Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sapatos

Bata pa lang ako ay nakukuha ko na lahat ang gusto ko. Paano ba naman, sa yaman ba naman namin e! Sa katunayan nga, malapit na ang seventh birthday ko. So dapat, bongga ang party!

"Mommy!" lambing ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Bakit anak?" nakangiting tanong ni mommy.

"I want a bonggang party! Dapat maraming foods, 'yong parang mala-fairytale na birthday party!"

"Anak.. bonggang party ba talaga ang gusto mo? Ang balak ko kasi, magcelebrate lang tayong pamilya na magkakasama e."

Napasimangot ako. What the?! Ayoko ng gano'n, no way! Gusto ko ng bonggang party!

"But mommy! Nakapagsabi na ako sa mga classmates ko, mapapahiya ako sa kanila mom 'pag nangyari 'yon!"

"Pero anak-"

"Bahala ka na nga dyan!"

Nagdabog ako papasok sa room ko. I'm just naiinis kasi! Seventh birthday 'yon kaya kailangan bonggang party! Dapat bongga!

Tinakpan ko ng kumot ang sarili ko. Magbibilang lang ako hanggang tatlo at siguradong pupunta si mommy para lambingin ako.

One, two, three.

"Anak? Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ni mommy habang kinakatok ang room ko. Hindi nalang ako sumagot para maging matagumpay ang acting ko.

I sensed na papalapit na siya sa'kin. Hinahaplos niya ang pisngi ko at maya-maya, bumuntong hininga siya.

"Sige na nga anak. Ano bang gusto mong pagkain? Gagawin nating bongga ang party mo."

Agad naman akong napabangon.

"Really mommy?!" ngiting-ngiti na pahayag ko. Tumango naman ito at ngumiti din sa'kin.

"Gosh mommy! Thank you, I love you super super mommy!"

Kiniss ko ang pisngi niya at niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"I love you too anak. Lagi mong tatandaan na love ka ni mommy ha?"

"Yes mommy."

---

Ilang days nalang at seventh birthday ko na. Excited kong ipinamigay ang personalized invitations ko.

"Girls! Punta kayo sa party ko okay? Bring your gowns na bongga ha. Mala-fairytale kasi ang theme ng birthday ko."

"Talaga Maxine?"

"Wow, ang swerte mo naman Maxine."

"Pupunta talaga kami dyan!"

Ngumiti naman ako sa kanila. Pero nawala ang ngiti ko nang makita ko ang isa sa mga kaaway ko. Gosh, my head is biglang kumulo!

Take it easy, Maxine. You can do it.

"So, malapit na pala ang birthday mo? Sigurado bang bongga 'yan? Or gawa-gawa mo lang? Hahaha!" mapang-asar na sabi ni bruhildang impaktita. In short, Mitch.

Nagtawanan ang mga alipores niya. Napaikot naman ako ng eyeballs. Tignan lang natin, Mitch. Baka mahiya ang budhi niya kapag nalaman niya kung gaano kabongga ang party ko.

Binigyan ko nalang siyang invitation. Kasama na do'n pati ang mga alipores niya.

"Here's the invitation. Kayo na ang humusga kung gaano kabongga ang seventh birthday party ko. And don't forget to wear your luxurious gowns okay? Fairytale kasi ang theme na pinili ko e."

Hindi naman na sila nakasalita kaya tumalikod nalang ako sa kanila. Kaso, narinig kong may ipinagyayabang na naman si Mitch.

"Wow! Ang ganda naman ng rubber shoes mo, Mitch!"

"Oo nga! Saan mo nabili 'yan?"

Dahil do'n, napalingon ako. Rubber shoes?

"Thank you, girls. To be honest, galing pa ang rubber shoes na 'to sa California."

"Imported pala ang rubber shoes mo, Mitch!"

"Magkano naman 'yan?"

"Well, halagang twenty thousand pesos lang naman 'to kung pagbabasehan sa Philippines."

Padabog akong tumalikod at sumimangot habang nakaupo. Pabida na naman ang Mitch na 'yon! Porket may bago siyang rubber shoes ha? Well, magpapabili din ako no'n kay mommy! 'Yong mas maganda at mas mahal pa. Hmp!

---

Badtrip akong dumating sa bahay. Narinig ko siyang may kausap sa phone, pero wala akong pakialam! She need to buy me shoes na kagaya no'ng kay Mitch! 'Yong mas maganda kaysa sa kanya!

"Mommy!" sigaw ko ng sobrang lakas. Nakita ko naman si mommy na nagmadaling ibaba ang tawag, and then tumingin siya sa'kin.

"Yes, anak?"

"Mommy! Bilhan mo ako ng rubber shoes! 'Yong kagaya no'ng kay Mitch! Dapat mas mahal and mas maganda!" sigaw ko habang nagwawala sa harapan niya. Nakita ko namang napakamot ng ulo si mommy.

"Anak, kasi ano e-"

"What mommy! Don't tell me, 'di mo ako bibilhan ng rubber shoes?! Mommy naman, twenty thousand lang naman 'yon! We're mayaman naman right? Kaya nating bumili ng gano'n!"

"Anak, may pagagamitan kasi tayo ng pera. At baka, hindi na din matuloy ang birthday party mo."

Napanganga ako ng sobrang laki. What?! Hindi matutuloy ang party ko?! No way! Kailangan matuloy 'yon dahil paniguradong tutuksuhin ako ni Mitch!

"Mommy, ang daya! Bakit 'di matutuloy ang party ko?! I gave them the invitations na e! Lalo na kina Mitch! Mommy, 'wag mo naman akong pahiyain sa kanila!" angal ko. Nakakainis! Naiiyak na talaga ako! I'm so naiinis talaga kay mommy! Nakakabuwiset siya!

"Anak, sana maintindihan mo. Ang papa mo, nabalitaan ko kanina na nabagsakan pala ang paa niya ng mga bato noong nagmimina siya sa Saudi. Kakailanganin natin ng malaking pera para sa operasyon niya."

"Wala akong pakialam! Gusto ko, matuloy ang party ko! Kapag hindi 'yon natuloy, hindi na kita love! I hate you, mommy! I hate you!"

Agad akong pumunta ng kwarto at tinakip ang sarili ko ng kumot. Ganito lagi ang ginagawa ko kapag hindi nakukuha ang gusto ko. Magbibilang lang naman ako ng hanggang tatlo at paniguradong lalambingin ako ni mommy.

One, two, three.

Pero wala si mommy. Hindi siya dumating. Ang ibigsabihin lang nito, hindi na matutuloy ang birthday party ko.

---

Malaki pa din ang tampo ko kay mommy. Lalo na noong makita ko si daddy na papunta sa bahay namin. Dati, sinasalubong ko siya kapag dadating siya. E may pasalubong naman kasi siyang chocolates noon! Pero iba na kasi ngayon. Nasa wheel chair siya!

"Anak, hindi mo ba sasalubungin ang daddy mo?" tanong ni mommy sa'kin. Pero tinarayan ko lang siya.

"Anong nangyari sa'yo daddy? Bakit putol na ang mga paa mo? Paano ka makakapagtrabaho niyan? Paano mo kami bibigyan ng pera pambili ng mga gusto ko!" sigaw ko kay daddy. Magsasalita sana siya pero tinalikuran ko na siya.

Mga wala silang kwentang magulang.

Sinakbit ko ang bagpack ko at pumunta na sa school. Dapat ngayon, nagpapakasaya ako dahil may party ako ngayon. Kaso hindi natuloy dahil kay daddy! Nakakainis siya! Wala siyang kwenta!

"Balita ko Maxine, hindi na daw tuloy ang party mo ha. Anong nangyari?" salubong ng malapit kong kaibigan na si Sandra. Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Mitch.

"Hindi na tuloy ang party niya Sandra! Hindi na kasi sila mayaman, hahaha! Kasi 'yong daddy niya, putol na ang paa! Kawawa naman!"

Napayukom naman ako ng kamao. Mayaman pa din kami! Mayaman!

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Ayaw ko nga! Totoo naman e. Sabi ni mommy, hindi na kayo mayaman. Nagastos na lahat ng pera niyo sa pag-oopera ng daddy mong putol ang paa! Hahaha!"

Nabalot ng tawanan sa classroom. Agad naman akong tumakbo. Ayaw ko ng pumasok! Babalik nalang ako sa bahay namin!

Umiiyak ako habang tumatakbo papunta sa bahay. Pero mas lalo yata akong naiyak dahil sa nakikita ko ngayon.

"Yaya! Bakit nila kinukuha ang mga gamit namin?!" pasigaw na tanong ko sa katulong namin.

"'Wag mo nga akong matawag na yaya mo. Sinisante na ako ng nanay mo! Kaya 'wag kang magfeeling na rich kid ka, kasi hindi na kayo mayaman! Lilipat na kayo ng bahay, ipinagbebenta na din ng nanay mo ang mga gamit niyo! Echoserang bata 'to. Makaalis na nga!"

Napalunok na lamang ako sa nangyayari. Bakit ganito? Bakit biglang nangyayari ang kamalasan na 'to sa buhay ko?! Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaklase ko kapag nalaman nilang mahirap na kami?!

---

Tinapon ko ang ulam namin. Nasa hapagkainan kami ngayon ni mama at papa. Oo, hindi na mommy at daddy dahil hindi naman na kami mayaman.

"Tuyo na naman?!" sigaw ko. Nakayuko lang si mama at parang baliw na pinulot ang tuyo na ngayon ay nasa sahig.

"Anak, 'wag ka naman magsayang ng pagkain. Ito na nga lang ang ulam natin, itatapon mo pa," naiiyak na sabi ni mommy. 'Yan na naman siya sa drama niya! Napakaarte!

"Hindi ako magtitiis sa ulam na 'yan! Hay nako, bakit ba kasi 'to nangyayari e! Ikaw ang may kasalanan nito papa! Kung hindi kasi naputol ang paa mo, edi sana maganda pa ang buhay ko ngayon!" sigaw ko at tumayo. Si papa naman ay yumuko.

"Anak, nagtatrabaho pa din naman ako kahit putol ang paa ko."

"Nagtatrabaho ka nga, pero yayaman ba ulit tayo sa pagkukumpuni mo ng sirang TV at mga washing machine?! Doblehin mo ang pagtatrabaho! At ikaw naman mama, triplehin mo ang paglalabada! Malapit na ako magcollege pero wala pa din tayong pera! Putang buhay 'to!"

Binasag ko ang mga pinggan. Tinapon ko 'yon sa sahig. Pero sa hindi inaasahan, mukhang natamaan ko yata ng plato ang ulo ni mama. Nakita kong nagdugo 'yon. Gusto ko sana siyang puntahan kaso pinigilan ko ang sarili ko.

Dapat lang 'yon sa kanya. Wala kasi siyang kwentang ina.

Napadaing sa sakit si mama. Umikot naman ang eyeballs ko. Paniguradong nagdadrama na naman 'yan. Lagi naman siyang madrama.

"Hoy papa! Pahinging pera! Babayaran ko lang 'yong tuition ko!"

Nanginginig namang inabot ni papa ang isang libo. Napataas naman ako ng kilay.

"Isang libo lang? Limang libo ang kailangan ko!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Pero 'yan lang kasi ang pera ko, anak."

Napasinghap naman ako. Bwiset na buhay 'to. Putangina, nakakabanas!

"Alam mo papa? Sana mamatay ka nalang! Wala ka kasing kwenta alam mo 'yon? Tanginamo, sana atakihin ka na! Mamamatay ka na!"

Lumabas ako ng bahay na may simangot sa mukha ko. Putang buhay nga naman o.

---

Hindi na ako pumasok ng school. Punyemas, nakakawalang gana kasi! Dito nalang ako sa bar, mas masaya at nagagawa ko pa ang mga bisyo ko.

"Isang margarita pa nga!" sigaw ko. Sinindihan ko naman ang sigarilyo ko at pagkatapos, ininom ko na ng diretso ang binigay ng bartender sa'kin.

Medyo tipsy na din ako, kaya napagdesisyunan kong tumayo muna. Sumayaw ako sa gitna ng dancefloor at iginiling ang katawan ko. Hapit ang dress na suot ko, bakat ang kurba ng bewang ko at masasabi kong bulgar din ang malulusog kong dibdib.

Hanggang sa nagulat na lamang ako nang may isang kamay na naglakbay sa bewang ko. Nararamdaman ko na ang pagkalalaki niya, pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy na lamang sa paggiling.

"I want to fuck with you," mahinang bulong ng lalaki sa'kin. Agad nag-init ang katawan ko. At 'yon na nga, siniil niya na ang labi niya sa labi ko.

Naghalikan kaming dalawa. Isang malalim na halik. Binuhat niya ako at dinala sa isang kwarto na matatagpuan sa pangalawang palapag ng bar.

Hindi naman na ako nag-inarte pa at tumugon na lamang sa mga halik niya. Bawat pagdampi ng labi niya sa katawan ko, napapaungol na lamang ako sa sarap.

At ang sumunod na nangyari? Ginawa namin ang bagay na dapat hindi ginagawa ng kabataan. Puro sarap at pagnanasa lang ang naramdaman ko ng gabing 'yon. Sa ilang sandali, nakalimutan ko pansamantala ang hinanakit ko sa mundo, at sa isang taong may kagagawan sa nangyayari sa kamalasan sa buhay ko- ang Diyos.

---

Dumating ako sa bahay. Ilang araw din akong hindi nagpakita sa kanila. Mabibilang yata sa buwan?

"Anak nandito ka na pala! Saan ka ba nagpupunta? Alalang-alala ako sa'yo, anak," salubong ni mama sa'kin at niyapos pa ako. Pero, tinulak ko lang siya. Magdadrama na naman kasi 'yan panigurado.

"Anong ulam 'to?" walang ganang sabi ko sa kanya.

"Anak, adobong kangkong 'yan. Konti lang ang niluto ko, hindi ko naman kasi alam na dadating ka e."

Tinikman ko na ang luto niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil pinapanood niya ako na kumakain. Tanga lang?

"Si papa, nasaan?" tanong ko habang kumakain.

"Patay na ang papa mo. Pagkatapos mong umalis, inatake siya sa puso hanggang sa 'di niya nakayanan at namatay siya."

Sa hindi malamang dahilan, naibagsak ko ang kutsara na hawak ko. Hindi ko alam pero may bigat sa puso ko akong nararamdaman.

"Patay na si p-papa?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tanging tango lang ang iginawad ni mama sa'kin.

Napatalikod ako sa kanya. Papatak na sana ang luha ko nang bigla akong nahimatay.

---

"Kamusta siya doc?"

"Hindi naman masyadong malala ang lagay niya. Sa katunayan, isang magandang balita ang hatid ko sa inyo."

"Ano po 'yon doc?"

"Three months ng buntis ang anak niyo. Siguro, kailangan niya ng sapat na pahinga dahil napansin kong puro stress ang naiisip niya. Tamang pagkain lang din siguro para maging healthy si baby."

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Babangon sana ako pero napasapo lang ako sa ulo ko.

"Gising ka na pala anak! Alam mo, may magandang balita akong sasabihin sa'yo!" tuwang-tuwa na pahayag ni mama. Nagsalubong naman ang kilay ko.

"Ano naman 'yon?"

"Buntis ka, Maxine! Magiging nanay ka na, at ako naman ay magkakaroon na ng apo!"

Napalunok ako sa sinabi ni mama. A-Ako? Buntis ako? Malaking problema 'to.

Naging okay na din naman ang pakiramdam ko kaya nakaalis na kami sa ospital. Kanina pa nga din ako kinakausap ni mama tungkol sa baby ko. Pero 'di ko na lamang siya pinansin. Nababahala kasi ako sa mangyayari e.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Raphael- ang ama ng batang dinadala ko ngayon.

Raphael, mag-usap tayo. Same place, same time.

Pagkadating sa bahay, pumunta agad ako sa kwarto at naghanap ng masusuot. Nag-ayos ako ng sarili at sinakbit ko na ang shoulder bag ko.

"Saan ka pupunta anak?"

Napairap na lamang ako. 'Yan ang ayaw ko kay mama. Masyado siyang pakielamera. Nakakainis din ang pagiging madrama niya sa mga bagay-bagay.

"Wala ka ng pakialam do'n okay? Maglaba ka na lang dyan nang magkaroon ka naman ng silbi."

Hay nako, hassle lagi e.

--

"Pero Raphael, paano na ang baby natin?!"

"Wala akong pakialam dyan. Ipalaglag mo kung gusto mo."

Pinunasan ko ang luha mula sa mata ko. I-Ipalaglag? Ipapalaglag niya ang bata?

"Anak natin 'yon! Bakit mo ipapalaglag?" naiiyak na sambit ko. Pero tinulak niya lang ako at ngumisi.

"Alam mo kung bakit? Wala ka kasing kwenta. Ang hina mo pagdating sa kama."

Iniwan niya na ako. Akala ko, mahal niya ako. Dati pa kaming nagkikita ni Raphael. Siya lagi ang napagsasabihan ko tungkol sa hinanakit ko sa mundo. Kaya hindi ko lubos akalain na magagawa niya ang bagay na 'to sa'kin. Ang saktan at iwan ako.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at pumunta ako pabalik sa bahay. Do'n ko nakita si mama na nag-aalala sa'kin. Siguro dahil sa lukso ng dugo, niyakap ko siya.

Ang sakit sakit.

"Bakit anak? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ni mama habang hinahagod ang likod ko.

"Si Raphael, ma. Gusto niyang ipalaglag ko ang bata.."

"Ssshhh.. anak. Magiging okay din ang lahat."

"Pero ma, hindi papanagutan ni Raphael ang bata.."

Kinalas ni mama ang pagkakayakap niya sa'kin. Pinunasan din niya ang luha sa mata ko.

"Nandito si mama, anak. Nandito ako. Iwan ka na ng lahat, pero tandaan mong kasama mo ako. Papalakihin natin ang bata."

Noong mga oras na 'yon, pansamantalang nawala ang galit ko. Kahit papaano naman pala, may kakampi pa din ako. At 'yon ay walang iba kung hindi si mama.

---

Prente lang akong nakaupo dito sa upuan. Seven months na akong nagbubuntis at masasabi ko namang magiging maayos ang lagay ng bata.

Si mama naman, ayon. Nando'n sa labas habang 'sangkaterbang maruruming damit ang nilalabhan niya. Aba, dapat lang 'yon sa kanya. Kailangan niyang magdoble kayod lalo na't magkakaroon na siya ng apo.

Tatayo na sana ako para ilagay sa lababo ang baso na iniinom ko nang bigla akong makaramdam ng masakit sa tiyan ko.

"Mama!" tawag ko. Agad naman itong nagmadaling pumunta sa'kin.

"Mama ang sakit ng tiyan ko! Manganganak na yata ako!"

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si mama at humingi ng tulong sa mga kapitbahay namin. Ramdam ko pa din ang hapdi sa tiyan ko, lalo na't pumutok na ang panubigan ko.

Pagdating sa ospital, agad akong inasikaso ng mga nurses doon. Hinihingal na din ako habang umiire. Hawak ko ang kamay ni mama na siyang dahilan kung ba't naging komportable akong ilabas ang bata mula sa sinapupunan ko.

Hanggang sa nakatulog na lamang ako sa hindi malamang dahilan.

---

"Patay ang bata."

"Ha? Paano siya namatay? Doc, hindi maari. Magagalit si Maxine kapag nalaman niyang namatay ang bata.."

"Wala na tayong magagawa. Tutal, alam kong wala din naman kayong pera. Malaking halaga ng salapi ang kailangan kung nais niyong mabuhay pa ang bata."

"'Yon naman pala e! Bakit sabi niyo, patay na ang apo ko?!"

"Paumanhin sa inyo, pero hindi na nakayanan ng bata na makahinga. Dala na din siguro ng butas sa kanyang puso."

Nagising ako sa 'di malamang dahilan. Napatingin ako kay mama na ngayon ay umiiyak na. Bakit siya naiyak?

Atsaka, ang baby ko nasaan na siya?

"Anak.."

Napailing ako. Bakit may kutob ako na may masamang nangyari?

"Si baby nasaan?"

Hindi siya nagsalita. Yumuko lang siya.

"Ma! Sumagot ka! Ang baby ko nasaan siya?" naiiyak na tanong ko sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Anak, makinig ka sa'kin. Si baby, wala na siya. Wala tayong pera para sa operasyon. Namatay ang bata, hindi na nakahinga pa.."

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Patay na ang b-baby ko?

"Paano siya namatay?! Kanina lang iniluluwal ko siya ha?!"

"Anak-"

Yayakapin niya sana ako pero tinulak ko siya. Natumba siya sa sahig.

"'Wag mo akong hahawakan! Alam mo, wala ka talagang kwenta e! Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko! Kasalanan mo! Sana ikaw na lang ang namatay! Sana ikaw na lang!"

Tumalikod na ako ng pagkakahiga. Naiinis ako sa kanya! Siya talaga ang may kasalanan! Kung sana, marami kaming pera, maililigtas sana ang anak ko! Kasalanan niya! Hinding-hindi ko siya mapapatawad!

---

"Anak, bukas na pala ang debut mo 'no?"

Napaikot na lamang ako ng mata. Naglagay ako ng lipstick at pulbos sa mukha ko.

"Ma! 'Wag ka na nga'ng akala mo ay matutuloy ang debut ko. E seventh birthday ko nga, hindi natuloy 'di ba?" asar na sabi ko. Yumuko naman siya. Matanda na si mama, pero patuloy pa din siya sa paglalabada niya. Pero pakialam ko ba? Bagay lang 'yon sa kanya.

"Ano bang gusto mong regalo sa birthday mo, anak?"

Napangisi na lamang ako. Sus, para namang ibibigay niya ang gusto ko 'di ba? Parang tanga lang.

"Alam mo, maglaba ka nalang dyan. Nang magkaroon ka naman ng silbi sa buhay ko."

Padabog akong lumabas ng bahay. Papunta ako ngayon sa bar. Do'n ako magcecelebrate ng birthday ko. Magpapakasaya at gagawin ko lahat ng bisyo ko. Alak, sigarilyo, wala akong pakialam!

"Maxine! Maxine! Maxine!"

Ininom ko ng diretso ang alak mula sa baso ko. Tinagayan pa nila ako ng marami hanggang sa hindi ko namamalayan na wala na ako sa wisyo ko. Pakiramdam ko, umiikot lahat sa paligid ko.

"Tara na Maxine!" pagtawag ng mga kabarkada ko. Sumunod naman ako sa kanila. Pupunta yata kami sa condo ni Wendy. Manonood siguro kami ng epektos.

"O cheers girls!"

"May beer dyan sa ref, kuha lang kayo!"

Puro tawanan ang bumalot sa condo. Ako man din ay natatawa. Puro videoke lang at may dumating pang gwapong lalaki. At ano pa bang aasahan kapag may mga lalaki?

Yes. May nangyaring kababalaghan sa condo ni Wendy.

Hindi naman na ako nag-inarte. Ginawa niya ang lahat sa katawan ko. Puro ungol lang ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto. At sa mga sandaling 'yon, para ko nang naabot ang langit.

---

Kamot batok pa akong naglalakad papunta sa bahay. Umaga na ngayon at ito ang araw ng debut ko. Pero pagkadating ko sa bahay, halos mangunot ang noo ko. Puro kumpulan ng tao ang sumalubong sa'kin.

"Naku, may nasagasaan daw sa may kanto!"

"Hala! Diyos ko, kawawa naman ang babaeng 'to!"

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may masamang nangyari. Tinabig ko sila at kusa namang tumulo ang luha ko dahil sa nakita.

Si mama, duguan siya.

"Mama!"

"A-Anak.."

Naninikip ang paghinga ko. Sunud-sunod na ding tumulo ang luha ko. May nakita ako sa bandang dibdib niya na may nakatarak na kutsilyo.

"A-Anak, happy b-birthday.."

Inabot niya sa'kin ang isang supot. Tinignan ko ang laman no'n. Isa 'yong rubber shoes. 'Yong pinapabili ko dati kay mama dahil naiinggit ako sa rubber shoes ni Mitch.

"Mama.."

Hinaplos ko ang mukha niya. Hanggang sa tuluyan na siyang nalagutan ng hininga. Hindi ko alam pero may biglang nagflashback sa isip ko. 'Yong mga panahon na tinataboy ko siya, pinagsasalitaan ng masasakit na salita at nagawa ko pa siyang pagbintangan sa pagkamatay ng baby ko.

Ang sama-sama kong anak. Wala akong kwenta. Sobrang walang kwenta.

---

Nandito ako ngayon sa sementeryo. Dinadalaw sila. Sabi nga nila, laging nasa huli ang pagsisisi. At ngayon, sobra akong nagsisisi. Ang daming sanang ngayon akong pinagsisisihan.

Sana naging mabuti akong anak. Sana inalagaan ko sila. Sana, hindi ako masyadong naging mapaghangad sa pera. At sana, nasabi ko sa kanila ang katagang I love you mama at I love you papa.

Pinunasan ko ang luha mula sa mata ko. Hawak ko ngayon ang isang cheque na nagkakahalaga ng limang milyong piso. May nakita akong letter na nakalagay sa gilid no'n. Agad ko naman itong binasa.

~~~

Anak, sana sapat na ang perang 'to para mabuhay ka. Ang tanging hiling ko lang, sana makabalik ka sa pag-aaral mo. Kung kulang pa ang pera, may ipon pa ang papa mo sa banko. Kunin mo nalang 'yon.

Anak, sana nagustuhan mo ang regalo kong rubber shoes sa'yo. Ilang labada ang ikinuskos ko para sa sapatos na 'yan. Sana lagi mo 'yang susuotin ha? I love you anak. Mahal na mahal ka namin ng papa mo.

~~~

Napaupo ako sa damuhan. Hinawakan ko ang lapida nilang dalawa at tumingin sa langit.

"Mama, papa. I love you po."

Nilisan ko na ang lugar na 'yon. Lagi kong tatandaan ang payo ng mga magulang ko. Magbabagong buhay ako para sa kanila. At magsisimula ulit ako ng bagong daan na tatahakin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro