23
SEÑORA ALLYSSA BERNARDINO-DELA FUENTE brought this kind of goddess-like illuminance in the room.
Malaki ang pulang gown na suot nito. Its skirt with sparkly gold embroidered design ballooned so wide that Señora Allyssa could even rest her hand on top of it like a table. The sleeves puffed on both sides into a signature style of a Filipiniana blouse.
The customized Filipina gown had a touch of modern-day gothic fashion also, which could be seen on its gold lace crisscrossing the front of its corset. The neckline was outlined with white ruffles; a little low which showed the top of her pushed-up breasts. Halatang hindi hinigpitan ang pagkakatali nito mula sa ilalim ng mga dibdib hanggang sa tiyan nito. Ang itim at mahabang buhok ng ginang ay naka-half-braid, nakalaylay na parang kapa sa likuran ang nakalugay na parte. Nagmistulang headband naman ang parte na nakatirintas dahil nakapaikot ito sa ulo nito. In Joan's perspective, the braid seemed to cradle the white veil and the diamond-studded silver tiara that rested on top of Señora Allyssa's head.
Señora Allyssa smiled with some kind of reverence, like a queen. She owned the world in this moment—also everyone's eyes and admiration—and she clearly knew this as she presented herself in full composure—so self-assured and poised. Her assistants carried the train of her gown and other stuff. They stood around her but were overshadowed by Señora Allyssa's elegance.
Señora Allyssa was really lucky, dahil hindi ipinagdamot ni Señor Ernesto sa buong Mandaon, sa mga photographer, at sa mga taong nagkakagulo sa municipal hall ang ganda nito. Mas lalong nasolo ng babae ang atensiyon ng lahat dahil hindi nito katabi ang asawa, especially when his presence could have stolen her spotlight because he's a Dela Fuente, a descendant from one of Masbate's most powerful clans. Maybe, Señor Ernesto knew that too as well so, he gave way for Señora Allyssa and did not show up with her.
Dahil din sa hindi makita sa paligid ang lalaki, kinabahan si Joan.
Umikot si Joan at naghanap sa paligid. Hinawi ng kaniyang mga braso palayo ang mga sumiksiksik sa kaniya na tao at photographer.
'Diin ang señor?' Nasaan ang senyor?
Nagmamadaling umalis siya mula sa tumpok ng mga tao. Nilibot niya ang tingin sa paligid habang naglakad-lakad hanggang sa natanaw niya ang pamilyar na bulto patungo sa malaking bukana palabas ng municipal hall.
Nagmamadaling hinabol ito ni Joan.
"Señor!" sabay niya sa malalaki nitong hakbang.
"Diin ka ba napadpad at ang tagal-tagal mong bumalik?" anas nito. Isang segundo lang siya tinapunan ng sulyap ng nagmamadaling lalaki.
Hindi siya nagpaapekto sa mood nito. "Bumili ako ng bandage, 'di ba?" Hinawakan niya sa iisang kamay ang rosas at bote ng mineral water para makabunot mula sa kaniyang bulsa ang kabilang kamay bago iabot dito ang pera. "Ito ang sukli."
Señor Ernesto kept walking. Nangalay na siya at lahat pero hindi pa rin nito tinatanggap ang sukli. Pasimpleng ibinalik ito ni Joan sa bulsa.
'Kay aburido na naman 'tong taong 'to?'' simple niya ng silip sa gusot nitong mukha.
Pababa na sila sa mga baitang sa labas ng municipal hall. Kapansin-pansing itinataboy na ang mga tao na pumapaligid sa mga carroza dahil inihahanda na ang mga ito para sa pagsakay ng mga ipaparadang naggagandahang kababaihan ng Mandaon.
"Mauuna tayo sa simbahan," Señor Ernesto informed her curtly as they approached his car parked at the side of the municipal hall, right where not a single person treads on. "Doon na natin aabangan ang prusisyon."
Binuksan nito ang pinto. Joan hesitated, so she did not move where she stood. She just watched him.
"Pa'no si Ma'am Allyssa?"
"She has assistants. Kasama rin niya ang katulong namin sa mansiyon na si Mona," Señor Ernesto turned to her impatiently. "Sumakay ka na."
"Sabayan na lang kaya natin ng kotse mo ang prusisyon?"
He scowled. "Lalo lang babagal ang prusisyon kapag nakisiksik itong kotse, Joan. Ang gusto ko, matapos na agad itong prusisyon dahil baka makasama 'to sa pagbubuntis ni Allyssa."
Napalabi siya. 'Kung iyon ang ipinag-aalala ni Señor Ernesto, bakit hinayaan pa niyang magsagala si Señora Allyssa?'
Tahimik na umupo siya sa shotgun seat ng kotse. Pagkasara ni Señor Ernesto ng pinto, inokupa rin nito agad ang driver's seat.
Ipinatong ni Joan sa dashboard ang mga bitbitin. Nakasuot na siya ng seatbelt pero si Señor Ernesto ay basta na lang binuhay ang makina ng sasakyan at nagmaneho.
***
HABANG nagmamaneho, inalala ni Ernesto ang nangyari noong dinalhan niya ng tubig ang asawang si Allyssa sa dressing room nito . . .
Maingat na uminom mula sa bote ng mineral water ang kaniyang asawa, ingat na ingat na huwag masira ang makintab na pagkakalapat ng mapulang lipstick sa mga labi nito.
"Can I ask something?" His eyes were intense and quietly probing her. Nakalukipkip siya habang tinititigan ang babae. He slightly slouched on one of the leather seats that faced Allyssa's direction.
Allyssa sat straight, very careful not to wrinkle her gown. Inilayo nito mula sa mga labi ang bote ng mineral water. Her hand that held it hovered mid-air, just above the skirt of her gown. "Yes, love?"
There was this sort of a sharp glint at the corner of her eyes. He didn't like that look at all.
"Bakit mo ba talaga isinama si Joan dito?"
Gumalaw saglit ang mga mata ni Allyssa. They cautiously stole a glance at the stylists present in the room. Abala ang mga ito at hindi tumitigil sa pagkilos, pero sino ang makapagsasabi kung sinasabayan iyon ng pananainga ng mga ito sa kanilang usapan?
"I told you, Joan and I have already cleared things up. Okay na kaming dalawa. Why do you keep questioning this?"
"Siguro dahil hindi mo ikinuwento sa akin kung ano ba talaga ang mga pinag-usapan n'yo noong inimbitahan mo siyang magmeryenda."
"Usapang babae na iyon." Nagsalubong na ang mga kilay nito, tinatalo ng emosyon ang pagpupumilit nitong palabasin na kalmado lang ito. "Why do you worry too much?"
"Well, I am your husband." His eyes narrowed at her. "I expect full disclosure from my wife."
Allyssa seemed to hold back her reaction but the way her body stiffened and lips tightened just gave it away. Maybe she was denying her own hurt, trying to front it as a cool defiance.
"Let's not talk about that here."
Nilingon ni Ernesto ang mga stylist. "Puwede bang kahit saglit, masolo ko muna ang asawa ko? Kahit ilang minuto lang?"
Pinanlakihan siya ni Allyssa ng mga mata.
Nagdalawang-isip pa ang mga stylist, pero nakuha rin ang mga ito sa matalim niyang tingin. Minadali ng mga ito ang pag-iwan nang maayos sa kanilang ginagawa at sa mga gamit bago sila umalis sa silid.
Tumindig si Ernesto mula sa kinauupuan. "Mamaya, sasamahan kita sa prusisyon. Magbabantay ako sa likuran ng carroza. Paano si Joan?"
"What do you mean, 'paano?'"
He took Allyssa's bottle of mineral water. Baka nangangalay na kasi ito. Inilapag niya ito sa kalapit na mesa nang takpan niya ng cap.
"Paano siya makakasama sa atin? Hindi naman puwedeng pati siya nakasabit sa likuran ng carroza."
"She can walk," she shrugged nonchalantly.
"Walk?" He could not help the disbelief in his tone. "Do you have any idea kung gaano kalayo ang iikutin ng prusisyon pabalik sa simbahan?"
"Yes. So? Hindi naman malaking isyu 'yon sa mga deboto. Lahat ng gustong sabayan ang prusisyon, maglalakad nang ganoon kalayo nang may dalang kandila at kumakanta. Ano ang problema roon?"
He narrowed his eyes at her. Was it her rich girl upbringing that made her detached from reality? But compassion for others was not exclusively based on one's wealth status, right?
Ernesto sighed. "I don't really give a fuck if she walks for miles. What's bothering me is that you're doing this to her on purpose."
Pumaling ang ngiti sa kaniya ni Allyssa. Nagtatalo ang pag-aalinlangan at ang hindi makapaniwalang reaksiyon sa maganda nitong mukha. "Ano na naman ba 'yang iniisip mo, Ernesto?"
"Just stop this, Allyssa. This is not you," gusot ng kaniyang mukha. Hangga't maaari, hindi niya ito pagtataasan ng boses.
She scoffed. "Ingat na ingat mo 'yong babaeng 'yon, a? Ni paglakarin ay ayaw mo."
"That's not the case!" Fuck. He just failed as a husband! He raised his tone! "Ang kaso rito, Allyssa, 'yang pinapairal mong ugali! Hurting other people to satisfy yourself? You're being a—"
"A what?" she bravely gritted back at him.
Ah, Ernesto didn't want to talk anymore.
Pero naghahamon na ang tono ni Allyssa. "I'm being a what? A monster? Dahil lang kailangan niyang maglakad talaga sa isang prusisyon?"
"You are tainting this tradition badly, Allyssa! Alam mo kung gaano kaimportante ang Flores De Mayo kay Mama!" Napailing siya saglit bago muling tinitigan ang mga mata nito. "I don't believe in miracles and stuff like that. Pero kaunting respeto sana sa okasyong ito!"
"Tainting? How come I am tainting this? I'm pregnant and yet I am wearing this itchy gown! Para lang masunod ang mga paniniwala ng pamilya mo! Para lang sa mga tradisyon n'yong ito!"
Napailing na lang siya. "Pero labag sa loob mo. Pero ginagamit mo ang sagradong okasyon na ito para mang-api ng ibang tao."
"Mang-api?" disbelief and defensiveness touched Allyssa's helpless voice.
"Walang-kamalay-malay 'yong tao na pinagti-trip-an mo siya! Fuck, Allyssa! Kailan ka pa naging ganito kasahol?"
"I just want to prove something, Ernesto! Alright?" emosyonal nitong amin.
"Prove what?"
"Na ako ang asawa mo! I'm you're only queen! Ako lang ang mahal mo! And she's just a spectator in my show." She shivered, chilling at her own words as she lowered her tone. "That you're mine. That she cannot be in my level." Nagpupuyos ito, nagpipigil umagos ang emosyon para hindi masira ang makeup. "I will only be satisfied when while I am in the parade, I can see her do nothing but walk down there. Nakatingala sa akin. Inaanod ng mga tao habang ako, nakaupo sa carroza. I want her to see how ambitious she is being for trying to take you from me. She thinks she can fool me, by making me believe that she doesn't want to fucking leave the hacienda because of Kyle, but I am not a fool, Ernesto. Alam ko kasing may gusto sa kaniya si Kyle. They can, in fact, leave the hacienda together! But she won't. Because I know it's not Kyle that woman is after!"
"I can't believe you. . . ." Hindi malaman ni Ernesto kung ano ang mararamdaman sa asawa at sa walang basehan nitong mga litanya.
Yes, he wasn't in love with her, but he respected Allyssa. Hanga siya sa kabutihan ng puso nito, sa pagiging magiliw, malaya, at mapagmahal. He admired her for a lot of things that it made him promise that he would treat her the best he could and as any wife should be treated by their husband.
But this was just so wrong.
And Allyssa seemed to have read his thoughts from his face. "You pushed me to do this. How could you do this to me? How could you make your own wife feel that she has a competition when it comes to your heart?"
"I won't tolerate this," pinal niyang desisyon.
Her jaws tensed. "Ano'ng gagawin mo?"
Ernesto picked up his own bottle of softdrinks. "I'll accompany Joan. Aabangan na lang namin ang prusisyon sa simbahan."
"You're choosing that woman over me?" she sharply breathed in disbelief.
He glared at her. "I am just playing your game. You want proof? Then I will prove myself. Ganitong galawan ang gusto mo, 'di ba? Allyssa?" Ernesto clenched his free fist. "Ginawa ko naman kasi lahat, Allyssa. Lahat ng assurance, ibinigay ko sa 'yo. Sinamahan pa nga kita rito kahit puwede naman kitang ipabantay na lang sa mga tauhan ko. But, oh, I am really getting so sick of this. Huwag na huwag mong gagamiting excuse na buntis ka, because I really can't tolerate this behavior. Hindi ko hahayaan na maging masama kang tao dahil may napaglaruan kang ibang tao nang dahil lang sa akin."
She was about to explode when miraculously, she managed to hold it in. "I see," kalmado nitong saad. But there was a hint of danger at her lowered voice.
"Look, Allyssa, you can leave me with that woman and nothing will happen. Sana ay maging sampal na 'to sa mukha mo na walang katuturan iyang ipinagseselos mo."
Before she could even speak, Ernesto turned and headed to the door. Walang pinahabol na mga salita si Allyssa. She just watched him leave.
At heto na nga siya, nagmamaneho na ng kotse habang nakaupo si Joan sa kaniyang tabi.
Ernesto was so preoccupied with thoughts of Allyssa, he barely noticed that Joan was staring at him.
Hindi na napigilan ng babae na punain ang hitsura niya. "Bakit mukhang nabubuwisit ka na naman?"
Joan's voice brought him back to the present. Napabuntonghininga siya. "Medyo nagsisisi ako."
Tila hindi maintindihan ni Joan ang mga pinagsasasabi niya. It was evident on the way her face softly wrinkled in cluelessness.
So, he explained. "Dapat, nakasabit ako sa likuran ng carroza para bantayan doon ang asawa ko." He could not help a weary sigh. "You see, I'd lower myself just like that to be the best husband for my wife."
Napalabi si Joan. "Kung gano'n, bakit nandito ka?"
'Kasi, nagpadala ako sa init ng ulo kanina. How I badly want to prove myself, my innocence and fidelity to Allyssa when I should have been more patient.' Humigpit ang mga kamay niya sa manibela. Kakambal ng pagsisisi ay ang pagkabuhay muli ng kaniyang inis. 'Kaya lang, nakakainis na talaga ang babaeng 'yon. Hindi na tama itong ginagawa niya.'
Naghintay si Joan sa kaniyang sagot pero ayaw na niyang idetalye pa ang lahat lalo na at away-mag-asawa 'to. Dapat ay manatili sa pagitan lamang nila ni Allyssa ang anumang pinagtalunan nila. Even if he was enraged with his wife, he still have this remaining respect for her and the fact that she's carrying his first child. . . .
'Damn. Hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin!'
Nang hindi siya nakaimik, ibinalik ni Joan sa harap ang tingin. "Puwede mo naman akong iwanan sa simbahan. Hihintayin ko kayo at ang mga carroza na makarating doon. Balikan mo na lang si Allyssa pagkahatid mo sa akin."
What Joan said made him feel more terrible because while his wife was wrongly accusing her as a competition, here she was, being selfless.
He may be a tough honcho, but Ernesto, like any other human, appreciates other people when they are being kind.
Napatingin siya kay Joan. 'Haay. This woman is just so clueless about what's going on. Unfortunately, her ignorance will make it hard for her to survive on her own.'
Pagkatapos, ibinalik niya ang tingin sa kalsada. "Hindi na. Wala akong mapag-iiwanan ng kotse."
"E, 'di sa akin mo iwan ang kotse! Mag-commute ka pabalik!" panlalaki nito ng mga mata sa kaniya. "Ano ba namang dahilan 'yan!?"
"Puwede ba? Pagod na ako kakapabalik-balik. Just bear with my company for a while," masungit niyang saad kahit ang totoo, nagandahan siya sa ideya ng dalaga. Hindi nga lang niya magagawa iyon dahil nakapagbitiw na siya ng salita, ng hamon kay Allyssa, at kailangan niyang panindigan iyon kung gusto niyang seryosohin siya ng kaniyang asawa.
Joan pursed her upper lip. Sumandal na ito sa kinauupuan at sumusukong tumugon. "Sige."
Maybe this would be for the better. Magpapalamig na lang din muna siya ng ulo para kapag nagkita na sila uli ni Allyssa mamaya ay okay na siya.
Nang abot-tanaw na nila ang simbahan, sinalubong sila ng kumikislap nitong mga ilaw. In the daylight, it was an old, dark gray stone church. But tonight, it was sparkling with golden flames of lighting fixtures. A red carpet was laid out at the front yard of the church, leading to its main door. Nakabakod sa daanan na iyon ang magkabilaang poste ng electrical torches. May ilan nang mga sasakyan at mga taong nakapuwesto sa palibot ng simbahan, nakaabang sa pagdating ng prusisyon.
Luckily, Ernesto and Joan found a parking space close to the red carpet. Napagkasunduan nilang akyatin ang bubong ng kotse at umupo rito. Sa kapal kasi ng mga tao, wala silang makikita kapag nakaupo lang sa loob ng sasakyan.
Akala ni Ernesto, lalamig agad ang ulo niya. Pero nakailang saway siya sa mga gustong sumampa sa front hood ng kaniyang kotse dahil sa ikli ng kaniyang pasensiya.
Meanwhile, Joan just sat quietly at the roof of his car. Palinga-linga ito sa paligid.
Nang wala nang nagtangkang makiupo sa hood ng kaniyang kotse, pagod na umupo siya sa kabilang dulo ng bubong para malaki-laki ang maiwanan niyang espasyo sa pagitan nila ni Joan.
They were distracted by the crowd and the beautifully lit church for a moment while waiting for the arrival of the procession. The distractions bred silence between them.
Nalingunan na lang niya si Joan na tinitingala ang nagkalat na mga bituin sa kalangitan. The bright lighting from the church and from the torches reached them. It touched them and also Joan's delicate face.
Nagbaba ito ng tingin kaya nahuli siya nitong nakatingin dito. "Bakit, señor?"
"Hindi ko sinasabing tama siya, pero may dahilan nga talaga ang kapatid mo para ikulong ka sa bahay."
Nagtatanong na ang mga mata ng dalaga sa kaniya.
"You really are very clueless about everything around you." Nasa harap na ang tingin ni Ernesto. 'And you bring a lot of trouble.'
Napanguso ito saglit. Joan let his words marinate before digesting it. Sumasang-ayon na tumango-tango ito. "Kaya ngayon, ginagawa ko ang best ko para buhayin ang sarili ko. Tama ka riyan, Señor Ernesto. Marami pa akong hindi alam sa buhay at ang gusto lang naman ni Kuya ay protektahan ako. Pero wala kaming kamalay-malay na kapoprotekta niya sa akin ay wala akong natututuhan sa buhay."
He glanced at her. Ernesto wasn't expecting these profound things to come from Joan.
"Ngayon, nagsisikap akong matuto kaya sana, huwag mong isipin na bobo ako o ano. Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para . . ." Joan shyly smiled as she lowered her gaze, "para matuto."
For the first time, Ernesto realized that Joan wasn't really that bad after all. That she was just really trying her best. That she was really prone to mistakes and bringing in a lot of trouble with her because she was still in the process of learning things on her own.
"Bakit nga ba kasi, hinayaan mong tratuhin ka nang ganoon ng kapatid mo?" His concern grew. "Hindi mo man lang ba naisip—Hindi ka man lang ba napaisip kung ano ang meron sa labas ng bahay ninyo? Kung sino ang mga puwede mong maging kaibigan? 'Yong gano'ng mga bagay."
Joan answered. "Kasalanan ko nga talaga na wala akong ginawa. Hindi ako nagrebelde o magkuwestiyon. Paano kasi, naging komportable ako, e. Simple lang naman ang nagpapasaya sa akin. Basta komportable ako, kontento na ako ro'n."
He nodded. He could not disagree with that. How could he? Heto nga siya at nagpakasal pa—for convenience—para lang manatiling komportable sa buhay. . . .
Para wala siyang problemahin pa.
He tend to take charge and take responsibility of everything because that puts the situation in his own hands. And when he has control over a matter, he feels more at ease compared to entrusting matters to other people. After all, the Dela Fuentes were taught since childhood that they can't just easily trust anybody, even their closest friends.
Nasa malayo na ang tingin ni Joan. Wala itong kamalay-malay sa mga tumatakbo sa kaniyang isip.
"Sa labas kasi ng bahay, ang daming tsismosa. Ang dami nilang sinasabi tungkol sa akin, sa suot ko, sa boo—" Natigilan ito. Nahiya. Joan chuckled nervously. "Basta. Ang dami nilang sinasabi. 'Tapos may mga bastos din. 'Yong mga mababait tuloy, hindi ko na nakilala, 'tulad no'ng nagba-barbecue sa amin. Si Mang . . ." Napakamot ito ng braso. "Ano nga ba ang pangalan no'n?" Napanguso ito. Nag-isip pero sumuko rin. "Basta 'yon. Hindi ko na nakilala ang iba pa pati 'yong mga bagong nakatira malapit sa amin. Nakakulong kasi ako sa bahay."
At mahaba-haba pa ang kanilang hinintay. Kaya nagtuloy-tuloy ang pag-uusap nila. Joan asked him about Flores De Mayo—kung para saan ang ganitong selebrasyon at kung ano ang mga nagaganap maliban sa prusisyon.
"Bakit nagse-celebrate ng ganito?"
"Tribute kay Virgin Mary." He intended to keep his answers short and simple. Pero parang hindi siya nakontento. He had this nagging feeling to tell more. Ernesto struggled to resist that but in vain. "Flores De Mayo means Flowers of May. Nag-aalay ng mga bulaklak at nagdadasal ang mga tao sa Birheng Maria para umulan nang umulan. Selebrasyon naman itong Santacruzan sa pagkadiskubre ni Reyna Elena sa krus ni Hesukristo."
"Lahat ng ito, para sa isang krus at para umulan nang umulan?"
He nodded. "Ang Mama ko, nakumbinsi si Papa na maging heavily involved sa selebrasyong ito dahil sa ulan. Napaniwala niya ang papa na kapag taon-taon, hindi napurnada ang tag-ulan, babalik ang dating pagkasariwa ng lupain sa hacienda."
"Tuyot kasi ang lupa roon, nano?"
Muntik na niyang ikuwento sa babae kung bakit nagkaganoon ang lupain. 'Buti at napreno ni Ernesto ang sariling bibig.
Sa halip, tinanong na lang niya si Joan tungkol sa kapatid nitong si Kobi. Hindi naman talaga siya interesadong malaman o makilala nang malaliman ang nawawala niyang tauhan pero dahil nakababagot maghintay nang matagal, at sa pag-uusap nila na lang siya naaaliw, nagbukas pa siya nang nagbukas ng mga topic.
Tinanong niya rin kung saan posibleng nagpunta si Kobi bukod sa mga lugar na pinaghanapan nila ni Kyle sabay pasimple na pagtukso rito kay Kyle.
The longer they talked, the more he felt at ease to say more. He started joking around not because he felt like it but because he wanted to make himself feel lighter and completely move on from his argument with Allyssa. Nagpapalamig nga kasi siya ng ulo, 'di ba?
As usual, a mention of Kyle's name turned Joan red on the face. Even the dim yellow lighting beneath the dark evening sky could not hide it.
"Napakatindi," napapailing na ngisi ni Ernesto nang mapaamin ang dalaga na may gusto ito sa kaniyang kanang-kamay. "Ilang linggo lang, Joan! Ilang linggo lang, nagkagusto ka kay Kyle!"
"Sino ba ang hindi magkakagusto ro'n? Mabait naman siya. May hitsura." Napatingin ito sa kawalan. Nagsisimula na yata itong imagine-in ang mukha ni Kyle. Napangiti pa ito nang makahulugan. "Napakamarespeto pa niya. . . . Sino'ng hindi magkakagusto kay Kyle?"
"Ako," pigil niya ng tawa.
"Malamang, e, straight ka!" Natatawang pinanlakihan siya ni Joan ng mga mata. "At may asawa ka na! Maliban na lang kung bakla ka! Bakla ka ba, señor?"
Natatawang napailing siya. Hindi naalis kay Joan ang kaniyang mga mata.
"Dili." Inayos niya ang pagkakapatong ng mga braso at siko sa mga hita. Umabot ang mga ito sa kaniyang mga tuhod. "Pero, tama ka sa mga sinabi mo." Sumeryoso na siya. Nakaabang na rin sa prusisyon ang mga mata niya. "Mabuting tao 'yon. Kaya nga malaki ang tiwala ko sa kaniya." Bumagsak sa harap ng kaniyang mga mata ang ilang hibla ng maalon niyang buhok kaya sinuklay ito pataas ni Ernesto. "Kaya naman, ibinibigay ko kung ano ang deserve ng maaasahan kong kanang-kamay katulad ng bahay, tamang suweldo. . . . At kung kailangan niya ng pahinga, hinahayaan ko." Nilingon niya si Joan. "I will even give him the woman that he wants if that will keep him loyal to me," he smugly scoffed.
"Weh?" ngiwi-ngiwiang lingon sa kaniya ni Joan.
Napangiti siya.
"Ano ako? Regalo? Basta-basta mo na lang ibibigay kay Kyle kapag naisipan mo?"
"Ang tindi mo talaga! Sigurado ka ba talaga na ikaw 'yong gusto niya?"
Pikon na napairap ang dalaga sa kaniya.
"Siyempre ang ibig kong sabihin, kung liligawan ka niya, susuportahan ko siya. Kung wala siyang budget para sa date n'yo, aabutan ko siya ng bonus!" Tumuwid siya ng pagkakaupo. "At kung magpapakasal kayo, sagot ko na ang pakain sa buong Masbate!"
"Ang hangin n'yo naman pala, señor!" nangingiting titig ni Joan sa kaniya. "Dugong Masbateño talaga, e!"
"Walang mahangin sa sinasabi ko. Kaya ko talagang gawin lahat 'yon!"
"Para kay Kyle? May gusto ka yata kay Kyle, e!"
"I'm a terrible boss, Joan, when you're a terrible employee. Kung matino ka, kaya kong maging galante."
Mahirap kunin ang tiwala ng isang Dela Fuente. It was a trait passed on and trained for through three generations. Pero kapag nakuha ang kanilang tiwala? The Dela Fuentes could move heaven and earth, just to maintain that loyalty.
Loyalty's foundation is trust. It is the Dela Fuente ideal. And Ernesto's too.
"Sige na nga. Papakinisin ko na rin 'yong mga itlog sa manukan para bigyan mo ako ng bonus!" biro ng dalaga.
They laughed but Ernesto didn't really find her remark funny at all. Ewan kung bakit naobliga siyang tawanan iyon para hindi ma-offend ang kaniyang kausap.
"Alam mo, ang saya ko kasi sa wakas, nakadalo na rin ako sa Santacruzan!" Joan beamed, matching the brightness of the lights that scattered like orbs around them. "Sobrang thank you talaga sa inyo ni Señora, Señor Ernesto!"
Nginitian pa siya nito nang pagkatamis-tamis. The smile arched her eyes and cutely crinkled her nose. The booming music from the live marching band and the singing took Joan's eyes away from him.
"Señor!" turo nito sa may kalayuan.
Abot-tanaw sa dulo ng kalsada ang prusisyon. Unti-unting lumapit sa kanila ang mga maliliit na bola ng ilaw at ang nagkikislapang mga kandila na hawak ng nagmamartsang mga deboto, mga bombilyang nakakabit sa mga carroza, at mga arkong napupuluputan ng mga bulaklak at may nakapaskil na pangalan ng reyna sa tuktok ng bawat isa sa mga ito. Nabigyan din ng hulma ang mga bulto ng anino at nabigyang-buhay ang kulay ng mga uniporme, bulaklak, carroza, ang magandang damit ng Birheng Maria, at ang mga naggagandahang babae na kasali sa Santacruzan.
Habang palapit nang palapit ang prusisyon, tuluyan nang nahipnotismo ang lahat na huwag alisin dito ang tingin. When they reached the red carpet in front of the church, the crowd tightly knitted closely around the procession.
Sabik na tumayo agad si Joan sa bubong ng kotse. Muntikan pang mahulog si Joan kaya napakapit ito sa balikat ni Ernesto. Alerto namang nahagip niya sa baywang ang dalaga.
The sudden motion was so new it confused them. Their questioning eyes met, staring into each other at the midst of the crowd and the vague floating balls of yellow lights.
Ernesto nonchalantly released Joan. Joan quickly steadied on her toes and resumed looking at the parade.
Hindi nito maiwasang magnakaw ng ilang sulyap sa kaniya. Mukhang nailang ito sa nangyari. Pero nang makita ni Joan na balewala lang 'yon sa kaniya, naging komportable na uli ito.
Kapwa nila hinanap at inabangan ang pagdaan ng carroza ni Allyssa. Ilang saglit pa ay excited na itinuro ni Joam sa kaniya si Allyssa na abot-tanaw na nila.
"Señora!" masayang kaway ni Joan sa kaniyang esposa.
Then he watched Joan. Baka mawalan na naman kasi ng balanse ang babae at tuluyang mahulog kapag hindi siya nagpakaalerto.
"Tingnan mo, señor! Ang ganda talaga niya!" masayang kaway pa rin ni Joan kay Allyssa na hindi man lang nagtapon ng tingin sa kanilang direksiyon.
Allyssa carried a pair of lifeless eyes and a static, polite smile. She seemed tired from the long procession but sat with poise on her throne while cradling a silver cross close to her breasts.
Joan kept waving at Allyssa. Panay ang tawag nito rito, tila umaasa pa rin na tatapunan ng tingin ng kaniyang asawa. Meanwhile, Ernesto just looked on quietly. Palihim siyang nagdadasal na sana ay ayos lang ang pakiramdam ni Allyssa.
Then, he glanced back at Joan. She was still enjoying the parade. Her eyes reflected the glittering lights from the floats.
She was beaming as vibrant as the flowers of May, so, Ernesto smiled at her fondly.
•••
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro