7
MAG-IISANG linggo na si Joan sa rowhouse mga Torre. Dahil hindi niya lumalabas ng bahay, umaasa lang siya sa mga balita ni Kyle tungkol sa mga tao sa kaniyang paligid.
Marami daw ang naging kaganapan sa hacienda kaya mula noong huling punta ni Señor Ernesto ay hindi na ito nagparamdam uli sa kaniya. Bukod sa regular nitong operasyon ay panibagong paghahanda na naman ang ginagawa para mga manok-panabong ni Señor Ernesto. Panay din ang biyahe ng mag-amo sa bayan para i-organisa at i-reschedule uli ang derby na naudlot. Panay ang pa-meeting na hindi rin natutuloy dahil hindi raw sinisipot ang mga iyon ng mga sponsor para sa event. Nai-imagine na tuloy ni Joan ang pagtitimpi ni Señor Ernesto, ang pagtitiyaga ng lalaking iyon na may maikling pisi.
Isang beses pa lang daw nabibisita ni Kyle ang kaniyang Kuya Kobi. Ayon dito, mabuti naman ang kalagayan ng kaniyang kuya. Noong tinanong niya kung hinahanap siya nito, parang hindi malaman ng vaquero ang isasagot. Ibig sabihin, walang ipinahiwatig na paghahanap o pangungulila sa presensiya niya ang kaniyang kuya. Nalulungkot tuloy siya.
'Noon, kahit gaano katindi ang galit ni Kuya sa akin, inaalala pa rin niya ako. 'Laging kinukumusta. Pinagsasabihan kapag may balak akong gawin na sa tingin niya, ikapapahamak ko.
'Bakit ngayon . . . parang wala na siyang pakialam sa kalagayan ko? O ako lang ba ang nag-iisip nito?
'Baka nahihiya lang ang kuya na magsabi kay Kyle, kahit ang totoo, sa loob-loob niya, gusto na niya akong umuwi . . . na nag-aalala na siya para sa akin.'
"O, Joan," tabi sa kaniya ni Kyle. "Baka masyado mong pinapagod ang sarili mo."
Hindi niya nilingon ang binata. Nang marinig ang boses nito ay saka lang niya napagtantong kanina pa siya nakatulala sa kalagitnaan ng paghuhugas ng mga pinggan.
Ibinalik niya sa ginagawa ang tingin. "Ano ba? Gawain ko na ito araw-araw sa bahay. Sanay na ako rito."
Hindi na tinuloy ni Kyle ang tangkang akuin ang kaniyang ginagawa. He smiled while watching her. "Nakatulala ka na kasi riyan, akala ko tuloy, napagod ka."
"Baka natulala kaiisip sa 'yo, kuya. Yieee," panunukso ni Rita na nasa likuran nila. Nakaupo ang dalagita sa dining table, naghihimay ng malunggay.
"Totoo ba ang sinasabi ni Rita?" Nanunukso ang ngisi ni Kyle na patalikod na sumandal sa gilid ng counter kung nasaan ang lalabo.
"Kilala mo naman 'yang kapatid mo, nagpapapaniwala ka pa riyan," natatawang ganti niya rito.
Then, she met his stare.
"Mas gusto ko ngang maniwala, e."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Tigilan mo nga ako—"
She was cut off by her gasp. Paano kasi, sinamantala ni Kyle ang pagharap ng mukha niya rito para masambot ng mga daliri nito ang kaniyang pangahan. He carefully angled her face, tilting her to the left then to the right.
"Magaling na," patungkol nito sa kaniyang mga pisngi. "Parang hindi natampal, hindi na halata," anito bago umangat ang tingin para makipagtitigan sa kaniyang mga mata. "Pero may hindi nagbago. . ."
Kinabahan siya saglit. May pamamaga pa bang natitira sa mukha niya? Sa pagkakaalam niya kasi, okay na naman ang hitsura niya.
"Kaganda mo pa rin," maagap na dugtong ni Kyle sa sinasabi nito.
Pinigilan ni Joan ang mapangiti. She just could not name this feeling. She felt like smiling when Kyle looked into her eyes in this fashion . . . this close with that charming, friendly smile on his thin lips with his white teeth hinting.
'Hindi puwede ito.' Umiling si Joan at bumalik ang tingin sa mga hugasin. Nagmamadaling pinakilos niya ang mga kamay. "Matagal ko nang alam," kontra niya kay Kyle para mawala itong kilig na narararamdaman niya.
"Ang hina mo namang mambola, kuya. Laos na 'yang 'kaganda' na 'yan," natatawang singit ni Rita na nasa hinihimay na malunggay na uli ang tingin. "Dapat higit pa sa hitsura ng babae ang nakikita mo, ang napupuri mo."
"At dapat, atupagin mo ang pag-aaral mo at iyang malunggay, Rita," nangingiting saway ng binata bago siya binalikan ng tingin nito. "Tsinek lang kita kasi itong si Señor Ernesto, medyo nauubusan na ng pasensiya."
Naiintrigang napalingon siya kay Kyle. "Ano na ba ang balita kay Señor Ernesto?"
"Ganoon pa rin naman, pero ang pandededma ng mga sponsor sa imbitasyon niya para sa mga meeting, medyo hindi na iyon nagugustohan ni Señor. Gustong-gusto na niyang ma-reschedule ang derby."
"Kaya pinuntahan mo ako ngayon?"
"Oo. Pinasisigurado ni Señor Ernesto kung okay ka na ba dahil kung hindi mamayang gabi, asahan mo na bukas, yayayain ka na ni Señor Ernesto—"
Naulinigan nila ang bagong boses mula sa ng sala. Matigas at maawtoridad. "Diin?" Saan?
Paglingon nila sa sala, nakita nilang nakasunod kay Tina si Señor Ernesto. Kapansin-pansing wala na ang benda sa mga kamay nito. Mga peklat at kaunting pangingitim na lang din ang naiwan sa napuruhan nitong mukha.
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Joan. Dumilim ang paligid. Uminit ang ihip ng hangin. She could clearly remember the scent—a fusion of hot sequioa wood and spicy notes. His perfume preceded his looks—the leather from his black jacket, the black button-down shirt neatly tucked-in, his big silver-buckled belt, and tight jeans.
As Señor Ernesto made a turn to face their direction, he took off his black cowboy hat at the same time. His dark hair bounced freely. His knee-high brown cowboy boots heavily stomped on the floor in effortless strides from his strong legs.
"Maayong gab-i, señor," bati ni Kyle na tumuwid ng pagkakatayo. Magandang gabi.
Napipilitang humarap si Joan sa direksiyon nito, may bula pa ng sabon ang mga kamay. "Maayong gab-i po."
"Good night, sir," kontrolado ang ngiti na bati ni Rita.
Nilagpasan ni Señor Ernesto si Rita. Walang paligoy-ligoy sa kung ano o sino ang sadya nito.
Lumagpas ang mga mata nito kay Joan.
"Kyle, bukas na bukas ng umaga, maaga kaming bibiyahe ni Joan. Pupuntahan namin ang mga Arguelle. Ikaw muna ang mag-monitor sa mga inaasikaso ko rito sa hacienda, maliwanag?"
Sumeryoso na si Kyle. Malayong-malayo sa maamo at palangiti nitong mukha kanina. "Masusunod, señor."
"Alas-singko ng umaga, dapat handa na siya."
"Opo, señor."
"Siguraduhin n'yo rin na bukas, maayos ang hitsura niya kapag humarap sa mga Arguelle. Kung kinakailangang pahiramin o bilhan ng maayos-ayos na damit, gawan mo ng paraan."
"Opo."
"Magpaalam na rin kayo ngayong gabi sa kaniya." Sa wakas, pinansin na rin siya ni Señor Ernesto, pero makahulugan ang titig nito sa kaniya. "Dahil pagkatapos na pagkatapos ng pagbisita namin sa mga Arguelle, babalik na uli si Joan sa bahay nila."
A protest appeared in Kyle's eyes. He opened his mouth, almost about to speak, pero nang ibalik ni Señor Ernesto ang tingin kay Kyle ay natameme na lang ito. Nilunok nito ang mga balak sabihin.
"Masusunod, señor," mapagkumbaba nitong sagot.
"Sige." Iyon lang at nagmamadaling umalis ang lalaki. Ni hindi man lang nito pinansin sina Rita at Tina matapos madaanan ang mga ito habang papunta sa pinto palabas ng bahay.
Nagpalitan silang lahat ng tingin. Hindi maintindihan ni Joan kung bakit nalulungkot ang mga mata nila. Saglit pa lang naman siyang nakakasama ng mga ito at puwede naman sila magkumustahan sa text o tawag. O bumisita sa bahay ng isa't isa.
"Sandali lang," paalam ni Kyle bago ito humabol kay Señor Ernesto.
'May nakalimutan ba siyang kumpirmahin?'
Ibinalik na lang ni Joan ang tingin kina Rita at Tina.
"Malulungkot ang inay kapag nalaman ito. Pauwi na pa naman iyon galing sa bayan," ani Tina.
Nahihiyang napayuko si Joan. "Maraming salamat sa tulong ninyo." Then, she had the courage to meet their eyes. "Kahit isang linggo lang, at hindi tayo magkakilala nang lubos, ang bait-bait n'yo sa akin."
Nag-aalalang nagtinginan ang magkapatid.
***
"SEÑOR ERNESTO!"
Kanina pa tawag nang tawag sa kaniya si Kyle. But Ernesto never stopped for anyone. He kept on walking, carrying this mindset that if it was really important, Kyle would catch up with his pacing. Maaabutan siya nito at makakausap nang maayos.
Nakalabas na siya ng gate nang tumakbo si Kyle at harangin siya.
"Señor!" humahangos nitong angat ng tingin sa kaniya.
"Wala na akong nakalimutang sabihin, Kyle."
"Señor! Sigurado ka bang ibabalik natin si Joan sa kanila?"
Kumunot ang noo niya. "Hindi ba, iyon ang sinabi ko kanina?"
"Maawa ka naman sa kaniya, señor," pakiusap nito.
To be honest, Ernesto was slightly surprised. He never saw and never knew Kyle would be this pathetic-looking when begging.
Begging . . . It was something that Kyle only did for the very first time just tonight.
"Nakita ko kung paano siya maltratuhin ng kapatid niya. Paano tayo makasisiguradong hindi na mauulit iyon?"
"Masyado ka yatang concerned sa Joan na iyon," malamig niyang saad dahil bakit? Ano ba ang dapat niyang maramdaman para sa isang taong hindi niya kilala? Mas mainam na wala siyang maramdaman kaysa kamuhian ito, hindi ba?
Parang natauhan si Kyle dahil sa kaniyang sinabi. Nahihiyang nagbaba ito ng tingin. "E, Señor Ernesto, may katuwiran naman ang mga sinabi ko. Kawawa naman si Joan kung mapagbubuhatan na naman ng kamay ni Kobi."
He gave Kyle a bored look. "How old is Joan?"
Napamulagat ito. Nagtaka sa itinanong niya.
"Sagutin mo ang tanong ko."
"A-Ang birthday niya ay . . . ay May 2. Magtu-twenty seven na siya."
"So, for now, she's 26," kumpirma niya.
"Opo, señor."
"At sa edad niyang iyan, paano ka nagkaroon ng karapatang magdesisyon para sa kaniya?"
Lumukot ang mukha ng lalaki. Nag-sink in na sa wakas dito na walang pag-asang pagbigyan niya ang pagmamakaawa nito.
"Hindi na siya paslit, Kyle. Kaya na niya ang sarili niya. Kung ayaw niyang bumalik sa kapatid niya, sasabihin niya. Pero gusto man niya o ayaw umuwi sa bahay nila, pinal na ang desisyon kong bukas na bukas wala na rito sa lupain naming mga Dela Fuente ang babaeng iyon." He was filled with disbelief at Kyle. "She has no business here, so she can't stay here. Naiintindihan mo?"
Napayuko nang may buong pagpapakumbaba si Kyle. "Sige ho, señor."
"Mabuti." Nilagpasan niya ito at sumakay na sa kotse.
Maayos-ayos na ang mga kamay ni Ernesto kaya siya na lang ang mag-isa sa sasakyan. Siya lang ang nagmaneho pauwi sa bahay.
Pagkauwi, dumeretso si Ernesto sa dining room. Tahimik ang hapag dahil abala na ang mga Dela Fuente sa kanilang pagkain.
Nasa kabisera si Don Timoteo, ang kaniyang ama. He looked rugged, studded with stubbles that curved along his jaws and the sides of the face. He had thick bushy eyebrows, almost a unibrow, and piercing dark eyes. Alon-alon ang itim nitong buhok. Makisig ang ginoo noong kabinataan at tumanda na medyo naging bilugan ang mga muscle sa katawan.
Katabi nito sa bandang kanan ang esposa, si Donya Imelda Gracia. Her upper arm-lengthed brunette hair was already decorated with white strands. Laging maputla pagmasdan ang ginang pero buhay na buhay ang tapang sa magandang mukha. With her looks so intimidating, weak people fold at her presence.
Naiwang bakante ang upuan sa kaliwa ni Don Timoteo, ang karaniwang puwesto ni Ernesto. At katabi niyon ang kinauupuan ni Allyssa. Kasunod ng babae sa upuan ang kapatid niyang si Genaro. At si Feliciano. At laging katabi ni Donya Imelda ang bunsong si Alonso.
Ernesto immediately took his seat.
"Ano at huli ka na sa hapunan?" hinto ni Don Timoteo sa pagkain. Wala talagang pinapalagpas ang mahigpit na ginoo.
"May tinapos lang na trabaho, Papa," sandok niya ng pagkain sa sariling pinggan. Nagkumahog ang nakabantay na katulong para asistehin siya pero sumenyas siya gamit ang kamay para pigilan ito. Nagmamadali kasi siya kaya siya na mismo ang maghahain para sa kaniyang sarili.
"I'm noticing that lately you're performing your tasks poorly. Una, ang problema sa derby, 'tapos ngayon, hindi mo na matapos sa tamang oras ang mga trabaho mo."
Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Patuloy siya sa paghain ng makakain. Allyssa quietly assisted him, passing the plates of food he needed. This time, he accepted assistance because it came from his wife.
"It's not about me. It's about challenge presenting itself to me. But don't worry, I am here to take it on and conquer it." Tapos na siya sa ginagawa kaya kampanteng sinalubong na niya ang tingin ng ama. "I can handle this, okay?"
Napailing lang si Don Timoteo. Subok na si Ernesto ng kaniyang ama kaya nang bigyan niya ito ng assurance, hindi na nito nagawang magprotesta pa.
"I just have to remind you again, Ernesto, isang bagay ang pinakaayaw ko—iyon ay ang nadi-disappoint ako."
"Sabihin mo, Papa," mayabang niyang ngisi rito, "Kailan? When have I disappointed you?"
Napatitig ito sa kaniya. Nananantiya lang ang tingin nito bago salubong ang mga kilay na tumugon. "Manatili sanang walang sagot sa tanong na 'yan." Nagbawi ito ng tingin. "Kumain na tayo."
At saka lang napansin ni Ernesto na tumigil din pala sa pagkain ang mga kasama nila sa hapag. Pinatapos ng mga ito ang diskusyon nila bago ipinagpatuloy ang pagkain.
That's when Ernesto joined them.
Pagkatapos ng hapunan, sabay na pumasok sa kanilang kuwarto sina Ernesto at Allyssa. Pagkapasok pa lang nila ay isinabit na niya ang leather jacket sa hook katabi ng pinto.
Napatingin siya sa asawa pagkatapos. As the door closed, she suddenly released a loud sigh of relief.
"'Buti na lang talaga, nakapagtimpi ako kanina," deretso nito sa kama. "Bakit ba 'lagi na lang gan'on ang Papa sa 'yo?" She sat on the side of the bed, then looked at him. "You've always done your best, Ernesto. Pero bakit ang palagi niyang naiisip e, 'yong posibilidad na pumalpak ka sa trabaho?"
"Hindi ka pa nasanay sa papa," tindig niya sa tapat ni Allyssa, iniisa-isa ang pagtanggal sa butones ng cuff at ng mismong shirt na suot niya. "That has always been his way of giving a person a push to do better. Pampe-pressure."
"Mali ang pamamaraan niya."
"But it works. It's not stupid if it works, right?"
It was actually stupid, stupid to think that he insisted that Joan was wrong for believing her brother still cared about her despite him hurting her physically. Tapos siya rin naman pala, kinukunsinti ang maling gawain ng sariling ama sa paniniwalang may kalakip na pagtitiwala at pagmamahal sa likod ng mga iyon.
'Wait, why the hell am I similarizing myself with that Joan anyway?' Nasa tinatanggal na butones ang abridged ng tingin ni Ernesto.
Samantala, si Allyssa naman ay namumungay ang mga mata habang pinanonood siya. Her heart was ensnared by him, her eyes under the spell of his peeking pecks and hard stomach at the growing exposure provided by his shirt's loosened buttons.
"It's just that . . . I don't want my love being stressed out. Ang laking stress na nga ang ibinigay sa 'yo ng Joan na 'yon, e. . . ." malambot at malungkot nitong daing.
Salubong ang mga kilay na napatingin siya sa asawa. Allyssa easily read the question in his eyes.
"What? Siya naman talaga ang dahilan kaya nagkagulo sa sabungan."
"Alam ko," mahigpit niyang wika. "Pero bakit ini-stress mo ang sarili mo sa taong iyon? She's not that big of a deal, Allyssa. Mas i-priority mo ang anak natin," abot niya sa pisngi nito at masuyong hinaplos ito.
Allyssa lovingly tilted her head to make his palm cradle the side of her face. She looked as serene as an angel in her long black hair and white flowy sleeveless dress.
"Get refreshed," bitiw niya rito. "Para makatulog na tayo. Mauna ka sa banyo. Pagkatapos mo na ako gagamit."
Something teasing was in her smirk and challenging gaze.
"Why not join me instead, love?" she teased, gently taking off one shoulder strap at a time until her dress pooled on the floor.
Allyssa stood there, beautiful in her white lace panties and ruffled bra.
Dapat nasanay na ni Ernesto ang sarili sa ganito. Asawa niya si Allyssa. Kasal sila. But the fact that he only married her for their family's business' convenience was enough to make him feel guilty.
Pakiramdam niya, nakababastos at wala siyang respeto kapag tumitingin sa hubad o halos hubad na katawan ng kaniyang asawa. Katumbas siya ng isang maninilip dahil lang sa wala siyang feelings para dito. But he just could not look away even if he wanted to, dahil kapag ginawa niya iyon, masasaktan ang damdamin ni Allyssa.
Ernesto just smiled at her, contrasting the lifelessness in his eyes. "Don't put ideas in my head, Allyssa," aniya. "Buntis ka."
She pouted. "Pero puwede pa naman . . ."
Natatawang tinungo niya ang cabinet. "Magtigil ka."
"Love . . ." she whined.
"Pumunta ka na sabanyo." At sinadya niyang tagalan ang pamimili ng pambihis hanggang sa marinig ang pagsara ng pinto ng banyo.
Ernesto looked over his shoulder. When he confirmed that Allyssa really went into the bathroom, nakahinga na siya nang maluwag at namili ng susuoting pantulog.
***
Read advanced and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
•••
OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!
Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024
Click on the pre-order link to save your copy: https://www.cognitoforms.com/KPubPH/LaGrillaSeries1ComeHereByAnamariessOrderForm
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
First Wattpad Version © March 11, 2021
Second Wattpad Version © September 23, 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro