9
NASA kalagitnaan kanina ng pag-uusap sina Joan, Señor Ernesto, at Vidal nang bumalik ang katulong sa sala kasama ang señora ng alkalde na si Estefania.
Estefania aired with rich sophistication. She looked fresh in her white satin night robe that reached her legs, tied around her waists with a ribbon of the same color. Maluwag ang pagkakapusod ng itim nitong buhok. Pino ang bawat kilos nito at maamo ang mukha sa kabila ng pagpatak ng edad nito sa limampu't lima.
Or maybe it was her lack of—or suppression of— reaction and facial expressions that maintained her refined and youthful glow, because facial expressions were known to leave wrinkles on the face.
"Pakihintay na lang ang aking esposo," ani Estefania habang hinahatid sila ng babae sa office room ng alkalde. "Kagabi pa siya hindi nakauuwi ng bahay, maraming inaasikaso sa munisipyo."
"Iyon din kaya ang dahilan kaya hindi niya pinapaunlakan ang mga imbitasyon ko?" sunod ni Señor Ernesto rito. "At first, I got worried. Inisip ko na baka masama ang loob ni Ninong sa akin dahil sa pera—"
Ma'am Estefania opened the door for them before she faced them.
"Ernesto," titig nito sa lalaki, "wala ka na bang bukambibig kundi iyang sabong mo?"
He chuckled, sounding nervous. "Hindi sa ganoon, ninang. Matiano ka dida?" Kumusta na?
The tips of her eyebrows moved, furrowing at the center. But that's all the hint that Ma'am Estefania gave to show her disappointment aside from her tonality.
"Pumasok na lang kayo sa loob. Diyan n'yo na lang hintayin si Viktor," matabang nitong wika bago sila nilagpasan nito.
Ma'am Estefania barely looked at Joan. Parang hangin lang siya sa babae na nagtuloy-tuloy sa paglakad hanggang sa mawala sa kanilang paningin. Pagkapasok nila ni Señor Ernesto sa office room ay sumunod na sa pag-alis ng ginang si Vidal.
"Dito ka," muwestra ng isang kamay ni Señor Ernesto sa kaliwang visitor's chair.
Umupo sa visitor's chair si Joan. Kaharap niya si Señor Ernesto na inokupa ang kanang visitor's chair. Nasa kanilang gilid ang mahabang white wooden desk ni Viktor. Sa likuran ng desk, maayos na nakapuwesto ang de-kutson na swivel chair na kulay navy blue. Lagpas sa ulo ng uupo rito ang taas ng sandalan niyon.
Ilang minutong napuno ng katahimikan sa office room ni Mayor Viktor Arguelle dahil wala pa ang ginoo na hinihintay nilang makausap.
"Joan," tawag sa kaniya ng lalaki na bumasag sa katahimikan.
Mabilis niya itong nilingon. "Señor?"
"May kailangan ka ba? Gusto mo ng tubig?"
Ewan kung ano ang nakagugulat doon. Ewan din kung ano ang nakatutuwa roon. Hindi naman pinagkaitan si Joan ng concern nitong nakaraang mga araw. Kobi cared about her and her basic needs. Binuhay siya ng kapatid niya at pinakain. Kyle and his family cared about her during her stay at the rowhouse. Ginamot ng mga ito ang kaniyang mga namagang pisngi at pinatira siya sa tirahan ng mga ito. Kaya bakit ganito katindi ang epekto ng kabutihang ipinapakita ni Señor Ernesto sa kaniya? Dahil ba nagmula ang kabutihan sa pinaka hindi niya inaasahang tao?
"H-Hindi ho, señor."
He stood up. "You sure? Kasi ako kukuha ng maiinom." Then he murmured to himself. "Fuck it. We've been waiting here for almost an hour."
Patungo na ito sa pinto. 'Hindi ba niya 'ko kukulitin?'
"Señor!" pihit niya sa kinauupuan para tanawin ang lalaki. "Pahingi rin ako ng tubig!"
He smirked at her. "Obviously, you need it. Your lips are cracked dry. Ikukuha kita."
Mabilis na lumabas ito. Nag-click pasara ang mabigat na kahoy na pinto.
'Lips. Cracked. Dry.' Joan assessed before she understood what it meant.
Kinapa niya ang mga labi. Sa palagay niya ay eksaherado lang yata si Señor Ernesto. Mga dalawa lang kasi ang nakapa niyang tumuklap na balat mula sa kaniyang mga labi. The rest of her lips were still plump and moist the tinted lipgloss that Rita put on them.
Nang alisin sa mga labi ang mga daliri, humawa rito nang kaunti ang pulang lipgloss. Pasimpleng ipinunas ito ni Joan sa gilid ng suot na pantalon. May natirang kulay sa kaniyang mga daliri pero hinayaan na niya. Ayaw na kasing maalis nito.
Nang makainom sila ng tubig, muling inabala ni Señor Ernesto ang sarili sa cell phone nito. It was as if he formed a little addiction to it that Joan could not understand. Ang cell phone kasi nila ng kaniyang Kuya Kobi ay simpleng pantawag at pang-text lang. May kaunting features ito katulad ng voice recorder, calculator, at dalawang games. Limitado sa iilang salita lang ang puwedeng itipa sa Notes nito na may word limit. Sa madaling salita, wala namang nakawiwili sa mga iyon kaya takang-taka siya kung ano ang ikinatutuwa ng señor sa cell phone nito.
Inihilig niya ang ulo, pinagmasdan ang hawak na cell phone ng lalaki. Mas mukhang bago iyon. Mas malaki. May pabilog na disenyo sa likuran.
He noticed her staring at his cell phone. "Bakit?"
Napamaang siya sa gulat. Nakabawi rin siya at nakasagot agad dito. "Ano 'yang nasa . . . nasa likod ng cell phone mo?"
Sinilip iyon ni Señor Ernesto bago siya sinagot. "Camera."
Namilog ang mga mata niya. 'Cell phone na may camera? May ganoon nang cell phone? 2004 pa lang pero may . . . may telepono nang nakakukuha ng mga litrato?'
"Talaga?" pigil-hininga niya.
May pinindot ito saglit bago itinapat ang camera sa kaniya. Then, he showed her the screen of his cell phone. Nakalarawan doon ang kaniyang mukha—awang ang mga labi, walang-malay ang mga mata na nakasulyap kay Señor Ernesto habang kinukuhanan siya nito ng litrato.
"Kaya pala . . . kaya pala wiling-wili ka sa cell phone mo!"
"Mas magaganda rin ang games," balik nito sa home screen ng cell phone at ipinakita sa kaniya ang menu niyon. "Colored pa."
"Oo nga!" manghang lapit niya rito nang kaunti para matitigan nang mabuti ang screen.
Manghang-mangha siya. 'De-color na pala ang mga cell phone ngayon! May mga camera pa!'
Mayabang ang ngiti ni Señor Ernesto nang ibalik ang tingin sa cell phone nito. "Naglalaro lang ako rito habang naghihintay."
"'Buti ka pa," sinsero niyang saad, walang-inggit. Ano pa ang silbi ng inggit kung tanggap na niya sa sarili na hinding-hindi siya magkakaroon ng high-tech na cell phone?
Inilibot uli ni Joan ang tingin sa paligid. Maganda naman ang opisina sa bahay ni Mayor Arguelle. Maraming libro, mga shelf, at may file cabinets pa. Nakaibabaw sa mga drawer ang picture frames at trophy mula sa iba't ibang derby at politics-related na award giving bodies. Nakabitin sa pader ang mga sertipikong may kinalaman sa pag-aaral, pagsasabong, at rekognisyon pagdating sa political performance.
Sa ganitong senaryo sila nadatnan ni Mayor Viktor Arguelle—siya na umiikot ang tingin sa paligid at si Señor Ernesto na abala sa cell phone nito. Gulat na napatayo si Joan mula sa kinauupuan nang makita ang suwabeng pagtayo ni Señor Ernesto sabay bulsa sa cell phone nito.
Pinanood niya ang paglalapit ng dalawang lalaki. Señor Ernesto offered a handshake to the mayor before their shoulders touched, then they exchanged pats on the back.
"Ninong," layo ni Señor Ernesto rito.
Napunta ng tingin ng alkalde kay Joan, pagkatapos ay bumalik din sa señor. "Wala ka man lang pasabi."
At tinungo na ng alkalde ang swivel chair nito.
Hindi ganoon katangkad si Mayor Viktor Arguelle. Itim ang unat nitong buhok, patungo sa likuran ng ulo ang pagkakasuklay. Malinis at kitang-kita ang mukha ng ginoo sa ganoong hairstyle pero mas nagmukhang malapad naman ang noo nito. He had thin arched brows, almost pointed, and big round eyes with a touch of dark circles around them. He was an owl personified—sixty-one and slightly stocky in figure, nandidilat ang mga mata pero mukhang maalam sa mga bagay-bagay.
"We are just here to talk to you. Hindi ka kasi uma-attend sa mga pa-meeting ko." Señor Ernesto took charge from here. "Napapaisip tuloy ako kung tuloy pa rin ba ang pag-sponsor mo sa pasabong. Kasi, kung may mga pagdududa ka, ninong, nandito kami para ipalagay ang loob mo."
When the mayor glanced at her, Joan politely greeted him 'good morning.'
At doon na nagsimula ang diskusyon. Kapwa naging kalmate at rasonable ang dalawang panig. Medyo nabawasan ang kaba ni Joan dahil doon.
Meanwhile, Mayor Arguelle remained low-toned and listened most of the time. Later on, he gave off an impression of approval. Once he was done listening, he stopped leaning over his desk. Komportableng sumandal ito sa kinauupuan.
"Pero," ani alkalde, "mukhang hindi naman patas kung ididiskuwalipika ang mga Tenorio nang dahil sa insidente. In addition, you don't have anything to worry about, Ernesto. Wala talaga sa isip kong bawiin ang pag sponsor sa event. Nagamit n'yo na ang pera, e, so I have to get my return. I just don't want to involve myself too much with it anymore, but if I were to cover for the expenses that had no return then I'll have to earn double from the rescheduled event."
"Then please, attend the meetings so you'll be also informed how the rest of your money will be spent. Lalo na at bawas na ang pondong iyon dahil nagkagulo sa event at . . ." Señor Ernesto trailed off, seemingly not knowing what to say further.
Napabuntonghininga si Mayor Viktor. "I'm too busy, and I just don't want to get so involved again."
"Pero, ninong," ani Señor Ernesto sa himig na tila umaasa, "malakas ang hatak mo sa mga tao. Dinumog ang event nitong nakaraan ng manonood at mga sponsor dahil sa pag-endorso mo!" He lowered his tone. Nahalata yata ng lalaki na medyo nalalakipan na ng desperasyon ang pakikiusap nito. "Isa pa, ninong, importante ang presensiya mo sa mga meeting. Pampalakas ng loob sa mga organizer at ka-komisyon ko pagkatapos ng nangyaring gulo."
"Yes, but . . ." he shrugged, looking conflicted. "About the Tenorios . . . don't get started again, hijo."
"Ninong . . ." Nakakangiti pa si Señor Ernesto sa kabila ng pagbabaga ng mga mata nito. "Hindi mo yata natandaan ang ikinuwento ni Joan kanina lanh. Si Archie ang nagpasimula ng gulo."
"He gave you a punch." Mayor Viktor was nonchalant. "Hindi lalaki ang gulo kung hindi ka gumanti ng sapak."
Nagsalubong ang mga kilay nito, mabilis na nairita. "So what should I do? Turn the other cheek? Ialay ko pa sa paanan niya itong tauhan ko na binabastos na niya?"
"Hindi sa ganoon. Ang sa akin lang, you should have handled things more appropriately. Hindi 'yong, idinaan mo sa mano y mano." He slowly shook his head. "I know you, Ernesto, hijo. Masyado kang mainit. Mabilis kang mapikon."
Napasandal si Señor Ernesto sa kinauupuan, napailing. Nahigit naman ni Joan ang hininga sa nasaksihan. Mukha kasing hindi papabor sa kanila ang usapan.
Pero hindi siya makapapayag. Nakasalalay rito ang trabaho ng kaniyang kapatid!
Kung hindi niya mareresolba ito, pinatunayan lang niya uli kay Kobi na wala siyang kuwenta, na isa siyang pasanin at palaging ugat ng mga problema't paghihirap nito.
Hinarap niya mula sa kinauupuan ang alkalde.
"Nangyari na ho ang nangyari, mayor," aniya kaya gusot ang mukhang napatingin ito sa kaniya. "Imbes pag-usapan kung ano 'yong nangyari sana, linawin na lang po natin ngayon kung . . ." Hesitation was trying to bite her back. Sino ba kasi siya para kausapin nang ganito ang alkalde? But she immediately mustered up a refreshed courage when she remembered her sick brother. ". . . kung . . . ano na ang gagawin natin sa susunod na pasabong. Sayang naman ang nilagak ninyong pera kung hindi na matutuloy ang derby."
Mayor Arguelle seemed to consider her suggestion. There was reluctance at first before he coolly decided.
"Ituloy n'yo ang derby," sagot nito. "Pero iyang proposition ninyong i-disqualify ang mga Tenorio? Hindi puwede."
Ganoon ba kayaman ang mga Tenorio? Maimpluwensiya? Malakas ang kapit sa makapangyarihan? Kaya ang mismong alkalde nila ay ayaw banggain ang mga ito?
"Kung hindi ho, paano natin masisiguradong hindi na mangyayari uli ang gulo?" kuwestiyon niya sa alkalde. "Paano mapapalagay ang loob ng mga patron na bumalik para manood?"
"Alam ko—"
Hindi niya pinagsalita ang alkalde. Medyo nadadala na siya ng emosyon. "At saka, paano nila aayusin ng mga mananabong o manonood ang ugali nila kung may mga mananabong kayo na kinukunsinti sa panggugulo nila? Kung pinapalagpas ninyo ang mga kalokohan nila?"
"Kasama rin sa violations ng komisyon ang pagpapasimuno ng gulo at eskandalo. Lalo na sa isang derby event," back-up sa kaniya ni Señor Ernesto.
"Well, what do I know about that? Sponsor lang ako, hindi sabungero," sumusukong buntonghininga nito. "My only concern is, I don't want bad blood with the Tenorios. Because let's be honest, Ernesto, isa sila sa mga biggest taxpayer ng Masbate. I am just thinking, sayang ang buwis na malilikom ng munisipyo galing sa kanila kung hindi sila makakasali sa derby." Nilingon ni Mayor Viktor si Joan. "Alam mo naman siguro kung para saan ang mga buwis, hindi ba, hija? Para sa mga proyekto ng gobyerno, para sa inyong mga mahihirap."
For some reason, Joan could not be convinced by Mayor Viktor's big smile at her when he said that. He stared at her, as if waiting for her approval.
Napaiwas na lang siya ng tingin.
Wala siya masyadong alam tungkol sa politika o mga buwis. Ang tumatak lang sa kaniyang isip sa mga sinabi nito ay ang pagdidiin nito na isa siyang mahirap. At iyon ang tingin ng mga taong tulad ni Mayor Viktor Arguelle sa kaniya—isang mahirap na walang ginawa kundi tumanghod at maghintay ng biyaya mula sa gobyerno. At dahil galing ang buwis sa mga mayayamang tulad ng mga Tenorio, maging ang alkalde ay handang inegosasyon o baluktutin ang mga kalakaran para lang hindi magambala ang mga mayayamang tulad ni Archie Tenorio—kahit na sila pa ang pasimuno ng mga gulo, kahit na sila pa ang nambabastos at nang-aapi mismo sa mga mahihirap na katulad niya . . . mga mahihirap na pinagsisilbihan daw ng munisipyo.
Dahil hindi siya nakasagot, si Señor Ernesto na ang seryosong kinausap ni Viktor Arguelle. "Fine. Just make sure, hindi makaaapekto sa pangalan ko iyang pag-disqualify sa mga Tenorio," he sighed in surrender. "Ang rules and regulations ng komisyon ninyong mga mananabong ang may kagagawan niyan. Hindi ko desisyon iyan. Linawin mo iyan nang mabuti sa mga Tenorio."
Satisfaction sparkled at the corner of Señor Ernesto's eyes. Nahalata ni Joan ang pagpipigil nito ng ngiti. "Of course, ninong. You can make sure by dropping by to our meeting tomorrow."
Mabigat na naman ang buntonghininga nito. Kita sa ginoo na lagi itong may prinoproblema pero sanay na roon. "Oo. Sige. Sasaglit ako. But don't expect my presence in the next meetings. Marami na akong aasikasuhin sa buwan na ito."
***
HUMINTO ang van sa tapat ng bahay ni Joan. Medyo mainit na ang sikat ng araw dahil masyadong malapit na ito sa gitna ng kalangitan para sa alas-nuwebe ng umaga.
Nilingon ni Joan si Señor Ernesto na nakaupo sa kabilang dulo ng back seat. Magalang niya itong nginitian.
"Salamat, señor," paalam niya at nagmamadaling binuksan ang pinto ng sasakyan. Pagkahawak ng handle ay nakailang kapa siya rito. 'Paano nga ba uli buksan itong pinto ng van?'
"Joan."
Nilingon niya si Señor Ernesto. She saw him facing her direction, looking nonchalant. Guwapo pala ito kapag hindi nakabusangot. He didn't smile at her but there was a shadow of it on his face.
"Huwag mong kalimutan, dadaan sa inyo si Kyle para sunduin ang kapatid mo."
Nakinig si Joan. Nakatingin siya rito pero abala ang kaniyang mga kamay sa pagpilit na mabuksan ang pinto.
"Alas-otso ng umaga bukas, dapat nasa hacienda na si Kobi," patuloy ni Señor Ernesto na napapansin na ang pagkalikot sa pinto ng kaniyang mga kamay pero tila wala itong pakialam doon. "Kailangan ko siya i-briefing tungkol sa derby. Mababago kasi ang oras at araw ng event."
Nabuhayan siya lalo ng pag-asa. Kompirmado na kasi na tutuparin nga ni Señor Ernesto ang ipinangakong kapalit ng kaniyang pagtulong dito.
"Siyempre! Sasabihin ko kay Kuya!" At ibinalik niya ang tingin sa pinto ng van. 'Bakit ba kasi ayaw nitong bumukas?' Paling ang ngiti na nilingon niya si Señor Ernesto. "Salamat nga pala uli, señor."
The handle was already clacking at Joan's desperate attempts to open the van's door. Si Señor Ernesto na tuloy ang sumadyang tawirin ang pagitan nila sa upuang ito.
"Ako na," harang ng braso nito sa kaniyang harapan para tabigin ng kamay nito ang kaniyang mga kamay at agawin ang handle ng pinto mula sa kaniya.
Naramdaman niya ang kamay ng lalaki—matigas at magaspang. Kumislap ang gintong singsing nito, simbolo ng pagiging kasal sa esposang si Señora Allyssa. As his skin brushed against hers, she felt a friction that sent a tingle all over her body, the kind of tingle with a jolt like a prick of electric.
She dropped her mouth open at the unfamiliar sensation and watched as Señor Ernesto's veined hand gave the handle a push. Ibinuwelo pa nito ang maugat na braso patungo sa kaniyang direksiyon kaya gulat na napaatras si Joan. Dahil sa limitadong espasyo sa pagitan nila, nabakuran siya ng braso nito at napasandal siya nang mariin sa sandalan ng upuan. She mindlessly found herself turning to face Señor Ernesto.
He leaned over her, an elbow propped against the backrest of the seat beside her with his other strong muscled arm stretched out in front of her.
In their nearness, she took in his rich, cool scent tamed down by something uniquely of his own—a scent she could not name.
In their nearness, she saw his face closer—the marks of bruises that healed. May ilang guhit ng peklat sa kilay nito at gilid ng mukha. Sa pangahan. Sa pisngi.
His jet black hair dried already and turned into waves of darkness, as dark as his gaze, as heavy-hued as his presence.
In their nearness, she saw his eyes. They were a dark shade of brown beneath fine dark lashes and thick black brows. His lips were brutal, flesh-toned. Detalyadong ini-sketch ang mga ito ng isang pintor bago pinahiran ng mapusyaw na kulay.
He murmured. "Pa-slide ang bukas ng pinto. Hindi patulak. Nasa van tayo, wala sa kotse."
With one swift stroke of his hand, Señor Ernesto was done in an instant. Bumuwelo ito ng hila sa pinto bago ito hinatak sa kabilang direksiyon pabukas, palayo kay Joan. Kasabay nito ang paglayo ng braso nito mula sa kaniya.
In their nearness, Joan felt nothing . . . just a realization that Señor Ernesto looked like an angry god forced to descent the earth to fix a puny mortal's problem like hers. Looking at him for too long could make anyone sink in their toes—intimidated by their grace . . . scared at their powerful presence.
Kinabahan tuloy siya nang pukulan siya nito ng matalim na tingin.
"Joan?" His eyes shifted back and forth between her and the door, signaling her to leave.
"Ay, oo!" Nagmamadaling dumeretso siya palabas ng van. Muntik pa siyang mahulog kung hindi lang siya kumapit agad sa gilid ng pinto. "Ba-bye, señor!" nakatalikod niyang baba mula sa van.
Lumayo-layo siya mula sa sasakyan bago ito nilingon.
She just wanted to see the scary, yet considerate señor one last time. Pero saktong paglingon niya, muli nang dumulas ang pinto ng van pasara.
The van pulled back before it made a turn and rolled forward, away from her.
Tinanaw ni Joan ang paalis na van, hindi alintana ang ingay ng mga tambay mula sa ilang bahay-bahay at tindahan. Hindi niya rin alintana ang ingay ng mga umagang-umaga pa lang ay nagbi-videoke na. Hindi niya alintana ang mga tingin na ipinukol sa kaniya at sa kaniyang suot ng mga tsismosa, mga naiinggit, mga makasalanang mata ng mga manyakis, at ng mga mabubuti ngunit curious lang talaga na kapitbahay.
Hindi niya alintana . .. . tulad ng hindi pag-alintana ng mga kapitbahay niya sa kahirapan, sa init ng impiyerno na kinamulatan at baka kamatayan na rin. Hikahos na nga sila sa buhay, ilulugmok pa ba nila ang mga sarili sa kalungkutan? Ang bawat patak ng alak . . . ang bawat paglipat ng kanta sa videoke . . . ang bawat palitan ng mga kuwento na makatotohanan o inimbento lamang . . . lahat ng iyon ay kakarampot na mga pinagmumulan ng ginhawa na pampamanhid sa araw-araw na sugat at pagsubok na tinatamo ng mga mahihirap na katulad niya. Kaya magrereklamo pa ba siya ukol sa mga iyon?
At sa pagbabalik ni Joan sa kanilang barangay, bumalik ang bigat sa kaniyang damdamin. Because just for a day, she experienced talking the mayor. She felt an empowerment she never had when she used to hide herself and kept her mouth shut in this place. Yet talking to him would always remind her of where she came from. And now, back in this place, Joan was reminded where she really is, and it was conflicting how she was supposed to belong here but she was still being looked at by wandering eyes like a strange specimen.
Maybe, she never belonged anywhere.
Maybe her brother had a point after all.
It would be safer for her to remain under his wing.
To hide.
To not show herself ever again.
The gods had been kind to her. Kaya huwag na huwag na niyang susubukin uli ang mga ito dahil kung hindi, wala na siyang takas sa magiging konsekuwensiya ng mga gulong kaniyang sisimulan.
Kaya mas mainam nang ganito, na sa ganito magtapos ang pagtatagpo nila ni Kyle . . .
Ng mga Torres . . .
Ni Mayor Arguelle . . .
Ni Mr. Vidal . . .
Ni Señor Ernesto.
'Paalam, señor,' kontento niyang ngiti sa sarili bago tinungo ang kanilang bahay.
***
Read advanced and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
•••
OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!
Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024
Click on the pre-order link to save your copy: https://www.cognitoforms.com/KPubPH/LaGrillaSeries1ComeHereByAnamariessOrderForm
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
First Wattpad Version © March 11, 2021
Second Wattpad Version © September 23, 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro