Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER I: First Day

LUNES na naman, maaga na naman akong gigising para pumasok sa eskwelahan. Mabilis akong bumangon at kahit ayoko pang bumababa, dumiretso na ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Sa totoo lang, kinakabahan ako dahil sabi nila sa huling yugto ng pag-aaral ay doon masusubok at doon rin malalaman kung hanggang saan ang kaya mo. Pero, para sa akin masaya at kapana-kapanabik ang kolehiyo. Tumingin ako sa salamin, kaya mo ‘yan galingan mo! 

Ako nga pala si Sabina Ashley Rivera, 1st year college sa San Pablo University. I am taking Business Administration. Bunso akong anak ng mga Rivera at sa lahi namin ako lang ang naiba, dahil madalas lawyer ang tinake nila.

“Ma’am? Ready na po ba kayo?” pagkatapos kumatok ng dalawang beses ay nagsalita si Manang. 

“Yes po! Pababa na rin po ako,” masiglang wika ko habang pinapatuyo ang buhok ko sa tuwalya. Saktong nakasuot na rin ako ng uniform. Blue ang kulay nito at kailangan ang pang itaas namin ay nakatack-in. Saktong tuhod din ang palda dahil bawal ang sobrang iksi sa school na ito at ang pang-itaas ay may logo ng university sa mismong patch. Matapos kong maayos ang sarili ko, bumababa na rin ako para mag-umagahan. 

Luminga-linga ako sa paligid. “Manang, nasaan po si Mom and Dad pati si kuya?” takang tanong ko habang pinili ko ng maupo sa lamesa para makakain ng agahan. 

“Magandang umaga madam! Kakaalis lang po nila Ma’am Diana at Sir Gelo. Ang kuya ninyo naman po pababa pa lang.” Nadismaya ako ng marinig iyon. Simula ng makagraduate ako ng Senior High School, madalas na silang busy, madalas pang hindi ko na sila naabutan. Kaysa ang mag-isip at masira ang umaga ko, kumuha na ako ng pagkain. May itlog, hotdog at bacon na ulam na niluto si Manang pati pandesal at kanin. 

“Manang sabayan ninyo na lang po ako.” yaya ko rito habang nilalagyan niya ng tubig ang baso ko. Saktong bumaba na si Kuya Josh. Simple lang ang suot nito nakasuot siya ng white t-shirt at black pants. 

“Hi Sabina! Mauuna na ako sa’yo, late na ako. Manag yung baon kong sandwich, please!” Pilit na ngiti na lang ang ginawa ko at tipid na sinabi. “Ingat ka po, kuya.”

Mabilis tuloy pumuntang kusina si Manang, ngunit may inabot siyang maliit na bag na kulay itim. “Sir, nandiyan na po ang baon ninyo. Dalawa na po ginawa ko at may tubig at C2 na rin at isang mansanas.” Matapos masuoy ni kuya ang sapatos ay nagpolo ito at kinuha ang itim na bag na binigay ni Manang. 

“Alis na ako!” Mabilis siyang lumabas ng mansyon namin, habang ako nandito pa rin sa lamesa at walang nagagalaw na pagkain. Hindi na rin nakasagot si Manang sa alok ko kanina dahil may mga ginagawa pa siya. Day off kasi ang isa na kasama niya kaya lahat siya ang gumagawa. Bumuntonghininga ako at pinilit kumain kahit kaunti, hanggang sa napansin ko ang oras. 20 minutes na lang ang natitira at kailangan ko ng pumasok. 

Mabilis akong sumubo ng kanin at hotdog pero inabot lang ng apat na subo dahil kailangan ko ng magmadali. 

“Iha, ito baon mo. Alam kong hindi ka nakakain, pasensya na hindi na ako nakasabay sa’yo dahil sa mga gawain. Ito na rin ang allowance ninyo para ngayong isang linggo.”Inabot niya sa akin ang pulang bag na kasing laki lamang ng lagayan ng lunch box. 

Ngumiti ako at sinabing, “Salamat po, manang! Pasabi na lang kay Mom and Dad, pumasok na ako at salamat sa baon na pera.” “Makakarating iyan, Sabina. Sige na pumasok na at baka ma-late ka pa. Naroon na si Mang Fernando, siya na ang maghahatid sa’yo.” Kinuha ko lang sa upuan ang bag ko at niyakap si Manang. “Salamat po!” Tinapik lang ni Manang ang likuran ko at niyakap rin ako pabalik. Inihatid niya na nga ako sa may kotse kung saan nakatayo si Mang Fernando. Kinuha ni Mang Fernando ang bag ko at po pinagbuksan ng upuan sa likuran. 

“Magandang umaga Miss Sabina. Sakay na ho kayo.” Tumango ako. “Salamat Mang Fernando.” Nang nakaupo na ako sa likuran, huminga ako nang malalim at pinaandar na rin ni Mang Fernando ang sasakyan. Hindi naman kalayuan ang school ko mula sa mansyon, unless traffic mahuhuli talaga ako sa first day. It took 10 minutes and then we arrived at San Pablo University, which is a private school. Pinagbuksan ako ni Mang Fernando, at binigay ang bag ko. Nagpasalamat ako at pumasok na sa loob ng gate ng school namin. I was looking at the map that I have since I was not able to go yesterday for a tour of the whole university as a familiarity. 

Habang naglalakad ako ay nahulog ang hawak kong mapa at pati ang bag ko. “A-aray!” A handsome man helped me to stand up. Ayos na ayos ang buhok nito at ang matapang niyang pabango ang siyang nakakaagaw pansin sa akin. 

“Oh sorry miss, are you alright?” Binigay niya sa akin ang bag at ang mapa na hawak ko kanina. 

“No!But next time be careful naman. Ang sakit ng paa ko.” Hindi ko maiwasan na sungitan ang lalaking nasa harapan ko, pero ngumiti lang ito na para bang may gagawin. 

“Kung anuman ‘yang gagawin mo, no! I can go to my room with myself.”Naglakad ako kahit ika-ika, first day pero disgrasya agad ang napala. Malas naman! 

“No, miss. I will help you. Saan ba ang room mo at ano ang course mo?” Kumalma ako at inalalayan niya nga ako, dumarami na rin ang estudyante kaya hindi na ako nag-inarte pa. 

“Room 207, business administration,” tipid kong sabi. 

“Really? Tamang-tama sa kabilang room lang ako, kung gusto mo sa clinic na lang kita dalhin para magamot yung kaunting gasgas sa paa mo? I’m really sorry. Bakit kasi ang taas ng heels mo?” Napataas talaga ang kilay ko sa sinabi niya. “W-what?” Sasapakin ko na sana siya pero naglakad na kami padiretso sa room ko. “Wala miss, kalma na. Nagagalit ka na naman, don’t worry ihatid pa kita mamaya pag-uwi mo.” Mabilis ko siyang tinulak. “No need! Salamat na lang.”Saktong nasa harapan kami ng room ko at kaunting estudyante pa naman ang nasa loob. Kahit medyo ika-ika ako, I pretend na I’m fine. Maybe sa breaktime magpapahatid na lang ako ng flat shoes. I hate him! Sinira niya ang bili ni Mommy na black shoes heels ko. 

“See you later, wait, anong name mo?” Hindi ko siya pinansin at pumasok na ako sa loob. Pagkaupo sa pangalawang row. He smiled, “Sorry and nice to meet you, Ms.Sungit!” 

“W-what?” bulong ko. 

“I am Lino Banlaigas. Remember that, sige mamaya na lang.” He wave his hand and gives me his killer smile dahil sa mayroon siyang dalawang dimples. Hindi ko na siya pinansin at nakahinga ako nang maayos ng makapasok na siya sa room niya. But when I see my heels, I feel bad for them. Natanggal pala ang heels ng kanang sapatos ko. 

I check my watch and it’s already 8:45 am. Maaga pa pala dahil 9 am ang simula ng klase ko. 

Habang nag-aayos na ako ng gamit, a girl from my right side said. “Ang gwapo ng boyfriend mo! Anyway, I am Andrea Golaran.” Napaisip pa ako kung makikipagkamay ba ako or dedemanhin siya kasi fake news ang nasa isip niya. Pero pinili kong maging mabait kahit puro negative ang mga nangyari kanina. 

“Nope, may kasalanan lang ‘yon. Don’t mind him. Hi, I am Sabina Ashley Rivera.” I smiled widely at kinamayan na rin siya.

“Oh sorry! My bad, napansin ko nga ika-ika ka. I have flat shoes sa locker. Anong size ng paa mo?” Kuminang ang mga mata ko, finally she save me today. 

“Really? 8 ang size ng paa ko.”

“OMG!” Tumayo pa ito dahilan para kumabog ang puso ko. 

“Magka-size tayo Sabina, so sige sa’yo na ‘yon since dalawa naman ang extra ko.”

Nagningning ang mga mata ko. “Akala ko naman kung ano, sure ka? Sige Andrea bayaran ko na lang.”

“Uy okay lang, sa’yo na magkaibigan naman na tayo.” Kahit nakakabigla ang sinabi niya, I’m happy for her kindness at saktong dumating na rin ang professor namin na lalaki. 

“Thank you, Andrea mamayang breaktime ko na lang suotin.”

“Sure!”

Nag-focus na kaming dalawa sa first subject namin which is Communication. Napaisip ako nang bahagya habang nagpapakilala ang professor namin. 

Sana wala ng mangyaring negative, sana rin hindi ko na makita yung lalaking ‘yon! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro