Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata IV

KAHIT wala sa kalooban ni Miles ang mag vlog ngunit pinilit na lamang niya ang pagkakataon. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ganap sa subject ni Professor Wilfredo.

"Girl, ang tamlay mo sa bawat clip! Para kang wala sa mood." Ani Audrey habang tinitingnan ang bawat video ni Miles.

"Bahala na 'yan, wala na akong pake kung alanganin ang grades ko kay sir Wilfredo." Tugon pa ni Miles at napasalong-baba na lamang.

"Ano ba kasi ang sinabi ng matandang 'yun at bigla ka na lang nawala sa mood?"

"Nevermind, nasobraan yata sa kape 'yung matandang 'yun!" Natatawang sagot ni Miles kahit binabagabag na siya sa sinabi ng matanda.

Napailing na lamang si Audrey at kinalikot na lamang ang camera nito.

Samantalang si Miles naman ay napatingin na lamang sa statwa at nakaramdam ng pagkabahala.

NAPABAGSAK sa kama si Miles at tiningnan ang cellphone nitong sunod-sunod ang pagtunog ng notification, natanggap na niya sa kaniyang g-mail ang mga videos na kailangan niya sa vlog.

"Mamaya na 'to," matamlay niyang saad sa sarili. Nakakaramdam na naman siya ng antok dahil sa stress. Narinig niya ulit ang pagtunog ng cellphone.

[GUYS! Bukas ay magsisimula na tayong maghanap ng RRL natin sa research ah. Kbye!]

Napakamot sa ulo si Miles sa mensaheng nabasa galing kay Alexandria sa group chat. Napabuntong-hininga siya at inayos na lamang ang unan para maging komportable.

At sa huli, binalot ng antok si Miles at nakatulog.

NAKAHIGA si Miles sa isang damuhan habang natutulog. Napapatapik pa siya sa kaniyang mukha dahil sa sumasayad ang nakayukong damo. Napakamot din siya sa kaniyang pisngi.

"Pisteng lamok 'to!" Ani Miles sa sarili habang nakapikit pa rin ang mga mata. Kinapa-kapa pa niya ang itaas na bahagi malapit sa ulo at nagbabakasakaling may unan siyang mahahawakan.

Papungas-pungas siyang napabangon at kinusot pa niya ang kaniyang mga mata.

Napagtanto niyang nasa gitna siya ng isang talahiban. Tila namanhid ang kaniyang katawan, nakasuot na naman siya ng baro at saya.

Nasapo niya ang kaniyang noo at napipikon na sa pangyayari. "Ano na naman ba 'to?" Inis siyang napatayo at napansin niyang papalubog na rin ang araw.

Inayos niya ang kaniyang pañuelo na nagsisilbing takip sa kaniyang balikat at sa may bahaging dibdib. Naglakad lakad siya patungo sa isang kapatagan.

"Hays! Saan na naman ba ako nito? Lord, help me!" Saad niya sa sarili at patuloy na naglakad.

"¿Que necesitas de mi?" (Ano ba ng kailangan ninyo sa akin?)

Napatago bigla si Miles sa isang malaking kahoy nang makita ang isang matanda na nakaluhod sa harapan ng limang kalalakihan, nakasuot ang mga ito ng ordinaryong kamiso de tsino at may salakot sa kanilang ulo. Sa tingin din ni Miles ay mayaman ang matanda. Nakita niya rin ang nakahandusay na katawan ng lalaking kutsero.

"Oh my gosh! Mga holdupper?" Gulantang na saad ni Miles sa sarili.

"Kami'y sugo lamang, señor." Wika ng isang lalaki habang nakahawak ng isang bayoneta.

"Sino? Hindi naman pwede na daanin sa dahas ang lahat! Marami akong kwarta, ibibigay ko sa inyo. . . pakawalan niyo lamang ako!"

"Ikaw ay likas na mabait, señor. Ngunit sa oras na ika'y aming pakawalan, kami ang mapapahamak." Sagot pa nito sa matanda.

"Sino ang nag-utos sa inyo na ako'y hamakin ng ganito?"

"Ang butihin ninyong anak, señor!" Saad pa ng isang lalaki na may kalakihan ang tiyan, may hawak din itong bayoneta, agad niyang itinarak ang matalim na balisong na nakakonekta sa mataas na baril sa likurang bahagi ng leeg ng matanda.

Kitang-kita ni Miles ang pag-ubo ng pulang likido ng matanda bago ito bumulagta sa lupa. Napatabon pa siya ng kaniyang bibig sa pagkabigla. "I can't! Lord, please! Alisin niyo po ako rito!" Sinampal-sampal pa niya ang sarili. Nanginginig ang kaniyang tuhod sa narinig, tanging anak lang pala ng butihing señor ang pumaslang.

"Bakit mo agad pinaslang si Señor Matias Romero?"

"Iyon lang din naman ang patutunguhan! Bakit ba natin patatagalin pa?" Sagot ng lalaking pumatay.

"Tayo'y humayo na, tiyak na may pabuya tayong makukuha kay Don Anghelo. Nangangamoy salapi na!" Sabat pa ng isang kasamahan nila.

Nang makaalis na ang limang kalalakihan sakay ng kalesang sinakyan din ni Señor Matias ay lumapit si Miles sa gawi ng matanda.

"Hala, naaalala ko ang naikwento ni sir Wil at sa nabasa ko, siya 'yung lolo ni Leonardo!" Ani Miles habang hinay-hinay na naglalakad patungo sa katawan ni Señor Matias. "Help!" Sigaw niya pa.

Agad na hinukas ni Miles ang kaniyang pañuelo at itinapal sa leeg ni Señor Matias, "Manghihingi ho ako ng tulong, sir! Lumaban kayo!"

Hinahabol ni Señor Matias ang kaniyang hininga. Maluha-luha na rin ang kaniyang mata sa hirap na dinadaranas. "S-si Leonardo, a-ang apo ko"

"Huwag na po kayong magsalita, sir. . . help! Tulong!" Saad pa ni Miles. Nanginginig na ang kaniyang mga kamay at naiiyak dahil sa kaawa-awang sinapit ng matanda.

May napadaan naman na kalesa sa kanilang gawi. Napahinto ito.

"Tulong po, manong!"

Napalundag ang kutsero at agad na binuhat ang matanda at sinunod ang kasama nitong kutsero na wala ng buhay.

"Sumakay ka na rin, binibini! Baka maging biktima ka pa ng mga tulisan," Saad ng kutsero.

Agad na napatango si Miles at tumungo sa kalesa.

"Ano po ang nangyari, manong?" Tanong ng isang dalagang nakadungaw sa bintana.

"Naku, binibini! Masamang balita! Biktima ng mga tulisan ang lolo ng iyong nobyo!"

Halos nabingi ang dalaga sa narinig. Agad na nangilid ang kaniyang mga luha, tinuring na siyang isang anak ni Señor Matias at hindi maarok sa kaniyang isipan ang pangyayari.

Samantalang si Miles naman ay nanlaki ang mga mata sa narinig. Napansin naman niyang nakaharap na sa kaniya dalaga.

"Sumakay ka na agad, binibini." Saad ng kutsero.

Napatango naman si Miles.

"Boyfriend-ah, nobyo mo si Leonardo?" Wala sa sariling tanong ni Miles nang makasampa sa kalesa.

Nagtaka naman ang dalaga kay Miles. "Bakit kilala mo ang aking nobyo?"

"Ah. . . Eh. . ."

"Mga binibini, tayo'y lalarga na. Kailangan nating bilisan upang madala natin ang Señor sa pagamutan,"

Napatango ang dalaga, si Miles naman ay napatingin sa likuran ng kalesa, pulang-pula na ang itinapal niyang pañuelo sa leeg ni Señor Matias.

Habang sa biyahe ay panay ang pagdadasal ng nobya ni Leonardo habang hawak-hawak ang rosaryo nito. Pinagdadasal niya na sana maihatid nila si Señor Matias sa pagamutan agad.

"Uhmm. . . miss-binibini, ano ho ang pangalan niyo?" Nahihiyang tanong ni Miles.

"Preciousa,"

Napaisip si Miles sa sinabi ng kausap. Naaalala niyang niloko lamang ng nobya si Leonardo kung kaya ay hindi na muli ito umibig. Napatabon pa si Miles ng bibig sa naisip.

"Nakita mo ba ang mga tulisan na siyang nagpahamak kay Señor Matias?" Tanong pa ni Preciousa kay Miles, "Nga pala, ano ang iyong ngalan? Ikaw ba ay may lahing indiano o ang iyong ama ay nabibilang ba sa mga sepoy?"

Napangiti si Miles, "Oo, A is pur apel, B is pur bol. . ." Biro pa niya habang nagsasalita ng slang ng mga indiano. Alam ni Miles ang ibig sabihin ng Sepoy, ito ay mga native indian military ng mga British noong 17th century sa Pilipinas. Kahit papaano ay nakikinig siya sa kaniyang Professor. Minsan.

"Hindi ko maintindihan ang iyong pananalita, binibini." Naguguluhang pakli ni Preciousa.

"Pasensya na, hehe! Ako si Mile-Mila. . . at wala akong lahing indiano po, opo." Nahihiyang sabat ni Miles.

"Binibining Mila,"

"Yep-Oo, at sasagutin ko ang iyong unang katanungan, alam ko kung sino ang nagpahamak kay Señor Matias,"

"Sino?" Gulat na tanong ni Preciousa kay Miles.

BIGLANG Nagising si Miles dahil tumatama na ang sinag ng araw sa kaniyang mukha.

"Hala, late na ako! Putek!" Napabalikwas agad ng bangon. Halos madulas na siya sa pagmamadali.

Napaharap siya ng salamin at naalala ang mahabang panaginip na detalyadong-detalyado na. Napatingin pa siya sa kalendaryo.

"Shit! linggo pala ngayon," nasapo niya ang kaniyang noo. Okyupado lahat ng utak niya sa patungkol sa panaginip. "Argh! Malapit na rin ang friday the 13th! Baka inii-scam lang ako ng matandang 'yun!" Saad niya sa sarili, napahiga na lamang siya ulit at nag open ng social media.

May naaalala na naman siya, "Shems! Nabuhay ba si Señor Matias? Omg! O natigok?" Pakli ni Miles. Pinikit niya ulit ang mga mata upang makatulog ulit at bumalik sa panaginip.

Ilang segundo pa lamang ang lumipas ay napabangon na naman si Miles.

Nagulat siya nang makita ang sariling repleksyon sa salamin, nakadamit na naman siya ng makalumang kasuotan. Napapikit siya ulit at bumalik sa dati ang kaniyang suot.

"Naku naman, ano ba ang nangyayari sa buhay ko? Isa na ba itong level 1 ng dagok sa buhay?" Naiiyak na sambit ni Miles. "Marami na siguro akong kasalanan, punishment na ba 'to, Lord?"

Sa kalooban ni Miles ay simula pa lang ito ng kaniyang sinasabing dagok ng buhay. Sa hindi inaasahang panahon at oras ay malalagay siya sa isang misteryosong hiwaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro