Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XII

NATAGPUAN na lamang ni Miles ang sarili sa ilalim ng punong akasya. Napalinga-linga siya sa paligid at napagtantong nasa libingan siya ng mga patay. Naidako niya ang paningin sa unahan kung saan may mga taong nagluluksa at umiiyak.

Nais na niya sanang makiusyuso ngunit mula sa likuran ay may pumigil sa kaniya. "G-ginoong Leonardo?"

"Dito ka lang." Seryosong saad ng binata habang walang kurap na nakatingin sa mga tao sa unahan.

Nakaramdam ng bigat sa dibdib si Miles nang makita ang larawang bitbit ng isang babae, "B-bakit hindi ka pumunta sa huling hantungan ng iyong lolo?" Tanong niya pa ngunit wala siyang natanggap na tugon galing kay Leonardo. Kung kaya ay napayuko na lamang siya, "Pasensya na sa aking katanungan."

Pagkuwa'y tumalikod si Leonardo at nagsimulang maglakad. Nagugulumihanan man si Miles ay kaniya itong sinundan.

"Magbabayad sila sa kanilang ginawa!" Mahina ngunit mariing saad ng binata.

"B-baka maari akong makatulong, Ginoo. May nalalaman ako!" Sagot pa ni Miles, nakita niyang humarap sa kaniya si Leonardo. Kitang-kita niya ang mugtong mga mata nito, naghalo ang paghinagpis at galit.

"Bakit? Ano ang iyong nalalaman? Isa ka lang hamak na babae at walang alam sa buhay ko."

"Ay, wow? Naiintindihan kita ngayon, Leo. Palalagpasin ko 'to. Pero huwag mong maliitin na isa lamang akong hamak na babae! Kahit sa relasyon niyo ni Preciousa may nalalaman ako at kahit sa pagkamatay ng lolo mo. P-pero kung hindi mo ako paniniwalaan at itatakwil na lamang. Pwes! I leave!" Hindi na niya mapigilan ang pagkainis sa binata kung kaya ay dali-dali siyang tumalikod at nakahalukipkip pa.

Ang naiwang si Leonardo ay nakaramdam ng konsensya kung kaya ay walang pag-atubiling sinundan ang dalaga, "B-binibining Mila, pasensya na sa aking tinuran. Hintayin mo ako!"

Napaharap agad si Miles habang nakataas ang isang kilay, "O ano? Natauhan ka? Kaya kitang tulungan pero mukhang kailangan mo lang yata ako dahil may kailangan ka,"

Napakunot-noo si Leonardo sa sinaad ni Miles sa kaniya, "Bakit? Ano pa ba ang iyong nais?"

"Char, joke! Lalim ng tagalog ah? Parang Jose Rizal lang."

"May sanib ka ba? O isa kang mangkukulam?" Tanong ng binata sa kaniya.

Napangisi na lamang si Miles, "Pasensya na. Pero, heto na nga! Seryoso na, magsimula tayo kay Preciousa, agad agad na tayo ha? Para isang move-on lang. Okay? Dapat ganito, kung sobrang nasaktan ka ngayon, may mas susunod pa. Let us face the reality!"

"Hindi ko na ramdam ang sakit, binibini. Namanhid na ang aking isipan at puso."

"Okay, okay. Tama na ang mala-spoken poetry mong linyahan. So, I will spill the tea. Si irog mo ay may ibang nobyo at- at- at..." Hindi magawang magsalita ni Miles nang papalapit sa kanila si Preciousa.

"At?"

"Nariyan si Preciousa!"

"Leonardo," Mahinhin na tawag ni Preciousa, "Kanina pa kita hinahanap."

Hindi tumugon ang binata, bagkus ay seryoso lamang na nakatingin ito sa iniirog. Sa halos walong taon nilang pagiging magkasintahan ay nagawa pa nito ang pagtaksilan siya. Napalingon siya sa kakaibang dalaga na nakayuko lamang.

"Sumakay na tayo sa kalesa. Binibini, sumabay ka na rin." Saad pa ni Preciousa na tila nakaramdam ng pagkailang sa pagitan nilang tatlo. Kung kaya ay niyapos niya ang bisig ni Miles "Napakasama ng tadhana, bibisita ka na nga lang sa pinsan mo ay ito pa ang iyong nadatnan. Ikaw pa ang nakasaksi sa pagkawala ng kaniyang lolo."

"Oo nga eh." Naiilang na tugon ni Miles. Tanging si Preciousa at Leonardo lamang ang nakakakilala sa kaniya. Naguguluhan na siya sapagkat nakakatakot isipin kung sa oras na makikilala rin siya ni Don Anghelo.

NANG makarating sila sa mansyon ay agad na nakihalo si Miles sa mga kasambahay. Nagpaalam siya kay Preciousa na magpapahinga sa silid pero ngayon ay nasa kusina siya at nagkukunwaring nagpupunas ng mga kubyertos.

"Bago ka lang dito?" Tanong pa ng isang kasambahay sa kaniya.

"Ah- oo. I-ikaw ba?"

Ngumiti ang dalagita bago sumagot, "Parehas tayo, binibini. Nakakalungkot ang pangyayari ngayon sa kanila ni Senyor Leonardo. Isa sa mga tinitingala ko ang kaniyang lolo, mahilig din ako sa musika."

Ngumiti lang din si Miles pagkatapos ay nahagip ng kaniyang mga mata ang pagdaan ni Leonardo sa likuran ng kusina. "Teka lang, may kukunin ako sa labas."

Tumango naman ang dalagita at ibinalik ang sarili sa pag-aayos ng mga prutas sa isang bayong.

Samantala, lakad-takbo ang ginawa ni Miles para lang sundan si Leonardo. Napansin niya rin ang pag-agaw ng liwanag at dilim sa kalangitan, mayamaya pa ay nakita niya ang binata na napaupo sa malaking ugat ng puno at nakatingin sa kawalan.

"Bakit mo ako sinundan?"

Nagulat naman ang dalaga nang magsalita si Leonardo, "Ah, hindi ko rin alam." Tugon niya rito.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa. Napatingala si Miles sa isang ilaw ng poste na pinapalibutan ng gamu-gamo. Pagkatapos ay umupo na rin siya sa dulong ugat ng puno. "Ramdam ko ang iyong paghihinagpis. Nagkausap na ba kayo ng iyong nobya?"

Hindi sumagot si Leonardo. Napalingon siya sa dalaga at napatitig siya rito.

"Tawagin mo na akong mangkukulam at kung ano pa, basta sasabihin ko ito sa iyo..." Napahinga muna nang malalim si Miles at napatingin sa binata, "Kanina ka pa nakatingin sa akin? Ang creepy mo ha, anyway, back to the topic. Si Preciousa ang dahilan kung bakit magiging matandang binata ka, pero no worries, kasi magiging angat ka sa buhay at magiging isang sikat kang piyanista!"

Napakunot-noo si Leonardo sa tinuran ng dalaga, "Paano 'yon? Hindi ako nakakuha ng suporta galing sa aking ama. Imposible ang iyong sinasabi, walang katuturan. Wala na rin akong balak tahakin ang landas na pinamana ng aking lolo, mas mainam na lamang na mamatay."

"Huy! Pero okay, acceptable. I mean, huwag ka namang magsalita nang ganiyan, masarap mabuhay, Leonardo. Hindi pa huli ang lahat. Trust me" May pag-aalalang saad ni Miles, "At tsaka, yung tatay mo? Naku! Mabuti na lang at hindi ka nagmana."

"Sobrang lungkot ng aking puso, binibini. Nag-usap kami ng aking nobya kanina, hindi ko alam kung bakit hindi na ako nabigla nang sabihin niyang may napupusuan na siyang iba, ang masaklap pa ay magkakaanak na sila. Tama ka, may iba na siyang nobyo. " Saad ni Leonardo at yumuko. Nahuhulog ang kaniyang mga luha sa kaniyang paanan.

"O 'di ba? Hindi ko nga lang naituloy kanina kasi sumingit 'yung ex mo, pero, hindi pa huli ang lahat. Alam kong hindi mo pa maiintindihan ang sinasabi ko, pero talagang hindi pa huli." Ani Miles at agad na hinugot ang panyo sa bulsa ng saya. "Umiyak ka nang umiyak. Hindi naman nakakabawas sa pagkalalaki mo 'yan." Sabay abot ng panyo sa binata.

Agad naman na kinuha ni Leonardo ang panyo, "Salamat."

"ATE Miles!"

Halos mahulog si Miles sa kama dahil sa gulat nang gisingin siya ng kapatid, "Ano ba!"

"May sunog!" Natatarantang saad ni Milo, "Bilisan mo!"

"Wait! Saan si Leo? Teka, yung cellphone ko! Ay, hala! Hindi pa ako nag bra!" Halos hindi na magkaundagaga ang dalaga, "Sila nanay, saan?! Milo, seryoso ba 'to?"

Hindi mapigilan ng binatilyo na maglupasay sa tawa, "Takte!"

Natigil si Miles sa ginagawa "So, ano 'to? Lokohan? Ganon?" Nakapameywang na siya sa inis.

"It's a prank, ate! Heto naman, mag-agahan na tayo---aw!" Napahimas na lamang si Milo sa batok, "Makabatok naman, parang hindi kapatid ah."

"Deserve! Umalis ka na nga, mag-aayos lang ako ng sarili." Inis pa rin na turan ni Miles. "Ito talagang batang 'to."

Nang matapos ay bumaba na ang dalaga para mag-agahan. Naabutan niya naman ang kaniyang tatay at si Leonardo na abala sa paghahakot ng mga kahoy panggatong. Napangiti na lamang siya sa nasaksihan, "In fairness, marunong pala siya sa mga gawain na ganiyan." Saad niya sa sarili. Pagkatapos ay tumungo na siya sa kusina at naabutan niya rin ang nanay na abala sa paghihiwa ng mga mangga. "Nay, ako na ho riyan. Hetong si Milo, loko loko talaga, akala ko talagang may totoong sunog."

"Hindi na, anak. Maghanda ka lang ng mga plato sa mesa. At si Milo? Hindi ka pa ba nasasanay diyan?" Ani nanay Lydia sabay ngiti, "Siya nga pala, nabalitaan namin kanina na talagang nag lockdown na, anak. Hay! Buti na lang at may mga tanim na gulay ang tatay mo at mga alagang manok. Ang delikado na ng panahon ngayon, ano?"

Napakagat na lamang si Miles ng labi habang naghahanda ng mga pinggan, "Talagang kumain tayo ng masustansya, nay."

"Maiba tayo, anak. Talaga bang magkaibigan lang kayo ni Leonardo? O di kaya, nahihiya ka lang sabihin na boyfriend mo 'yan? Wala namang problema basta ba'y hindi niyo pababayaan ang inyong pag-aaral."

Napataas ang kilay ni Miles sa sinabi ng kaniyang nanay at kalaunay napangisi, "Nay, hindi po. Talagang kaibigan lang po namin siya ni Audrey. Wala pa sa bokabyularyo ko 'yang boypren boypren na 'yan."

Lumapit naman si Nanay Lydia at sinagi ang anak na tila nanunukso, "Kung manligaw ay sagutin mo agad."

Tumawa na lamang ang dalaga at napailing, "Nay naman."

"Sus!" Hirit pa ni Nanay Lydia sa anak na ngayon ay namumula na ang pisngi.

"DITO ang simbahan namin, Leo." Ani Miles, "Halika, pasok tayo."

"A-ano ang inyong relihiyon, binibini?" Tanong pa ni Leonardo, "Bakit walang mukha ni Kristo?"

Napahagikgik naman ang dalaga, "Hay, maraming sekta ang Kristyanismo, ginoo. Sa amin, tinatawag kaming born again Christians. Nakabase lamang kami sa bibliya at hindi kami nag-aantanda." Paliwanag pa niya.

Tumango-tango naman ang binata, "Ganoon ba, sabagay, wala naman iyan sa relihiyon hindi ba? Kundi sa kung gaano katatag ang iyong pananampalataya sa Tagapaglikha."

"Mismo!" Ani Miles, "Good afternoon, pastor Jerry!" Bati pa niya sa kanilang pastor habang abala na nagbabasa ng bibilya sa pulpito.

"Miss Miles!" Galak na saad ni Pastor Jerry, "Sino ang iyong kasama? Siya ba ang sinasabi ni tatay mo na magaling mag piano?"

Napangiti ang dalaga, "Opo, pastor."

"Ikinagagalak ko po na makita kayo, p-pastor. Ako po si Leonardo." Pagpapakilala pa ng binata.

"Nice meeting you, Mister Leonardo. Welcome to our ministry." Sabay lahad ng kamay upang makipagkamayan.

Tinanggap naman iyon ni Leonardo at napangiti.

"Teka, tatawagin ko si Philip na ihanda ang piano." Ani pastor Jerry, "Maiwan ko muna kayo sandali."

Bigla naman na kinabahan si Miles nang marinig ang pangalang Philip. Ang ex niyang pamangkin ni Pastor Jerry.

Mayamaya pa ay dumating si Philip at ang pastor.

"Heto ang pamangkin kong si Philip, hijo. Ang bahista namin dito. Huwag kang mahiyang kaibiganin siya."

Napatango naman si Leonardo sa tinuran ni Pastor Jerry. Pagkatapos ay inilipat niya ang paningin sa binatang kasing-edad niya.

"Nakita ko na siya noong nakaraang araw, pastor" Sabay ngiti ni Philip at pagkatapos ay tumungo sa piano at agad na hinawi ang telang nakabalot dito. "Sandali lang at lilinisan ko ang mga alikabok."

Hindi naman makaimik si Miles at tila ba nakaramdam ng pagkailang.

"Halika, hijo. Gusto kong marinig ang mga musikang alam mo. Sample lang." Sabi ng pastor, "Huwag ng mahiya. Pamilya ka na agad dito."

Ngumiti si Leonardo at agad na tumungo sa upuan na kung saan naghihintay ang paborito niyang instrumento. Naisipan niyang patugtugin ang Rachmaninoff Piano Concerto 2 ni Sergei Rachmaninoff. Hindi niya mawari kung bakit biglang pumasok sa kaniyang isipan ang ganitong tugtugin. Parang naitanghal na niya ito.

Sa unang paglapat ng kaniyang mga daliri ay tila may isang apoy na dumadaloy sa kaniyang kalamnan.

Samantalang si Miles ay natulala sa ganoong eksena. Habang ang pastor naman ay napa- 'wow'. Si Philip naman ay walang reaksyon at napahalukipkip na nakasandal sa gilid ng piano.

"Ang galing! Hindi ka basta basta, hijo! Grabe, hulog ka ng langit sa amin!" Masayang saad ni Pastor Jerry. "Bibigyan kita ng kopya na iyong tutugtugin sa linggo ha."

Napatango si Leonardo sabay ngiti. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng galak sa puso dahil parang isa itong panaginip sa kaniya na may mga taong nakakaramdam ng pagpapahalaga sa kaniyang talento.

NANG matapos ang kaganapan ay tumungo si Miles at Leonardo sa isang tindahan.

"Hindi ka makaimik kanina, dahil ba naroroon ang iyong dating nobyo?"

Natauhan ang dalaga, "Ha? Hindi. Nukaba!" Natatawang saad niya pa, "Wala na lang iyon sa akin."

"At nariyan ang iyong dating nobyo." Tukso ng binata. Nakita niyang paparating si Philip.

"Yo, what's up? Galing mo kanina bro ah? Keep it up." Saad ni Philip kay Leonardo, "Gusto niyo ng snacks? Sagot ko na."

Napairap si Miles, "Humahangin na naman." Bulong niya pa sa sarili.

Ngumisi si Philip, "Miles, mag-usap tayo mamaya. May nais lang akong sabihin."

"Bakit hindi na lang ngayon?" Medyo mataray na saad ng dalaga, "Nandito na lang din naman tayo."

"Nais kong tayo lang muna. Okay?"

"Fine." Ang tanging saad na lamang ni Miles.

Habang si Leonardo naman ay tahimik lang na nakikinig mula sa kinauupuan at napatingin na lamang sa malayo.
--------

Featured music:

Rachmaninoff Piano Concerto 2 (1901)

(Philip Roberts -ex ni Miles, eme)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro