Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

25

DAYS turned to weeks.

Weeks turned to months.

Two months passed.

Patagilid na nakasandal si Joan sa gate ng rowhouse ng mga Torre. Gayak na gayak siya. Naka-single braid ang kaniyang kulot na buhok na abot-balakang ang haba. May nakakawalang maliliit na mga hibla na bumagsak nang paikot sa kaniyang mukha at ang iba ay nakalambitin sa magkabila niyang tainga. Simpleng tokong shorts na pula ang kaniyang suot na tinernohan ng oversized short-sleeved polo shirt na may kuwelyo. Sa laki ng shirt ay umabot na ang haba nito sa kaniyang mga hita.

May usapan sila ni Kyle na dadaanan siya nito ngayong Sabado ng alas-siyete ng umaga, kaya heto siya at nag-aabang sa pagdating nito.

Tinabihan siya ni Rita na nakabulaklaking shorts  at green na tank top na napapatungan ng isang spaghetti-strapped na damit na kulay puti at may nakatatak sa glitter pink na 'Baby Girl.'

"8:10 na, wala pa rin si Kuya?" silip ng dalagta sa kalsada habang nakasandal sa kaniyang braso. Her hair swung slightly yet her side bangs were kept out of her eyes by three black hair clips.

Luminga-linga naman si Joan sa paligid. Wala siyang matanaw na sasakyan man lang mula sa magkabilang-dulo ng masukal na kalsada.

Napalabi tuloy siya. "Pero ang sabi niya, alas-siyete raw, e."

"Baka may iniutis pa sa kaniya si Sir Ernesto," hinuha ni Rita nang makalayo-layo ito sa kaniya.

Panay lang ang tingin ni Joan sa daan, hindi tinatapunan ng sulyap ang kasama. Then she sighed softly. "E 'di sana man lang, nagtext siya sa 'yo o tumawag, 'di ba?"

Sinilip ni Rita ang cell phone nito na kanina lang ay yakap at nakalapat sa dibdib nito. Nasaktuhan ni Joan ang ginawa nito kaya umasa tuloy siyang may natanggap itong tawag mula kay Kyle.

"Wala e," angat uli nito ng tingin sa kaniya pagkatsek nito ng cell phone.

Lalo tuloy siyang napuno ng kaba sa dibdib. Nakaabang na naman ang kaniyang mga mata sa daan.

"Ngayon mo raw ba talaga matitirahan 'yong bahay mo rito sa hacienda?" paninigurado ni Rita.

"Oo. Si Manong Sammy mismo ang nagsabi sa akin kahapon," tingin niya kay Rita.

Isa sa mga benepisyong nakukuha ng mga nagtatrabaho sa hacienda ay ang libreng tirahan. Siyempre, hindi agad binigyan niyon si Joan. Inobserbahan muna sa loob ng ilang buwan kung maayos ba siya magtrabaho sa manukan bago nakonsiderang bigyan ng matitirahan sa hacienda ng mga Dela Fuente.

Kaya naman maligalig siya. Kabado. Sabik. Sa wakas kasi ay magkakaroon siya ng sariling matitirahan sa hacienda kahit na hiram lang. Kahit hindi kaniya ang bahay, iba pa rin sa pakiramdam iyong may sarili siyang lugar na maituturing na tahanan, lugar na komportable siya, hindi kailangang mag-adjust para sa ibang tap, at mas malaya siyang gawin ang naisin.

Naghalo-halo na ang nararamdaman niya dahil sa tagal ni Kyle dumating.

Namilog bigla ang mga mata ni Rita dahil sa natanaw nito mula sa malayo. Napatingin tuloy sa direksiyon na iyon si Joan.

Nakasunod ang kanilang mga mata sa paglapit ng itim na Lexus. Huminto ang mga gulong nitong may gold rim sa tapat ng mababang bakal na gate.

Napamaang sila saglit. Hindi kasi iyon ang sasakyan na 'laging gamit ni Kyle kaya malamang ay hindi si Kyle itong bagong-dating.

Nakahinga lang sila nang maluwag nang bumukas ang driver's seat at pumanaog mula roon si Kyle.

Joan suppressed an automatic smile. She stopped her breathing for a bit, always believing that that would calm her heart. Because her heart would always go off on a race whenever Kyle was around . . .

Whenever she would see his dapper, charming smile . . .

Those friendly eyes . . .

Those same jeans and button-down shirt that he always carried so well . . .

His straight dark hair tossed to the side . . .

Lumapit sa kanila si Kyle.

"Ang tagal mo naman, Kuya," palatak agad ni Rita. "Kanina pa naghihintay rito si Joan. Bago pa mag-seven, nandito na siya sa gate—"

"Tama na, Rita." May nerbiyos sa kaniyang boses nang awatin si Rita. "Okay lang. Maayo na." Bumalik kay Kyle ang kaniyang mga mata. "Dili naman ako naghintay nang gano'n katagal—"

"'Sus, ano'ng dili—"

Umalis na siya sa pagkakasandal at binuksan ang gate bago pa huminto sa tapat niyon ang binata.

"Tara na, Kyle, para makatulong ako sa paghahanda ng pananghalian bago maglipat mamayang hapon ng mga gamit at—" Sa pagmamadali niya, may naalala siya bigla. "Oo nga pala, Rita," lingon niya sa nakababatang kapatid ni Kyle, "si Kapitan, pakitingnan-tingnan. Nasa may kusina 'yong kulungan niya. Huwag mo nang palabasin at baka pahirapan ako no'n maghanap sa kaniya mamaya kapag lilipat na kami."

"Okay," anito at lumipat ang tingin kay Kyle. "Agahan n'yo ang balik dito, ha? Sumabay ka na rin sa amin mananghalian."

"Sige," tipid na ngiti ni Kyle at nang marating ni Joan ang tabi ng binata, ginawaran siya nito ng mas malapad na ngiti. "Tara?"

Joan gave him a nod. A shy smile.

She walked ahead of him. Binigyan pa kasi ni Kyle ng huling sulyap ang kapatid, kaya humabol pa ito sa bilis ng mga hakbang niya para maunahan siya sa pinto ng kotse.

Umikot si Kyle sa harap ng sasakyan para buksan ang pinto sa seat katabi ng sa driver. Walang-ano-anong umupo agad si Joan. Bago pa niya naabot ang pinto, si Kyle na mismo ang nagsara niyon para sa kaniya.

Pinanood niya ang pagdaan ni Kyle sa harapan ng kotse para tunguhin ang pinto katabi ng driver's seat. Pagbukas nito ng pinto, saktong nasa driver's seat na ang tingin niya. As Kyle opened the door, she noticed something in her peripheral vision.

Napalingon tuloy siya sa upuan sa likod.

Gulat siyang napasinghap nang makita roon si Señor Ernesto.

"Señor!" gulat niyang bulalas.

Prenteng nakasandal lang ang lalaki sa backrest ng upuan. Ernesto wore his signature black tight jeans, silver round-buckled belt, and black short-sleeved button-down shirt. His buttons were undone on the upper part,  and his sleeves were tight around his biceps. His thick waves of hair were tousled, a reflection of his mind tossed in places as he wore the grave look of an overthinking man on his face. He slightly slouched, the side of his left ankle rested atop his right knee. The position showed off his ashy silver cowboy leg-high boots. His hands were almost resting on his lap, toying his silver Sony Ericsson K700.

Taliwas sa gulat niya ang ekspresiyon sa mukha nitong walang bahid ng anumang reaksiyon. Nag-angat lang ito ng tingin sa kaniya nang mabanggit ang 'señor' bago nito ibinalik agad ang tingin sa cell phone nito. His thumbs moved but never his lips that remained shut.

Tinitigan ni Joan ang lalaki. Naghintay siya kung may sasabihin ba ito pero wala siyang napala.

Napakurap siya nang marinig ang pagsara ng pinto ng kotse. Nang napunta kay Kyle ang kaniyang tingin, nagtama ang kanilang mga mata.

Hindi napigilan ni Joan ang mapangiti rito. Nagwala ang puso niya nang ngumiti rin si Kyle sa kaniya.

Señor Ernesto lifted his dark eyes once more. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Kyle bago bumalik sa hawak na cell phone.

"Umaandar ang makina. Sayang ang gas," he muttered.

Napalingon sila ni Kyle dito bago mabilis na ibinalik ang atensiyon sa manibela at pinausad ang sasakyan.

Nanatili namang nakalingon si Joan kay Señor Ernesto.

"Maayong adlaw, señor," masaya niyang bati rito. "Ang tagal din nating hindi nagkita. Mga two months din."

Señor Ernesto shrugged her off. He seemed busy texting.

Medyo tumamlay ang kaniyang boses. "Kumusta si Señora Allyssa?"

Ang Santacruzan ang huling beses na nakita ni Joan si Señora Allyssa. Pagkatapos niyon, hindi na siya nakatanggap ng anumang imbitasyon mula sa babae para magkita o magkuwentuhan man lang.

Hanggang sa puntong ito, nalulungkot pa rin si Joan dahil parang gusto na niyang maniwala sa mga sinabi ng katulong sa mansiyon na si Mona, na hindi talaga palagay ang loob ni Señora Allyssa sa kaniya. . . .

"She's good," ani Señor Ernesto na busy pa rin sa cellp hone nito.

"May nagawa ba akong hindi niya nagustohan?"

That's when he showed a hint of reaction. Only Ernesto's eyes moved, yet their puzzlement were vivid.

"E, kasi, no'ng una . . . akala ko, gusto niya ako maging kaibigan. Inimbitahan pa niya ako manood no'ng parada. 'Tapos—"

She stopped because she finally heard her saying the things that were only within her mind these past few days. And it was only at this point when she realized how ridiculous they sounded.

Tinawanan na lang tuloy niya ang sarili. 'Ano ba itong pinagsasasabi ko? Umaasa pa talaga ako na magiging close kami ni Señora. Ni hindi nga namin magka-level sa buhay! Magkaiba ang antas nila.'

"You're expecting na 'laging makikipagkita at makikipagkuwentuhan sa 'yo ang asawa ko?" busangot naman ni Señor Ernesto. Tumuwid na ito ng upo at ibinulsa na rin ang cell phone.

Unti-unti siyang pumihit ng pagkakaupo at napangiwi nang talikuran niya si Señor Ernesto at ibinalik sa harap ang tingin.

'Ang galing naman manghuli ng masungit na 'to kung ano ang susunod kong sasabihin!'

Bumuhos ang pagkapahiya sa buong pagkatao niya.

"My wife is pregnant." He suddenly spoke softly, as if he was trying to make the reality less painful for her. "She's not being mean to you or anything. May pinagdadaanan lang siya ngayon na mas mahalagang unahin at pagtuonan ng pansin kaysa sa makipagdaldalan sa 'yo."

Lalo siyang tumiklop dahil sa sobrang kahihiyan. Tama nga siguro ang komento ng iba tungkol sa kaniya, na isa siyang walang-muwang. Napakababaw nitong iniisip niya tungkol kay Señora Allyssa. Napaka-feeling close niya at hindi man lang niya isinaalang-alang ang pagbubuntis nito.

Nagdadalang-tao ang babae. Tiyak na naka-focus doon si Señora Allyssa. Tiyak na abala ito sa paghahanda para sa panganganak nito, sa pagpapahinga at pag-iipon ng lakas. O 'di kaya'y sa pag-aasikaso sa pagbili ng mga gamit ng anak nila ni Señor Ernesto.

She melted inside. Dama ni Joan na magiging suwerte ang bata dahil nanay nito si Señora Allyssa.

"Pagpasensiyahan n'yo na po si Joan, señor," magalang na pagtatanggol sa kaniya ni Kyle. Sinilip lang nito sa rearview mirror si Señor Ernesto. "Ewan ko ba. Gustong-gusto niyan si Señora Allyssa."

Lumagapak agad ang palad niya sa braso nito. Gulat na napapiksi tuloy ito.

"Ano ba, Joan!?" Namilog sa takot ang mga mata nito. "Nagda-drive ako!"

"Ano ba kasi 'yang mga pinagsasasabi mo?!"

"Totoo naman, a? Idol na idol mo si Señora. Paulit-ulit ka sa 'Kagaganda niya.' At saka 'Ang pino kumilos, parang reyna' at—"

"Tama na nga! Baka isipin pa ni Señor, aagawin ko ang asawa niya!"

"Paano mangyayari 'yon, e, M.U. na tayo—"

Nagulantang siya.

"Nano'ng M.U.?!" bahagyang pagtaas ng kaniyang boses.

"Mamaya na. Nagda-drive ako—"

"Ano ngang M.U. iyang pinagsasasabi mo?!"

Hindi siya pamilyar sa termino. Kinakabahan tuloy siya sa kung ano ang posibleng tumakbo sa isip ni Señor Ernesto dahil sa binanggit na iyon ni Kyle.

Nangingiting inihilig naman ni Kyle ang ulo nito. "At saka ko na i-e-explain." Nilingon nito si Señor Ernesto. "Iyon po 'yong bahay, señor."

Nakatanaw sa loteng nilalapitan ng kotse ang seryosong mga mata ng honcho, gayundin si Kyle.

"Sige," ani Señor Ernesto.

Napasandal na lang si Joan sa kinauupuan.

'Ano ba 'yong M.U. na 'yon? M.U. raw kami ni Kyle. M-May . . . May usapan? May u . . . u . . .'

Then, her thoughts were interrupted. Napansin niya kasi ang pagtabi ng sasakyan sa gilid ng kalsada. Huminto ito sa tapat ng isang maliit na lote sa dulo ng hanay ng mga rowhouse na tirahan ng mga empleyado sa hacienda.

Pagbaba mula sa sasakyan, hindi agad nakaalis si Joan sa likuran ng pinto nito. Namamanghang ipinatong ni Joan ang isang kamay sa ibabaw ng pinto, ang isa nama'y sa ibabaw ng bubong ng kotse.

She was welcomed by the cool morning air. The soft touch of sunlight reflected against the white walls of the house that she sighted, making it seem like it was glowing.

Tinanaw niya ang kaniyang magiging bagong tirahan. Isa itong maliit na bungalow. Bagong pintura ang matingkad na pulang yero na bubong nito—kulay na karaniwang ipinangkukulay sa tirahan ng mga trabahador sa hacienda. Puti naman ang para sa mga pader nitong sementado. Sarado ang mga bintana nitong jalousie, gayundin ang pintong pininturahan ng brown bago barnisan. Patayo ang bakal na grills ng bakod na nakapaikot sa maliit na lupain, kaya kitang-kita ni Joan ang bahay.

"Joan," pukaw sa kaniya ng tinig ni Kyle.

Isinara niya ang pinto ng kotse at sinundan ang dalawang lalaki.

It was Kyle who pushed the low metal gate open. Pinauna nitong pumasok si Señor Ernesto bago siya inalalayan ng binata sa siko habang sinasabayan siya sa paglakad.

Joan was so absorbed, astounded at the house, she barely noticed Kyle's every gesture.

Siguro, para sa ibang tao ay maliit lang ang bungalow at masyadong simple. Pero para sa katulad niya na tumira sa halos barong-barong na tirahan, gandang-ganda na rito si Joan.

The soles of her shoes brushed and crunched against the dry, dusty ground. Hinayaan niyang igiya siya ni Kyle hanggang sa huminto sila sa tapat mismo ng bahay.

"Dito na ako titira?" masayang lingon niya kay Kyle.

"Oo." Si Señor Ernesto ang sumagot para dito. Akala yata ng honcho ay ito ang kaniyang kausap.

Napunta uli sa harap ang tingin ni Joan. She watched Señor Ernesto step closer to the house, his back turned to them. He stretched out a hand to his right, dangling down a key attached to a ringchain that his thumb and forefinger were pinching.

Joan glanced at Kyle once again. This time she gave him a look that asked for his approval. He smiled and gave her an encouraging nod, so she excitedly went to Señor Ernesto.

Handa na siyang hablutin ang susi nang bawiin ng honcho ang kamay nito. Ikinulong nito sa palad ang susi. Her palm brushed against his knuckles, sending her an alarming jolt of electric that made her quickly withdraw her hand.

Joan rubbed her palm with her other hand, nursing it from the shocking trickle of electric pain that she felt.

Nagnakaw siya ng nagugulohang tingin kay Señor Ernesto. Saktong humarap naman ang masungit na lalaki sa kaniya. Napaawang ang mga labi niya sa gulat nang maagap nitong nahuli ang kaniyang mga mata.

"Tandaan mo, nakikitira ka lang sa bahay na ito. Kaya responsabilidad mong ma-maintain ang pagkakaayos nito. Klaro?"

"Klaro." At inilahad niya ang kamay nang may malaking umaasang ngiti sa mga labi.

Napalabi si Joan dahil hindi pa rin inabot ng lalaki ang susi ng bahay.

"Bawal ka rin magpatira sa bahay na ito ng kung sino-sino nang hindi mo ipinapaalam sa akin o kay Mang Sammy. Maliwanag?"

"Gano'n?"

Naningkit ang mga mata nito. "Mukhang may balak kang patirahin dito."

"Pa'no kung makita ko uli ang kapatid ko? Siyempre, isasama ko siya rito."

"You really don't give up on him, do you?" anas nito. Imbes na humanga sa katatagan niya at hindi mawala-walang pag-asa, tila kinukuwestiyon pa nito at mas nadidismaya pa ang lalaki roon.

"Ne-ber!" determinado at puno ng kumpiyansa niyang paninindigan.

Señor Ernesto released the key. Mabilis na sinalo ito ng isang kamay ni Joan. Paghila niya, hindi sumama ang susi sa kaniya. Humigpit kasi bigla ang hawak dito ng honcho. Pagkatapos ay hinila ito ni Señor Ernesto kaya gulat na napaabante siya palapit dito.

Gulat na napatingala siya rito.

His very presence seemed to loom over her. At close range, he was intimidatingly tall. He also smelled so luxurious and manly, almost powdery—of polished leather, sandalwood, and white musk. A balance of mild and strong that matched how blown away she was by the sudden closeness, then tamed by the wave of comfort that followed.

"One last thing, but the most important—" His voice lowered. It became heavier as his intense eyes pierced on hers. "Ayusin mo ang trabaho sa manukan."

Napasinghap siya. "Maayos ako magtrabaho, señor!"

"Oh, really?" bitiw nito sa susi. Puno ng pagdududa ang boses at naniningkit ang mga mata nito.

Napaatras si Joan. Halos yakapin niya sa kaniyang dibdib ang susi na nakakulong sa magkasalikop niyang mga palad.

"Sigurado kang maayos ka magtrabaho?" salubong ng mga kilay nito. "Umaabot sa akin ang balita, Joan. Binulabog mo noong nakaraang linggo lang 'yong mga umagak kaya nagkagulo sa poultry house at may nabasag na mga itlog. At may mga palpak ka pa noong unang mga araw mo sa trabaho."

"Señor naman!" tanggol niya agad sa sarili. "Bago pa lang ako sa trabaho, dapat perfect na agad?"

"Ang sabi mo, maalam kang mag-alaga ng manok dahil nag-aalaga ka noon ng manok-panabong ng tatay mo," mariin nitong wika.

"Señor, at saka na ho sana ang mga sermon at usapang-trabaho," magalang na singit ni Kyle. Joan felt her knight-in-shining armor behind her, and that he literally got her back. "Dapat e, makapagsaya man lang si Joan dahil may sarili na siyang tirahan."

Señor Ernesto just scoffed. Halatang hindi ito tinatalaban ng mga ganoong linya. Kay Señora Allyssa lang yata ito nagkakaroon ng feelings.

"Anong oras kayo maglilipat ng mga gamit ni Joan dito?" anito na parang walang narinig. "Huwag sana iyon maging abala sa mga ipinagagawa ko sa 'yo, Kyle. Hindi dapat abutin ng gabi ang mga 'yon."

"Ngayong hapon kami maglilipat ng mga gamit niya rito, señor," mabilis na sagot ni Kyle. Mas sumeryoso na rin ang binata.

Umatras naman si Joan para umalis sa gitna ng dalawang lalaki. Tumabi siya kay Kyle.

"Tumulong ka lang sa pagdadala ng mga gamit ni Joan dito. Ang mga kapatid mo na lang ang bahalang tumulong sa kaniya sa pag-aayos sa loob ng bahay o paglilinis."

Kyle turned to her. "Ayos lang ba 'yon sa 'yo?"

"I'm your boss, Kyle," Señor Ernesto muttered, looking away in disappointment.

Hindi iyon nahagip ng pandinig ni Kyle na nakaabang ang mga mata sa kaniya.

Meanwhile, this scenario made her feel special. Ewan pero sa mga oras na ito, pakiramdam niya ay mas importante siya kay Kyle kaysa sa trabaho nito o sa mismong amo nito. She felt the fluttering of wings deep in her chest, up to the pits of her stomach.

Nahihiyang ngumiti si Joan. "Oo naman."

Nanatili silang nagtititigan ni Kyle. Nagngingitian . . . Ewan ni Joan kung ano pa ang hinihintay nitong sagot mula sa kaniya. Sinagot na kasi niya ang tanong nito. Basta ang alam niya, may kumikiliti sa kaniyang sikmura habang nagtititigan ang mga mata nila ni Kyle.

"Baka maghalikan pa kayo sa harapan ko. Kumilos na kayo." Señor Ernesto waved a hand and walked back to the car.

Tila hindi malaman ni Kyle kung matatawa o ano. Tinanaw nila si Señor Ernesto na palapit pa lang sa naiwang bukas na gate.

"Bakit gano'n magsalita si Señor, nano? Akala mo, sawi sa pag-ibig, pero in-love na in-love naman kay Ma'am Allysa?" Joan wondered.

"Gan'yan lang talaga si Sir kapag ibang tao ang nakikita niya," magaang tawa ni Kyle. "Naiilang siguro. Pero imbes na magalit, idinadaan na lang niya sa pagsaway. Sila kasing mga mayayaman, hindi nagpi-PDA. Mga conservative. Gano'n."

"Conservative?" Napaisip siya.

"Oo. 'Yong tipong dapat maganda ang image nila. Pino kumilos. Kagalang-galang tingnan. Ayaw nilang matawag na naglalandian o anuman na may kinalaman doon."

Napanguso siya. 'Naglalandian?'

Naalala bugla ni Joan na nanapak si Señor Ernesto sa sabungan noon at mukha itong gusgusin noong natamaan ng sungay ng toro sa tagiliran.

'Parang ang layo naman ng hitsura noon ni Señor mula sa pagiging pino. . . .'

Kumunot ang noo niya. "At ano ang PDA?"

Kyle was shocked. "Pati ba naman 'yon, hindi mo alam ang ibig sabihin?"

Umiling siya.

"Mamaya na natin pag-usapan. Baka pagalitan na ako ni Señor kapag hindi tayo sumunod agad sa utos niya," yaya ni Kyle.

Sinundan nila si Señor Ernesto na nakasakay na sa kotse nito.

When Joan got back to the passenger seat, Señor Ernesto just seated at the back, looking at the window.

He looked bored but deep in thought at the same time.

'Nag-aalala siguro siya para kay Señora Allyssa. O baka kinakabahan siya kasi magiging tatay na siya. . . .'

Bakit kung saan-saan na naman napapadpad ang kaniyang isip?

Kyle kept glancing at her, catching in three consecutive instances that Joan's eyes remained fixed on Señor Ernesto's reflection at the rearview mirror.

"Nakahanda na ba ang mga gamit na dadalhin sa bago mong bahay?" basag ni Kyle sa katahimikan sa kalagitnaan ng kanilang biyahe pabalik sa tirahan ng mga Torre.

"Oo," harap niya agad dito. "Nasa sala lahat. Kahit si Kapitan, naka-ready na." Joan could not hide the excitement in her voice. "Inilagay ko na siya sa kulungan niya, para bibitbitin na lang—"

"Kapitan?" Senor Ernesto interrupted. "Is that the loser chicken?"

"Hindi loser si Kapitan, no!" irap ni Joan dito.

"Then, we'll see tonight." A playful grin tossed back and forth at both corners of his lips.

"Tonight?" she echoed.

Napunta kay Kyle ang tingin ni Señor Ernesto. "May sabong sa katapusan, 'di ba, Kyle?"

Tila mas gumaan ang mood ng honcho. Parang may magic ang sabong at mabanggit lang iyon ay gumaganda agad ang disposisyon nito.

"Opo, sir." Sa daan na uli nakatuon ang tingin ni Kyle.

"Kailangan lang ng kaunting practice ni SiKi, ng ka-sparring ba."

Napatingin si Joan kay Kyle. She saw his jaws tightened. Protest danced in his usually amicable round eyes.

Then, his serious face transitioned into a gentle smile. "Si Kapitan ang ilalaban natin kay SiKi?"

"Kuha mo," Señor Ernesto proudly grinned. Sumandal ito sa kinauupuan. "Pagkatapos mong maglipat ng mga gamit nitong si Joan, tuloy ang trabaho mong tumulong sa pag-setup sa ruweda. Klaro?"

Tila napaisip saglit si Kyle. Hindi man lang siya nito tinapunan ng nagtatanong na tingin. Ni hindi man lang nito tinanong kung pumapayag ba siya.

"Sige po, señor," mahina nitong wika.

Señor Ernesto looked at her and displayed a smug grin as if he had already won before the fight even began.

Tahimik namang tumuwid ng upo si Joan. Naalala niya ang derby noong Mayo—ang pagliliparan ng mga balahibo ng manok; ang marahas na pagpagaspas ng mga pakpak at pagwasiwas ng matatalim na mga kuko at mga tari sa cockpit; ang palatak ng mga manok-panabong . . .

Ang mga patak ng dugo . . .

Her pensive facial expression was replaced with worry.

***

BUMAHA ng kahel sa Nilabanan. Nakaalpas man ang mga sinag ay natatakpan naman ng ulap at nagtataasang mga puno ang palubog na araw. Kahalo ng kahel na liwanag ang mabigat na aninong kawangis ng hugis ng mga dahon mula sa mga puno. Nakasisingit sa bawat awang ng mga aninong ito ang matingkad na liwanag mula sa papalubog na araw. . . .

Mga anino na tumatakip ang ilan sa tindahan ni Aling Pearly . . .

"Ay! Dili na lang pala Pepsi. Royal na lang pala para kay Gerald," wika ng lalaking nakatayo sa tapat ng tindahan ni Aling Pearly.

Halos masakop na ng mga kalalakihan ang buong harapan ng tindahan. Karamihan sa kanila ay shorts na lagpas-tuhod at sando o 'di kaya'y T-shirt ang mga suot. Ang iba naman ay nakahubad-baro dahil ayaw mababad sa mga damit nilang nabasa sa dagat. Para sa kanila, wala rin namang kuwentang magbaon ng damit-pamalit dahil sa sobrang liit ng kanilang mga bangka ay mababasa lang din ang mga iyon kapag umuga o nakasampa ang alon sa loob ng bangka.

Mga mangingisda ang mga ito at kauuwi lang galing sa buong araw na pangingisda at pagkakarga ng mga nabingwit para maibenta sa pamilihang-bayan. Tatlo sa mga ito ay nagsiksikan sa sementadong upuan sa kanan ng tindahan Ang iba naman ay nakaupo sa upuang nasa kaliwa ng tindahan.

Natatakpan ng mga panindang nakasabit sa grills ng tindahan ang hitsura ng loob niyon, pero sa espasyo sa gitna ay kitang-kita ang nakabusangot na mukha ni Aling Pearly.

Nakabusangot ang matanda dahil pabalik-balik na ito sa chest freezer. Iniisip lang naman ng matandang babae ang pagtaasa ng gastusin sa kuryente kapag pabukas-bukas ng freezer.

"'Yong maliit," paglilinaw pa ng bumibiling si Stefano sa sukat ng bote ng softdrinks na gusto nito.

Nilingon ni Stefano ang mga kasamahang nasa kaliwang upuan. "O, lahat ba, may iniinom na? Si Gerald na lang ang wala pa?"

"Si Totong pa," sagot ng isa sa mga ito.

Hinanap ni Stefano si Totong. "Diin na 'yon?"

"Nandoon pa sa ihawan ni Tatay Mong," sagot ng lalaking umiinom sa straw na nakatusok sa maliit na bote ng Coke. "Siya ang pinabili natin ng ihaw-ihaw, 'di ba?"

"Oo nga pala—" At natigilan si Stefano dahil mula sa mabining sikat ng palubog na araw ay humalili rito ang pagbagsak ng isang anino sa mukha nito.

Paglingon nila, siyang balik ni Aling Pearly sa harap ng tindahan dala ang maliit na babasaging bote ng Royal. Pagkatanggal ng tansan, nagnakaw ng sulyap ang mga mangingisda. Kumuha pa ito ng straw bago napagtanto na may palapit na bagong dating sa tindahan nito.

Dali-daling bumalik si Pearly sa harap. Mula sa likuran ng grills na harang ng tindahan, namilog ang mga mata nito.

Tumambad sa kanila ang isang may kapayatang lalaki. The twenty-eight year old man had some sort of youthful glow in him. With his back turned to the setting sun and his eyeglasses on, being against the light made the look in his eyes hard to make out.

Sa kabila naman ng inaning mga tingin nito, patuloy ang tiyak at mabagal na mga hakbang nito palapit sa tindahan. Hanggang sa luminaw na para sa lahat ang buong mukha nito.

Natamaan nang kaunti ng sinag ng palubog na araw ang gilid ng mukha ni . . .

"Nilo!" masayang bulalas ni Aling Pearly.

Ang bagong dating ay si Nilo— ang bunsong anak ni Aling Pearly.

•••

PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024

R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery

Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro