Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata VIII

NANG marating ng tatlo ang kilalang mall ay agad na nakita nila ang mga taong abala sa pamimili na tila pangkaraniwan pa ang lahat at parang hindi apektado sa balita na kumakalat ngayon.

"Klase bukas, sist. Ano kaya ang magiging ganap? Mas bet ko na talaga na hindi na pumasok, umay na eh." Saad ni Audrey habang pinupulupot ang bisig nito sa bisig ni Miles.

Natawa na lamang si Miles at napailing, "Buti ka pa at ganiyan lang iniisip mo, samantalang ako, stressed na sa nilalang na kasama natin ngayon" Sabay tingin sa gawi ni Leonardo na panay tingin sa paligid.

"Ano kaya ang nakain ni Sir Francois no? Siguro---para sa akin lang ha, baka pinipili niya yung mga babaeng pihikan na tulad mo!" Ani Audrey at napangisi pa, "May instant boyfriend ka na,"

Pinandilatan ng mata ni Miles si Audrey, "Careful ka sa sinasabi mo, kahit mukhang artistahin 'yan... hindi magbabago ang pagiging choosy ko no!"

Napaismid si Audrey na may halong panunukso, "Weh? Kakainin mo rin ang sinasabi mo. Kapag na inlove ka diyan, mag pa-party ako!"

"Paano pag hindi?"

"Edi walang party, simple as that" Pakli ni Audrey.

Umiling muli si Miles at napangisi ngunit nabawi iyon nang mawala sa kanilang tabi si Leonardo, "Sist, si Leonardo! Nawawala!"

Nagkaroon ng saglit na panic attack ang dalawa habang hinahanap ito,  ngunit nabawi lamang iyon nang makita nila ang binata na nakatayo malapit sa grand piano ng mall.

"Leonar---"

"Sist, hayaan mo na." Pigil ni Audrey kay Miles, "Tingnan na lang natin siya at obserbahan,"

Napahalukipkip na lamang si Miles at pinagmasdan si Leonardo na tinitingnan ang mga nakaukit na rosas sa gilid ng piano. Titig na titig ito sa bawat detalye at sa kulay nitong itim na nakakapagbigay ng mala-klasikong aura.

Biglang may lumapit na sales boy kay Leonardo at napangiti ito sa kaniya, "Nais niyo bang tumugtog ng piano, sir?"

Nagulat naman ang binata, "Ah-- baka ako'y kagagalitan ng may-ari nito. Hindi ito basta bastang piyano,"

"Maaari niyo hong subukan, sir. Walang bayad, para ito sa lahat at sa may nais na tumugtog." Saad ng sales boy.

Napalingon pa si Leonardo sa gawi ng dalawang dalaga, hindi niya man mawari ang senyales ni Miles pero hudyat iyon na susubukan niyang tumugtog. Umupo siya sa silyang malambot at inihanda na niya ang kaniyang mapipilantik na kamay upang gumawa ng tunog galing sa grand piano.

Napangiti si Miles nang makita si Leonardo na sinunod ang kaniyang senyas na isang thumbs up para bigyan ng lakas ng loob ang binata na tumugtog at nais niya rin itong makitang tumugtog.

Sa bawat pagtipa ni Leonardo sa piano ay gumagawa iyon ng nakakahilang tunog. Napili niyang tugtugin ang piyesa ni Claude Debussy, ang Suit Bergamasque L.75 -Claire de Lune. Isa ito sa mga paborito ng kaniyang lolo, naiisip niya pa rin ang pagkawala nito na siyang nakapagbigay pa lalo sa kaniya ng tapang at lakas ng loob na suungin ang mundo ng pagiging piyanista. Hinihiling niya na lamang sa oras na ito ay ang masagot  ng kasalukuyan ang mga katanungan mula sa nakaraan. Nawa'y magkaroon ng saysay ang pagdating ko rito sa hinaharap.

May mga taong nakiki-usyoso na sa binatang tumutugtog ng piano. Ang iba ay tila dinala sa alapaap at nalimutan ang pasanin na problema. Ang iba naman ay hindi mapigilan na kuhanan ng video ang binata.

"Ang gwapo niya no, ilang taon na kaya 'yan?" Tanong pa ng isang dalagita habang hawak ang smartphone at abala sa pagkukuha ng video, "Pwede 'to maging artista,"

Napaismid na lamang si Miles sa narinig, si Audrey naman ay hindi makapaniwala na tunay ngang magaling sa pagtugtog ang binatang nanggaling sa nakaraan.

Nang matapos ni Leonardo ang pagtugtog ay biglang pumalakpak ang nasa paligid. Kahit na ang sales boy ay napalakpak nang malakas.

Nag bow pa ang binata sa harapan ng madla at bumaba at tumungo sa gawi nila Miles.

"A-ang galing mo," Nautal na saad ni Miles. Parang hindi na niya marinig ang sarili dahil sa bilis ng tibok ng kaniyang puso.

"Salamat, binibini. Salamat at dinala niyo ako rito," Saad ni Leonardo.

Napatango si Audrey at napa-slow clap pa, "Siyang tunay!"

"HETO, sukatin mo ang leather jacket na 'yan, tingin ko bagay sa'yo" Suggest ni Miles nakita niya naman na sumang-ayon si Audrey habang nakaupo at sinusukat ang isang panlalaking sapatos.

"Mukhang marami na kayong pinamili sa akin, wala ba silang barong dito?" Tanong ni Leonardo.

Napangiti ang mga sales lady sa narinig na tila isa itong biro ngunit seryoso ang pagkakatanong ng binata sa kanila.

"Ah-" Hinila ni Miles si Leonardo malapit sa isang closet na medyo malayo sa mga sales lady, "Sir, hindi na nauuso ang ganiyang kasuotan ngayon. Pagmasdan mo ang mga lalaki rito," Saad niya at nakita niya naman na pinagmasdan ni Leonardo ang mga kalalakihan na labas-pasok sa mall.

Nakikita ng binata ang kakaibang istilo ng pananamit ng ibang lalaki, "Nakasuot ang iba ng kamiso na halos lagpas na sa kanilang tuhod at may nakatatak dito na hindi ko mawari ang simbolo na tila nagtatawag ng diablo, at ang kanilang karsones ay kasing kapal ng balat ng hayop"

"Oh, see?" Ani Miles.

"Ngunit hindi ko tipo ang kanilang kasuotan. Hindi ko kailanman na susuotin, mas mainam na rin itong pinamili ninyong damit na sinasabi ninyong polo," Saad ni Leonardo at napabuntong ng hinga, "Maraming salamat sa inyong tulong, nawa'y tulungan mo rin ako na matunton ko ang aking tahanan"

Nang marinig iyon ni Miles ay napatingin na rin siya kay Audrey na nag thumbs up na lang at binalik ang sarili sa pakikipag-usap sa mga sales lady patungkol sa napiling sapatos.

Bumalik muli sila sa gawi ng mga sales lady at kinuha na rin ni Leonardo ang leather jacket at pumasok sa fitting room.

"Aud, pwede bang pagkatapos natin dito ay pumunta tayo sa Casa de la Libertad?"

Napatango si Audrey at ngumiti, "Sure. Pero kakain muna tayo pagkatapos dito, tomguts na ako eh."

"Aud, salamat sa iyong tulong. Nang dahil sa'yo ay naibsan ang stress ko kahit papaano, ewan ko ba kung bakit sa akin 'yan binigay ni sir Francois, eh, isang hamak lang naman akong studyante na walang income," natatawang saad ni Miles sa kaibigan.

"Gurl, best friend kita mula pa noong first year college pa tayo at ikaw ang tunay na kaibigan ko. Marami naman akong kaibigan pero hindi ko sila masasabayan dahil mga masyadong sosyal! Gusto ko lang ng simple, 'yung tipong may kaibigan akong mapagsabihan ng mga problema. Alam mo naman, mga katulong lang ang kasama ko sa bahay," Saad ni Audrey at inakbayan ang kaibigan, "Nang dahil sa'yo ay mas lalong naiintindihan ko ang mga bagay bagay, kung kaya ay narito ako para tulungan ka na walang kapalit."

Napangiti na lamang si Miles sa kaibigan at niyakap ito nang mahigpit, "Basta vc tayo parati ha?"

"Syempre naman, ikaw pa! Talagang ma bo-bored ako sa bahay no," Tugon ni Audrey.

"Shems! Ang gwapo talaga niya,"

Napataas ng kilay si Miles sa narinig na nagmumula sa grupo ng sales lady.

"Oo nga, napaka-hot! Parang mga lalaki noong panahon pa nila Leonardo de Carpio, Brad Pitt, James Dean, at Johnny Depp!"

Agad na napatayo si Miles at nakita niya si Leonardo na nakaharap sa isang salamin habang binabagay ang sarili. Sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang tumibok nang mabilis ang kaniyang puso na tila malulusaw na siya sa kinatatayuan niya.

"Bagay ba, binibining Mila?" Tanong ni Leonardo nang humarap siya sa dalaga.

Nanghihilaw na napangiti si Miles at napatango agad, "O-oo! Bagay sa'yo!" Nakita naman niyang binigyan siya ni Audrey ng mapanuksong tingin na tila nakakapansin na siya'y kinikilig.

"Gorabells! Babayaran ko na ito," Masiglang saad ni Audrey at inilabas ang credit card. Kinuha na rin niya ang sapatos na nakakahon na kaniyang napili para sa sarili.

Pinipigilan lamang na ngumiti ni Miles at pinapatili ang supladang pagmumukha, "Sundan na natin si Audrey,"

Tumango naman si Leonardo, "A-ano yung g-gorabells, binibini?"

Ngumisi si Miles, "Ang ibig sabihin no'n ay ikaw ay makisig,"

"Talaga? Ako'y makisig? Ako'y isang gorabells?" Tanong ni Leonardo at nababakas sa kaniyang mukha ang hiya pero masaya kahit papaano.

Tumango nang maraming beses si Miles at hinila niya ang binata, wala na siyang pakialam kung ano ang sasabihin sa kaniya ni Leonardo, basta ba ay hindi lang siya mahahalata na kanina pa siya kinikilig.

"DITO, dito ang ang inyong mansyon" Panimula ni Miles nang makarating sila sa Casa de la Libertad. Napansin niyang napatigil ang binata sa pintuan at pinagmasdan ang kabuuan ng loob.

Samantala, si Leonardo naman ay hindi makapaniwala na mas lalong gumanda ang kanilang dating mansyon, "Nais kong umakyat sa aking silid," Ngunit napansin niyang pinigilan siya ni Miles, "Bakit?"

"H-hindi na po siya silid ngayon, parang isang restaurant na ho siya sa taas--- I mean, kainan! Oo, tama! Naiba na ho ang istilo," Ani Miles, "Gusto mo bang makita ang iyong istatwa?"

Sasagot pa sana si Leonardo ngunit hinila na naman siya ng dalaga, wala siyang magawa dahil kusang sumusunod ang kaniyang mga paa sa mga nais na puntahan ni Miles.

"Oh 'di ba! Kalookalike ng iyong feslak ang statue na ito!" Wika ni Miles na tila proud siya na sambitin ang mga kataga.

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Leonardo at biglang nanghina ang kaniyang tuhod na sanhi ng kaniyang pagkakaluhod sa sahig, "Ang istatwang ito..."

Biglang nataranta si Miles at Audrey, agad na inalalayan nila ang binatang nagdadalamhati sa nasaksihan.

"Lumabas na tayo, mas pipiliin k-ko na lamang na lisanin ang pamamahay na ito... ang aking pagbabalik dito ay nagdidikta ng masalimuot na nakaraan," Ani Leonardo at tumayo upang lumabas na sa nasabing mansyon.

Napabuntong-hininga si Miles at napatingin kay Audrey na ngayon ay nag-aalala sa natungahayan. Sinundan na lamang nila ang binata.

Mula sa malayo ay may nakamasid na isang estrangherong lalaki na kasing-edad lamang ni Leonardo.

"SABIHIN mo sa akin ang lahat kung bakit ako narito sa panahon niyo? O isang bangungot lamang ito?" Tanong ni Leonardo habang tinatanaw ang malawak na hardin. Kasalukuyan silang dinala ni Audrey sa tahanan upang mahimasmasan sila sa mga pangyayaring hindi pangkaraniwan.

"Sa aking pagkakaalam ay may kinalaman dito ang iyong pamangkin na si sir Francois," Saad ni Miles.

Biglang napatingin si Leonardo na may halong pagtataka sa gawi ng dalaga na nakaupo at nakasandal lamang sa upuang bakal na kulay puti, "S-si Francois? Bagong silang lamang siya nang huli kong kita sa kaniya, anong magagawa ng sanggol sa aking kapalaran?"

Napapikit si Miles at huminga nang malalim, uminom muna siya ng tubig at hindi na alam kung paano niya ipapaliwanag lahat sa binata.

"Nais kong makita si Francois, nais ko siyang makausap." Dagdag pa ni Leonardo, pagkatapos ay umupo siya sa bakanteng silya na kaharap lamang ni Miles.

Napakamot ng ulo si Miles at napailing, "Mahirap hagilapin si Sir Francois. Ah- bukas! Kakausapin ko siya,"

"Maari ba akong sumama?" Tanong pa ni Leonardo sabay titig sa mga mata ng dalaga.

Napalunok ng laway si Miles at napapaypay ng sarili dahil sa intense ng feeling niya sa pagtitig sa kaniya ni Leonardo, "S-sige,"

ARAW ng lunes at inihanda na ni Miles ang sarili, nakita niyang mahimbing pa rin ang tulog ni Leonardo sa kaniyang kama, nakitulog na lamang siya sa kwarto ni Georgia kagabi.

"Sir, gising na. May almusal na sa  labas." Ani Miles habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin at nag-aayos ng buhok. "Naisip ko na bawal pala ang outsiders---ay! I mean, bawal ang hindi studyante na pumasok sa paaaralan,"

Natigil ang pag-unat ng katawan ni Leonardo sa tinuran ni Miles, "Ano? Ano'ng gagawin ko?"

"Dito na lang ho kayo sa apartment ko, baka mamayang hapon ay ba-biyahe na tayo patungo sa San Roque, nagsisimula na kasi ang lockdown." Saad ni Miles habang patuloy pa rin ang pag-aayos ng buhok. Nakita niya sa repleksyon ng salamin ang binata mula sa kaniyang likuran na nakaupo na parang isang indiano at nakasalong-baba. Hindi niya mapigilan na mapangiti dahil inosenteng inosente itong nakatingin sa kaniya.

"Kung sa gayon ay, dito lamang ako buong maghapon?" Tanong ni Leonardo.

Napatango si Miles ngunit sa ganoong eksena ay may sumaging alaala sa kaniyang isipan na nagmula sa kaniyang dating panaginip.

"Sasabihin ko ba agad ngayon na alam ko kung sino ang pumatay sa kaniyang lolo?" Saad ni Miles sa kaniyang isipan, "Pero... baka magalit siya sa akin at mainis kapag sinabi ko at sasabihin na ako ay mapagbintang? Kaloka!"

"Binibini, tila napahinto ka sa iyong ginagawa? Ikaw ba ay ayos lang?" Pagtatakang tanong ni Leonardo.

Umiling na lamang si Miles at kinuha ang kaniyang bag at sinuot ang I.D., lumulutang ang kaniyang isipan na lumapit kay Leonardo at makipag beso-beso sana ngunit nailang ang binata sa kaniyang nagawa, "Ah- 'wag mong pansinin! Nasanay lang ako kay Audrey, tama! Ibang tao ka pala! Bye! Kumain ka!" Mabilis na salita niya at kumaripas nang lakad patungo sa hagdan na halos tumalon na sa bawat baitang dahil sa hiya.

Naiwan si Leonardo at natigilan na lamang siya sa kakaibang kinilos ng dalaga. Kumabog nang mabilis ang kaniyang puso sanhi ng pagdampi niya ng kaniyang palad sa kaniyang dibdib.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro