Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24

NAGANAP ang handaan sa mansiyon ng mga Dela Fuente. Nang matapos ang misa, dito ipinagpatuloy ang selebrasyon.

Pagpasok sa pinto, bumungad agad ang marmol na stand sa foyer kung saan nakasalansan sa ibaba ng salaming imahen ng Birheng Maria ang makulay na mga bulaklak. Most of those blooms were in gentle shades of blushing pink.

Maging ang mga balustre ng grand stairs sa likuran nito ay napupuluputan ng berdeng garlands na may ilang mga rosas na pink.

Nagkikislapan ang mga ilaw pero agaw-pansin ang chandelier sa sentro ng kisame. They dangled overhead, sparkling clear champagne-colored reflections.

It swept Joan away, overwhelmed her.

'Nakapunta na ako rito pero tuwing gabi pala, parang palasyo ang bahay na ito. Kaganda ng mga ilaw. At hindi sila umiilaw lang . . .' Her eyes glittered, admiring the chandelier lights cascading in circles. 'Kumikislap ang mga ilaw. . . .'

Mabilis na umusod si Joan nang makaramdam na may papalapit mula sa kaniyang likuran. Pinanood niya ang paglagpas sa kaniya ng isang babaeng naka-long gown na puti.

Her gown was white but studded with sparkling little beads. Flowers dotted down along her dark, long, wavy hair that draped on her left shoulder. Isa ito sa mga kababaihang kasali sa prusisyon. Nakabuntot dito ang isang lalaking may kalakihan ang katawan, nakapantalon, at T-shirt na green.

Nang makapasok sa mansiyon ang babae, nilingon nito ang lalaki na pinagbitbit nito ng higanteng sobre. That thing that Joan thought was a giant envelope was actually a glittery silver pouch.

Naghiwalay na ang dalawa ng landas. Tumuloy ang magandang babae sa mansiyon. Ang lalaki naman ay binalikan ang iniwang kotse sa tapat ng mansiyon at pinasibat iyon paalis. Humalili sa sasakyan nito ang panibagong kotse na magara katulad ng pinalitan nito sa tapat ng mansiyon.

At ang bisitang lumabas mula sa sasakyan ay katulad din ng mga nauna—magaganda at makikisig, mukhang mamahalin ang mga kasuotan, at pino kung kumilos kahit 'laging nakataas-noo at puno ng kumpiyansa ang tiyak na mga hakbang.

Dumami at halos nagsabay-sabay na ang mga pagdating ng mga bisita. Ang ilan pa sa mga ito ay nakilala ni Joan dahil mga artista. Joan could only hold her breath in awe as they walked past her.

Her eyes glittered, as if reflecting the stars that she was watching as they fell from heaven just to attend the event. She could only dreamily follow each one of them with her eyes while slightly cocking her head to the side and holding the single-stemmed rose close to her chest. Her smile was tight-lipped but stretched so wide. Hindi tuloy napansin ni Joan ang paglapit sa kaniya ni Señor Ernesto.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?" salubong ng mga kilay nito ngunit malumanay ang tono ng pananalita. 'Buti at mukhang wala sa mood magsungit ang lalaki sa kaniya.

"E, kasi . . ." Nagbaba siya ng tingin, hindi malaman kung paano magpapaliwanag. She saw her red flipflops and wiggled her toes. "Iba kasi 'tong suot ko. Nakahihiya namang humalo ako sa mga tao sa loob. Hindi ako presentable tingnan."

He gave her a stare. It was as if he read her mind and figured out that she was just being shy. Hindi naman mukhang nag-alala si Señor Ernesto. Tila balewala lang rito ang kaniyang mga sinabi.

"Dito ka lang. Papupuntahin ko sa 'yo si Kyle."

A, iyon siguro ang dahilan! Kaya siguro tila hindi ito apektado ay dahil iniisip nitong magbabago ang kaniyang isip kapag si Kyle ang nakiusap sa kaniya na manatili sa party.

"Kahit gamitin mo pa si Kyle para kulitin ako, hindi ako papasok," irap niya rito.

"I don't care. Whatever your decision is, si Kyle na ang mag-aasikaso sa 'yo. I'm leaving you with him because I have to go and check on my wife now."

Magsasalita sana si Joan. Gusto niyang sumama kay Señor Ernesto para malapitan si Señora Allyssa. Simula kasi noong nasuotan ito ng gown, hindi na niya ito nalapitan man lang o nakausap. How she wanted to thank Allyssa for this beautiful evening, for this new experience. Pero dinaig na naman siya ng hiya.

Matamlay siyang tumango-tango."Sige, Señor—"

Nanlaki ang mga mata niya dahil paalis na ito. Ni hindi man lang yata nito hinintay na makasagot siya rito!

Nilakasan ni Joan ang boses. "Pakisabi kay ma'am—" pahabol niya na nagpatigil dito, "—salamat!"

Their gazes met. May pagtatanong sa pagkakatitig ng mga mata ni Señor Ernesto sa kaniya.

Kumalma na ang kaniyang boses. "Pakisabi, salamat kasi niyaya niya akong manood ng prusisyon at dumalo sa misa. Ang saya ng Flores De Mayo at nitong Santacruzan. Nag-enjoy ako. At kagaganda niya. Nilang lahat sa parada." She said all of that in one breath. Then, she smiled sheepishly, close-lipped.

"Are you not gonna thank me too for the—"

Nagulat siya. Nag-panic. "Siyempre, salamat din sa inyo, señor! Salamat sa tubig. At saka sa band-aid. Pati sa sukli. At dito," angat niya sa rosas.

His expression did not change at all but he seemed satisfied to be credited for something.

'Hindi talaga nagpapalamang sa anumang bagay ang mga Dela Fuente,' isip ni Joan habang nagpipigil ng nanunuksong ngisi at naghihintay sa isasagot ng honcho.

Hindi naman nagsalita pa si Señor Ernesto. Tumuloy lang ito sa pagpasok ng mansiyon.

Sumandal si Joan sa pader at ipinagpatuloy ang panonood sa nagdadaanang mga bisita. Ang dami nila! At ang ipinunta ng mga it ay isang after-party para sa matagumpay na Santacruzan at taimtim na pamisa sa simbahan. She didn't know that rich people could be this religious! TV and movies mostly portrayed rich people as evil and worshippers of money.

'Kaya siguro 'lagi silang sagana sa buhay . . . paladasal kasi sila . . . Palasimba . . .'

"Joan," sulpot ni Kyle mula sa loob ng mansiyon.

Umalis siya agad sa kinasasandalan.

"Kyle!" singhap niya. She even did a little skip as she approached him. Joan scolded herself at the back of her mind. 'Bakit parang sobrang excited kang makita siya? Halata ka masyado!'

Kyle wore the same old jeans partnered with a button-down red shirt. Uniporme na yata iyon ng mga vaquero sa hacienda kaya 'laging ganoon ang istilo ng suot nito.

He still managed to smile handsomely, but his eyes were slightly half-closed, his shoulders dropped. Kahit ang boses ni Kyle, walang kabuhay-buhay.

"Tara sa loob," pihit nito paharap sa pinto nang pigilan ito ng kaniyang sagot.

"Naku, dili na ako papasok." She grabbed her left arm with her right hand.

Humarap ito sa kaniya at mapang-unawang ngumiti. "Huwag ka nang mahiya."

Pinasigla ni Joan ang boses kahit taliwas ang tunog niyon sa kabog ng kanyang dibdib.

"E, ano naman ang gagawin ko sa loob? Wala akong kilala do'n. Isa pa, sigurado, magiging busy ka masyado para samahan ako."

Nanatili ang ngiti ni Kyle. He gently pulled her close by reaching the back of her shoulder.

"Kung gusto mo, sumama ka kina Mona sa kusina. Doon, wala kang makahahalubilo masyado na mga bisita." He almost begged. "Kumain ka kahit kaunti habang tinatapos ko ang trabaho ko rito."

Naunawaan na ni Joan. She had to stay, so Kyle would be able to keep doing his job. Makakaabala sa trabaho nito kung magpapahatid siya agad dito pauwi, pagkatapos ay babalik na naman sa mansiyon.

'Mukhang pagod na pagod na rin siya. Nakaaawa . . .'

Puwede namang umuwi si Joan nang mag-isa. Ang maglakad. Pero ayaw niyang sumama rin ang loob ni Kyle o ang mag-alala ito. Ayaw nang maulit ni Joan ang ginawa noon sa kaniyang kapatid, na nagsariling lakad siya na nagdulot ng problema nila at pinag-alala pa ito.

"Sige," payag niya sa wakas.

Nang iwanan siya ni Kyle sa kusina, napaupo na lang si Joan sa bar stool dito. Nagsilbing mesa niya ang kitchen counter na nasa sentro ng kusina. It was a big block of square white marble with streaks of vague orange. Nasa pinakagitna nito ang isang kulay aluminum na lababong may gripong kakulay niyon.

Along the walls were built-in wooden cupboards, racks, and high-end futuristic kitchen appliances ranging from Whirlpool to LG.

Abala ang ibang mga katulong sa paghahanda ng ilalabas na mga pagkain. Ang iba naman ay sinabayan ni Joan sa pagkain. Nagmamadali ang mga ito dahil nagpapalitan sila sa mga gawain. At dahil nagmamadali, nahihiya si Joan na kausapin ang mga ito. Ayaw niyang makaabala.

Medyo nakayuko si Joan habang kumakain. Pinagsama-sama niya sa iisang plato ang bawat klase ng handa mula sa matamis na leche flan hanggang sa pinaghalong tamis-asim ng sinangkutsa sa manok. May nakatabi pa sa mga ito na mainit-init na jasmine rice, isang hiwa ng caramel cake, at iba pang ulam.

Nakalapag naman katabi ng kaniyang pinggan ang ilang piraso ng carmelado na nakabalot sa iba't ibang kulay ng wax wrapper at ilang plastic na may tatlong piraso ng molido sa loob. Ang caramelado ay ang pastillas ng mga Masbateño— malambot, malinamnam ang tamis, at makrema. Ang molido naman ay durog na pili nuts at kinudnod na niyog na nakalubog sa pinatigas na tinunaw na pulang asukal. Sinadya ng mga Dela Fuente na isama ang mga ito sa handa para may maiuwing souvenir mula sa Masbate ang mga bisitang tagasiyudad o ibang bayan.

Joan's cheeks almost puffed as she ate. But that did not make her stop nor slow down. Nang nasayaran na kasi ng pagkain ang kaniyang sikmura ay saka lang napagtanto ni Joan na kanina pa siya gutom dahil sa tagal ng prusisyon at misa kanina.

Napapiksi siya nang may umupo sa kaniyang tabi.

"Kumusta ang luto ni Manang Wena sa Sinangkutsa?"

Nalingunan niya ang isang pamilyar na mukha, bilugan ito at payapa. Bilugan din ang mga mata ng babaeng mahigpit ang pagkaka-low ponytail ng unat na unat na buhok.

Tinapos muna ni Joan ang pagnguya at paglunok. Muntikan pang siyang masamid bago nakasagot.

"Masarap!" masigla at totoong-totoo niyang deklara.

Hindi ngumiti ang babae pero may pahiwatig niyon sa mukha nito. Halo-halo rin ang pagkaing nasa plato nito.

"Parang sinigang na hinaluan ng ginataan, 'di ba?"

Ewan ni Joan. Hindi niya tanda kung nakakain na ba siya noon ng sinigang o ginataan. Madalang lang kasi siya kumain ng ganitong klase ng mga pagkain. Mas madalas pa sila kumain ni Kobi ng huli nitong isda na tamang prito o ihaw lang ang pagkakaluto. Pero ang pinakakaraniwan ay ang pag-uulam nila ng asin, tuyo, toyo, dilis, tsitsirya o 'di kaya'y mga de-lata.

Tumango-tango na lang siya bilang sagot sa tanong ng babae.

"Ako nga pala si Mona," pakilala ng babae.

"Ako si Joan," magalang niyang tango rito. Hindi niya maibaba ang kutsara para makipagkamay.

Tumango ito. "Dito ka rin magtatrabaho?"

Nabuhayan siya. Mukhang gusto kasi ni Mona makipagkuwentuhan. Sa wakas, may makakausap na siya. Hindi na siya maiilang sa mga kasama sa kusina habang naghihintay kay Kyle.

"Oo." Hindi niya maitago ang kaniyang ngiti, ni mapigilan ang pagsigla ng kaniyang boses. "Sa manukan. Requirements na lang daw ang kailangan ko."

Tila nag-alala bigla si Mona. "At kina Kyle ka nakikitira sa ngayon?"

"Oo." Medyo nahiya siya. "Aram ko, hindi siya magandang tingnan, na nakikitira ako sa bahay ng lalaking hindi ko gaano kilala." Biglang nagkaroon ng pag-asa sa kaniyang tinig. "Pero, kapag naman nakapagpasa na ako ng requirements at magsisimula nang magtrabaho, bibigyan naman ako ng sarili kong matitirahan dito. Lilipat ako ro'n."

Tumango-tango si Mona. She sounded more satisfied than happy for her. "Mabuti kung ganoon."

"Tama."

'Sana walang masama sa mga sinabi ko.'

Bakit nga ba ganito? Natatakot siyang magkamali. Natatakot siyang mali ang maging impresyon ng mga nakakausap niya sa kaniyang mga sinasabi.

Hinarap na ni Joan ang sariling pagkain.

Tumingin-tingin naman ni Mona sa paligid bago mas inilapit ang mukha nito sa kaniya. She spoke so discreetly, as if sharing a secret to her. "Pero sigurado ka bang gusto mong magtrabaho rito?"

Gulat niyang nilingon ito. Akala niya, wala na itong sasabihin pero meron pa pala at mas nakaiintriga pa!

Nagulohan siya. Mona's blank face was just so hard to read. Hindi alam ni Joan kung ano ang iisipin sa sinasabi o ikinikilos nito.

"Oo naman. Bakit?"

"Ako kasi ang 'laging kasa-kasama ni Señora Allyssa. Galing sa Tagaytay kasi ang señora at maalam akong mag-Tagalog, kaya ako ang personal niyang katulong."

Sa pagkakataong ito lang napagtagpi-tagpi ni Joan ang lahat, na kaya pamilyar ang hitsura ng babae sa kaniya ay dahil ito rin ang kasa-kasama kanina ni Señora Allysa, ang nag-aasikaso rito noong kasagsagan ng Santacruzan.

"Hindi palagay ang loob sa 'yo ni Señora," patuloy nito, walang bahid ng pagdadalawang-isip.

'Hindi . . . palagay?' Natulala siya saglit bago natawa. "Bakit naman nananakot ka, Mona?" iling-iling niya. Napakaimposible lang kasi ng sinabi nitong hindi palagay sa kaniya si Señora Allysa. "Mabait sa akin si Señora. Pinasama pa nga niya ako sa inyo kanina para makapanood ng Santacruzan."

Itutuloy na sana niya ang pagkain nang maningkit ang kaniyang mga mata. Pinukulan niya ng matalim na tingin si Mona.

Nagtitimpi siya kahit nanginginig ang kaniyang mga labi. Ayaw niyang lumikha ng eskandalo kaya sinikap niya na babaan ang tono ng pananalita. "Teka . . . Sinisiraan mo ba si Señora Allyssa?"

Nanlaki ang mga mata nito. "Shh! Hindi!"

"Kung gano'n bakit nagsasalita ka ng gan'yan? Bakit pinapalabas mo na may galit siya sa akin?" Nabitiwan na ni Joan ang kutsara at napapihit ng pagkakaupo para harapin ito nang mabuti. "Ginagawa mong panakot si Señora Allyssa sa akin? Alam ba ni Señora itong ginagawa mo?"

"Makinig ka," mariin nitong saad habang panay ang nakaw ng tingin sa nagkukumahog na mga katulong sa kanilang paligid. "Ang sinasabi ko lang, hindi ka dapat manatili rito sa hacienda. Umalis ka sa bahay nina Kyle. Huwag mo nang hintaying makatikim ka ng galit ni Señora o ng mga Dela Fuente. At lalong-lalong huwag na huwag mo siyang sasagarin para mapunta sa ganoong punto. Magpakalayo-layo ka na lang. Maghanap ka na lang ng trabaho sa ibang lugar."

Kinabahan siya lalo. 'Bakit ayaw ng mga tao rito na pumirmi ako sa hacienda? Una, si Señor. 'Tapos ngayon, pati itong Mona na 'to. At paanong hindi palagay ang loob ni Señora sa akin?'

Isang kasinungalingan iyon. Sigurado si Joan. Hindi totoo ang sinasabi nito tungkol kay Señora Allyssa!

Joan hung her head down and faced her plate again. Samantala, kontentong pinagmadan siya ni Mona. Naghintay ito sa pagpoprotesta niya o ng anumang tugon. Nang walang napala, kumain na ito at hindi na siya kinausap uli.

Pinili naman ni Joan anh manahimik para makapag-isip-isip nang mabuti.

***

MATATAGALAN ang mga stylist at ilang katulong sa pagtulong kay Allyssa sa paghubad sa gown at mga alahas nito. Dahil doon, napilitan si Ernesto na ipagpaliban muna ang balak na kausapin ang asawa nang masinsinan.

Sinamahan niya ang mga magulang sa pag-welcome sa mga bisita. Isa-isa niyang kinausap ang mga ito at pinaunlakan ang ilang paanyaya na sumama sa picture-taking. There were times when he would anxiously glance at the walkway but he would only see the guests and the flowery foyer and not Allyssa, not even her shadow.

His wife only appeared during dinner time.

Nothing was left on Allyssa but a light touch of pinkish lip balm on her lips and a fluffy coral pink coat on top of her silvery satin dress. Her straight hair was tied into a braid before it was pulled up into a low bun. Her dollshoes matched the color of her coat.

The evening rolled on. Nilinis ang roof deck para i-setup ang dalawang hanay ng mahahabang mga mesa na kayang i-accommodate ang lahat ng mga bisita. Doña Grazie didn't even care if this would mean that the maids would climb all the way up to serve the foods prepared at the lowest floor of the mansion, lalo na at namangha ang mga bisita sa ganda ng view sa roof deck. It was as if the shadows of the earth and mountain range, and the star-studded tourmaline sky circled around them, making the gathering the center of the world.

Yellow lights were turned on, spreading a blanket of warmth ambiance in the place. White sheets laid over the tables, topped by porcelain plates outlined with gold and silver utensils arranged formally. Crystal flutes tinkled for the wine toast. Champagnes bubbled and glittered against the lights. Chatter and laughter spread everywhere.

Everyone was celebratory even when the rain that they prayed for hasn't arrived yet. They talked about business, how beautiful Masbate is, and debated about the fairest maiden in the procession. And during this debate, eyes shot every now and then to his wife, the Reina Elena. After all, the title was only given to the most beautiful woman in town. Marapat lang nga na hindi na pinagdedebatehan pa kung sino ang pinakamagandang babae sa Santacruzan dahil bago pa sila pumarada, napagpasyahan na iyon nang ibigay kay Allyssa ang pagiging Reina Elena.

But some people would attempt to lick their wounds and medicate their injured pride by making last minute remarks.

"No offense meant to our Reina Elena but, you saw her gown," a stout woman with sharp eyelinered eyes, bathing in white and pearls, muttered with a sly smile on her bloody red lips. She had a speaking voice so sleazy, like a bum whining while being dragged out of bed in the morning. An irritating version of a nasal voice. "If it were not for those puffed sleeves, hindi mo iisipin na very connected sa Filipino fashion o history ang suot niya. It has this corset thing and stuff."

Allyssa, as usual, would just shrug off the comments and smile graciously. She was almost motionless, maintaining her poise while seated beside him. Ernesto greeted his wife earlier with a kiss on her cheek, but she showed no reaction to it. Nilagpasan lang siya nito para makaupo na. If Allyssa managed to pull that off without making the guests suspicious, what more with this scenario?

Insecurity or irritation could be already gnawing Allyssa on the inside, but on the surface she was serene, smiling politely.

Lalo tuloy siyang nag-alala.

Ernesto feared that she might blow. Patong-patong na kasi ang stress ng asawa niya mula kay Joan hanggang sa pagod nito sa parada. 'Tapos, dadagdag pa ang mga walang-pakundangan at mayayabang na ma-pride na mga bisita.

"Well," Ernesto spoke sternly, "hindi naman Filipino si Reyna Elena, 'di ba? She's Greek. So I don't think it matters if my wife's gown looked less Filipino, right?"

Saglit na napalunok ang babae, nabawasan ang paniningkit ng mga mata nito.

That reaction made Ernesto lift a corner of his lips, satisfied. But it was not enough to impress or melt away his wife's iciness toward him. She remained polite throughout the dinner, but avoided even throwing a single glance at him.

Kung napansin man iyon ng mga bisita, walang naglakas-loob sa mga ito na isaboses iyon.

Nang matapos ang hapunan, dumeretso agad si Allyssa sa silid nito. Napilitan si Ernesto na harapin saglit ang mga bisita, bago nagawan ng paraan na makapuslit mula sa mga ito. Ipinaubaya na lang niya kina Doña Grazie ang pag-asikaso sa mga ito at ang pagtatapos sa kasiyahan.

Sinundan ni Ernesto si Allyssa sa kanilang kuwarto. Nadatnan niyang nakasuot na ito ng puting nightgown. It was satin with loose bell-sleeves that reached her elbows and a pleated skirt that reached her knees. Nakaupo sa gilid ng kama si Allyssa, nakaharap sa bukas na pinto ng balkonahe habang sinusuklay ang buhok nitong nakasampay sa kaliwang balikat.

Ernesto carefully closed the door. Kahit nakatalikod sa kaniyang direksyon, sigurado siyang dama ni Allyssa ang kaniyang presensiya.

She froze briefly, then quickly continued combing her hair.

Ernesto stood in front of her.

Dahan-dahan namang nag-angat ito ng tingin sa kaniya.

Kanina pa niya gustong makausap ang asawa. Pero ngayong may pagkakataon na at solo niya na ito, bumara naman ang mga salita sa kaniyang lalamunan.

Her eyes waited for him, but only for a minute or so. Nang hindi siya umimik agad, bumaba ang tingin nito at tumagos sa kaniya. Lumagpas iyon sa payapang pagsayaw ng kurtina sa balkonahe at sumilip sa itim na kalangitan sa labas.

As he looked at her, he turned to a mirror that reflected her sadness onto his face, especially in his eyes.

Worse, this guilt could turn him brittle on the inside if he wasn't careful.

"So, you'd rather stare at the darkness outside than look at your husband? I'm right here. In front of you. I used to be your favorite view."

She remained solid like stone walls. Her hand gently moved up and down, combing her hair the way she thread through every fiber of her thoughts.

"Why should I look at you?" she finally spoke, composed as always.

"We have to talk."

"What do we have to talk about?" mataray na ipinunol nito ang mga mata sa kaniya. "You have already made your point tonight."

He almost held his breath. Ernesto wanted to stuff his uneasy hands in his pockets. But as he did so, he left his thumbs out, hooked at the curved opening of each pocket.

"Really? Tell me what you have learned then."

She glared at him.

"What?" He was lifeless. He had no energy left to be sarcastic or to challenge his wife. "I have to make sure I really made my point. So tell me, what have you learned from what I did?"

Naging mailap ang mga mata nito. Kahit anong salo niya, iniiwas ni Allyssa ang mga ito mula sa kaniyang pagtingin. Ibinaba na rin nito sa kandungan ang kamay na humigpit sa hawakan ng suklay.

"Na kahit ako na ang kinoronahang Reina Elena, hahamakin pa rin ng ibang tao na agawan ako ng puwesto. Hahamakin nilang ipamukha sa akin na hindi ko karapat-dapat."

Napailing na lang siya.

"No matter what I do, even if I did it excellently, people will always find someone who is more than what I am, someone who they think is better." Allyssa narrowed her eyes at him. "Even my own husband."

He groaned, threw his head back to stare at the ceiling and get a breather.

"Allyssa . . ." nagpapasensiya niyang ungol.

"I will never get over this night. Lalo na nang mas pinili mong samahan ang Joan na 'yon kaysa sa akin," may kagat ng paghihigpit sa boses nito.

Ibinalik niya ang mga mata sa asawa.

"Well, our feelings are mutual." He sighed heavily before he continued. "No matter what I do—even if I did it sincerely—people will always find something to question about it, something to be suspicious about me."

Bumagsak ang mga balikat ni Allyssa dahil sa narinig nito. Napamulagat ang mga mata nito.

Ernesto shrugged in surrender and gestured an open palm toward her. "Even my own wife."

Tumalikod siya at pumuwesto sa balkonahe. Inunat niya ang mga braso at itinukod niya sa magkabilang hamba ng pintuan nito ang mga kamay.

Natanaw niya, ilang hakbang ang layo mula sa bubong ng front porch ng mansiyon, ang ilang tao. Dahil sa liwanag ng ilaw na tumatama roon, nakilala niya ang mga taong iyon—sina Kyle, Joan, Tina, at Rogelio. They seemed to be talking.

Nakatalikod mula sa kaniyang view si Kyle. Nakaharap naman kay Kyle si Joan na tinabihan ni Tina. At nasa bandang likuran ng mga babae si Rogelio.

Unang tumalikod si Rogelio at naglakad paalis. Sumunod dito si Tina na sinundan din agad ni Joan. Kyle remained where he stood, watching them leave.

Pero huminto bigla si Joan at nilingon si Kyle.

The two seemed to have a short staring match before Kyle sprinted to his feet. Tuluyan namang pihit ni Joan paharap para abangan ang paglapit ng binata rito.

Nang nagkaharap na ang mga ito, nagkatitigan pa ang dalawa, tila dalawang manok-panabong na nagsusukatan pa ng tingin.

Then, Kyle cupped Joan's face with his hands. He pressed a light kiss on her forehead.

They remained frozen in that position for quite too long, it made Ernesto glance at his wrist watch.

In exactly four minutes, the two parted ways.

They parted not because the kiss was done, but because Tina noticed that Joan wasn't with her. She turned around, saw them and called them back to their senses.

Nagmamadaling sumama naman si Joan kay Tina ngunit nagtapon ng huling lingon kay Kyle bago sila tuluyang nagkalayo.

The small scenario made Ernesto look back in time, back when something so simple like a forehead kiss could stop anything—even time itself. Now, all a forehead kiss could do is turn back the time. . . .

He turned back to his wife. Nakita niyang humiga na ito sa kama, nakatalikod sa kaniya.

Dahan-dahang sumampa si Ernesto sa kama at pumuwesto sa likuran ni Allyssa. He peered over her and kissed her softly on the left temple.

Her shoulder moved, and his heart cracked at the slip of shuddering sigh from her lips. He immediately squeezed her shoulder in hopes to relax her.

Hindi maipaliwanag ni Ernesto ang gaan na naramdaman nang pumatong ang kamay ni Allyssa sa kaniyang pumipisil na kamay sa balikat nito. She finally allowed her tears to escape from her eyes. Her sobs broke the silence in their bedroom.

"I'm sorry," he wavered. "Alam mo naman kung gaano ako ka-irasyonal kapag nagalit. I am being accused of something I was not." His frustration strained his voice deeper. "Why would I even fucking cheat? Papatayin ako ng mga magulang ko kapag ginawa ko 'yon! Magiging katatawanan ang pamilya namin dahil kapag nangyari 'yon, kakalat ang tsismis sa buong Masbate! Kaya bakit hindi mo maisip na walang katuturang pag-isipan mo ako ng gan'yan dahil hindi ko magagawa—"

Ernesto cut himself off. He stopped and winced.

Ah, what is the explanation for?

Mabigat siyang napabuntonghininga kasabay ng sumusukong pag-iling.

And he was right to question himself for explaining because an explanation didn't matter anymore. The heart doesn't require one. At least, Allyssa's heart doesn't. It just believes whatever it understands.

And if how she understood him wasn't in-line with what he really meant for things to be . . . what else could he do but let time and consistency do the work? He could not force things on Allyssa, like trusting him, especially given their current situation.

He kissed the top of her head. Then her temple. Then her cheek. Then, he stopped and watched Allyssa.

Hindi niya na alam kung paano ito aaluin o pipigilan sa pag-iyak. He wanted to remind her about their child, na hindi makabubuti sa bata na iyak ito nang iyak. Kaya lang, baka lalong maiyak si Allyssa, at sa pagkakataong iyon ay dahil naman sa guilt at pag-aalala para sa nasa sinapupunan nito.

Hindi agad humarap sa kaniya ang asawa niya. Humagulgol pa ito at pinunasan ang sariling mga luha bago tuluyang sumuko. Bumangon ito para ilambitin ang mga braso nito sa kaniyang leeg at isubsob ang luhaang mukha sa kaniyang dibdib.

'A kiss does stop time, even an argument,' he thought.

•••

PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024

R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery

Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro