Kabanata XI
TAHIMIK lamang na kumakain ng hapunan si Miles kasama ang pamilya at si Leonardo. Hindi pa rin mawaglit sa kaniyang isipan ang sinabi sa kaniya ni Sister Maria patungkol sa binatang nakilala nito sa nakaraan.
Napatikhim ang padre de pamilya, "Miles--- anak, ipakilala mo naman sa amin nang husto itong kaibigan mo. Nais namin na hindi makakaramdam ng pagkailang itong si Leonardo rito sa bahay."
"Oo nga, ate." Singit pa ni Milo, "At tsaka, mukha ka pong foreigner, kuya Leo pero ang tatas niyo pong mag-tagalog? Paano 'yun? Kami nga, nahihirapan minsan eh." Baling niya pa sa binata.
Nagkatinginan si Miles at si Leonardo, sa pagkakataong ito ay nakaramdam na ang dalawa ng pagkailang.
"Ah, eh... ah- oo, Filipino teacher ang mama ni Leonardo. Hindi ba, Ginoong Leo?" Tanong pa ng dalaga habang nanlalaki ang dalawang mata at nakangiti sa binata hudyat na sakyan na lamang ang sinasabi nito.
"O-opo, pero sa E-espanya ho ako pinanganak." Nauutal na sagot ni Leonardo.
Napangiwi ang labi ni Milo at napaismid, "Sure ka po? Eh, sabi mo, taga Alemanya ka? Napa-search pa ako kanina, Germany lang naman po pala."
"Milo, gusto mo bang isungalngal ko itong buong bangus sa bunganga mo?" Suway pa ni Miles sa kapatid.
Nagsalita naman ang kanilang ina, "O sya, tama na ang pagbibiruan. Nasa harapan kayo ng hapag-kainan."
"Ah- n-nag bakasyon lang ho ako sa G-germany." Tugon ni Leonardo, napatingin pa siya kay Miles na ngayon ay nakangisi habang nilalantakan ang hinog na mangga. "A-at kung nagtataka pa po kayo sa aking katauhan ay hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa inyo ang patungkol sa akin. Totoo pong isang guro ang aking ina at ang aking ama naman ay isang huwes. M-matagal na po silang patay. Kahit ako ay hindi makapaniwala na nakarating ngayon sa panaho-"
Napaubo ang dalaga at agad na napainom ng tubig, "Nay, 'tay, 'di ba may piano tayo rito?" Wala na siyang ibang natanong. Ang nais niya lamang ay maiba ng daloy ng usapan.
"Ha? Anong piano, anak? Wala tayong piano." Nagtatakang sambit ng kaniyang tatay.
"Guni-guni." Tukso pa ni Milo.
"Baka 'yung piano na inilagay dito noon na pagmamay-ari ng simbahan?"
"'yun! Yun! Nadale mo, nay!" Ani Miles, "Magaling pong mag piano iyan si Leonardo!"
"Talaga?" Sabay na saad ng kaniyang mga magulang.
"Aba'y talagang umaayon ang panahon. Tamang-tama, naghahanap ang pastor natin ng piyanista."
"Oo nga, Nanding no?" Nakangiting saad pa ni Lydia sa asawa. "Tiyak na kagigiliwan ka ng lahat, hijo."
Ngumiti naman si Leonardo at ipinagpatuloy ang pagkain.
NAKAUPO lamang malapit sa bintana si Leonardo habang pinagmamasdan ang libo-libong bituin sa kalangitan. Napalingon siya nang bahagya at nakita ang binatilyong si Milo na natutulog na. Napahinga siya nang malalim at kinapa ang bulsa at may kinuhang bagay sa loob.
Pinagmasdan niya ang isang gintong relos na regalo ng kaniyang lolo noong ika-labing siyam niyang kaarawan. Pilit niyang pinipigilan ang gustong kumawalang luha sa mga mata pero sadyang nangibabaw ang kaniyang kalungkutan, "Bahala na, madilim naman." Saad niya sa sarili.
Ilang minuto pa ay nakarinig siya ng uwang ng pinto, napalingon siya sa pag-aakalang binuksan ito. Ibinalik ni Leonardo ang sarili sa bintana at dumungaw. Halos panawan siya ng ulirat nang makita si Miles sa kabilang bintana.
"Hi! Sorry, nagulat ka? Sorry talaga! Kanina ka pa diyan?" Tanong ni Miles sa binata.
Napailing at napangisi na lamang si Leonardo bago sumapgot, "O-oo. Akala ko multo na. A-ano ba ang iniligay mo sa iyong mukha, binibini? Sobrang puti?" Hindi niya mapigilang magtanong.
Napatawa nang mahina si Miles, "Wala ba 'to sa panahon niyo? Night cream ito. Iwas tigyawat, ganorn!"
"Ah, ganoon ba? Hindi ko alam kung mayroon iyan sa panahon namin. Alam mo na, kaming mga lalaki ay hindi nangingialam ng kagamitan ng mga babae." Litanya pa ng binata.
"T-teka, bakit hindi ka pa natutulog? Nag e-emote ka no? Bekois tonayt woil be da noit dat i woill fall for yoooah!" Patuksong kanta pa ni Miles kay Leonardo. Kitang-kita niya ang pangungunot ng noo nito, "Char, seryoso na. Bakit hindi ka pa natutulog, ginoo?"
"Marami lang iniisip, binibini. Hindi ko pa rin maarok kung bakit ako nandito ngayon, hindi ko nga alam kung anong klaseng mahika ang mayroon sa pagitan ng panahon natin. Magkaiba ang taon at oras." Saad ni Leonardo, nakakaramdam siya ng bigat sa dibdib sa bawat binitawang salita.
Napatulala at napatingala si Miles sa kalangitan, "Alam mo ba ano ang hindi nagkakaiba sa atin?"
Napasulyap si Leonardo sa dalaga, "Ano, binibini?"
"Itong langit na tinitingala natin ngayon."
Napaisip nang malalim si Leonardo at napangiti, "Tama. Siya nga pala, salamat sa inyong pagtanggap sa akin dito. Kahit papaano'y napakabuti ng Panginoon sa akin. Tinatanaw ko ito ng utang na loob."
"Sus! Walang problema. Parang bahay ampunan na rin itong bahay na 'to eh. Noon, maraming nakikitulog dito sa amin, lalo na kapag bagong salta. Kakaunti pa kasi ang mga bahay noon." Ani Miles, "At isa pa, kawawa ka naman kung hindi kita tutulungan. May tiwala ako sa'yo, pamangkin mo naman may-ari ng skwelahan namin."
Napakunot-noo muli si Leonardo, "May-ari ng skwelahan ang pamangkin ko?"
"Mismo, omsim, ginoo!"
"Talagang malayo rin ang kaniyang naabot." Ani Leonardo, "Ipinagmamalaki ko siya."
Napangiti naman si Miles.
Pansamantalang naging tahimik ang kanilang pagitan at tanging huni ng kuliglig lamang ang naghahari sa gabi.
"Binibini, may nais lang sana akong itanong,"
"Ano iyon, ginoo?"
Napahinga nang malalim ang binata, "Sino ba ang lalaki kanina? Iyong lalaking nakasakay ng kakaibang bisekleta."
Tumawa si Miles, "ah, oo, si Philip iyon. Siya ang una kong jowa."
"Jowa?" Naguguluhang saad ni Leonardo, "Ang nais mong sabihin ay nobyo?"
Tumango nang maraming beses si Miles. "Oo, unang halik at unang basag ng puso."
"Nagkahalikan na kayo? Aba." Hindi makapaniwalang saad ni Leonardo, "Hindi pa nga kayo kasal."
Tumawa ang dalaga, "Galit yan? Alam mo ba, normal na lamang 'yan sa panahon namin ngayon? Ha! Hindi mo alam? Alam mo na."
"Nakakapangilabot kung isipin, h-hindi ko 'yan naranasan. Natatakot ako." Ani Leonardo. Kitang-kita niya sa mukha ni Miles ang pagdududa.
"Weh? As in? Hindi pa kayo nag-kiss ni Presciousa? Kwento mo sa pagong. Hindi ba't kadalasan sa lalaki ay kapag may hinain ay kakain?" Natatawang litanya ni Miles, "Alam mo, narinig ko na rin 'yan sa mga nanligaw sa akin, never been touch daw? The heck!"
"Kung ayaw mong maniwala, eh, tingnan mo na lamang kapag ako'y may liligawan. Kakaiba manligaw ang mga lalaking galing sa nakaraan." May pagmamalaking saad ni Leonardo, "Ngunit sa ngayon ay wala pa akong napupusuan."
Natahimik na lamang bigla si Miles at nakaramdam ng hiya. Sa palagay niya ay parang ang dungis na niya sa harapan ni Leonardo, "Ah- update mo- este ah, sabihan mo lang ako kung may napupusuan ka, nang sa gayon ay ma-briefing ko." Sabay kamot niya sa batok at tumawa nang hilaw.
"Matulog na tayo, binibining Miles. Masama sa kalusugan ang hindi matulog nang maaga." Sabi pa ni Leonardo, "Buenas noches, que duermas bien." (Good night, sleep well."
"Okay po, matulog ka na rin, ginoo bago mo pa makitang dumugo ang ilong ko sa pinagsasabi mo." Saad ni Miles at nag finger heart pa kay Leonardo bago isinara ang bintana. Napapikit pa siya at napasandal sa pader ng bintana, "Gosh, bakit ang sexy niyang magsalita ng spanish? Oh- bawal! No. Inaantok ka lang, Miles." Agad siyang napahiga sa kama.
Samantalang si Leonardo naman ay isinara na lang din ang bintana at pagkatapos ay pumasok na sa kulambo at humiga nang maramdaman ang kama. Napapangiti siya sa kadaldalan ni Miles at hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang masigla at masayahing mukha ng dalaga.
"Malay natin kung magbibiro si tadhana at makakasalamuha ko ang babaeng para sa akin sa panahon na 'to." Tanging naisaad niya sa sarili.
------
Featured Song:
(Salamat sa suggestion Senyor_Nephesh , ang ganda ng kantang to, bagay na bagay.)
(Si MIIIIILES)
(Si LEONARDOOOOO)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro