Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata VI

"HINDI mo ako kilala?" Pagtatakang tanong ni Miles kay Leonardo.

"Hindi kita kilala," Tugon ni Leonardo.

Walang nagawa si Miles kundi ang hilain patungo sa nagtitinda ng balut ang binata. Alam niyang pinagbubulungan na sila ng mga nakakalokong salita kahit hindi niya naririnig. Kahit na ang tindero ng balut ay nagtataka na rin sa kanilang dalawa, "Manong, galing ho siya ng Theater play. Nakainom kaya ayun... mukhang may saltik sa utak at kung ano ano na ang sinasabi,"

"Hindi ako nakaino---" Sasabat pa sana si Leonardo ngunit tinakpan ni Miles gamit ang hintuturo ang bibig nito.

"Oops! No more words! Hindi mo ba talaga ako kilala? Ako ito, si Mila, umupo ka at sasabihin ko sa'yo ang lahat!" Pagpapakilala pa ni Miles sa sarili dahil malinaw sa kaniyang panaginip na Mila ang kaniyang sinabi sa kanila. "Ang jow---nobya mo ay si Preciousa, 'di ba?" Tanong niya nang makaupo silang dalawa sa mahabang bangko.

Napatitig lang sa kaniya si Leonardo na tila kinikilatis ang kaniyang buong pagkatao ngunit napalitan ang emosyon sa mukha nito nang marinig ang pangalan ni Preciousa.

"Bueno, ako'y aalis na" Sabay tayo ni Leonardo at inayos ang sombrero.

Agad na napakuha ng supot si Miles at inilagay doon ang balut na hindi pa niya nababalatan. Nagbayad siya sa tindero at hindi na kinuha ang sukli dahil nagmamadali na siyang sundan si Leonardo. "Sandali sir! Wait!" Lakad-takbo siya.

"Miles!"

Napalingon si Miles kung sino ang pumigil sa kaniya.

"A-anong ginagawa mo rito sa labas? Akala ko ba ay iinom tayo?" Tanong pa ni Audrey. Nababakas sa kaniyang mukha ang pagtataka habang nakatingin na ngayon kay Miles na tila hindi mapakali ang damdamin na sundan ang estranghero.

Napalingon muli si Miles sa daanan na patungong Cadena de Amor, hindi na niya mahagilap pa si Leonardo. "Ah- b-bumili lang ako ng balut, tapos...uhmm..."

Si Audrey naman ay nag-aabang lamang sa sasabihin ng kaibigan dahil tila balisa ito kung kaya ay pinulupot na lamang niya ang kamay sa braso ni Miles, "Mukhang may tama ka na sa ininom mong gin kanina, hindi ka pala sanay."

"Ah- oo, p-pero gusto ko ngayon na uminom pa nang uminom. Sunday naman bukas," Saad pa ni Miles tapos siya na mismo ang humila kay Audrey papasok sa Bar.

NAPAUNAT ng katawan si Miles at sinasamsam ang ginaw ng kaniyang unan. Napangisi na lamang siya bigla dahil hindi siya nanaginip ng makaluma.

Kahit na masakit ang ulo ay pinilit niyang bumangon at pumunta ng palikuran upang magsipilyo.

Pagkatapos ng ganoong eksena ay nagbihis siya upang makabili ng pagkain sa 7/11 dahil alam niyang sirado ngayon ang mga carenderia dahil Linggo.

Pakanta-kanta pa si Miles habang pababa ng hagdan sa tinutuluyan niyang apartment, "Nakakahilo naman itong hagdan nila!" Reklamo niya dahil naka spiral ang pagkakagawa ng hagdanan.

Nang makalabas siya sa tarangkahan ay napansin niya ang isang lalaking nakahiga sa isang upuang pahaba na gawa sa semento.."Sir Leonardo?!" Hindi makapaniwalang sambit niya.

Omg! What if... what if pumasok yung care taker ng casa? Tapos wala yung statue niya 'don?!

Nagdadalawang-isip man si Miles ay sinubukan niyang gisingin ang binata, "S-sir?" Nagulat siya nang umungol ito at nag-uunat na ng katawan.

Tila iniisip pa ng binata kung saan siya ngayon at biglang napabangon.

Natigilan naman si Miles nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ni Leonardo. Tunay ngang napakaamo ng mukha nito na tila isang foreigner na may lahing kastila. Medyo kulay brown ang buhok nito at may brown eyes din. Mapupula ang labi na tila hindi pa nakakatikim ng yosi.

"M-mila?"

Napalaki ang mata ni Miles at napatalikod dahil nakikilala na siya, "Patay, naaalala na niya ako. P-pero 'di ba't maging masaya ako? Wait, masaya? Hell no! Ang weird na nga, o baka naman.... nababaliw na ako!" Bulong niya pa sarili.

"Mila, h-hindi kita malilimutan. Nagpakilala ka sa akin at nilayo sa mga mapanuyang tingin sa akin ng mga tao,"

Napaharap na si Miles sa binata at pinagmasdan ang suot nito na tila nabibilang sa upper class. Tila isa ngang karakter ng Greatest showman pero nakaitim lahat, "Sir, sorry ha. Pero hindi ko na rin naiintindihan kung bakit hindi mo ako nakilala agad, tapos parang ngayon mo lang din ako nakita, close kaya tayo sa panaginip"

Tahimik lamang si Leonardo at pinagmasdan ang paligid.

Magsasalita pa sana si Miles ngunit tumayo ang binata at kinuha ang sombrero.

"Tila ako'y nananaginip kagabi. Hindi ko mawari kung bakit mukhang nasa ibang mundo na ako. Hindi ko maatim ang inyong kasuotan na tila pinagkaitan kayo ng mga tela. Ang mga kolorete sa mukha ng mga babae kagabi ay mahahalintulad sa isang mujer libre," Panimula ni Leonardo at nakalagay pa ang isang kamay sa beywang at ang isang kamay ay hawak ang sombrero na nakadampi na ngayon sa kaniyang dibdib. "Ano ba itong bagong paghihirap na aking kinakaharap na tila isang nakaukit na sumpa sa aking pagkatao? Nawala ang mga kalesa at may mga gusali na ngayon na parang aabutin ang langit sa sobrang taas."

Napaawang lamang ang bibig ni Miles habang nakatingin kay Leonardo na ngayon ay nababakasan na ng pagkabahala at pagtataka.

"Binibini, anong taon na ngayon? Hindi ba't isang libo't walong daan at siyam na pu't isa?" Tanong ni Leonardo sa dalaga na tila nahihiwagaan sa kaniyang presensya.

Natauhan si Miles sa tanong ni Leonardo. Hindi niya maintindihan dahil naka-tagalog ang pagbigkas ng taon, "Po? A-ng taon ngayon ay..." Napakagat siya ng labi at hindi alam kung ano ang tagalog ng 2019. Naisip na lamang niya na kunin ang cellphone sa bulsa at agad na binuksan ang screen.

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Leonardo sa nakitang bagay na hinahawakan na ngayon ng dalaga.

"Heto, ayan. Twenty nineteen na,"

Dahan dahan na kinuha ni Leonardo ang mahiwagang bagay sa kamay ni Miles at tiningnan iyon nang mabuti, "Dalawang libo't labing-siyam?!" Gimbal niyang saad.

"Mismo, kaya ang lakas ng amats ng tadhana at pinaglalaruan lang tayo!" Saad pa ni Miles.

Halos balutan ng kilabot ang buong katawan ni Leonardo sa nakita. Napatakbo siya bigla sa labas at idinamba ang sarili sa isang puno.

"S-sir! A-anong ginagawa niyo?!" Natatarantang saad ni Miles habang pinipigilan ang ginagawa ni Leonardo.

"Nananaginip lang ako!"

"Sir!" Buong pwersang pigil ni Miles at napahawak sa mga kamay ng binata. Natigil naman ito sa ginagawa at napatingin na ang binata ngayon sa kamay niya, "Totoo ang lahat ng 'to!"

Napabitaw si Leonardo at napaupo sa lupa.

"KUMAIN ka nang marami, ipagkukuha pa kita ng ganiyan" Ani Miles kay Leonardo habang kumakain sila ng naka-packed na pagkain na iinitin lang ng staff ng 7/11.

"B-bakit tayo kumakain sa kahon? A-at ano ito ating kubyertos? Wala ba silang pinggan?" Maraming katanungan ni Leonardo habang pinagmamasdan ang isang plastik na tinidor.

"Ganiyan na ngayon sa makabagong panahon, ang high tech na!" Pagmamalaki pa ni Miles.

"H-High tek? Tila isang mahiwagang salita. A-at ang ginaw dito kahit mainit sa labas? Kagagawan din ba iyan ng haytek? Ang pagluto sa pagkain ay hindi naka mangkok? Sinisilid lang ito sa isang kahong bakal," Manghang saad pa ng binata habang nakatingin sa paligid.

"Oven," ikling tugon ni Miles. Napatingin siya sa kabilang mesa na may magbabarkada na kanina pa sila pinagmamasdan at tinatawanan nang palihim. Inirapan niya lamang ito.

"Ang sarap ng pagkain, binibini! Nais ko pa ng ganito!" Natutuwang saad ni Leonardo, "Ako ang magbabayad, may isang daang reyales ako rito." Sabay pakita ng mga barya sa kaniyang maliit na pouch.

Namangha rin si Miles sa nakita, "P-pero, hindi na ganyan ang pera ngayon, sir." Pakli niya, "Heto na po." Sabay pakita niya ng limang daan.

Agad na kinuha ni Leonardo ang pera ni Miles at tinitigan ito nang mabuti, "Nakakamangha rito sa mundo niyo!"

Napakamot na lamang ng ulo si Miles at hilaw na napangiti sa binata, "Actually, parehas lang tayo ng mundo ngunit hindi magkaparehas ng panahon." Bulong pa niya kay Leonardo.

Nagkibit-balikat na lamang si Leonardo at ibinalik ang limang daan, "Paano naman ito?" Tanong niya ulit nang makita ang baso na may straw.

"Ganito lang 'yan, sir." At ipinakita ni Miles kung paano inumin ang softdrink.

"Napakasarap!" Manghang sabi ni Leonardo nang masipsip ang straw at nalasahan ang likido sa loob ng baso. "Ano ito? Hindi ko wari ang ganito. Ang tanging iniinom ko lamang ay vino na galing sa Europa,"

Napaubo si Miles sa narinig. Yayamanin talaga itong si Leonardo! Hindi ko keri!

"A-ayos ka lang, binibini?" Tatayo na sana siya ngunit nakita niyang tumango ang dalaga.

"Ayos lang ako, sandali lang... ipagkukuha pa kita ng ganiyang pagkain." Sabay tayo ni Miles at pumunta sa feezer.

"Miles,"

"Ay kabayo!" Nagulat si Miles sa presensya ni Sir Francois, "S-sir? Ah- musta?" Napalingon pa siya sa gawi ni Leonardo na tila isang bata na abala sa pag-inom ng coke.

"Nasa kamay mo na ang kapalaran ni Leonardo. Baguhin mo, nang sa gayon ay mananatili siya rito sa kasalukuyan at masamsam ang kasiyahan at tunay na pagmamahal," Ani Sir Francois. Tapos ay napagawi ang kaniyang tingin sa tiyuhin at tila nasasaktan ang kaniyang damdamin.

Napakunot-noo si Miles sa sinabi ng matanda, "Ho? A-anong ibig ninyong sabihin? Paano po ang mga panaginip ko? Uhhh, hindi nga niya po ako kilala tapos sa panaginip ay magkakilala kami,"

"Hija, ang panaginip ay ang pintuan kung paano mo malalaman ang buong pagkatao ni Leonardo. Kahit na kilala ka niya sa panaginip ay hindi na mababago ang kaganapan sa nakaraan. At isa pa, namatay siya na hindi man lang nakamit ang katarungan ng kaniyang lolo. Nais kong mag-ingat pa rin kayo dahil alam kong kahit nasa bagong panahon na siya ay hindi pa rin siya lulubayan ng mga kaganapan na maaaring makapagwasak sa kaniya, adios!"

"S-sir!" Susundan pa sana niya si Sir Francois kaso may kasama pala ito na siyang maghahatid sa sasakyan. Napahinga na lamang siya nang malalim at hindi na alam ang gagawin.

Ang dami ko palang dapat ma fulfill sa gwapong nilalang na iyan! Hays! Ano pa ba? Ang dami ko pang katanungan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro