Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata VII

NAKAUWI na si Miles at Leonardo sa apartment. Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao sa labas na parang may kasama si Miles na isang santo, ang iba ay pa simpleng kumukuha ng litrato sa binata.

"Hindi ko maintindihan ang balita kanina, mukhang hindi kaaya-aya," Saad ni Miles nang marinig ang news kanina sa isang barber shop na katabi lamang ng 7/11. Ayon sa balita ay may virus na kumakalat sa bansang Tsina na nanggaling sa paniki. "Tapos pinapasara na ang mga paliparan sa ibang bansa, dito kaya?"

Napakagat ng labi si Leonardo dahil sa sinasabi ng dalaga na hindi niya maintindihan, "A-anong v-virus? Hindi ko maaarok ang iyong sinasabi, binibini. M-mukhang masamang balita ang iyong binabahaging salita,"

Napahinto si Miles malapit sa hagdanan na naka-spiral at napahinga siya nang malalim sabay kamot niya sa kaniyang noo, "Ano kasi, ang sinasabing virus ay para siyang isang ahente na papasok sa katawan ng isang tao tapos mag mu-mutate--- ah, kakalat siya. At kapag natamaan nito ay magkakasakit and worst, mamamatay!" Paliwanag niya at nagsimulang ihakbang ang paa sa hagdanan.

Parang natuod naman si Leonardo sa kinatatayuan. Nanghihilakbot na ang kaniyang damdamin sa sinabi ni Miles.

"O? Bakit para kang hindi matanggal sa pwesto mo, sir? Halika na po. Nasa taas ang aking kwarto," Ani Miles sa binata na ngayon ay hindi niya alam kung nagulat ba ito sa narinig o hindi lang siya marunong umakyat sa hagdan na may istilong pa-spiral?

Napailing si Leonardo, "H-hindi na, binibini. Hindi kaaya-aya ang manghimasok pa ako sa iyong silid. Hindi kaaya-aya na tayong dalawa lamang ang nasa loob at hindi naman tayo magkaano-ano,"

Napataas ang dalawang kilay ni Miles, "Ay, tama. Hindi pala 'to uso sa panahon nila"

"May sinasabi ka ba, binibini?" Pagtatakang tanong ni Leonardo dahil tila may kinakausap sa hangin ang dalaga.

Umiling si Miles at napangiti nang pilit, "Ah, wala. M-may balkonahe naman sa taas. Doon ka na lang muna, Halika na!"

Napahinga muna nang malalim si Leonardo at sumunod na lamang sa mahiwagang dalaga.

Nang makaakyat si Miles ay nadatnan niya ang isang dalaga na nakasuot ng bra at short habang nagsasampay ng mga damit sa balkonahe.

"Ate Miles!" Saad ni Georgia, isang bagong salta sa apartment. Magkatabi lamang sila ng kwarto ni Miles, "Kakalipat ko lamang dito at may maririnig akong balita na magsisimula na ang lockdown sa Friday!"

"What? Agad?" Hindi makapaniwalang tugon ni Miles. Kung kaya ay kinapa niya ang kaniyang susi sa bulsa pati na ang cellphone upang tawagan niya ang kaniyang mga magulang.

"True---oh, s-sino siya?" Nabaling ang atensyon ni Georgia sa estrangherong bago lang nakaakyat ng hagdan.

Nanlaki ang mga mata ni Leonardo sa nakita at agad na tumalikod, "N-nakikita ko ang iyong katawan! Que barbaridad!"

Agad na napaharang si Miles kay Georgia, nakalimutan niyang hindi sanay ang binata na makakita ng maikling kasuotan.

Napahawak si Georgia sa kaniyang dibdib sa gulat at agad na hinablot ang nakasampay na tuwalya, "Pari ba siya? At parang isang sagrado ang kaniyang mata na parang hindi sanay na makita ang aking makinis na balat at ang coca-cola body ko?" Saad niya pa habang nagtatapis ng tuwalya.

"Shut up, Georgia. Hindi siya pangkarinawang lalaki, mabuti pa ay pumasok ka na sa kwarto mo" Saad ni Miles sa dalaga, nakita niya naman itong ngumiti ng nakakaloko at napatango bago ihakbang ang mga paa nito patungo sa sariling silid.

"Ano ba itong kahalayan ang aking nakikita? Nagkakasala ang aking mga mata," Saad pa ni Leonardo habang nakatalikod pa rin habang kaharap ang puting pader.

"Pwede ka nang humarap, sir. Pasensya ka na sa batang 'yon. Nakahiligan na ang ganoong kasuotan, maalinsangan kasi ang panahon" Paliwanag pa ni Miles at agad na tiningnan ang cellphone at hinanap sa phonebook ang number ng kaniyang nanay Lydia. Nang makita ay agad na niya itong tinawagan ngunit out of coverage area kung kaya ay nag online na lamang siya at sinubukang makipag video call sa kapatid nitong si Milo.

"Oh ate? Napatawag ka?" Tanong ni Milo sa kaniyang ate. Kasalukuyan itong nasa simbahan at nililigpit ang mga upuan.

"Mag lo-lockdown na raw sa friday, teka nga... ibigay mo ito kay nanay at tatay. Nais ko silang makausap," Ani Miles. Napansin naman niyang si Leonardo ay nakatitig sa cellphone na hinahawakan niya. Napailing na lamang siya at pinihit ang door knob para bumukas ang pinto, "Sir, halika. Dito ka na lang muna sa aking kwarto."

Napatango na lamang si Leonardo at pumunta sa gawi ni Miles. Nakita niya naman itong kinuha ang isang parihabang bagay at may ipinindot upang magkaroon ng palabas sa isa pang mahiwagang parisukat na manipis. Agad siyang napalapit sa bagay na ito at pinagmasdan ang babaeng kumakanta ng 'Material Girl'. Titig na titig siya sa babae.

Samantalang si Miles naman ay na we-weirduhan sa nakikita.

"Lumabas ka riyan! Duwendeng babae!" Biglang sigaw ni Leonardo at hinawakan ang magkabilang dulo ng t.v. at niyugyog.

Napakagat ng labi si Miles at pilit na pinipigilan ang pagtawa. Napa-face palm pa siya, "S-sir, manood ka lang. Kahit anong gawin mo ay hindi iyan lalabas,"

"Ate? May kasama ka diyan? Nay, si ate tumatawag"

Agad na napalayo si Miles sa kwarto at pumunta sa balkonahe. Kinakabahan na siya sa sasabihin at sa mga mangyayari.

"O? Anak, mabuti at napatawag ka, kumusta na diyan? May allowance ka pa ba?"

Napahinga nang malalim si Miles nang makita ang ina nito, nakita niya ring sumingit ang kaniyang tatay at kumaway ito sa kaniya, "Nay, tay, may mangyayaring lockdown. Sa tingin ko ay ipapasarado ang mga paaaralan,"

Nakakitaan naman ng pagkabahala ang mukha ni nanay Lydia, "Nanding, totoo kaya? Hindi ba't ito rin ang sinabi mo sa akin kaninang umaga? Yung virus na galing tsina,"

"Oo, mas mainam na hindi pa man nangyayari ang lockdown ay pauwiin mo na ang ating anak rito sa San Roque," Saad pa ng kaniyang tatay Nanding.

"Nay, tay, nais ko po sanang isabay ang aking kaibigan. Kawawa naman," Pakli ni Miles. Nanlalamig na ang kaniyang mga kamay at paa sa maaaring sasabihin.

"Sinong kaibigan 'yan, anak? Si Audrey?"

Napailing lamang siya sa katanungan ng ina, "Hindi po, galing ho siya... mula sa..."
Paktay! Hindi pwede 'to! Mag-isip ka nang mabuti, Miles! Baka mag-isip na naman sila na may kalokohan akong ginagawa o nababaliw na dahil sa pag-iisa ko rito sa syudad!

"Anak? Sino? Saan nanggaling?"

Natauhan si Miles, "Ah- galing siya sa Spain, nay! Ah, naligaw- I mean, naligaw siya kanina habang hinahanap ang apartment ko," Saad niya na halos hindi na makahinga dahil sa sobrang intense na pakiramdam.

"O, tapos? Babae ba 'yan o lalaki?" Mausisang tanong ng kaniyang nanay, "Baka may jowa ka na diyan at naglilihim ka pa ha,"

Umiling nang maraming beses si Miles, "Hindi po! Lalaki po siya, ah- kaibigan ho namin ni Audrey!"
Sorry, Audrey! Nadamay ka pa!

"At bakit nais niyang sumama? Ipakilala mo sa amin 'yan, anak-- siya ba 'yan sa likod mo?"

Nagulat naman si Miles nang makita si Leonardo mula sa likuran niya, nakaharap kasi siya palabas ng balkonahe na kung saan makikita niya ang maraming gusali. Hindi niya naramdaman ang binata, "Ay, kabayo! Dios mio! Ginulat mo ako," Wala siyang nagawa kundi ang isali ang binata sa video call.

"Nasa ibang mundo ba sila?" Tanong ni Leonardo habang titig na titig sa nakikitang matandang babae sa screen.

Hindi na lang pinansin ni Miles ang tanong ng binata, "Nanay, ito po si Leonardo,"

"Magandang tanghali po, ginang at senyor!" Saad ni Leonardo at napangiti sa kanila.

"Aba'y ang galang ng batang ito! Hijo, taga Espanya ka raw sabi ng aking anak?"

Tinabig ni Miles si Leonardo, "Sabihin mo, oo" Pabulong na saad niya.

Napatango naman agad si Leonardo, "Opo, ako'y galing sa Alemanya"

Kitang-kita ni Miles ang pagtataka sa mukha ng mga magulang. Napapikit na lamang siya dahil alam niyang hindi na Alemanya ang tawag kundi Germany na.

"Hindi ko akalain ito anak na may kaibigan kang afam! Sige! Dito muna siya manunuluyan sa atin habang hindi pa nawawala ang virus virus na 'yan! Tawagan mo ako kung mag ba-biyahe na kayo,"

Napatingin si Miles kay Leonardo na panay ang ngiti nito sa screen.

Lord, ikaw na bahala sa akin at kay Leonardo! I need your signs! Huhubells!

"WHAT?!" bulalas ni Audrey nang maihatid ang mga polo at karsones na hiniram ni Miles sa kaniya para kay Leonardo.

"Sasabihin mo na naman na baliw ako! Ano, nakita mo ba kanina ang casa? Naroroon ba ang statue?" Tanong ni Miles kay Audrey na ngayon ay tila ayaw nang lumabas sa kotse niya.

"O-oo, naroroon naman. Hala, ibang klaseng maligno na ata ang humatak sa iyong diwa para magkaganito na ang tadhana!" Saad ni Audrey.

"Alam mo, mabuti pa ay bumaba ka riyan para makita mo si Leonardo! Halika na, bilis!"

Walang nagawa si Audrey nang si Miles na mismo ang humila sa kaniya.

Nang makaakyat ang dalawa ay may narinig silang pag-uusap.

"Isa pa, twofie!"

Napataas nang kilay si Miles sa nakita, si Georgia at Leonardo habang nag t-take ng picture sa balcony.

"Ang gwapo mo, koyaaa!" Malanding saad ni Georgia, "Hashtag gwapong nilalang,"

"Hoy, hoy! Itigil mo nga 'yan! Batang 'to!" Pigil pa ni Miles at hinila si Leonardo papalayo kay Georgia.

"B-bakit, binibini?" Pagtatakang tanong ni Leonardo.

"Anong bakit? Kanina ay halos masunog ang mata mo sa nakita kay Georgia ngayon ay para kang isang bubble gum na sobrang dikit sa kaniya," Naiiritang saad ni Miles, "Heto, polo. Mamili ka diyan. Magbihis ka!" Sabay hagis nang mahina sa mga polo at karsones sa dibdib ni Leonardo.

Walang nagawa si Leonardo kundi ang pumasok sa silid ni Miles.

"Grabe, selos yan?" Tanong ni Georgia at pumasok na sa silid agad.

Napailing na lamang si Miles. Nakita niya naman si Audrey na tila natuod sa natunghayan, "Aud!"

Natauhan si Audrey, "Ah- kurutin mo ako! Baka nananaginip na rin ako!"

"Gaga, hindi nga! Totoo siya, Aud!" Ani Miles at napa-upo na lamang sa isang silya. "Mag lo-lockdown na sa Friday at isasama ko siya sa San Roque. Alam na nila nanay 'to pero hindi nila alam na galing sa ibang panahon si Leonardo,"

"Sist, kung ako sa'yo ay turuan mo na lamang si Leonardo na makibagay sa panahon na 'to, at okay na rin 'yan dahil hindi mo siya maiiwan kasi online na rin ang klase natin, right?" Litanya ni Audrey at napabagsak ang balikat kasabay sa pag-upo niya sa isa pang silya.

"Problema 'to," Nalulungkot na saad ni Miles, "Eh, 'yung pera niya mula pa sa nakaraan eh. Wala pa siyang damit. Kung kaya ay naisipan kong tawagan ka dahil alam kong may naiwang mga polo ang kuya mo sa inyo,"

Napatango-tango si Audrey at biglang napangiti, "Mag mall na lang kaya tayo ngayon? Sagot ko lahat! Damit? Pagkain? Tara! Alam kong matagal e lift up ang lockdown na 'yan, kung kaya ay bonding tayo!"

"Naku! Nakakahiya---"

"Aysh! Huwag na ngang mag react! Hintayin na lang natin na lumabas ang iyong ginoo!" Ani Audrey at tumawa na parang isang mangkukulam.

Napairap na lamang si Miles sa kaniya at napangisi na lang din.

"Ayos na ba ang aking suot, mga binibini?" Tanong ni Leonardo nang makalabas sa silid.

Nang magawi ang paningin ni Miles kay Leonardo ay halos bumagal ang kaniyang paligid na akala niya ay kalokohang maituturing sa mga palabas. Napakakisig nito sa polong puti na mataas ang sleeves at ang karsones na kulay itim. Nakaayos na rin ang kaniyang buhok na tila isang lalaki na makikita niya sa mga larawang vintage o retro.

Sa unang pagkakataon ay biglang tumibok nang mabilis ang pusong pihikan ni Miles.

Normal pa ba ito?

----

Leonardo Romero

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro