Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata I

PHILIPPINES, 2019

"HELLO, guys! Welcome to my vlog— ay ang pangit! Napaka-common!" Inis na saad ni Miles. Nakakailang ulit na siya sa pagkukuha ng video sa sarili ngunit sa kaniya ay hindi pa rin sapat.

"How about... Ay, 'wag na lang." Natatawang saad ni Audrey sa kaibigan.

"Ano? Suggest ka naman girl, please!"

"Wala nga akong maisip, baduy din."

Napabuntong-hininga si Miles at napahilamos ng mukha sa inis, "Tae naman kasi 'tong vlog na 'to! Kailangan daw na may ma e present na mga antigong gamit, pero need kuhanan ng video dahil masyadong fragile at baka multohin pa kami kung dadalhin namin dito sa paaralan."

"Oh? May antigong gamit ka na?"

"Wala!"

"Bakit ka galit?"

"Hindi ako galit!"

Napailing si Audrey at tumawa na lang sa pagiging amazona ni Miles.

"At hello? Antigong gamit? Wala kami niyan, modernized na." Dagdag pa ni Miles.

"May malapit na lumang bahay sa bagong tinitirhan namin," pakli ni Audrey.

"G*go? Baka ma trap ako 'dun tapos hindi na ako makakalabas, tapos makakasama ko ang mga multo ng kahapon—"

"Char! O.a. mo ah? May nagbabantay doon no! Heritage na bahay 'yun, isa sa mga bahay na restored na restored. Year 1891 pa yata 'yun,"

"Sige, bukas. Huwag mo akong iwan sa loob ha"

"Overthinker!" Ani Audrey at tumayo na upang pumasok sa susunod na klase, "Bye" paalam niya pa kay Miles.

"NANGGALING 'to sa pinaka antigong gamit ng aming ancestors," Saad ng kaklase ni Miles habang pinapakita ang mga photos ng banga sa gallery nito.

"Wow, hanep pre ah! Ako, punta na lang yata ako ng museum."

Samantalang si Miles ay napairap na lang.

Pahamak 'tong History subject na 'to! Daming ganap!

"Ikaw, Miles? Mayroon kana?" Tanong ng kanilang President sa classroom na si Alexandria.

"Wala, pwede naman sigurong hanapin sa google 'yan no?" Nahihiyang tugon ni Miles.

"Gaga, plagiarism ka gorl? Kaya nga vlog kasi need mong ma experience o mahawakan. Touchable! Pwera na lang kung hindi, e vlog mo yung souls of the past!" Saad ni Alexandria sabay tawa na parang nananakot.

"Tumigil ka nga! Parang tanga 'to eh,"

"Awooo!" Tukso ulit ni Alexandria sa kaniya.

"Bakit ba kayo parang na pa-praning diyan? Final exam pa naman natin 'yan,"

"Ayaw kong mag cram, gorl, may research pa tayong kinakaharap!"

Napailing na lamang si Miles at napasalong-baba dahil sa mga problema.

"Kulang na lang ipalit ka sa 500 pesos,"

"Tigil-tigilan mo nga ako, Alexa!"

Mayamaya pa ay pumasok na ang ibang boys na tumatambay sa labas dahil dumating na ang kanilang World History Teacher na si Professor Wilfredo Panganiban.

"Good afternoon, sir!" Saad nilang lahat.

Napangiti ang guro at pinagmasdan muna ang mga studyante. "Good afternoon" Tugon niya pabalik.

"Lex, pahiram ng earphone."

"Yoko nga. Hindi ka na naman makikinig,"

Napapikit na lamang si Miles pero may naisip na agad siyang gawin. Napatalungko siya upang hindi siya makita ng kaniyang guro na siya ay lalabas.

"Hoy? Saan ka?"

"Lalabas, shh!" Ani Miles.

Napairap na lamang si Alexandria at ibinaling ang sarili sa harap.

Samantalang si Miles naman ay dahan-dahang lumalabas kahit nakatalungko pa rin.

"Aray!"

"Miles?"

"Babaeng 'to!"

Mga reaksiyon ng mga kaklase niya kapag naaapakan nito ang mga sapatos nila o nahahawakan ang kanilang binti. Sinisikap ng dalaga na makalabas ng pintuan sa likurang bahagi.

"What is that commotions?" Nagtatakang tanong ni Professor Wilfredo habang nagsusulat sa white board.

"Sir! Si Ricablanca po gustong lumabas!" Tugon ng isa sa mga studyante.

Napaharap ang guro sa kanila.

"Where is she?"

Walang nagawa si Miles at napatayo na lamang, "Narito po ako, sir! Hehe!" Nahihiyang salita niya.

"Bakit gusto mong lumabas?"

"Mag c-cr lang po sana, sir."

"Class, mahirap ba tumawag sa pangalan ko kung nais ng excuses?"

"Hindi po."

"Hindi po, sir."

"Narinig mo, Ms. Ricablanca? Hindi mahirap bigkasin ang aking pangalan. Hindi isang linggo ang ilalaan kung sasabihin mo lang ay 'Excuse, sir, may I go out?' hindi ba?"

Napayuko si Miles, "Sorry, sir."

"Okay, you may go."

Lumabas na si Miles at napangiti ng nakakaloko. "Akala niyo apektado ako? Ha! Hindi!" Saad pa niya sa sarili.

Dumiretso siya ng cafeteria at nag order ng dalawang cupcake at isang coke. Nilantakan niya iyon agad nang makuha.

Sa kalagitnaan ng pag e-enjoy sa pag-kain ng cupcake ay sumagi sa kaniyang isipan ang sinasabi ni Audrey. Binuksan niya ang kaniyang cellphone at binuksan ang google map.

Tinipa na ni Miles ang location kung saan nakatira si Audrey.

Cadena de Amor Street

Nang makita ni Miles ang street view ng Cadena de Amor ay napa-wow siya sa ganda ng lumang bahay. May pinindot pa siya para mabisita ang website na naglalaman ng mga impormasyon patungkol sa lumang bahay.

[Ang Casa de la Libertad ay naipatayo ito noong ika-30 ng Agusto sa taong 1887, ngunit bago pa ito naging Casa de la Libertad ay tinatawag pa itong Hacienda Romero. Napalitan lamang ang pangalan nito matapos ang World War II.

Ang unang nag mamay ari nito ay si Don Matias Romero, isang tanyag na piyanista at isang mayamang Haciendero sa bayan.

Si Don Anghelo Romero ay ang nag-iisang anak ni Don Matias at siya ang nagmana sa lahat ng ari-arian nang mamatay ang ama nito. Ang  anak naman nitong si Leonardo Romero ay ang sumunod sa yapak ni Don Matias Romero bilang isang magaling na piyanista, nakapaglayag na ito sa iba't-ibang bahagi ng bansang Europa para magtanghal ng kaniyang piyesa.

Sa ngayon, ang nag mamay ari na ng bahay ay ang pamilya Yu. Wala silang binago sa bahay at mananatiling isang atraksyon sa mga turistang nais balikan ang bakas ng kahapon.]

"Talagars? Interesting 'to ah?" Pakli ni Miles nang mabasa ang history ng Casa de la Libertad. Nag scroll siya pababa at nakita ang isang statwa ng isang lalaki na nakaupo paharap sa piyano.

"This is the statue of Maestro Leonardo Romero and the artist behind this statue is still unknown? " Basa pa ni Miles sabay taas ng isang kilay. "Really?"

Napa-off na lamang siya ng cellphone at bumalik sa room. Naabutan naman niyang nag le-lecture patungkol sa mga Athens at Spartans ang kanilang Professor.

NANG marating ni Miles ang boarding house niya ay agad siyang napahilata sa kaniyang kama.

Nakakaramdam na siya ng pag-iisa at na mi-miss na niya ang kaniyang pamilya sa probinsya. Hindi sapat ang video call at chat lang, gusto na niyang mayakap ang mga ito.

Isang second year college si Miles sa University of Malachi at kumuha siya ng kursong Social Work.

Mayamaya pa ay nakaramdam na ng antok si Miles at nakatulog.

Nagawi si Miles sa isang nagigibang mansyon. Napatabon siya ng bibig nang makita na unti-unting bumabagsak ang mga bricks nito sa likurang bahagi. Nakakarinig din siya ng mga putukan at mga ingay na dumadagundong mula sa kalangitan.

"Umalis ka na rito, mapapahamak ka!"

Napatingin si Miles sa isang sundalo na ngayon ay butil butil ang pawis sa mukha.

"Ang mansyon!" Ani Miles, "Hindi pwedeng magiba! Mag v-vlog pa ako!"

Bakas sa mukha ng sundalo ang pagtataka.

"Move! move! move!" Sigaw ng isang sundalong amerikano.

Walang nagawa si Miles kundi ang tumakbo patungo sa mansyon. Napapayuko siya at napapatabon ng tenga kapag nakakarinig ng mga putukan. Napapansin din niya ang pagkalat ng mga tangke de gyera sa paligid. May mga sundalong hapon siyang nakikitang nakahandusay sa hagdan papasok ng mansyon.

"Mama! Papa! Ano 'to, world war 3 na ba?" Naiiyak na sambit ni Miles. "Ma, Pa! Help! Nasaan na kayo?"

Nang mapasok niya ang mansyon ay nagulat siya na may isang matanda na nakasuot ng suit na itim habang nagpapatugtog ng piano.

"Sir! Lumabas ka na po rito! World war na!" Sigaw ni Miles at patakbong lumapit dito, habang lumalapit siya ay mas lalong lunalakas ang tunog ng piano.

Mahahawakan na sana ni Miles ang balikat ng matanda nang biglang may pagsabog. Tumilapon siya at tila nabingi sa pangyayari.

Bumagal ang nasa paligid at sa mga oras na iyon tanggap na ni Miles ang kaniyang katapusan.

Napaangat si Miles ng mukha galing sa pagkakatulog dahil sa isang bangungot.

"Gago, ano 'yonwoah! Ano 'to? Buwan ng Wika?" Gulat na sabi ni Miles sa nakita. Lahat ng kababaihan ngayon ay nakasuot ng FilipinianaKahit siya ay nakasuot ng ganoon.

"Que horror! Bakit ka ganiyan magsalita? Hindi kaaya-aya sa isang Binibini!"

Napataas ng kilay si Miles at pilit inaarok ang mukha ng kaharap ngunit wala siyang matandaan. Wala siyang kakilalang madre. "Wow, ang galing!" napalakpak pa siya.

Napansin niyang nagbulungan ang mga babae sa paligid niya.

"B-bakit?"

"Ikaw ba ay may sakit? Hindi ba maayos ang iyong pakiramdam?"

"Naks! Concern ah? Wala naman. Go lang kayo, ano ba ang ginagawa niyo, sister?"

"Sor Maria, magsisimula na po ang piging sa itaas. Naririto na po ang mga bisita, kasama na ang tanyag na piyanista!" Ani isang madre na nasa labas ng silid.

Napatango ang madre, "¡vamos damas! Huwag magaslaw ang mga kilos,"

"Sist, anong ganap?" Tanong ni Miles sa isang Binibini, ngunit inirapan lamang siya nito. "Sungit! Akala mo naman maganda"

Nang makaakyat na sila sa itaas ay naroroon na ang binata na sinasabi nilang magaling na piyanista.

Sa hindi inaasahan ay nagtama ang kanilang paningin. Isang sandali na tila hipnotismo kay Miles.

Butil butil ang pawis na namutawi sa mukha ni Miles nang magising mula sa napakalalim na tulog.

"Ang weird!" Saad niya at napasandal sa pader.

Chineck niya ang kaniyang cellphone.

"5:03 p.m.? Isang lang oras akong nakatulog?" Nagtatakang tanong niya.

Pilit niyang pinababalik ang imahe ng binata sa kaniyang panaginip ngunit malabong malabo na ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro