Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata II

NAGLALAKAD na si Miles papasok ng University. Naka-earphone na siya at nakikinig ng kantang 'Your Love is My Drug by Kesha'.

"Hoy, bungol kang babae ka!" Ani Audrey sabay hila niya sa earphone ng kaibigan.

"Audrey? Ikaw pala,"

"Ganiyan lang ang magiging reaksiyon mo?"

"Audrey, ikaw pala 'yan! Oh my gosh, you look so vibrant today!" Saad ni Miles na tila kinikilig pero purong sarkastiko. "Oh? Happy na?"

"Parang gaga naman 'to o! May problema ka ba?"

"Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa isang weirdong panaginip-" Hindi na natuloy ni Miles ang sasabihin nang hilain siya ni Audrey patungo sa isang table sa mini-forest.

"Chika mo sa akin, bes! Bilis! 8:00 a.m. pa naman klase natin"

"Parang bumalik lang ako sa nakaraan, 'yun lang."

"Ay 'yun lang naman pala, akala ko numbers na! Pwede ko sanang itaya sa swertres mamayang hapon,"

"Really, Aud?"

Tumawa si Audrey na parang isang naghihingalong aso, "Anyway, gora tayo mamaya sa lumang bahay?"

"Sa Casa de La Libertad?"

"Bakit mo alam?"

"Nag google map ako kahapon, nag cutting ako sa History Class."

"What? Nag cutting ka? Akala ko ba ay gusto mo ng layuan ang Subject na 'yan?"

"Hays! 'yun nga, gusto kong layuan, kaya nag cu-cutting ako"

"Para makalayo ka sa subject na 'yan ay pagbutihin mo, anong ginagawa mo? Nag cu-cutting ka, paano na lang kung magiging repeater ka sa subject na 'yan?"

"Oo nga no?" Pakli ni Miles nang marealized ang sinabi ng kaibigan.

"Baliw!" Ani Audrey sabay irap sa kaibigan, "magtino ka na nga"

"Hi Audrey!"

"Ganda mo, Audrey!"

Saad ng mga varsity player ng campus nang makadaan sa mini-forest patungo sa gym.

Ngumiti si Audrey ng awkward sa kanila na ikinatawa ni Miles.

"Para kang tanga,"

"Bakit?"

"Anong smile 'yon? Parang natatae!" Tapos napahagalpak ng tawa si Miles.

Si Audrey Carrier ay matalik na kaibigan ni Miles. Isa itong half filipina, half canadian. Maganda ito at bagay sa mga beauty pageants pero taliwas ang kaniyang hilig. Binansagan siya sa kanilang classroom na 'Amerikanang Jologs'. Kumuha siya ng kursong Civil Engineering.

"Hayaan mo na, gusto kong ma turn off sila. Sige na, Miles, pumasok na tayo!"

"Tara,"

Niyapos ni Audrey ang bisig niya kay Miles at pumasok sa building.

"MALIGAYANG pagdating sa Casa de la Libertad!" Bungad ng isang guard kay Miles at Audrey.

"Salamat po, sir." Tugon ni Miles.

Matapos ang klase ay agad na nagtungo ang dalawa sa nasabing lumang bahay.

"Gurl, sa ibabang bahagi ng bahay na ito ay isang café. Mga mayayaman ang naroroon."

"Talaga? Hanep pala!"

"Yep, ganoon ka yaman ang pamilya."

Pagkatapos ng pag-uusap ay nagpasya na sila na pumanik sa itaas patungo sa bungad ng bahay.

"Ayon!" Na a-amaze na pakli ni Miles nang makita ang statwa ng lalaki sa harapan ng piano, "Pwede 'to" saad pa niya nang makalapit sa statwa.

"Astig din siya, parang yung bida sa the greatest showman. Ganiyan na ganiyan ang dating 'di ba?"

Napatango si Miles sa sinabi mg kaibigan.

"Ang tangos pa ng ilong!" Sabi ni Audrey.

Binasa naman ni Miles ang nakapaskil sa paanan ng statwa. "Leonardo Villa y Romero... anong year kaya 'to nagawa?"

"Still unknown, girl!"

Napailing na lamang si Miles at ibinaling ang paningin sa mga lumang kagamitan. May mga paintings sa pader, mga damit na baro at saya na nakasuot sa isang manikin, at mga tuxedo. Sa kabilang banda naman ay may mahabang mesa at may malaking aranya sa ceiling. Ang mga bintana ng bahay ay nanatiling gawa sa capiz.

Inilabas na lamang ni Miles ang kaniyang canon na camera at nagsimulang kumuha ng mga litrato sa mga antigong gamit. Kahit na ang statwa ay kinuhanan niya ito sa iba't-ibang anggulo. Nang matapos ay hinanda na niya ang sarili sa isang vlog.

"Hello, guys! Welcome to my vlog!"

"Ang baduy!" Ani Audrey habang hawak ang kamerang may stand.

"Hello, I'm Miles Ricablanca! Welcome to my vlog! For todes- today's bedyo-video, tangina!"

Hindi napigilan ni Audrey ang pagtawa sa kaibigan, "Muntanga!"

"Audrey naman eh! Tawa pa more!"

"Take 3!"

"Welcome to Casa de- ano nga 'yun?" Tanong ni Miles na nakalimutan ang pangalan ng bahay, napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo.

"Casa de la Libertad!" Pagtatama pa ni Audrey, "Isulat mo na lang ang script mo. Hindi 'yung mag i-impromptu ka diyan."

Napahinga na lang ng malalim si Miles at kinuha sa kaniyang bag ang isang notebook at ballpen. "Pasulat ha" Saad niya pa sa statwa at ipinatong ang kwaderno sa ibabaw ng piano.

"Hoy, gaga! May table 'don!" Turo ni Audrey sa mesa na katabi ng isang malaking paso. "Hindi marunong mag-ingat, mati-tintaan ang statwa."

"Ang o.a. ha," ani Miles at napairap na lang. Tumungo na lamang siya sa table.

"Magsulat ka muna diyan at mag c-cr muna ako. Pupunta rin ako sa ibaba, bibili ako ng makakain at maiinom nating dalawa."

Napatango na lang si Miles at nag-isip ng maayos na intro sa vlog.

Lumipas ang ilang minuto ay na e-enjoy na niya ang paggawa ng sariling script. Hanggang sa napansin niya na lamang na may umupo sa kabilang upuan sa harapan niya.

"Audrey, anong flavor akin?" Tanong ni Miles at abala pa rin siya sa pagsusulat.

Napaangat siya ng mukha nang mapansin na hindi tumutugon ang kausap.

"Ay, sir. Sorry po, akala ko kasi kaibigan ko na." Nag-aalalangan na sambit ni Miles. Sa tingin niya ay yayamanin ang lalaki dahil sa tuxedong suot nito. "Saan na kaya 'yung babae na 'yun?" Saad niya sa sarili.

Lumingon siya sa gawi ng statwa, laking gulat na lang niya na nawala ang lalaking statwa sa kinauupuan nito.

"S-sir! Na-nawawala ang statwa!" Tarantang sabi ni Miles at napatayo na sa nerbyos.

"Anong statwa ang iyong sinasabi, Binibini?"

Nagimbal pa siya sa pananalita ng lalaki, "Wow, prankster pala kayo? May kinalaman ba rito si Audrey? Hmmm, kayo ha! Luma na 'yang prank niyo!"

Hindi naman nakakitaan ng reaksiyon ang lalaki at nanatiling nagtataka sa pananalita at kasuotan ng babaeng kaharap niya.

"W-wala namang statwa rito, Binibini. Ako'y manunugtog ng piano. Ang ngalan ko ay-"

"No, stop this nonsense, sir! Hindi nakakatuwa!" Inis na saad ni Miles, "teka lang, tatawagin ko ang aking bestfriend. Pag-uumpugin ko kayong dalawa!"

Patakbong lumabas si Miles at hinanap si Audrey.

"Oh, Miles? Bakit parang engot ka diyan? Dramatic actress te?"

Napahawak sa dibdib si Miles sa gulat. "Tangina mo! Hanep ng prank niyong dalawa ng lalaki sa loob ah. Ibalik niyo na ang statwa baka mapagalitan tayo ng guard!"

"Statwa? What are you talking about? Buang ka, walang makakabuhat ng statwa na 'yun! Kailangan ng limang tao!"

"Halika, halika! Hanep ng prank niyo!"

Napairap na lang si Audrey habang dala-dala ang tray ng mga frappes at cheesecake.

"Oh? Nandiyan lang naman ang statwa ah?"

Nagtagbo ang kilay ni Miles at tumungo sa statwa, "Lalaki, lumabas ka na diyan sa pinagtataguan mo! May pa binibini ka pang nalalaman na tawag sa akin ah!"

Inilagay naman ni Audrey ang mga dala sa table at napahalukipkip na lang. Pinagtitinginan na siya ng mga taong bagong pasok sa lumang bahay.

"Oh? Paano ba 'yan? Hindi nga ako ng pa-prank! Tigil tigilan mo ang pag singhot ng rugby ah!"

"Guni-guni ko lang yata."

"Malala na 'yan ha? Naku! Ayaw kong maghatid ng kaibigan sa mental,"

Napaupo na lamang si Miles at nilantakan ang cheesecake. Para siyang nawalan ng lakas.

Isa lang ang kaniyang iniisip, ang lalaking nakasuot ng tuxedo. Tila pamilyar ito sa kaniya, sa palagay niya ay may hiwagang naka kubli sa Casa de la Libertad.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro