Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER VIII: Standy Feelings


Tahimik, mahangin habang pababa na si haring araw. Kasalukuyan akong nakamasid sa mga bulaklak sa hardin dito sa aming university, pinili ko na lang muna magpahinga rito kaysa ang umuwi kaagad at isipin na mag-isa lang ako. Mabuti na lang pumayag si Mang Diego na sunduin ako bago mag 7pm. Lagpas isang oras na ito sa mismong oras ng uwi ko, nagdahilan na nga ako para at least kahit papaano ay hindi agad umuwi. 

“Ang ganda talaga nila!” 

“Pero mas maganda ka.” Isang pamilyar na boses ang narinig ko. 

Lumingon ako at hindi ako nagkamali sa nakita ko. Lino is here, nakatingin sa mga rosas na pula na kanina ko pa pinagmamasdan. 

“Nandito ka pala, nakakagulat ka naman.”

“Sorry Sabina, nagulat kita. Teka, bakit hindi ka pa nauwi? Wala ba si Andrea?” tanong nito. Umupo ako sa tabi kung saan may nakalaan na mahabang upuan. 

“Nauna na siya, kailangan siya ng Mommy niya. Buntis kasi, well gusto ko lang magliwaliw kahit saglit. Eh ikaw?” 

“Pinagmamasdan ka, este wala lang napadaan lang.” Ngumiti ito pagkatapos ay pumilas siya ng isang mayabong na pulang gumamela. Maya maya pa ay tumabi na rin sa akin habang pinagmamasdan niya ang hawak niyang isang pirasong rosas. 

“Hoy, bat mo pinilas?” 

Inabot niya sa akin, pero hindi ko kinuha. 

“Nagpaalam naman ako kanina sa tagapangalanga eh. Ayaw mo ba?” 

“Hindi naman, pero…” Napatigil ako at tiningnan ko ang mata niya, wala siyang suot na contact lens ngayon. Oh baka kakulay ng mata niya ang mismong gamit niya? 

Lumapit ito dahilan kaya’t napalunok ako at bahagyang mapayuko. Bumilis ang tibok ng puso ko, pabilis nang pabilis hanggang sa mailagay niya sa kanang tainga ko ang pkinitas niyang pulang gumamela. 

“Bagay sa’yo, Sabina. Ang ganda mo, sobrang ganda mo!” 

Nakagat ko ang ibabang labi ko at sinubukang kumalma pero ramdam kong namumula na ang pisngi ko sa sinabi niya. 

Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko, lintik na ‘yan. Si Lino Banlaigas lang ‘yan, yung epal at kinaiinisan mo Sabina. 

“S-salamat,” maikling sabi ko at sa wakas nagkaroon din ako ng lakas ng loob makapagsalita. 

“Walang anuman.” Tumingin ito sa mga bulaklak at sa halaman na nasa harapan namin. Dahilan para doon din mapunta ang tingin ko. 

“Sana sa susunod maging mag classmate na tayo, pero alam mo gusto ko lang malaman mo  hindi ko talaga gusto na mabangga ka at masira ang heels mo noong first day class.” pagkukuwento nito dahilan para matawa ako ng kaunti. 

Hinampas ko ng mahina ang braso niya. 

“Lino tapos na ‘yon, alam ko na malabo ang mata mo at pasensiya ka na nasungitan kita. Ikaw kasi dumagdag ka sa bad vibes eh.” pagbibiro ko. 

Ngumiti siya ng mapait. “In born na kasi ito, gwapo nga malabo naman ang mata. Sorry kung gano’n.”Lumungkot ang awra nito dahilan para maramdaman ko na may tumutusok sa puso ko kahit wala naman. 

“Uy, hindi joke lang ito naman! Gwapo ka naman talaga, saka hindi naman nakakabawas pogi points ang malabo ang mata. Matalino ka naman eh, so mas okay ‘yon.”

“Salamat, pero alam mo sa totoo lang Sabina mahirap ang malabo ang mata dahil yung mga bagay na ayaw mong mangyari ay mangyayari sa hindi mo inaasahang pagkakataon.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa huling linya na sinabi niya. 

“Care to share?” seryosong tanong ko. Inalis ko na rin ang bulaklak sa tainga ko, makati pala sila kapag tumagal. Hinawakan ko na lang. 

“Nothing Sabina. Hayaan mo na ‘yon. Teka, may allergic ka ba sa bulaklak?” biglang tanong nito. Mukhang napansin niya siguro na inalis ko. 

“Hindi naman Lino, makati lang siya. But don’t worry, I will keep it na lang. Anyway, it’s getting late. Hindi ka pa ba uuwi?” pag-iiba ko sa usapan. 

“Pauwi na rin, ikaw pala may magsusundo ba sa’yo?” 

I’ll check my phone if Mang Diego called or texted me but none. 

“Yeah, but I think I need to wait. Wala pa yung driver ko eh,” wika ko. 

“Oh I see.Hatid na kaya kita?” 

“Hatid mo ako?” 

“Oo, kung pwede.” Ngumiti ito kaya’t sumilay ang dalawa niyang dimple. 

Hanggang sa makatanggap ako ng tawag. “Teka lang Lino, Mang Diego is calling, yung driver ko.”

Tumayo ako at inalalayan niya pa ako at saka mabilis na sinagot at tawag ni Mang Diego. 

“Hello Mang Diego?” sagot ko mula sa kabilang linya. 

“Hi Miss Sabina, matatagalan po yata ako dahil pinagawa ko pa po ang kotse. Nasiraan po. Si Tatay Franco naman sinunod po ang Mom and Dad ninyo.” pangungusap nito. 

“It’s okay Mang Diego, my friend is here. Magpapahatid na lang ako.”

“Sigurado ba kayo diyan Miss Sabina? Baka po mapagalitan ako ng Mommy at Daddy ninyo.”

Nakita ko na naririnig ni Lino ang sinasabi ko pero hinayaan ko iyon. 

“Ako na pong bahala Mang Diego, sige po pauwi na rin ako. Ingat po. Bye!” Binaba ko na lang ang tawag, nakakahiya naman kay Lino dahil naghihintay siya. 

Tinago ko na ang phone ko sa bag at niyaya siya. “Tara?” 

Tumango ito at naglakad kami palabas. Medyo madilim na rin kaya maingat kami sa paglalakad salamat sa mga ilaw nagsisilbing gabay sa amin ngayon. Hindi naman kalayuan ang parking lot kaya dumaan na kami roon. 

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at sa barapan niya ako pinaupo. Habang inaantay siya na makaupo, sinuot ko na ang seatbelt pero nahihirapan ako. “Paano ba ‘to?” mahina kong sabi at maya maya pa ay tinulungan ako ni Lino, masyadong malapit ang mukha niya at amoy na amoy ko ang pabango niya. 

“Done!” Ngumiti ito ng matapos at naamoy ko rin ang hininga niya. OMG, ANG BANGO! 

“T-thank you!” utal kong sabi at nagsimula na rin siyang magmaneho. 

Tahimik ang naging biyahe, sinabi ko na rin sa kanya ang mismo kong address at bago iyon nagtext ako kay Mommy at Daddy na pauwi na rin ako at nakisabay ako dahil nagpapaayos pa ng kotse si Mang Diego. 

Binasag ko ang katahimikan sa pagitan namin, alam kong seryoso siya sa pagmamaneho pero kailangan kong sabihin ‘to bago bumababa maya maya. 

“Lino…” tawag ko sa pangalan niya.

“Yes,” sagot nito at nakafocus pa rin siya sa pagmamaneho. 

“Thank you pala sa paghatid. Ingat ka rin pag-uwi mo.”

“Wala ‘yon, nagkataon lang din naman at gusto kong makabawi sa’yo.”Lumiko na ito at natatanaw ko na ang mansyon namin. 

“Malapit na ba tayo? Mukhang malapit lang pala tayo sa isa’t isa este ang bahay natin. Pero sa kaliwa ang way ko ikaw ay kanan.”

“Oo doon tayo banda.”Tinuro ko kung saan siya hihinto.

“Talaga? Nice! Dito na lang Lino.” Tinigil niya na ang kotse, baba na sana ako pero mabilis siyang nakababa at pinagbuksan ulit ako. Ang gentelman niya naman! 

Nakababa na ako at nakabukas na ang gate. 

“Salamat Lino.”Pagpapaalam ko sa kanya. Ngunit hinawakan niya ang kamay ko at may inabot na papel. 

“Basahin mo na lang kapag nasa loob ka na. Good night, Sabina!”

“Bye Lino, good night din! 

Naglakad na ako papasok sa gate at pumasok na siya sa loob
ng kotse niya. Hindi ko na siya nasilip pa at nakapasok na ako sa gate. Habang naglalakad ako papasok sa mansyon, binuklat ko ang kapirasong papel. 

At sa paghakbang ko nakita ko ang maganda niyang pagkasulat. 

Hi Sabina, gusto kita. 
-Lino Banlaigas

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro