5
ILANG minuto na ang nakakalipas mula nang nakaalis si Señor Ernesto, pero bakit ganito? Nanunuot pa rin sa kaniya ang boses nito? Ang ilap sa matiim nitong mga mata tuwing nakapukol sa kaniya?
After thinking about their conversation again and again, Joan completely gained clarity about their situation. Her fear for him was replaced with empathy.
Joan felt pained at the very sight of him bruised and wounded in places—swollen on some areas, knuckles bandaged. Lahat ng iyon, nang dahil lang sa kaniya na wala namang katiting na halaga para dito.
Humablot ang mga kamay ni Joan sa tig-isang tuhod. Humigpit ang kapit. Ilang minuto nang naiwan ang pamunas na basahan sa ibabaw ng mesa para kausapin si Señor Ernesto. Ilang minuto na ring nakabibingi ang katahimikan sa loob ng maliit na bahay.
'Paano ko sasabihin kay Kuya ang tungkol sa pagpunta ko mamaya kay Mr. Sponsor Arguelle?' Tumindig na siya at itinuloy ang pagpupunas sa mesa. 'Ipagpapaalam ba ako ni Señor Ernesto sa kaniya? Bakit hindi ko man lang nilinaw iyon sa kaniya?' Dumiin at bumilis ang pagkuskos niya ng basahan sa mesa. 'Ang tanga-tanga mo talaga, Joan!'
Nang matapos sa paglilinis, hindi naman mapakali si Joan sa pagkakahiga sa papag sa kaniyang kuwarto. Ang kuwarto niya ay may plywood na pader na tadtad ng mga gupit-gupit na larawan mula sa mga lumang magazine. Mga larawan ito ng magagandang lugar na sa mga tinapong magazine lang niya nasisilayan. Ang ilan ay kupas na sa sobrang tagal at umabot ang collage sa mababang kisame ng kuwarto niya.
Joan stretched up a hand, as if trying to reach the ceiling with her slender fingers. Itinuro ng kaniyang mga daliri ang larawan ng isang dilaw na paro-paro na nakadikit sa nilabasan nitong cocoon.
'Ano kaya ang isusuot ko mamaya sa lakad namin ni Señor Ernesto? Dapat presentable ako sa harap ng sponsor na 'yon.'
Napapitlag siya nang makarinig ng mga boses na sumunod sa ingay ng maikling langitngit mula sa pintong itinulak pabukas. Nagmadaling bumangon si Joan, nagsuot ng mga tsinelas, at nagkumahog palabas ng kuwarto.
Paglabas, nasaktuhan niya si Kobi na nakapasok na sa bahay. Tumigil naman sa tapat ng pinto si Kyle. Napunta agad ang tingin nito sa kaniya at nang mahuling nakatingin din siya rito, magalang siya nitong tinanguan at ginawaran ng maliit na ngiti.
Kahit kabado, napilit ni Joan ang sarili na gantihan ang pagbati nito ng isang ngiti, ngiting hindi umabot sa kaniyang nag-aalalang mga mata.
Naputol ang pagtitinginan nila ni Kyle nang umubo si Kobi, ubo na dala ng pagkakaroon nito ng sakit.
Nilapitan ni Joan ang kapatid. "Nakausap mo si Señor Ernesto?"
"Oo. Mabilis lang," matabang nitong tugon.
"Ano raw? Bakit ka niya gustong makita?" sunod ni Joan sa kapatid na kumaway naman kay Kyle para paalisin na ito.
Nagpaalam si Kyle sa kanila na aalis na, pero dinedma lang niya iyon. Masyado siyang nakatuon sa pag-aabang sa isasagot ni Kobi sa kaniyang tanong.
"Kuya—"
Naputol ang sasabihin niya nang matunog na isinara ni Kobi ang pinto. Then, he shot her a sharp glare.
"Nabanggit niyang may nangyaring kaguluhan sa sabungan kahapon."
Inunahan na nga yata siya ni Señor Ernesto sa pagsasabi rito ng tungkol sa nangyari kahapon.
"G-Ganoon ba?"
Naku. Paano ba uumpisahan ni Joan ang pagpapaliwanag sa kapatid? At bakit kung umakto si Kobi ay parang walang bumabagabag dito? Parang wala itong nadiskubre na dapat ikagalit?
Umupo lang ang kaniyang kapatid sa hapag, nakatalikod sa mesa ang posisyon. Yumuko ito para hubarin ang sapatos.
"Hindi ko na pinagkuwento si Sir Ernesto. Grabe na kasi ang hitsura niya, Joan. Napuruhan talaga siya sa gulong naganap kahapon."
Nagbaba siya ng tingin. Nginangatngat siya sa loob-loob ng pagkakonsensiya.
"Bakit nga ba nagkagulo kahapon sa arena, Joan?" sulyap sa kaniya ni Kobi.
Napasinghap siya. Bakit tinatanong siya ng kaniyang kapatid tungkol sa nangyari kahapon?
"Hindi ba sabi mo, napadaan ka sa sabungan kahapon?" usig nito, hindi na makapaghintay sa kuwento niya.
Joan swallowed. 'Hindi ikinuwento ni Señor Ernesto kay Kuya ang ginawa ko kahapon?' Napatitig siya kay Kobi na yumuko para ibalik uli ang tingin sa kabilang sapatos na hinuhubad nito. "Kuya . . . huwag ka sanang magagalit. . . ."
Tumayo na si Kobi, bitbit ang hinubad nitong mga sapatos. Binigyan siya nito ng salubong na kilay na tingin. "Bakit ako magagalit? Sino ang nagpasimula ng gulo?"
Takot na napatingin siya sa nakaabang na mga mata ni Kobi. Kabisadong-kabisado na niya kung paano ito magalit. Hindi pa nagpapahiwatig ang galit sa mukha nito, nanlalambot na ang kaniyang mga tuhod.
"A-Ano kasi . . . A-Ako . . . Ako ang pinagmulan ng gulo, kuya. . . ."
At mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Joan flinched and prepared herself for her brother's usual lashing out. Pero kahit kabisado na niya ito, kahit inihanda pa niya ang sarili, kumakabog pa rin sa takot ang kaniyang dibdib.
Pigil niya ang hininga nang bumagsak sa maalikabok at lupa-lupang sahig nila ang mga sapatos nito.
Pagsilip ni Joan, tumambad sa kaniya ang madilim nitong anyo. Ginusot ng nagpipigil na galit ang mukha ng kaniyang kapatid.
"Paano ka napunta roon?" bulyaw nito sa kaniya.
"K-Kuya," pagpapakumbaba niya, nilalabanan ang panginginig ng boses, "magpapaliwanag ako—"
"Talagang dapat kang magpaliwanag!" sinundan iyon ng malutong nitong pagtampal sa kaniyang pisngi.
Joan shuddered, weakly stepping back. Nanuot agad sa balat niya ang hapdi mula sa mabigat na kamay ng kapatid.
"Kailan mo ba titigilan ang pagpapahirap sa letseng buhay ko na 'to? Ha, Joan?!" Napailing ito nang mapaubo. It was a coarse one, dry and asthmatic. Nang maka-recover si Kobi, bumalik ang nanlilisik nitong mga mata sa kaniya. "Kaya pala hindi minamadali ni Señor Ernesto ang pagbalik ko sa trabaho! Sigurado akong sinasamantala na nila ang mga oras na 'to para humanap ng kapalit ko!"
Aatras sana siya nang maunahan ni Kobi. Hinablot siya nito sa buhok at inilapit ang nagpupuyos nitong mukha sa kaniya.
Naiipon ang dugo sa ulo nito kapag nagagalit. Dahil sa kayumangging balat, may kahalong pangingitim sa mukha ang dulot ng pamumula nito. At nang itutok nito ang mga mata kay Joan, nasaksihan na naman niya ang impiyerno sa mga iyon.
"Napakalaki mong pabigat talaga kahit kailan!" asik nito sa kaniyang mukha bago siya walang-habas na binitiwan.
Naagapan ni Joan ang sarili. Tinatagan niya ang pagkakadiin ng mga paa sa lupa dahil kung hindi ay paupo siyang matutumba dahil sa ginawa ng kapatid.
"Wala akong pakialam kung magkanda-letse-letse iyang buhay mo! Huwag na huwag mo lang papakialamanan ang sa akin! Ang buhay ko! Ang putanginang trabaho ko!" patuloy nito sa pagitan ng pag-ubo. "Tangina mong babae ka! Ipapalamon ko sa 'yo itong mga petseng lupa-lupa na 'to!" sipa nito sa masukal na sahig ng bahay para paliparin ang ilang maliliit na bato, piraso ng lupa, at alikabok.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Joan. "Inalala lang naman kita! Kapag nalaman mong 'di pumayag si Mang Ismael, baka pagurin mo ang sarili mo—"
"Ang sabihin mo, kating-kati kang lumabas, Joan!" nagtangis ang mga ngipin nito. "Aminin mo na lang na gusto mo lang talagang pinaglalawayan ka ng mga lalaki sa tabi-tabi! Punyeta ka! 'Tapos, kapag nabastos ka, ako pa ang laging napapaaway, malantod ka!"
Nanghihina siyang napayuko. Ang panghihina ay mula sa kaniyang loob-loob, sa kaniyang puso. Nanginig ang bawat himaymay ng kaniyang katawan.
Ganito. Ganito magalit ang kaniyang kapatid.
Walang pakundangan. Walang patawad.
Then, a realization made Kobi's eyes widen with craze. "Huwag mong sabihing sa kalandian mong iyan kaya napuruhan nang ganoon si Señor Ernesto?"
Takot na napahikbi siya. She shouldn't have been curious. She shouldn't have cared about how Kobi was feeling. Kasi nang sulyapan niya uli ito, nangilabot siya sa pagbabanta at galit sa mga mata nito.
Pasugod na ang lalaki.
"Tangina mo ka! Nakakahiya ka!" gigil nitong hablot sa kaniyang braso. Paulit-ulit siyang tinampal ni Kobi sa magkabilang-pisngi.
At isa siyang walang-labang nilalang na nagpatangay sa kung saang direksiyon man siya tamaan ng mga sampal nito.
"Mga Dela Fuente pa ang ginulo mong babae ka! Hindi mo kilala kung sino ang binangga mo!"
Mahilo-hilo siya sa walang-tigil na pananakit ni Kobi kaya hindi na namalayan ni Joan ang pagbalibag ng marupok nilang kahoy na pinto pabukas.
"Tama na. Tama na." Mahinahon pa noong una ang boses na umawat kay Kobi na sinundan ng maraming mga kamay at braso na nagsasalagan at naglalabanan ng puwersa.
"Tama na sabi!" bulyaw na ng namagitan sa kanila.
Nabitiwan din siya sa wakas ni Kobi.
Inihanda ni Joan ang sariling pagbagsak sa lupa. O ang posibilidad na tumama siya sa ilang kalat na gamit sa bahay bago tuluyang lumagapak sa lupa.
Kaya bakit?
Bakit parang nakaangat ang kaniyang katawan?
Ang nakalaylay lang ay ang nanlalambot niyang mga paa at binti.
Sobrang naalog nga yata ang kaniyang utak.
Hindi pa siya nahihimasmasan nang lubusan pero unti-unti nang bumabalik ang ulirat niya. Sa pagkakataong ito lang niya naramdaman ang pagkakasandal niya sa matigas na dibdib ng isang lalaki; ang mahigpit nitong pagkakahawak sa kaniyang mga braso mula sa kaniyang likuran. Kung wala ang suporta nito, tuluyan na siyang natumba.
Lantang nakatingala lang si Joan, nakapatong ang ulo sa balikat ni Kyle. Wala siyang makita masyado dahil tumakip sa kaniyang mukha ang ilan sa mga hibla ng kaniyang nagsabog na buhok.
"Ano ang ginagawa mo?" pagtataas ni Kyle ng boses sa kaniyang kapatid.
"Sa mga Dela Fuente," ubo ni Kobi na umiwas sa pagsagot sa tanong ng vaquero. "Ibalik mo ako sa mga Dela Fuente. Kailangan kong makausap si Señor Ernesto. Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. Hirap na hirap na kami rito."
Joan felt Kobi's hands. Unang kumalabit ang mga daliri nito bago nahablot ng isang kamay ang kaniyang braso. Pinipilit nitong kunin siya mula sa pagkakahawak sa kaniya ni Kyle.
"Hindi ko na kakayanin kapag nawalan na naman ako ng makakain—"
Iniwas siya ni Kyle mula sa umaabot na kamay ni Kobi. Nagmistulang bakod ang isang braso nitong yumakap sa kaniya.
"Talagang mawawalan ka ng makakain kapag nalaman ni Señor Ernesto itong ginawa mo!" asik nito. "Kung tutuosin, mas may pakinabang pa kami ngayon rito sa kapatid mo kaysa sa 'yo!"
Hilong nag-angat si Joan ng ulo. Medyo naiintindihan na niya ang nangyayari, ang mga pinagsasasabi ng kaniyang mga kasama . . .
"K-Kuya—" She flinched at the wave of nausea that hit her. Ang malala pa ay ang kaunting pagtusok-tusok sa ulo niyang namimintig sa sakit.
"Ano'ng pinagsasasabi mo?" bahagyang humina ang boses ni Kobi, humalili nang tuluyan dito ang takot. "Ano'ng pakinabang ninyo sa kapatid ko na puro gulo ang palaging dala?"
"Isasama namin mamayang hapon itong si Joan sa mga Arguelle para tulungan si Señor Ernesto sa pagpapaliwanag ukol sa nangyaring gulo. Pumayag na itong kapatid mo para lang hindi ka mawalan ng trabaho pero ano itong ginagawa mo?"
Gimbal na nagpalipat-lipat ang tingin ni Kobi sa kaniya at kay Kyle.
***
MATAPOS bumalik sa hacienda para kausapin doon si Kobi, pinauna ni Ernesto sa pag-alis ang sasakyan ni Kyle na lulan ang kaniyang kristo. Pagkatapos ay sumunod ang sasakyan niya rito.
Nang makabalik si Ernesto sa bahay nina Joan, saktong paalis na si Kyle na naihatid na si Kobi.
Nang makitang nakaparada na sina Ernesto malapit sa kotse ni Kyle, sumilip ang vaquero sa bintana ng kaniyang kotse. Binuksan naman ng drayber niya ang bintana sa kaniyang tabi.
"Maghintay tayo ng ilang minuto. Kapag walang kakaibang nangyari, umuwi na tayo," habilin niya kay Kyle.
Hindi nagtagal ang paghihintay nila dahil narinig nila agad ang pagkakagulo mula sa loob ng maliit na bahay.
At ito na kinahinatnan ng gulong iyon: Pinanood ni Ernesto ang pag-alalay ni Kyle kay Joan papasok sa back seat na kinauupuan niya.
Binagsak ng panlalambot ang katawan ng dalaga, parang papel na tumiklop ito sa hulma ng anumang masandalan. Nang maiupo si Joan sa kabilang dulo ng kinauupuan ni Ernesto, awtomatikong bumagsak sa backrest ang likod nito. Pumatong din ang likod ng ulo nito sa ibabaw ng sandalan ng upuan.
Kyle gave him a look. In return, Ernesto gave his right-hand a nod, a cue for him to return to his car.
Nang sumara na ang pinto, ibinalik ni Ernesto ang tingin kay Joan. Hawi na ang mga hibla ng buhok na tumabing sa mukha ng dalaga. Kaya lang, magulo pa rin iyon.
Unti-unti nang nagiging prominente ang pamumulang pisngi nito . . . ng mukha. As Ernesto's eyes inspected her, he was grippled by an inexplicable pain. Her eyes got this blank, hazy stare. It was as if she died, then brought back to life with the way she gazed unfamiliarily at nowhere.
She looked young and innocent, defenseless and fragile. Her soft face was reddish with abusive marks. Kung umalis siguro sila agad, labis na pinsala pa ang tinamo ng maganda nitong mukha.
She was a beautiful garden in the midst of a dark storm of her messy hair and faded oversized clothes.
The realization seemed to bite his arm.
'Of course, she looks . . . she looks pretty.'
He was just being honest, he should not worry about these thoughts about her, right?
Itinutok na lang ni Ernesto ang tingin sa harap.
"Gusto mo bang sumama?" malumanay niyang wika rito.
Inasahan niyang hindi ito makasasagot agad dahil sa pananakit ng katawan, kaya nasorpresa si Ernesto nang marinig ang mahina at pagod nitong boses.
"Ganito ang hitsura ko . . . na ipapakita mo kay . . . k-kay Arguelle?"
'So stupid.' Gusto niyang matawa. Kung hindi lang talaga kalunos-lunos ang kondisyon ng dalaga, mapangkutya niyang tatawanan ang asumpsiyon nito.
"Makikituloy ka muna kay Kyle." Nasa harap pa rin ang tingin niya, hindi nililingon si Joan. The way she looked was really making his eyes sore, he could not bear another second of it. "Ninong is a very busy man. You need to either time your visits or schedule an appointment in advance. Hindi ka rin puwedeng magpakita kay Ninong nang ganyan ang hitsura."
"N-Ninong . . ." nakatingala pa rin si Joan at tagus-tagusan sa kawalan ang tingin.
"Si Viktor Arguelle, ninong siya sa kasal namin ng asawa kong si Allyssa, kaya 'yon ang tawag ko sa kaniya, 'ninong.'"
"Hmm." Pagsang-ayon ang nasa tono ni Joan. Marahil napagod na itong magsalita kaya ganoon ang ginawang komento.
"Pumapayag ka bang makitira kina Kyle?"
Saglit itong natahimik.
"Puwede ka namang bumalik sa bahay n'yo. Ipapantay mo sa kuya mo 'yang pagkakabugbog niya sa mukha mo."
Nanghihinang nag-angat ng ulo si Joan para irapan siya. Wala namang pakialam si Ernesto. Kailan ba siya nagpasindak sa kahit sino?
"Sa hacienda," utos ni Ernesto sa drayber na nakaupo sa harapan.
Walang-imik na binuhay nito ang makina ng sasakyan at pinausad ito. Sumunod ang nakaabang na kotse ni Kyle sa kanila.
Dama ni Ernesto ang matalim na tingin ni Joan habang umaandar na ang sasakyan. Her dubious glare compelled him to explain.
"Walang anumang ibig sabihin itong pagtulong ko," paliwanag ni Ernesto sa dalaga. "Nilinaw ko na sa 'yo kaninang umaga na kailangan kitang isama kapag binisita ko si Ninong. Iyon lang ang kapalit na gusto ko."
"Nagawa lang 'yon ni Kuya dahil ginalit ko siya," manginig-nginig na sabi ni Joan. Tila ito naman ang naglilinaw na ang tungkol sa kapatid nito ang gusto nitong pag-usapan nila. Nakaya na rin ng dalaga na kumilos nang kaunti para tanggalin ang hair tie na nakalambitin na lang sa nagulo nitong buhok.
"Alam kong magagalit siya, kaya nga hindi kami umalis agad ni Kyle."
Nagugulohang napatingin si Joan sa kaniya.
"Why do you think did I hire your brother? He has that temper. Napapakinabangan ko ang init ng ulo niya sa sabungan," kuwento ni Ernesto habang lagpas sa balikat ng drayber ang tingin, nakasilip sa dadaanan ng sasakyan. "Walang nakapagtatangkang tumakas o mandaya sa mga pumupusta sa mga manok namin dahil sa bagsik niya."
Then, he had the courage to glance at Joan. This time, her messed heap of dark corkscrew curls fell in waterfall-like waves over her shoulders and upper arms. It framed her face, making it look smaller, softer. The redness of her face looked like flushes from heat. Her eyes, drooped out of exhaustion and pain.
Kanina pa nag-aabang si Ernesto sa reaksiyon ng dalaga, pero nakatitig lang ito sa kaniya. It bothered him.
"Ikaw? Hindi mo ba alam na ganoon magalit ang kapatid mo?"
"Alam ko," matapang nitong wika.
He could not help a disappointed smirk. "And you still stayed with him? To be his occassional punching bag?" 'Are you really that dumb, young miss?'
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Ganoon lang siya kapag galit sa akin. May dahilan siya para magalit. Hindi niya ako sasaktan kung wala akong ginawang kalokohan."
"So, kalokohan na palang akuin mo ang trabaho niya dahil may sakit siya?" Ibinalik ni Ernesto sa harap ang tingin.
Umiwas ang mga mata ni Joan sa kaniya. Kumilos na ito para suklayin ng kamay at mga daliri ang sariling buhok. "Hindi talaga ako dapat naglalalabas ng bahay. Puro na lang gulo ang ibinibigay ko sa kuya. Hirap na hirap na nga siyang buhayin kaming dalawa, dinadagdagan ko pa ang problema niya."
"How come you're the problem?" he turned to her.
Napamulagat ito. Tumigil sa pagsusuklay gamit ang kamay. Napatanga sa kaniya saglit.
"Paano'ng—" lingon sa kaniya ni Joan, naputol ang sinasabi nito dahil pinoproseso yata nito ang ibig sabihin ng kaniyang tanong.
"Paanong puro gulo ang binibigay mo sa kaniya?" ulit ni Ernesto.
Her lips already parted. Then closed.
She was hesitating.
Ernesto just gave her a stony look, a sarcasm in the way his eyebrows lifted as he gave off this 'I'm waiting' gaze.
Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Joan. "Baka kung ano ang isipin mo sa sasabihin ko." She took a deep breath for courage, then faced him again. "Una, bata pa ang kuya nang akuin niya ang responsabilidad ng pagiging isang magulang sa akin. Ninakaw ko ang kabataan at kalayaan niya kaya nauunawaan ko kung bakit hindi siya marunong lumebel sa pagiging isip-bata ko. Higit sa lahat, naaalala mo naman siguro kung bakit nagkagulo sa sabungan kahapon, 'di ba? Balak akong bastusin ng Tenorio na 'yon."
His firm gaze remained fixed on Joan, prodding her to keep talking.
"Sa ganoong dahilan din kaya laging napapaaway ang Kuya Kobi." Deretso sa kaniya ang tingin ng seryosong mga mata nito. "Dahil sa katawan ko, sa hitsura ko."
Nanatiling tahimik si Ernesto.
Siyang iwas ng tingin ni Joan sa kaniya. "Kaya para hindi na namomoroblema ang kuya, sumunod na lang ako sa pagbabawal niya sa akin na lumabas-labas ng bahay." She sighed wearily then. "Kahapon, sinuway ko na naman 'yon. Binigyan ko tuloy na naman siya ng sakit ng ulo."
Natawa si Ernesto nang malutong.
Gulat itong napalingon sa kaniya.
He immediately stopped and flinched. Peste. Kahit pagtawa, dapat niyang bawas-bawasan dahil nababatak ang mga muscle sa kaniyang mukha, sa kaniyang mukha na may mga pasa at namamagang parte pa. He winced then returned his eyes on Joan.
"So, you're trying to say, nang dahil sa . . ." saglit niyang pinasadahan ito ng tingin, ". . . dahil sa hitsura mong iyan, napapaaway ang kapatid mo?"
Gumusot ang mukha nito. "Hindi ako feelingera, Señor Ernesto. Totoo ang sinasabi ko. Ikaw nga, nabugbog nang ganyan dahil lang nagandahan sa akin 'yong Tenorio na 'yon."
His smile toned down, leaving his eyes and keeping his lips hanging in a curved lifeless smile.
"Ang sabihin mo, sinadya lang 'yon ng Tenorio na 'yon para bastusin ako." Ibinalik niya sa harap ang tingin. "Iba ang kalakaran sa mundo namin, Joan. Kung kayang bastus-bastusin ng mga Tenorio ang mga tauhan namin, tulad mo kahapon, sa bokabularyo nila, parang nababastos na rin nila kami. Kaya huwag mong ikonekta ang mga nangyari kahapon sa iniisip mong pinagmumulan ng away iyang ganda ng mukha at . . . at katawan mo."
Ernesto swallowed. He didn't know why he stumbled at the last words. Maybe because it was inappropriate for a married man to talk about another woman's body, even if there wasn't any malice to it.
"Nasasabi mo lang 'yan kasi may asawa ka na. Natural, sa paningin mo, hindi kakumbinsi-binsi na may hitsura ako. Kasi sino ba ang pinakamaganda sa mga mata ng isang kasal nang tao? E, 'di 'yong mahal nila!"
His demeanor softened. Upon remembering Allyssa, Ernesto was swept with weakness. Isang klase ito ng panghihina na nagpabigat sa kaniyang loob.
Wala siyang malay kung gaano katagal siya natahimik. It was Joan who broke the silence.
"Hihintayin ko na lang po sigurong lumipas ang init ng ulo ni Kuya Kobi. Pagkatapos na pagkatapos natin puntahan si Sponsor Arguelle, babalik na ako sa amin."
Nang lingunin niya uli si Joan, nakapusod na nang mataas ang buhok nito. Magulo at medyo nakaangat ang ilang hibla ng buhok nito dahil mga daliri lang nito ang ipinangsuklay kanina.
"Tingnan natin kung magpapasa 'yang pamumula sa mukha mo. Kung ganoon ang mangyari, baka mapatagal ang pag-uwi mo sa inyo."
She gave him a brave and determined look then, nodded.
"Pero huwag kang mag-alala. Mabuting tao si Kyle. At makakasama mo rin sa bahay niya ang kaniyang nanay at mga kapatid. Doon, tatratuhin ka nila nang maayos."
"Kung ganito ka naman pala kabait, bakit natatakot ang kuya ko sa galit mo? Sa galit ninyong mga Dela Fuente?"
Her soft voice murmuring that heavy question made Ernesto's eyes fix on her. He was about to give an answer when the driver chimed in.
"Nasa hacienda na tayo, señor."
Napakurap siya. Hindi niya man lang napansing nakapasok na sila sa gate ng hacienda.
Pagsilip sa labas, saktong huminto ang kotse sa tapat ng tatlong palapag na gusaling gawa sa bato. Ang gusaling ito ang tinatawag nilang 'mansiyon.'
Sumilip si Joan sa bintanang katabi nito. Mismong sa tapat ng pinto kasi ng dalaga nakaharap ang view ng tirahan nilang mga Dela Fuente. Maliit ang naging pag-awang ng mga labi nito. Nakulayan ng pagkamangha ang mga mata na nakatitig sa solidong gusali.
"Uuwi na ako. Bumaba ka na rin sa kotse at lumipat sa kotse ni Kyle. Alam na naman niyang iuuwi ka niya sa kanila."
Iyon lang at sinenyasan niErnesto gamit ang tingin ang drayber. Nagmamadaling bumaba ang drayber para pagbuksansiya ng pinto.
***
Read advanced and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
•••
OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!
Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024
Click on the pre-order link to save your copy: https://www.cognitoforms.com/KPubPH/LaGrillaSeries1ComeHereByAnamariessOrderForm
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
First Wattpad Version © March 11, 2021
Second Wattpad Version © September 23, 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro