Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogo

SA paglubog ng araw at ang pagkubli ng maliliit na liwanag na nanggagaling sa mga libo-libong alitaptap ay naroroon si Leonardo na nakangiti at hinahaplos ang bawat hibla ng buhok ni Mila na mahimbing na natutulog sa kaniyang kandungan.

Naimulat ng dalaga ang kaniyang mga mata, unang bumungad sa kaniya ay ang mga bulubunduking natatamaan ng kulay kahel ng papalubog na araw. Napabangon siya at napangiti nang makita ang lalaking kaniyang sinisinta.

"Gising ka na pala, sinta ko. Nakatulog ka ba nang maayos?"

Tumango siya bilang tugon, pagkatapos ay napayakap siya nang mahigpit kay Leonardo, "Pasensya na, medyo mahaba ang aking nilakbay. Pero masaya ako't nandito ka pa rin at naghihintay na muli akong magising."

Napangiti si Leonardo, "Kahit ilang libong oras pa akong maghihintay ay ayos lang. Wala na ring makakapaghiwalay sa ating dalawa. Pangako." Sabay pakita ng hinliliit na senyales ito ng pagkakaroon ng pangako.

Ginaya iyon ni Miles at nag krus ang kanilang mga hinliliit, "Pangako."

Parehas silang napabitaw ng matatamis na ngiti at pagkatapos ay naglapat ang kanilang mga labi.

Sa huli ay hindi pa rin pala sila pinigilan ng tadhana. Mas binigyan sila ng pagkakataon na magsama, hindi lang sa maikling panahon kundi sa habang-buhay.

•••

Wakas

Ending Song

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro