Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER II: Wrong Break Time


“Tara na!” Mabilis kong niyaya si Andrea, wala siyang magawa kundi magpahatak. “Sandali…” Napahawak siya sa kanyang dibdib at habol hininga. “Saan ka ba pupunta?Akala ko ba masakit ang paa mo, Sabina?” takang tanong nito at gumilid muna kami dahil maraming estudyante na rin ang nagsisilabasan. 

“Break time na kasi natin ‘di ba? So, puntahan na na natin ang locker mo. Medyo okay naman na ang paa ko.”Ngumiti ako para malaman niyang totoo ang sinasabi ko. 

Tumaas ang kilay nito na siyang ikinataka ko. “B-bakit?” tanong ko ngunit ngumisi lang ito. “Alam ko na, kaya ka nagmamadali kasi may tinatakasan ka. Saka yung ibigay kong flat shoes nandoon malapit sa room ng boyfriend mo.” Nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya pero sinubukan kong kumalma. “Hindi ko siya, boyfriend. May kasalanan nga siya eh, siya ang dahilan kaya ika-ika akong maglakad kanina. Seryoso? Bakit ngayon mo lang sinabi na malapit pala doon ang locker mo?” 

“Paano ko sasabihin ang bilis mo maglakad kanina? Imagine, tayo unang lumabas after sabihin ni Miss Jean na dismissed? Anyway, I’m sorry if pinipilit ko na boyfriend mo siya. Bagay kasi kayo.” Suminghal na lang ako at tumawa naman siya. Kuhang-kuha talaga ng babaeng ‘to ang inis ko. Kung hindi lang siya mabait, aalisan ko na ‘to at kakain sa cafeteria. 

“Sige na Sabina, punta na tayo sa locker. Ang panget na ng heels mo, bili ka na lang ulit ng bago.” Pang-aasar nito at magsasalita pa sana ako, pero bigla niyang hinila ang kamay ko papunta sa locker niya. 

Ilang minuto lang din ay nakarating din kami sa locker. Mabuti na lang din at walang ibang tao roon, at wala rin siya. Teka, bakit siya ang iniisip ko? I was too busy thinking about him when Andrea gave her flat shoes. “Hey Sabina, are you still there?” tinapik niya ang kanang balikat ko hanggang sa makabalik na ako sa reyalidad. 

We have one hour break at ayokong maubos lang iyon sa katagalan ko, kaya ng makabalik ako sa katinuan I decided to go to bathroom at sinabi ko kay Andrea na mauna na siya baka nagugutom na rin siya. But she accompanied me. She is such a kind girl talaga! 

Umihi muna si Andrea at tinapon ko na rin ang heels ko, mabuti na rin maganda at branded at flat shoes ni Andrea. Hindi naman sa maarte ako, maselan lang ang paa ko sa mga sinusuot nito. Naglakad ako ng konti sa restroom at umikot, mabuti na lang bumagay ito sa akin. 

Saktong lumabas na rin si Andrea, naghugas muna siya ng kamay at tumingin sa akin. “Perfect girl! O ‘di ba? Bagay na bagay sa’yo. Kaso lumiit ka naman.”Tumawa ito dahilan para mahampas ko ang braso niya. “Isang pulgada lang ang tinaas mo.”Tumawa ako hanggang sa nagtatawanan kaming dalawa. Ang gaan niya kausap. Sana siya na lang ang makausap ko kanina hindi yung lalaki na sumira ng umaga ko. 

“Kumain na nga tayo,” wika nito at tumingin sa relo niya at nang tingnan ko ang phone ko, we have 35 minutes to take our break time. “Let’s go, Andrea but I have a baon kaso nasa room. Can I get first?” Tumango naman siya. “Sige mauna na ako sa cafeteria, can I have your number?” she asked. Mukhang itetext niya na lang ako para magkita kami. I gave my phone to her with my number. Pinicturan niya na lang ito at nagpaalam na kami sa isa’t isa. Dumiretso na ako sa room para kunin yung maliit na bag na nilagyan ni Manang ng baon ko. 

Hindi pa ako nakapasok sa loob ay nakita ko ng ang lalaki bumangga sa akin kanina. He is waiting from the outside of our room. Tumigil ako sa paglalakad at iniisip ko kung itutuloy ba ako pumasok sa room namin at isipin na hindi niya ako inaantay o kaya naman pumunta rektang cafeteria. Pero huli na ang lahat, he notice me. 

“Hey Ms. Sungit, are you okay? Oh, I think yes mabuti naman at naisip mong mag-flat shoes, bagay sa’yo.”He smiled at me that makes me irritating at him.

Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok ako sa loob, there’s no student here mukhang lahat ay ginamit ang kanilang break time. Kinuha ko agad ang baunan and wallet ko. Yet, the man is still waiting there while sipping his juice. 

“Are you still mad? I’m sorry, do you want me to treat you?” He said that makes me feel uncomfortable.

“I’m fine Mr. Epal. Just eat okay? I have money at baon here. Thank you!” Mabilis akong tumalikod sa kanya. Pero para siyang bata na nakasunod sa akin. 

Hinayaan ko siyang sumunod pero ilang minuto ang lumipas na para bang nanadya siya. Hinarap ko siya. “Ano bang problema mo Mr. Lino Banlaigas?” Ngumiti lang ito ng kay lapad dahilan para mainis ako pero ang dalawang dimple niya magkabilaan ang dahilan para makapagtimpi ako. Why is he so handsome?

 “I’m not following you, Sabina Ashley Rivera. Papunta rin ako sa cafeteria.” Nadismaya ako dahil sa pagiging assumera ko pero paano niya nalaman ang buong pangalan ko? Until suddenly, I felt pain in my stomach. “Fine!” I quickly said and went straight to the cafeteria. Then, I received a message from someone. I checked it and it was from Andrea. She already ordered some food from the two of us. Nagmadali na akong hanapin siya and there she is. She is in the fourth corner, eating a sandwich. 

Until she saw me and waved her hand. Mabilis akong lumapit sa kanya. “Ang tagal mo Sab, what happened to you?” Umupo muna ako at uminom muna ng tubig. I have 25 minutes to eat and relax. “You know what Andrea, that man is dangerous lagi na lang kapag nagkita kami nasasayang ang oras ko.” But Andrea look so weird, she remains silent at may tinuro sa likuran ko. 

Then a familiar voice spoke up. “Hi girls, can I join?” Hindi ko alam kung bakit hanggang dito ba naman eepal siya.Mabilis ko siyang hinarap. “No!” 

Mabilis nagbago ang ekspresyon nito, may hawak siyang isang tray at naroon ang pagkain niya. Iba-iba at hindi ko tiningnan pa. Kumain na lang din ako ng sandwich na pinabaon sa akin ni Manang. 

But I was shocked when Andrea seriously spoke to him. “Yes, handsome, it’s okay. Sa’yo talaga ang upuan na ‘yan.”Pinatabi niya talaga sa akin ang Mr.Epal na ‘yon. Ngumiti naman ng todo ang lalaki at pinatong ang hawak niyang tray sa lamesa. 

“Thank you, Ms. Beautiful. Ano pa lang name mo?” tanong niya kay Andrea. Namula tuloy ang pisngi nitong babae na ‘to. “I’m Andrea.” mabilis naman nagpapakilala ang babae na nasa harapan namin. 

“Alam ninyo, tama na ‘yan kumain na tayo.” 

“I’m sorry Ms. Sungit. Sige kain na tayo, Andrea.” Tinaasan ko lang siya ng kilay atsinubukang manahimik at baliwalain na rin siya. Hinawakan na rin ni Andrea ang kamay ko para bang sinasabi Girl, kalma. Mabait siya. 

Humigop na lang ako ng orange juice at pasimpleng bumutonghininga. 

Hanggang kailan niya ba ako iinisin? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro