Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER V: Missing Page

Maaliwalas, mahangin at maganda ang mga bulaklak sa garden na mayroon dito sa likod ng school namin. Ito na yata ang lagi kong pinupuntahan kapag may vacant time o kaya kapag gusto ni Andrea sinasama ko siya. 

“Uy, Sab, salamat sa dalawang libro ha? Grabe ang kapal talaga nila. Ang ganda pa ng nabili mo bago talaga! Ikaw lang mag-isa na pumunta sa NBS last Saturday?” takang tanong ng katabi ko na si Andrea ngunit ako nagmamasid pa rin sa paligid.

“Gusto lang kita maging kaibigan, Sabina.”

“Hoy, ate okay ka lang? Tulala ka na naman kasi eh.”

“A-ano ulit? Sorry,” mabilis na tanong ko at aaminin kong wala ako sa wisyo ngayon. Ewan ba, tuwing nakikita ko si Lino naiinis ako. Tila ba kumukulo ang dugo ko sa kanya.

“Wala girl, tama na ‘yan. Anyway, salamat ulit dito sa books. The best ka!” Tinaas niya pa ito at tila nagpacute sa akin. Bahagya akong napangiti, iba talaga ang kulit ng babaeng ‘to.

“Always welcome girl! Basang-basa ka na last time eh.”

“Sakto lang naman, ang ganda kasi ng laman nito.”

Ngumiti na lang ako at tumingin sa itaas. Ang ganda ng langit ngayon. Ilang saglit pa ang lumipas, dumiretso na rin kami sa room para sa last subject namin. 

Unang buwan ko pa lang sa kolehiyo at marami ng ganap, at ngayon dinidiscuss na ni ma’am ang Partner Project. May pinamigay na papel, bumilis ang tibok ng puso ko ng abutan ako ni Gela. 

“Thanks!” aniya. 

“Welcome!” 

“There are changes in that copy class, so possible nagbago ang mga partners ninyo. Anyway, it will start in the second week of this July so be prepared.” Our professor explained. 

Napatingin ako sa papel at nilipat ito sa susunod na pahina, nanginig pa ang mga kamay ko. Nanlumo sa nakita, pero bakit ganito dapat masaya ako. 

“OMG Sab, partner ko si Lino!” Andrea excitedly said. 

I smiled bitterly. 

“Good for you,” I said to Andrea. Hindi ko na rin tiningnan kung totoo ba talaga o nagbibiro siya, dahil nagbago nga talaga ang partners namin.

Nag-focus na kami sa harapan, hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang gulo!  

Hanggang sa matapos ang klase, kung ano-ano ang sumagi sa isip ko na wala talaga akong naintindihan. 

Naisip ko na lang pumunta ng restroom, saktong paglabas ko nagkatinginan kami pero sa isang iglap, inalis niya ang mata niya at umiwas ng tuluyan. 

Naglakad na lang ako kung saan ako pupunta, bumuntonghininga. 

Pagkapasok ko sa restroom, napatingin ako sa salamin. Huminga nang malalim. Ilang saglit matapos ko gawin ang kailangan kong gawin sa loob, lumabas na rin ako. Walang gaanong mga estudyante, tahimik at tanging  hangin lamang ang mararamdaman sa paligid. Habang naglalakad ako, may lalaking nasa labas na nakatambay. Matangkad ito, moreno at medyo magulo ang suot na uniform.

“Hi Sabina, kumusta?” may isang lalaking nagsalita na tiningnan ko nang mabuti. 

“H-hi?” nahihiya kong pagtugon. 

“I’m Carlo, a partner in a project. I am from room 206. Nakipagpalit kasi sa akin si Lino. Anyway, I hope to get to know you more.” pagpapakilala niya at hindi ko inasahan na siya mismo ang magpapaliwanag ng pagbabago, kaya pala si Andrea at Lino na ang magkapartner sa listahan.

“Anyway, huwag ka na magalit kay Lino. Mabait naman ‘yon, hindi niya gustong masaktan ka noong first day,” dagdag niyang sabi na siyang ikinaiba ng itsura ko dahil sa pagkagulat. 

“Sorry pala ang daldal ko, sige pasok ka na sa room mo.”Ngumiti ito. Tanging pagtango na lang din ang nagawa ko. 

Pumasok na ako sa room at mabuti na lang hindi pa oras ng uwian, may ilang minuto pa. Umupo agad ako sa table ko at inayos ang gamit ko. Wala roon sa tabi ko si Andrea at ng matapos ko maligpit ang lahat. Bigla siyang lumitaw sa harapan ko nang nakangiti. 

“Andrea!” saway ko dahil ang creepy niya. Mahaba ang buhok nito at ang ngiti niya ay para bang sinaniban ng kung ano. 

“Hala sorry na, hindi kasi ako nakatulog kakabasa hanggang ngayon. Tingnan mo ‘tong mata ko may eyebags na.”Umiyak-iyak pa ito na para bang bata. Mabuti na lang din medyo maluwag pa ang professor namin ngayon, sabagay dahil ilang minuto tapos na ang klase niya sa amin. 

“Okay lang, matulog ka rin kasi. Nakausap mo ba ang partner mo?” tanong ko na tila biglang nag-iba ang ihip ng hangin dahil bigla akong naging interesado sa lalaking iyon. 

“Hindi pa eh, gusto mo kausapin natin mamaya? Saka dapat pala partner mo siya. Bakit kaya nagbago?” 

“Nakiusap siya sa classmate niya, umiiwas yata.” paliwanag ko. 

“Seryoso?” hanggang sa tumayo na ang professor namin. 

“Class dismissed. See you on Wednesday!” Paalam nito sa amin. Nagpaalam na rin kami sa kanya habang ang katabi ko naman ay para bang bata na dikit nang dikit sa akin at nagtatanong tungkol sa nasabi ko kanina.

“Uy, di ka pa nasagot sa tanong ko kanina, ”sambit nito. 

“Hindi ko alam ang dahilan, Andrea.” sagot ko habang inaayos ang bag ko. Pero sa isip-isip ko tinupad niya ang hiling ko. 

“Totoo ba ‘yan?” 

“Oo nga!” mabilis kong sagot. Nag-ayos na rin siya ng gamit niya at ang ibang mga kaklase namin ay lumalabas na rin. 

“May gusto siya sa’yo, Sabina,”biglang sabi ni Andrea ng makalabas na kami ng pinto. Hinarap ko siya. “Malabo ‘yan at wala akong panahon sa bagay na ‘yan.”

“Sus, hayaan mo kapag nakagkausap kami. Mag iinterview ako kay Papa Lino.” 

“A-aray!” 

Nabangga na nga siya ni Lino, habang ako naman ay nakatingin sa kanya. 

“Sorry, miss, ” aligagang sabi ni Lino kay Andrea at mabilis na umiwas na para bang ayaw akong makita. Umatras na ito bilang pag-iwas ngunit hinawakan ni Andrea ang kamay nito. “Papa Lino!” Pinigilan ko naman agad ang kaklase ko dahil sa pinagsasabi niya. 

“Hoy, umayos ka!” awat ko sa kanya. Ngunit ngumiti lang ito dahilan para makita ko ang dalawang dimple niya magkabilaan. 

Damn, ang gwapo niya pala! 

“Sorry, I need to go. Ingat ka next time.” Halos magkalapit ang braso namin at ang buo niyang boses ang nagbigay lakas ng kabog sa dibdib ko. 

Kumaway na si Andrea sa kanya bilang pagpapaalam habang ako ay natulala sa kawalan. 

Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Shems! Mali ‘to! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro