Marahuyo
"Francia, Mikaela. Batch 2020, with highest honor."
Nang tumayo ako, halos mabingi ako sa malakas na palakpakan ng mga estudyante dito sa arena. Taas noo akong pumunta sa harapan para sabitan ako ng mga medalya- ang simbolo ng paghihirap ko pagdating sa pag aaral.
Mula pagkabata, masasabi kong marami na akong natanggap na mga awards. Palagay ko nga, nakakabit na sa pangalan ko ang pagiging matalino. Hindi naman sa nagyayabang ako ha, nagsasabi lang talaga ako ng totoo.
Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang pangalan ng bagong eskwelahan ko sa harapan ng computer screen— ang Technological Institute of the Philippines. BS Civil Engineering ang kurso ko dito at kung sinuswerte ka nga naman, wala akong masyadong babayaran dahil iskolar ako. 'Yon nga lang, kailangan kong mag-maintain ng grade at nasa 2.25 lang dapat ang pinakamababa kong grado kung sakali.
Online classes lang naman ako ngayon, natural dahil mayroon pang pandemya dito sa Pilipinas. Pero kahit gano'n, kung sinuswerte ka nga naman ay may lovelife pa 'ko. Actually, hindi ko masabi kung kami talaga. Wala kaming label, but it's okay dahil parehas kaming committed sa studies. By the way, Computer Science ang course niya and his name is Jice Anthony.
Habang nagtatagal ang online classes, sa umpisa ay hindi naman ako nahihirapan. May oras pa din kami ni Jice sa isa't isa and nagagawa pa nga namin maglaro ng online games e. Pero, sa pagdaan ng mga araw.. pakiramdam ko ay napag-iiwanan na ako.
'Yong mga inaakala ko dati na madali lang, it turned out na kabaliktaran lahat ang nangyari. Nagsimula ang lahat ng 'to nang bumagsak ako sa quiz namin sa Differential Calculus. Simula no'n, nagkanda letse letse na ang buhay ko. Bumagsak ba naman ako sa midterms namin sa tatlo kong subjects. And guess what? Majors ko pa talaga.
Naiiyak nalang ako habang nakalatag lahat ng pinag-aaralan ko sa lamesa. Halos wala na akong ganang kumain, wala na ding sapat na tulog at ang sakit na din ng utak ko kakaisip kung sa'n ako pupulutin ngayong taon. Sabi ng prof ko sa'kin, nasa delikado akong sitwasyon. Isa ako sa mapapasali sa removals, kung sa'n pwede akong ma-out of program at mashift sa ibang course. Bukod do'n, mawawala na din ang scholarship ko sa TIP.
Wala akong mapagsabihan ng tungkol dito. Nahihiya ako para sa sarili ko, natatakot ako sa disappointment nila mama't papa at pati na din sa sasabihin ng ibang tao sa'kin. Like, "Hindi ba, with highest honor yan si Mika? Ba't nashift sa civil engineering?"
Pakiramdam ko, nabalewala lang lahat ng paghihirap ko sa senior high. Maging engineer ang pangarap ko e, kaya nga stem ang kinuha kong strand. But it turns out, I'm not good at it pala. Hindi pala kaya ng mathematical skills ko ang maging CE. Simpleng math in the modern world nga, binagsak ko. Tapos yung sa chemistry? Sobrang baba ng nakuha ko.
Sinarili ko lahat ng sakit, gusto ko sana magrant sa twitter pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Tapos, nakikita ko pa na 'yong iba kong kaklase? They are doing well and fine naman, lalo na si Jice na napasa lahat ng midterms niya.
Speaking of Jice, I don't know what to do sa relationship na meron kami. Aaminin ko, nabalot na ng insecurities ang buong pagkatao ko. Pati siya, nagagawa ko na din kainggitan. Like, kaya naman nila ang online class. Nahihirapan sila, pero nagagawa naman nilang makapasa. E ako? Tangina, anong nangyari sa'kin? Nasa'n na 'yong Mikaela na matalino? 'Yong malakas ang loob at laging kampante?
May mga pagkakataong hindi na ako nakakareply sa mga messages niya, nakikita ko naman 'yon but I chose not to. I want to share my thoughts and rants, pero alam ko namang hindi siya makakarelate sa'kin. I know, wala sa kanya ang problema dahil walang palya ang pangangamusta niya at pag-goodnight niya sa'kin. It's just that, hindi ko na siya kayang kausapin dahil durog na durog ang ego ko. Nahihiya ako sa kanya dahil hindi na ako 'yong babaeng hinangaan niya noon, 'yong Mika na matalino.
Sa ngayon, nasa harapan ako ng computer. Inaabangan ko ang results ng subjects ko, kung ilan ang magiging grade ko this sem. Kakatapos lang ng finals at kagaya ng dati, bagsak na naman ako. Sunud-sunod na tumulo ang luha ko nang makita ang grades ko.
Dos ang nakuha ko sa mga minor subjects, pero sa majors.. singko ako.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na bumagsak ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin na wala na akong scholarship. Ang laki kong failure. Failure ako.
Walang tumutulo na luha sa mga mata ko, pero nahihirapan ako huminga. Tangina. Nag-aral naman ako? Tangina, nag aral akong maigi pero kahit anong gawin ko.. bakit bumabagsak ako? Bakit nahihirapan ako ng sobra? Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Kapalit ba 'to lahat ng mga achievements ko noon? Kapalit ba 'to sa'kin dahil may lovelife ako? Dapat ba, hindi ko nalang sinabi ang nararamdaman ko para kay Jice noon?
Pinilit kong ngumiti sa harapan ng mga magulang ko, akala siguro nila ay okay na okay ako. Na sobrang masaya pa ako ngayon.
Sorry ma, pa. Hindi niyo na ako maipagmamalaki dahil failure na ako ngayong college.
Kinagabihan, lahat ng pamilya ko ay tulog na. Kanina pa ako inaakit ng mga demonyo, kung ano-anong marahuyong salita ang ibinubulong nito sa'kin. Huminga ako ng malalim, buo na ang desisyon ko.
Nagsabit ako ng lubid, gusto ko ng matapos 'to. Mas pipiliin ko nalang mamatay kesa mabuhay na puro disappointments lang ang sasabihin sa'kin. Gano'n pa man, nag iwan na din ako ng huling pamamaalam na sinulat ko kanina para sa pamilya ko. Nagsend na din ako ng message sa mga kaibigan ko, lalong lalo na kay Jice.
Hindi ko na talaga kasi kaya, pagod na pagod na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro