si Miles sa marinig dahil si Shaina ang dahilan kung bakit nagiba ang relasyon nilang dalawa ni Philip. "Sige po." Ikling tugon niya na lamang.

"O, ayan na pala siya."

"Hi," Nahihiyang bati ni Shaina sa lahat. "Oh, you look so familiar." Bigla niyang sabi nang mapansin si Leonardo na nakaupo na ngayon sa harapan ng piano. "Mukhang ikaw 'yung nag trending sa mall. You played so well!"

Kunot-noong napatingin si Miles sa binata. Gayundin si Leonardo na hindi alam ang sinasabi ng bagong dating na dalaga.

"Trending?" Pagtatakang saad ni Miles.

"Oo, may nag upload. Pero anyway, pag-usapan na lang natin 'yan later." Sabi pa ni Shaina.

Hindi naman maka-react si Miles sa kaartehan ng babaeng kaharap dahil nasa loob siya ng simbahan. "Kung ang Diyos madaling magpatawad, pwes! Ako hindi!"

PAGKATAPOS ng service ay agad na nagpasya si Miles na umuwi.

"Wait! Pwede ba ako pa-picture kay Leo?" Tanong ni Shaina kay Miles.

"Bakit ka ba sa akin nagtatanong?" Naiiritang sagot ni Miles.

"Kasi baka mag-jowa kayo?"

Napataas ng kilay si Miles, "Hindi."

"Oh. Okay."

Samantalang si Leonardo na abala sa pakikipag-usap kay Milo habang sila ay palabas na ng simbahan ay nagulat na lamang siya sa papasulubong na si Shaina.

"Pa-picture naman ako! Ang galing mong mag play ng piano eh." Saad ni Shaina at agad na nilabas ang phone.

Wala namang nagawa si Leonardo kundi ang humarap sa isang bagay na para sa kaniya ay mukhang salamin. Nakikita niya ang sarili dito.

"Thank you! Gosh, may mapo-post na naman ako nito sa IG!" Masayang turan ni Shaina at agad na pumasok na sa loob ng simbahan habang busy na sa kaniyang phone.

Napailing na lamang si Milo at huminga nang malalim, "Pagpasensyahan mo na, kuya. Talagang may mga babae talagang ganiyan. Parang binuhusan ng asin, ang likot!"

Napatango na lang din si Leonardo.

Nang makaabot na ang dalawa sa pwesto ni Miles ay bigla na lamang silang nagulat nang mag-spray ito ng alcohol sa kanila.

"Ate? Bakit ba?"

"Ay! Mas okay ng makasiguro! Iba ang virus ngayon no? Kapit na kapit!" Sarkastikong saad ni Miles at agad na tumalikod. Nauna siyang maglakad sa dalawa.

"Ano kaya ang problema ng iyong ate?" Nagtatakang katanungan na naman ni Leonardo, "Kanina pa siya mukhang wala sa kalooban."

"Binibiro siya ng tadhana, kuya. Paano ba naman kasi, si ate Shaina ang dahilan kung bakit naghiwalay si kuya Philip at si ate. Inagaw niya! Ito namang si guy, nagpaagaw din." Paliwanag ni Milo, "Totoong maganda si ate Shaina, brand ambassadress 'yun eh. Pero mas maganda si ate Miles! Hindi ba, kuya?"

"Maganda, sobrang ganda." Wala sa sariling saad ni Leonardo.

"Uy! Gusto mo si ate ko no?" Panunukso pa ni Milo.

Hindi naman makaimik si Leonardo kung kaya ay inakbayan niya na lamang ang binatilyo at ginulo-gulo ang buhok.

SA kabilang dako, pansamantalang nagsara ang Casa de la Libertad dahil na rin sa mga kaganapan patungkol sa Covid-19. Ang tanging nagagawa na lamang ng may-ari ay ang mag deliver sa mga bahay-bahay kung sakaling may order.

Madilim na ang buong casa at tanging naririnig na lamang ay mga huni ng kuliglig.

"Pre! Dito 'yung statwa ng sikat na nag trending sa facebook! Nakita ko na 'to eh, 'nung minsan na pumasok ako rito para makipag-eye ball ng isang chics." Saad ng isang hindi nakikilalang lalaki, may kulay pula itong buhok. "Paano kung picture-ran natin 'to at e post sa ebay?"

Ngumisi naman ang isang binatang may katangkaran, "Tumahimik ka muna, baka may cctv dito. Trespassing pa naman tayo." Saad niya pa.

"Natatakot ako sa lugar na 'to, parang may nakatingin, mga par." Sabi pa ng isang binatang mataba.

"Tumahimik ka rin! Pabigat ka na nga sa grupo, unang araw mo pa nga ngayon ang dami mo ng satsat!" Suway ng binatang matangkad.

"Abunjing!" Tukso ng lalaking pula ang buhok. "Since, bago ka sa grupo namin. I dare you to draw a penis on that statue!" Sabay turo niya sa statwa ni Leonardo.

Tumawa naman ang lalaking matangkad, "Grabe ka, par! No, dapat 'yung symbol nating reversed star, para tattoo 'yung atake. Ayos ba, par?" Saad niya pa na tila kausap ang statwa sabay tapik sa balikat nito.

"Gawin mo na agad, taba!" Utos ng lalaking pula ang buhok, "Oh, heto, pentelpen!" Sabay abot niya sa bagong miyembro. "Hindi 'yan basta basta mabubura."

"S-saan ko ba iguguhit?"

"Kahit saan mo gusto! Bilisan mo na!" Singhal ng lalaking matangkad.

Agad naman na naisipan ng lalaking mataba na iguhit ito sa likurang palad ng statwa.

"Goods! Welcome to the club, par!" Sabay nakakalokong tawa ng dalawa.

KALMADONG nakaupo lamang si Leonardo sa isang upuan na kung saan natatanaw niya ang palayan na tinatamaan ng sinag ng buwan.

"Sorry kung hindi kita masyadong pinansin kanina. Naiirita lang kasi ako sa presensya ng Shaina na 'yun." Bungad ni Miles nang makita ang binata na nag-iisa at tila ba malalim ang iniisip.

Napangiti naman si Leonardo, "Naiintindihan ko iyon, binibini. Huwag kang mag-alala."

Napaupo na lang din ang dalaga sa tabi ni Leonardo, "Salamat, hindi na kita susungitan."

Sandaling hindi nagkaimikan ang dalawa na tila ba may nais silang sabihin sa isa't-isa.

Napadako ang tingin ni Miles sa side profile ni Leonardo hanggang sa mga kamay nitong mapipilantik, ngunit nagtaka siya nang makita ang isang guhit ng pabaliktad na bituin sa likurang palad nito. "Teka, gumuhit ka ba ng star?" Tsaka wala sa sariling kinuha ang kanang kamay ng binata, "Ayos ah? Ang pangit ng simbolo na 'yan!"

Puno ng pagtataka ang mukha ni Leonardo kung kaya ay nabawi niya ang kamay at tiningnan ito, "Ha? H-hindi ko ginuhitan iyan, binibini."

"Sus! Kunwari ka pa. Wait lang, kukuha ako ng bulak at alcohol para burahin 'yan. Naku! Ikaw ha, may pa-symbol symbol kang ganiyan. Ano? Simbolo ba 'to ng himagsikan niyo?" Natatawang saad ni Miles.

Magsasalita pa sana si Leonardo nang biglang pumasok ang dalaga sa loob upang kunin ang bulak at alcohol. Napaawang na lamang ang kaniyang bibig sa guhit na nakikita.

"Sige, buburahin natin 'yan."

Lumipas ang limang minutong pagbubura ni Miles sa guhit ngunit parang walang nangyayari, "Leo? Bakit hindi 'to nabubura? B-bakit parang tattoo na 'to?"

Halos hindi na rin maipinta ang mukha ni Leonardo sa nakita, "Nakakapagtaka, baka napaglaruan ako ng engkanto, binibini."

Napatitig na lamang si Miles sa mamula-mulang kamay ng binata. "Shocks! I need to communicate to sir Francois!"

---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro