Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26

HINDI naman napagod si Joan sa paglilipat ng mga gamit sa kaniyang bagong tirahan. Kaunti lang naman kasi ang mga ito.

Kasalukuyang nasa loob na ng kaniyang sariling kuwarto si Joan at nakapamaywang habang iginagala ang kaniyang tingin sa kabuoan nito. Malawak kahit papaano ang kuwarto at may sahig na pinalitadahang semento lamang na wala man lang pintura o tiles. Ganito rin mismo ang sahig sa buong bungalow.

Nakasandal naman sa isang sulok ng pader ng silid ang isang malaking bag na naglalaman ng kaniyang mga personal na gamit. Nakapatong sa malaking bag ang isang unan at isang kumot na maayos ang pagkakatiklop. Nakasandig din sa sulok na iyon ang nakarolyong banig na ipinahiram sa kaniya ni Nanay Kristina. Iyon muna ang magsisilbi niyang higaan.

"Don't worry, Joan," ngiti ni Rita na nakatayo malapit sa pinto. Katulad niya, pinagmamasdan din nito ang kabuoan ng kuwartong wala pang masyadong laman. "Susuweldo ka pa naman, e. Kahit paunti-unti mo na lang bilhan ng gamit itong kuwarto mo. Simulan mo siguro sa papag . . . o bakit hindi, dining table kaya muna?"

Nilingon niya ito. "Dili na! Idadagdag ko na lang ang extra sa suweldo ko sa ipon ko." Lumitaw ang determinasyon sa kaniyang mga mata. "Tuloy pa rin kasi ang balak kong hanapin si Kuya."

Nagbaba ng tingin si Rita at mabagal na tumango-tango. Halatang paggalang sa nakakatanda ang dahilan kaya mas pinili nitong sarilinin ang komento kahit kita ni Joan sa mukha nito ang kawalan ng kumpiyansa sa kaniyang plano.

'Si Kyle na lang nga yata ang naniniwalang makikita ko pa si Kuya. . . .'

Joan scanned her bedroom once more. Bukas ang dalawang magkatabing hanay ng jalousie windows sa bandang kaliwa nito. At ang bintana ay katapat ng bakuran kung saan abot-tanaw ang gate at kalsada. Gawa sa frosted glass ang bintana ngunit gusto niya itong lagyan ng kurtina para makatiyak siyang tagong-tago ang hitsura ng kaniyang kuwarto mula sa labas.

"Rita!" tawag ni Nanay Kristina mula sa labas. Mabilis na tumalima ang dalagita. Siyang sunod na rin ni Joan dito.

Nagkita-kita silang lahat sa sala na talagang ni isang gamit ay walang makikita. Bitbit ni Nanay Kristina ang ginamit na walis-tambo at dust pan. Gayundin si Tina na nasa bandang likuran nito at tumulong na rin sa paglilinis sa buong bungalow. Nasa isang timba malapit sa pinto ang mga gamit na basahan.

Malinis-linis naman ang bungalow nang ibigay sa kaniya, pero ilang araw din siguro ang lumipas mula noong huling nilinis ang bahay kaya nadatnan nilang may manipis na mga alikabok at dumi sa sahig at mga bintana.

"Tumawag ba ang kuya mo?" tanong ni Nanay Kristina kay Rita.

"Hindi po. Hindi naman nag-ring itong cell phone e," tukoy ni Rita sa cell phone nitong nasa bulsa.

Katulad ng ipinangako ni Kyle rito noong nakaraan, ibinigay nito kay Rita ang pinaglumaan nitong cell phone. Mas madalas na nitong kontakin si Rita kaysa ang cell phone ni Nanay Kristina. Si Rita naman kasi ang mas madalas na gumagamit ng cell phone sa kanila.

"E, ang sabi niya, babalik din siya rito agad, hindi ba?"

"Opo. E, kaya lang, baka anong oras pa 'yon. Alam mo naman kapag may pinapatrabaho sa kaniya si Señor Ernesto."

Pigil ni Joan ang paghinga. Naalala kasi niya ang usapan nila ng honcho sa kotse nitong umaga lang.

Nagmamadaling tinungo niya ang kulungan ni Kapitan. Nakapuwesto ito sa tabi ng main door ng bungalow.

Joan squatted and gave Kapitan a good look. The white rooster just clucked lowly while prancing back and forth in its cramped little cage. Puting-puti ang balahibo nito at pulang-pula ang palong nitong abot sa espasyo sa pagitan ng mga mata nito. His eyes were hazel-shaped, wide-open, and bright brown to the point of orange with a black beady center. Sinundan ang maputla nitong tuka ng mapupula at mahahabang labit.

'Bakit ba pinag-iinitan ka ni Señor Ernesto? Ano ba ang gusto niyang patunayan?' Lumambot lalo ang kaniyang puso para sa tandang. 'Hindi ba siya marunong maawa? Kung kailan bumalik na ang lakas mo at gumaling ka na, gusto ka na namang saktan ng Señor Sungit na 'yon.'

"Joan," pukaw sa kaniya ni Tina.

Ngunit hindi siya natinag sa posisyon. She just glanced at the three over her shoulder.

"Sumabay ka na lang sa amin pabalik sa bahay. Doon ka muna maghapunan."

"Salamat," tango niya kay Tina. "Pero ayokong iwanan dito si Kapitan. Isa pa, baka hanapin ako ni Kyle kapag bumalik siya rito at wala ako."

Nanatiling malumanay at mapang-unawa si Tina. "Si Rita naman ang unang tatawagan n'on kapag hinanap ka. Hamos na. Sumabay ka na sa amin." Tara na.

Nag-alangan pa siya pero nakumbinsi rin.

Bago tumuwid ng pagkakatayo, dinampot niya sa hawakan ang kulungan ni Kapitan. "Sige, pero isasama ko si Kapitan."

Nagkatinginan sina Tina at Nanay Kristina. Nagtatanong ang tingin ni Tina. Meanwile, Nanay Kristina gave her eldest daughter a cool shrug before returning her eyes on her. Si Rita naman ay nakangiti lang sa kaniya.

"Sige," payag ni Tina.

Tanging sa mga Torre lamang natuklasan ni Joan na ang mga tao ay may kapasidad maging mabuti at matulungin; maging mapagbigay at maunawain nang walang-kapalit o paghahangad ng anumang resulta. Kahit hindi pa nila kilala nang lubusan o isang estranghero kasi ay ganito kabuti makipagkapwa-tao ang pamilya Torre.

'Ang suwerte ko't nakilala ko sila,' isa-isa ni Joan sa mukha ng tatlong babae.

Masaya niyang nginitian ang mga ito.

***

NASA dulo ng ekta-ektaryang lupain ng mga Dela Fuente puwesto para sa mga panabong na manok. Sinadya itong ipuwesto sa tagong-parte ng hacienda dahil sa maraming dahilan, isa na roon ang pag-iingat mula sa pananabotahe ng mga nakakalaban nila sa sabungan. Sa lugar ding ito ay mas payapang nakapapamuhay ang mga panabong na manok dahil hindi nagagambala ang mga ito mula sa ingay ng mga trabahador o sasakyan.

Nilatagan ang parteng ito ng hacienda ng artificial grass. Pagkatapos, istratehikong ikinalat ang mga teepee para sa bawat manok. At ilang metro ang layo mula sa nababakurang lupain ng mga teepee ay ang isang barnhouse na gawa sa kahoy.

Tuyot at maalikabok ang lupain sa palibot ng barnhouse. May mga nakatayong mga nagtataasang flying bars sa bandang kaliwa ng barnhouse, malapit sa matarik na gilid ng bulubundukin ng Cuerpio Serpiente. Ang bahaging iyon ng bulubundukin ay malapit sa dulo niyon. Most of those flying bars were, at least, nine feet in height.

Sa loob ng barnhouse ay nakaimbak ang pangunahing supply para sa mga manok. Bukod pa ito sa mas malaking imbakan na nasa mismong poultry farm area ng hacienda.

Sa bahay-kamalig na ito, mas malaki ang espasyo para sa isang ruweda. It was a smaller version of an actual cockpit, circular in shape with sheets of dust and sand in it. Kadalasang ginagamit iyon ni Señor Ernesto at ng kaniyang mga tauhan sa pagkokondisyon ng mga panabong na manok.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Joan sa barnhouse ay napunta agad sa ruweda ang kaniyang tingin.

Napapaikutan ang ruweda ng mobile spotlights. Ang spotlights ay apat na naglalakihang board na may hanay-hanay ng nakasisilaw na puting bombilya ng mga ilaw. They replicated the same lighting used in an actual cockfight derby show.

Hindi pa nagsisimula ang laban kaya nakapatay ang mga spotlight na nakatutok sa loob ng ruweda. Sa halip, bumaha ang dilaw na liwanag sa buong barnhouse.

Ang mataas na kisame at ang nakabitin na hanay ng mga dilaw na ilaw ang sumalubong sa mga mata ni Joan nang tumingala siya. Nakapaikot sa buong pader ng barnhouse ang malalapad na balkonahe kung saan nakahanay ang mga supply at gamit na may kinalaman sa mga manok-panabong at sa pagkokondisyon sa mga ito. Kasama na rin doon ang sako-sakong feeds.

Naghalo ang kaba at pagkamangha ni Joan habang inililibot ang tingin sa paligid. Nakasunod naman sa kaniya si Kyle, bitbit ang kulungan kung saan nakapaloob ang tandang na si Kapitan.

Wala nang masyadong tao sa loob ng barnhouse. Ang mga tapik ng sapatos at cowboy boots na naririnig nila ay mula sa dadalawang vaquero na paroon at parito sa ikalawa at ikatlong palapag ng balkonahe. May kinukuha ang mga ito o 'di kaya'y sinisipat sa mga supply na naroon.

Huminto sila ni Kyle sa tapat ng ruweda.

"Kyle," harang niya sa lalaki. "Promise mo sa 'kin, tutulungan mo akong awatin ang laban kapag hindi na kaya ni Kapitan."

Kung hindi lang nagtatrabaho si Joan sa hacienda ng mga Dela Fuente, hindi niya sisiputin ang usapang ito. Ni hindi siya papayag sa umpisa pa lang na magsabong sina Kapitan at SiKi. Hindi naman kasi siya seryoso sa hamon niya noong nakaraan kay Señor Ernesto. Nasabi lang niya na matatalo uli ni Kapitan sa isang panibagong laban si SiKi pero wala sa isip niyang ilagay talaga sa panganib na naman ang buhay ni Kapitan. Mas lalong hindi niya rin kayang makakita ng kahit sino na nahihirapan—tao man o hayop.

Kyle's eyes looked worried, but his smile showed gentle supportiveness. "Nangako na ako kanina sa kotse, 'di ba? Papunta pa lang tayo rito, nag-promise na ako."

"Please. Baka naman kasi mamaya, hindi mo ako tulungan." Hindi talaga siya mapakali. "Amo mo si Señor Ernesto, e. Aram ko, minsan, ayaw mo siyang kontrahin."

Umangat ang isang sulok ng mga labi nito. He gently patted her left cheek with his free hand. Then, his palm stayed there, cradling and thumbing her cheek so fondly.

"Trust me. Hindi ko hahayaan na tuluyang ma-deds si Kapitan." A slight touch of light humor danced about in his eyes and lips.

Napapadyak naman siya.

"Kyle naman, e!" Joan whined softly. Nothing high pitched and baby-like in her voice, just pure innocence.

Ipinagpapasakamay na kasi niya kay Kyle ang tiwala niya, na tutulungan siya nito pagdating kay Kapitan, pagkatapos ay nakukuha pa nitong magbiro!

Magaan itong tumawa. "Ka-sparring lang ang kailangan ni SiKi, kaya hindi mamamatay si Kapitan." He patted her cheek. "Ikaw, masyado kang nagpapatakot kay Señor."

Nagpatiuna na ang binata sa pagpasok sa ruweda. Next, Kyle squatted and opened the small railed door of the rooster's cage. Inasiste ng kamay nito ang paglabas ni Kapitan.

The white rooster did a little hop before prancing a little on the dusty, sandy ground. Ilang segundo pa at marahang kumalaykay na ang mga kuko nito sa lupa.

Napahawak si Joan sa ibabaw ng bakod ng ruweda. Nag-aalalang sinilip niya si Kapitan. "Kapitan, okay ka lang ba? Galingan mo! Huwag ka magpasugat! Talunin mo uli ang SiKi na 'yon, ha?"

"Uli?" a voice spoke over her, followed by a deep chuckle.

Napalingon si Joan sa bagong dating—si Señor Ernesto na napalilibutan at binubuntutan ng mga tauhan nito. His men, like Kyle, had this kind of stance that could overpower a place and intimidate people. They looked tough and serious, not the kind of people you should mess with.

Tuluyan niyang hinarap ang mga ito nang huminto si Señor Ernesto sa kaniyang tapat. On his arm, a black rooster clucked while perching on it. SiKi was tucked closely to its master's right chest.

Iniwan naman ni Kyle sa loob ng ruweda si Kapitan. He hopped over the low fencing of the cockpit and stood by her side. Magalang nitong tinanguan si Señor Ernesto at ang mga kasamahan nito.

"Maghintay siguro tayo ng ilang minuto, señor. Kailangang maging komportable ni Kapitan sa ruweda."

"SiKi as well," kampanteng sagot ni Señor Ernesto rito bago lumipat sa kaniya ang makahulugan nitong tingin.

He smirked then walked around the cockpit until he reached its other side. There was this cool composure and gallantry in the way he so effortlessly stepped over the fencing with his right cowboy boot followed by his next foot.

Nang makapasok sa kabilang dulo ng ruweda, inunat nito nang mataas ang brasong pinapatungan ni SiKi. The rooster erected its body first and when Ernesto nudged his arm, it was the cue it needed to stretch out its wings and flutter down to the ground.

Mababa ang pag-angat ng alikabok nang bagsakan ito ni SiKi. Pagkatapos ay naglakad-lakad ito nang kaunti bago nagkaykay ng lupa.

Señor Ernesto proudly stepped back. Sumandal ang likuran ng mga binti nito sa mababang bakod ng ruweda. There was this kind of satisfaction in his eyes and in the way his lips curved without completely smiling. Pinanood nito si SiKi nang naka-ekis ang mga braso.

Maingat na pumasok na rin sa ruweda si Joan. Hindi na niya namalayang gumaya na rin ang iba pa, nakapokus lang kasi siya kay Kapitan.

Nilapitan niya agad si Kapitan at dinampot ito. She squatted with legs closed and placed the rooster on her lap, between her chest and legs, wrapped by her protective arms. Her forefinger securely positioned under the wattle of the rooster and her thumb stroked the sides of his head carefully. Panay ang iwas ng ulo ng manok pero walang-pagtutol ang katawan nito mula sa pagkakayakap niya rito.

She noticed that Señor Ernesto was watching such an endearing scene as this between her and her rooster. He probably saw how she feared for Kapitan's sake. Hinuli kasi ng honcho ang tingin ni Kyle na pinapanood din pala siya. Iniling nito pakaliwa ang ulo, tila sinesenyasan si Kyle na gawin ang isang bagay. Tumango nang pababa si Kyle bilang tugon sa amo nito bago siya nilapitan.

"Joan, hayaan mo nang maglakad-lakad si Kapitan," tabi nito sa kaniya, nakatukod sa lupa ang tuhod at ang isa naman ay nakataas. Nakapatong sa nakataas nitong tuhod ang isang braso.

Mariin siyang napapikit.

"Gusto mong manalo si Kapitan, 'di ba?" abot ng isang kamay ni Kyle sa kaniyang balikat, halos nakaakbay sa kaniya habang sinisilip ang mukha niya.

"Oo," buga niya ng hininga.

Iminulat ni Joan ang mga mata at nilingon si Kyle. This was when she realized he was so close to her. This was when she became aware of how near their faces were. Lingid sa kanila na kanina pa nakikipagpalitan ng mga senyas si Señor Ernesto sa mga tauhan nito.

Hindi pa napapakawalan ni Joan si Kapitan ay napapikit na siya sa pagsabog ng puting liwanag.

The spotlights were already turned on.

Ninerbiyos siya.

"Maglalaban na sila?" takot niyang balik ng tingin kay Kyle.

Nanatiling payapa ang mukha ng lalaki. He smiled at her, so redundant but, it remained always full of understanding.

"Hindi pa. Palalakarin muna sila rito sa ruweda. Kasama sa pagkokondisyon sa kanila ang lumakad nang naiilawan." Kyle carefully took Kapitan from her arms. "Magtiwala ka lang kay Kapitan, okay? Bago siya napunta sa 'yo, na-training na rin ito ng dati niyang amo, kaya hindi na bago sa kaniya itong gagawin niya ngayon."

Pinalaya ni Kyle si Kapitan. Sabay silang tumindig.

"Kung noong una, hindi siya namatay, baka ngayon—"

Inakbayan siya ni Kyle.

"Joan . . ." mahinahong saway nito, nakangiti.

"Sorry." Nakasunod sa palakad-lakad na si Kapitan ang kaniyang paningin. "E, kasi naman, si Kapitan na lang ang makakasama ko sa bahay. Manok na nga lang ang kasama ko ngayon sa buhay, mawawala pa."

Lumiit ang ngiti sa mga labi ni Kyle.

"Hamos na," akay nito sa kaniya palabas ng ruweda.

Nagpatangay na lang si Joan dito.

Habang pinapanood sina Kapitan at SiKi na palakad-lakad sa ruweda, binigyan na siya ng instruksiyon ni Kyle kung ano ang mga susunod na gagawin. Ayaw niyang siya mismo ang humawak kay Kapitan sa tukaan bago pagsabungin pero si Kyle na rin ang nagsabi na baka matakot at magpumiglas ito kung ang binata mismo ang gagawa niyon.

Kaya nang matapos ang pagpapalakad sa mga manok ay pumosisyon na sina Joan at Señor Ernesto sa gitna ng ruweda. Both of them bent forward and extended their arms that held their roosters securely. Hinayaan ni Joan ang pagsingit minsan ni Kyle para iwasto ang pagkakahawak niya kay Kapitan o ang pagkakaposisyon ng kaniyang mga braso.

Joan lifted her eyes and met Señor Ernesto's menacing gaze. Tumaas ang sulok ng nakaawang nitong mga labi, dahilan para gumapang ang boltahe ng hindi maipaliwanag na panganib at excitement sa kaniyang sistema. It was as if, Señor Ernesto's ardor for this game has hopped on her from his soldering stare and flowed through her whole being contagiously. Damang-dama niyang buhay na buhay ang honcho, animo'y isang bata na naghintay ng ilang oras bago pinayagang maglaro sa labas ng bahay nito.

Kapwa sila umugoy—umaatras para bumuwelo paabante bago sinimulan ang pagtutukaan ng kanilang mga manok-panabong.

Kapwa nagkulitan ang dalawang manok. Nagtukaan sa ulo. Nag-asaran.

Napapipiksi minsan si Joan. Napangungunahan kasi siya ng takot tuwing mapalalakas masyado ang pagtuka ni SiKi kay Kapitan.

Hanggang sa nagtaasan na ang mga balahibo sa leeg ng dalawang manok. Kapwa nag-init at nagpupumiglas sa galit ang mga ito mula sa mga kamay ng kanilang mga amo.

Napatingin siya kay Señor Ernesto.

It surprised her when she heard his light chuckle, when she saw the spark of glee in his eyes.

"Talpakan na! On three!" he declared.

Naalerto ang mga tauhan nitong nakapaligid sa kanila. They were starting to fill the small cockpit with enthusiastic cheers.

"One!" Señor Ernesto began.

Muling nagtukaan ang dalawang manok. Napasigaw siya nang muling kumawag si Kapitan. Humaba pa ang leeg nito para abutin nang sunod-sunod na gigil na tuka sa ulo si SiKi. Gulat na binawi ni Señor Ernesto ang manok nito, pero hinabol ito ni Kapitan!

Nakaalpas si Kapitan mula sa pagkakahawak niya, umunat at marahas na pumagaspas ang mga pakpak bago tinalon si SiKi.

"Kapitan!" abante niya para sambutin ito pero hangin lang ang naabot niya.

Gulat na napasinghap ang kanilang mga kasama. Mabilis na umatras ang mga ito palayo sa sentro ng ruweda. Kyle immediately grabbed her arm and pulled her away from the chaotic roosters.

Samantala, napaatras din sa gulat si Señor Ernesto. Dahil doon, hindi tumugma sa kalkulasyon ni Kapitan ang distansiya ng mataas nitong pagtalon. The rooster and its bared talons leapt over SiKi's head and was about to land on Señor Ernesto's face!

Joan elbowed off Kyle's grip on her arm.

"Señor!" sugod niya para itulak si Señor Ernesto palayo kay SiKi. "Makakalmot ka ni Kapitan!""

Señor Ernesto released SiKi in his shock, and landed flat on the dusty ground. Mabilis nitong itinukod sa lupa ang isang kamay para ipirmi ang pagkakaupo nito. He lifted his squinted eyes and covered his face with his other arm while peeking at the roosters.

Saglit na nagpang-abot ang dalawang manok sa ere. Pumalo ang mga pakpak ng mga ito at dumaplis ang mga tuka sa isa't isa.

Muntik nang magpang-abot ang mga kuko ng dalawang manok nang pababa na ang mga ito. Pero dahil sa tarantang pagsugod ni Joan para tulungan si Señor Ernesto, nabangga niya ang dalawang manok.

Joan let out a cry as she lifted her arms to cover her face. Sa pagkakataong ito ay wala na siyang makita maliban sa nakasisilaw na puting liwanag, nagliliparang mga alikabok, at pagaspas ng puti at itim na mga pakpak.

Nagsisisi si Joan na nagpadala siya sa pagkataranta dahil tila siya na ang sinasabong ng dalawang manok. Hindi man lang niya pinag-isipan ang ginawang ito!

Ang malala pa rito, napatid siya ng isang paa ni Senor Ernesto na nakaunat sa lupa mula sa pagkakaupo nito!

•••

 ˗ ˏ ˋ ★ˎˊ ˗ ༺𝓜𝓮𝓻𝓻𝔂༻༺𝓒𝓱𝓻𝓲𝓼𝓽𝓶𝓪𝓼༻ ˗ ˏ ˋ ★ˎˊ ˗   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀

https://youtu.be/iC4LgHqA4Ss

•••

PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024

R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery

Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro