Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22

NAKABUNTOT lang si Joan kay Señora Allyssa habang tinatahak nila ang pasilyo patungo sa hagdan paakyat sa roof deck ng tahanan ng mga Dela Fuente.

Señora Allyssa looked stunning. Nakabestida ito na mapusyaw na dilaw ang kulay. Umaabot ang palda nito sa mga tuhod nito. Manipis ang taling nakabuhol sa magkabilang balikat ng bestida at may maliliit na lace sa outline ng neckline. The chest part was shirred, cupping her round pair of bosom. Maayos na nakatirintas ang itim at mahaba nitong buhok. Puting mabalahibong closed-toe slippers ang suot ng mga paa nito.

Joan just could not help staring at the woman. Her skin looked so soft, smooth, and creamy. Her narrow eyes carried some kind of depth in them. Ganoon pa rin ang hatid na pakiramdam ng mga mata nito sa kaniya—tila may kapangyarihang magparusa. Pero ang ngiti sa mga labi ni Señora Allysa ay tila magaan at mapayapa. Joan could only sigh dreamily at the back of her mind because even Señora Allyssa's lips looked so soft and pale pink like a flower petal. Baka lagyan ng malisya ng iba ang paghanga niya sa ganda nito kapag may pinagsabihan siya pero iyon talaga ang nagpapamangha sa kaniya sa babae habang nakasunod siya rito patungo sa roof deck.

At nang marating ang roof deck, hindi na napigilan ni Joan ang sarili. Her mouth dropped open at the beautiful view. The breeze tossed Joan's hair back, misplacing some strands from the low messy bun she just did to her hair. Sariwa at malamig-lamig pa ang hangin na sumalubong sa kaniya. Napayakap siya sa sarili. Mainit kasi noong naglakad  papunta sa mansiyon kaya damang-dama niya ang lamig na tumatagos sa suot niyang puting tank top na pinatungan ng spaghetti tank top na pink. Pinarisan niya ito ng pantalon na regalo ni Kyle noong kaniyang birthday nito lang at mga tsinelas lang ang sapin niya sa mga paa.

Iginala ni Joan ang tingin sa buong paligid. Maganda ang mga muwebles at billiard table pero wala siyang pakialam doon. Ang pumukaw talaga sa kaniyang atensiyon ay ang ganda ng view. Puro poste at wala masyadong pader sa apat na sulok ng roof deck kaya kamangha-mangha ang larawan ng vista na abot-tanaw mula sa kaniyang kinatatayuan. The mountains seemed to stretch around them. The horizon of the sky followed—a layer of bright yellow and clear blue with wisps of clouds.

"Joan," Señora Allyssa called her gently. "Ingkod tabi." Maupo ka.

Nahigit ni Joan ang paghinga bago ito nilingon. Malaki ang ngiti sa kaniyang mga labi nang tabihan ito sa sofa.

"Ay, sorry!" distansiya niya nang kaunti dahil napaupo siya nang masyadong malapit kay Señora Allyssa.

Señora Allyssa remained calm. Medyo nahiya tuloy si Joan dahil sa tingin niya'y masyado kasi siyang maligalig, magaslaw kung ikukumpara sa pagiging pino kung kumilos at sopistikada ng ginang. Ipinagdikit ni Joan ang mga hita at hinawi ang naligaw na hibla ng mga buhok sa gilid ng mukha bago ipinatong ang mga kamay sa magkabilang tuhod.

"Nasabihan ko na ang mga maid. Dadalhin na lang nila rito ang meryenda natin," malumanay na paliwanag ni Señora Allyssa. Walang-buhay ang ngiti sa mga labi nito.

Tumango siya. "Salamat."

Mataman siya nitong tinitigan. Nahihiyang napaiwas tuloy si Joan ng tingin dito. 'Napangitan kaya siya sa ayos ko? Sa suot ko?'

"Maaga kitang pinasundo sa mga Torre kasi nakalimutan ko kaninang umaga na ngayong gabi na nga pala ang misa sa simbahan. Kailangang dumalo ng aming buong pamilya sa komemorasyon ng pag-aaparisyon ni Our Lady Fatima."

Joan smiled and returned her eyes on Señora Allyssa. Ngumiti siya dahil wala naman siyang alam na puwedeng sabihin ukol doon. Wala siyang ideya kung tungkol saan ang komemorasyon at aparisyon na sinasabi ng babae. Basta ang alam niya ay santo si Lady Fatima at ang misa ay gaganapin sa simbahan.

"Pagkatapos niyon, siyam na araw ng pagdadasal na ang aasikasuhin namin. Novena," dugtong ni Señora Allyssa.

She slowly nodded her head. Hindi niya talaga alam ang sasabihin o kung paano isisingit sa usapan ang tungkol sa tunay niyang sadya—ang pangako nitong tulong sa paghahanap kay Kobi.

"Si Mama—I mean, si Doña Grazie," she sighed wearily, "ang nanay ni Ernesto . . ." sulyap nito saglit sa kaniya bago tumanaw sa  malayo, ". . . she's quite a very religious woman. She doesn't miss an important church event. At ganoon ang expectation niya sa akin."

Joan glimpsed at the vista in front of them. 'Tulad ni Señora Allyssa, kahit alerto siyang nakikinig dito,  ay hindi niya maalis-alis ang tingin sa magandang view.

"She said some time ago that, if it wasn't for her faith in the Lord, at kung hindi niya nababanggit kay Papa—si Don Timoteo—ang mga natutuhan niya sa mga pinupuntahang misa o sa Bibliya?" Señora Allyssa shrugged. "Naku. Imagine, mananatiling kasing-init noong nakaraang mga henerasyon ang away ng mga Dela Fuente sa mga Silvestre."

Wala talagang ideya si Joan sa mga ikinukuwento nito pero nakinig siya. Siguro, isa sa mga dahilan kaya gusto siyang makausap ni Señora Allyssa ay dahil wala itong nakakukuwentuhan sa pagkalaki-laking bahay ng mga ito.

"On the outside, you might think that I am having it easy. Na masarap ang buhay ko rito dahil asawa ako ni Ernesto at paupo-upo lang. But the Dela Fuentes really uphold big expectations from anyone who wants to be a part of their family." And she threw a meaningful side glance at her. "Hindi lahat ng tao, kakayaning gawin ang mga iyon . . . lalo na para kay Ernesto at sa katiwasayan ng marriage namin."

Dumating din ang katulong dala ang dalawang tall glass ng tubig, isang malaking transparent na babasaging pitsel ng malamig na tubig, at pinggang puno ng mga sandwich. Takam na takam si Joan kumain, pero inuuntian niya dahil nahihiya siya sa presensiya ni Señora Allyssa.

Señora Allyssa only took a few occassional sips of water as she kept talking.

At nagkuwento na ito tungkol sa Santacruzan na gaganapin sa katapusan ng buwan na isasabay sa prusisyon ng krus at ng Birheng Maria. Kasama sa parada ang hanay ng mga naggagandahang babae sa Mandaon na nakasuot ng mga gown at nadedekorasyonan ng mga bulaklak ang mga dalang arko at carroza.

"And here's a secret," Señora Allyssa caught her eyes, "ako ang Reyna Elena."

Señora Allyssa didn't seem excited about it, but she had a satisfied smirk on her lips.

"Hindi ba, buntis ka, señora?" pag-aalala niya. "Makakasama sa inyo ang magpagod, ang maglakad nang malayo, lalo na at gabi gagawin ang parada."

Magaan itong tumawa. Joan didn't know why the laughter didn't seem to reach Señora Allyssa's eyes. May ipinag-aalala rin kaya ito?

"May carroza naman. De carozza kaming ipaparada . . . ng aking anak."

Señora Allyssa placed a hand on her belly and smiled at the child in her womb.

Joan slowly looked away. "Ah . . ."

"I know, you're waiting for me to say something about your brother. Ano nga pala uli ang pangaran ng kapatid mo?" Pangalan.

"Kobi," lingon niya uli rito. Napahigpit ang pagkakakapit ni Joan sa sariling mga tuhod para lang ma-steady ang sarili. She just could not contain her excitement because, finally, her patience paid off. Mapag-uusapan na nila sa wakas ang nawawala niyang kapatid.

"Right." Sumeryoso si Señora Allyssa. "Puwede kitang tulungang mahanap siya. I'll hire some private investigators to make that happen."

Hire . . . Private investigator . . . Na-gets na ni Joan kung ano ang sinasabi nito kahit hindi siya Inglesera.

"Bakit n'yo naman ako gustong tulungan, señora?"

"Smart girl," Señora Allyssa smiled. "Tama ka. May dahilan kung bakit ako tutulong sa iyo. Simple lang naman ang kailangan mong gawin kapalit ng pagtulong kong ito."

Medyo nadurog siya. Umasa kasi siya kahit papaano na sasabihin ni Señora Allyssa na gusto lang siya nitong tulungan dahil naaawa ito sa kaniya. Ngunit mula sa mga sinabi nito, parang nagpapahiwatig ito na may kapalit ang pagtulong nito.

Joan expected too much because at first sight, she already revered Señora Allyssa. She already regarded Señora Allyssa as a mortal goddess—beautiful, powerful, and kind. But Rita was right, it would be unusual that a rich woman like Señora Allyssa would just want to be friends with someone like her who was poor and had nothing much to offer. Even her pretty face was not enough to be considered by people who were looking for a friend.

Sinarili na lang ni Joan ang konting pagkadismaya. Wala naman kasi siyang karapatang madismaya kung mabuti naman ang pakikitungo ni Señora Allyssa sa kaniya kahit may kapalit ang pagtulong nito.

"Ano po ang kailangan kong gawin?"

Umayos ito ng pagkakaupo. Mas inanggulo nito ang katawan paharap sa kaniya. "Gagawin ko ito para hindi mo na gambalain pa ang asawa ko."

Saglit silang nagkatitigan bago unti-unting nabuhayan ng loob si Joan.

"Naku! Iyon lang ba, señora?" masigla niyang saad bago natawa. "No problem! Hinding-hindi ko na kukulitin si Señor Ernesto na tulungan ako!"

Señora Allyssa didn't seem convinced. She spoke lightly and calmly but there was an air of indifference from her. "That would also mean, babalik ka na sa bahay mo sa Nilabanan."

Natigilan siya roon. "Ayaw n'yo po akong manirahan at magtrabaho rito?"

Inihilig ni Señora Allyssa ang ulo habang nakatukod sa upuan ang isa nitong kamay at ang kabila ay nakadantay sa kandungan nito. Joan saw soft fondness and pity in her eyes. Señora Allyssa's soft smile made her feel sad and comforted at the same time.

"Why do you even want to work here? Maraming magagandang oportunidad sa labas ng hacienda, mga trabahong mas madali kumpara sa pag-aalaga sa mga manok dito."

Napayuko siya.

"I understand that you need a job now, dahil wala ang kapatid mo na bumubuhay sa iyo. Kaya kung gusto mo, irerekomenda kita sa mga kakilala ng mga Dela Fuente sa labas ng hacienda pero dito lang din sa Masbate. Sabihin mo lang kung ano'ng klase ng trabaho ang kailangan mo."

Joan tried to put every piece together. 'Bakit parang gusto ng señora na umalis ako sa hacienda? Maging si Señor Ernesto, noong una pa lang, ayaw niya nang magtagal ako rito. Ano ang meron sa hacienda ng mga Dela Fuente para maalarma sila sa pamamalagi ko rito? Bakit gustong-gusto nila na umalis ako agad?

'O baka naman, pakana na naman ito ni Señor Ernesto. Kinutsaba na niya ang señora para lang baguhin ang isip ko tungkol sa pagpirmi sa hacienda.'

Bakit ba nag-iisip siya nang ganito? Pinag-iisipan na niya nang hindi maganda ang taong nag-aalok sa kaniya ng tulong!

Hindi . . . . Hindi lang talaga maganda ang kutob niya ukol dito. Hindi ba kasi dapat na matuwa pa ang mga ito  dahil pagsisilbihan niya ang mga ito?

"Señora, huwag n'yo sanang masamain kung gusto kong magtrabaho rito. Pramis, hindi 'to dahil gusto kong kulitin nang kulitin si Señor Ernesto. Noong nakaraan pa naman niya sinabing umalis na ako rito at tapos na 'yong pagtulong niya sa paghahanap kay Kuya."

Nakatitig lang si Señora Allyssa sa kaniya, matamang nakikinig.

Nalulungkot siya pero pinatatag ni Joan ang sarili. "At kung ang pag-alis ko rito ang kondisyon n'yo para tumulong, huwag n'yo na lang ako tulungan. Ako na ang bahala sa paghahanap sa kapatid ko."

"Chance mo na ito para makuha ang gusto mo, para mahanap ang kapatid mo. Why are you refusing this?" Malumanay siya nitong kinausap. "Madali lang naman ang gagawin mo—ang umalis. Bakit ayaw mong umalis na lang sa hacienda?"

"Sa inyo ko lang 'to aaminin, Ma'am Allyssa," patuloy niya. Nag-aalangan siya, pero mas mabuting sabihin na niya rito ang totoo kung ang nakasalalay ay ang pagpirmi niya sa hacienda at ang kaniyang bagong trabaho. "Ano kasi . . ."

Para siyang matutunaw sa hiya, lalo na't nasa kaniya lang ang buong atensiyon ni Señora Allyssa.

Napailing siya. 'Hay! Mahirap pala! Kahit buhay ko pa yata ang nakasataya, mahirap palang aminin ang totoo!' "Ano . . . Señora . . ." Nasa mga kamay sa tuhod ang tingin ni Joan. "Bakit pa ako lalayo kung may bakanteng trabaho rito na puwede kong apply-an? Isa pa, ayoko talaga mapalayo kasi napalapit na sa akin sina Rita, si Nanay Kristina . . . ang pamilya ni Kyle." Pinamulahan si Joan ng mukha. "Lalo na si Kyle . . ."

Napaawang ang mga labi ni Señora Allyssa. Nakaiwas siya ng tingin dito kaya yumuko ang babae para lang masilip ang kaniyang mukha.

Nahihiya man at nagpatuloy siya. "Doon sa Nilabanan, wala akong kaibigan doon . . . Walang may concern sa akin doon. Pero dito . . . Narito si Kyle . . . at ang pamilya niya."

Something seemed to melt within Señora Allyssa. Her gaze at her finally softened. "It must be really hard for you. Biglang nawala 'yong nag-iisang tao na kasama mo sa buhay, kaya mahalaga sa 'yo ngayon na maramdaman na kahit papaano, may nag-aalaga sa 'yo . . . na kahit papaano, may nasasandalan ka . . . may karamay ka."

Joan nodded. Pakiramdam niya, maiiyak na siya pero sa awa ng Diyos ay hindi namasa ang kaniyang mga mata.

Señora Allyssa moved an inch closer to her. "You blushed when you mentioned Kyle. Do you like him?"

Tumango-tango siya.

"Oh . . ." Napaatras ito saglit. Then, she sighed again, sounding more joyous and relieved this time. "Oh!"

"Ma'am, huwag mong ipagsasabi 'yon ha? Nahalata rin ni Señor Ernesto na may gusto ako kay Kyle pero hindi ko inamin sa kaniya!" kabadong bulalas niya rito.

Señora Allyssa looked at her in disbelief, dragging a relieved laughter out of her mouth.

"Ma'am!" usig niya, hindi kasi siya nito tinugon.

"Of course." Napapailing ito sa tuwa. Ewan niya kung bakit parang nabunutan ito ng tinik sa dibdib. "Of course, I won't tell Ernesto. Pero mukhang gusto kong malaman na 'to agad ni Kyle."

"Ma'am!" Joan whined cutely it made Señora Allyssa laugh.

***

EVERYTHING went well these past few weeks since Allyssa stopped nagging Ernesto about Joan. Iyon lang naman ang gusto ni Ernesto, na wala siyang pinoproblema. Kontento na siya sa paminsan-minsang sakit ng ulo sa trabaho pero ang ayaw niya ay iyong hanggang pag-uwi ng bahay ay may pinoproblema pa rin siya. Kaya masaya siya na naglaho bigla ang pagiging selosa ng kaniyang asawa.

Maybe, Doña Grazie bringing Allyssa along to the novena helped. Maybe, his wife's anticipation for the upcoming Santacruzan shifted her focus from him to the event.

Then, the end of the month finally arrived.

To his shock, he saw Joan again. Dito lang niya nalaman na nangako noong nakaraan pa ang kaniyang asawa rito na isasama ito sa Santacruzan.

At the moment, Ernesto stood by the door of the dressing room. Itinalaga ang isa sa mga air-conditioned na silid ng municipal hall para maging bihisan ni Allyssa, ang Reyna Elena sa Santacruzan para sa taong ito.

Three months ago, pinakiusapan ng tagasimbahan na gumanap na Reyna Elena si Allyssa. Noong mga panahong iyon ay wala pa silang kamalay-malay na buntis ito kaya mabilis silang pumayag.

He tried to talk her out of this once they found out about her pregnancy, pero ayaw umatras ni Allyssa. Lalo na't tapos na rin naman daw ang pagmo-morning sickness nito.

"Huwag masyadong mahigpit," mabigat niyang wika sa stylist nang masaktuhang itinatali nito ang girdle ng gown na suot ng kaniyang asawa.

Magalang itong tumango at itinuloy ang ginagawa.

Nang mapunta ang tingin niya kay Allyssa, nginitian lang siya nito. It was a bothered smile.

"Nano? They should be careful. Buntis ka," depensa niya.

"Alam na nila 'yon. Puwede bang samahan mo muna si Joan doon sa labas? Hindi makakilos nang maayo ang mga tao rito," magaan nitong ngiti.

A, kasalanan ba niya kung nape-pressure ang mga ito dahil sa kaniyang presensiya?

Ernesto complied to his wife's request anyway. Alam na naman din ni Allyssa kung ano ang makabubuti para sa dinadala nito sa sinapupunan kaya ipagkatitiwala niya na rito ang lahat.

Bumaba siya sa hagdan at pinuntahan si Joan sa receiving area ng municipal hall. Nakaupo sa leather sofa ang dalaga at panay ang lingo sa paligid.

Ernesto could not help a deep sigh. Kung bakit ba naman kasi kinumbinsi ng Joan na 'to ang kaniyang asawa n ito sa prusisyon para sa Flores De Mayo! Now he had to deal with her!

He could not imagine his shock when Allyssa told him earlier to bring Joan along with them. Akala ba niya, kumukulo ang dugo nito kay Joan? Ano na ang nangyayari?

Noong kinumusta niya ang pag-imbita nito noon kay Joan para magmeryenda, nginitian lang siya ni Allyssa at sinabi na wala na siyang poproblemahin pa. Akala niya tuloy, naliwanagan na ito at lulubayan na ang dalaga. He never had any idea that they became friends of some sort. Because after their meeting, the two did not see each other again. So how did they even become friends?

"Kumusta?" upo ni Ernesto sa isa pang sofa na nasa kabila ng mesitang babasagin sa pagitan nila ni Joan.

Joan wore a green fitting shirt. Napapatungan iyon ng pink na tank top kaya mas humigpit ang tela at kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito. It made him wonder what happened to the loose, oversized shirts she usually wore before. Maybe, Kyle or his family managed to convince Joan to dress up better. Hindi niya alam. Her long curly hair was tied into a messy bun. She wore red slippers and the jeans that Kyle bought for her as a birthday gift.

Parang tumiklop naman si Joan at mas nailang sa kaniyang presensiya.

"Nauuhaw na ako," anito, medyo binabaan ang boses dahil ayaw yata itong marinig ng mga dumadaan na mga tao sa receiving area ng municipal hall.

Ernesto groaned. "Kung bakit ba naman kasi busy ngayon si Kyle. . . ."

Tuwing gabi ng Santacruzan, may handaan sa tahanan ng mga Dela Fuente kaya karamihan sa mga tauhan ni Ernesto ay naiwan doon para sa mga preparasyon.

Without his men, Ernesto had nothing much to worry about his and his wife's security, though. Because a gun holster that carried his pistol was wrapped securely around his waist, tucked away from plain sight beneath the ends of his black short-sleeved shirt.

He stood up. Paalis na sana siya nang mapansing walang-tinag sa kinauupuan nito si Joan.

"Joan!" masungit niyang pukaw dito.

Mabilis itong tumayo. "Señor—"

"Sumunod ka sa akin. Bibili tayo ng inumin mo."

Sumunod nga ito. Napadpad sila sa malapit na convenience store. Binabayaran pa lang niya ang mga pinamili ay ininom na ni Joan ang mineral water nito.

Ernesto carried a small plastic bag of drinks for him and Allyssa. Dalawa ang bote ng mineral water. Ang isa ay reserba para may mainom si Allyssa habang sakay ng carroza. Ang ikatlong bote ay softdrinks para sa kaniya.

"Señor," daldal ni Joan habang naglalakad sila pabalik sa municioal hall, "bakit hindi mo kasama ang mga tauhan mo?"

"May pinatrabaho ako sa kanila."

"E, 'di wala kayong guwardiya ni Señora? Hindi ba delikado 'yon? Baka mamaya, gantihan ka ng mga Tenorio."

He glared at her. 'Dili pa ba 'to nakamu-move on sa mga Tenorio na iyon?' Ernesto even almost forgot that they existed. 'She should be worried about the Silvestres more. . . .'

"Una sa lahat, siksikan mamaya sa prusisyon. Hangga't maaari, ayoko maging sagabal sa pagkilos ko ang dami ng nakabakod sa akin na mga tauhan. Isa pa, hindi ganoon kalakas ang loob ng mga Tenorio para umabot sa pagkitil ng buhay kung gumanti. Puro dakdak lang ang mga iyon. Puro salita."

Nasa harap na ang tingin ni Joan. "Pero ang suwerte n'yo, nano? Ang ganda ni Ma'am Allyssa, e. 'Buti pinatulan ka."

Nahuli niyang nangingisi ang hambog na babae.

"Ang yabang mo rin, nano? Hindi por que nakahahalubilo mo ako, babae, puwede mo na akong biru-biruin ng gan'yan. Hindi tayo magkaibigan at mas lalong hindi tayo close."

Joan shrugged. "Iyon naman pala, e, bakit ang lakas mong mang-asar sa akin kay Kyle?"

Sinalo niya ang pabirong irap nito. Ernesto was already wearing a sly grin. "Ho! Kasalanan ko pa na may gusto ka sa bata ko?"

Nilagpasan nila ang kapal ng mga tao at ang hanay ng mga carroza sa tapat ng municipal hall.

"Puwede ba?" Her cheeks reddened, which looked cute. Pero mas nakatatawa dahil nanlilisik ang mga mata ng babae sa kaniya at nagsalubong ang mga kilay habang pinamumulahan ng mukha.

If Joan looked like that when mad, no one would really take it seriously. There was just nothing threatening with the way she looked.

"Dili," he smirked.

Inaakyat na nila ang hagdan patungo sa entrance ng municipal hall.

"Anong dili?"

"Hindi puwede," balik niya ng tingin dito.

"Anong 'hindi puwede?' Wala naman akong sinasabi?"

"Sabi mo, puwede ba? Sabi ko, dili."

Napakamot ito ng batok. "Hindi naman ganoon ang ibig sabihin ko sa 'Puwede ba?' Expression lang 'yon! Expression!"

Nagkibit-balikat na lang siya, pigil ang matawa. He did not explain to her that he was being sarcastic because if he would, then it wouldn't be funny anymore.

Then, Ernesto could not help growing more curious. Was Allyssa planning something? Kaya inilalapit nito sa kanila si Joan?

There were no leads that linked Joan to the Silvestres, but Allyssa's interest in this woman made him think twice about those facts. Wala naman siyang mapiga na impormasyon mula sa asawa. Allyssa, who used to be so trusting, had suddenly changed since her pregnancy. And it felt so unfair. Hindi naman kasi siya nagloloko rito para tratuhin nito nang ganoon.

Unti-unti na siyang sumeryoso. "Paano mo pala nakumbinsi ang asawa ko na isama ka rito?"

"Secret!" sagot sa kaniya ni Joan. Umupo sila sa sofa sa receiving area ng municipal hall. Bumalik sila sa kung ano ang orihinal nilang puwesto.

"Hindi mo nga maitago 'yang pamumula ng mukha mo kapag nababanggit si Kyle, may pa-secret-secret ka pa," masungit niyang saad.

Joan really knew how to give him a hard time. Mukhang hindi niya rin ito mapipilit kaya hindi na niya kukulitin.

Tumayo na siya. Muntik na kasi siyang makalimot. 'Buti at naalala rin niya agad ang gagawin.

"Dito ka lang. Dadalhan ko lang nitong tubig si Allyssa.

"Okay," ani Joan at inilibot na naman nito ang tingin sa paligid.

'Hindi ba siya nabo-bored dito?' Ernesto wondered before he turned away and headed to the stairs.

***

ILANG oras din naghintay si Joan. Halos ikutin na niya ang unang palapag ng municipal hall dahil sa sobrang pagkabagot. Isa-isa niyang tiningala ang display ng mga painting dito. Sumilip rin siya sa labas at nakiusyoso sa mga nagsasalansan ng mga bulaklak paikot sa bawat carroza.

Manghang-mangha siya habang nakatingala sa isa sa mga carroza. It had a beautiful backdrop studded with white roses. Nakatitik sa pula at bulaklaking arko ang kulay ginto at kumikislap na mga letra na may katagang 'Reina Elena.'

Sinipat ni Joan ang carozza na sasakyan ni Señora Allyssa. Napansin niya na may nakalagay rito na mistulang trono na gawa sa puting bakal. The iron was wrought in such a vintage-looking design. Mas ikinaganda pa niyon ang nakapulupot dito na mga dahon-dahon at mga bulaklak.

'Kaganda ng mga bulaklak!' Palipat-lipat si Joan ng tingin sa carroza, sa mga bulaklak, at sa mamang may bitbit ng mga bulaklak na patuloy sa pagpulido sa flower arrangement.

Nahihiya siyang manghingi ng bulaklak. Para sa carroza kasi iyon ni Señora Allyssa. Ewan, pero hindi niya mapigilan ang mamangha kapag may nakikitang magagandang mga bagay.

Tama nga siguro sina Rita na dahil ito sa palagi siyang nakakulong sa bahay kaya ang bilis niyang mamangha sa mga bagay. Ang dami niya kasing hindi pa nakikita na ordinaryo na lang para sa mga karaniwang tao. Nahihiya tuloy siya ipahalata iyon sa pamamagitan ng panghihingi ng bulaklak.

Joan knew that others would think she was clueless, childish, and stupid, if she expressed how seeing cute and beautiful things made her feel. It wasn't a crime to feel that way, but sadly, she had to act accordingly, based on society's standards. Kaya hanggang patingin-tingin na lang siya.

Dapat na rin naman siyang masanay na hindi nakukuha lahat ng magagandang bagay na nakikita niya. Wala naman kasi siyang kapera-pera para mabili ang mga iyon. Kahit ilang linggo na siyang nagtatrabaho sa manukan ng Hacienda Dela Fuente, sapat lang ang kaniyang kinikita, lalo na't nag-iipon siya para mahanap sa hinaharap si Kobi.

Umusod si Joan nang aksidenteng mabangga siya ng isa sa mga lalaking abala sa pagdedekorasyon sa carroza. Natigilan lang siya nang may kumaway na tangkay ng pulang rosas sa kaniyang harapan. Nang lingunin ang pinagmulan ng kamay na may hawak niyon, nalingunan niya si Señor Ernesto.

Humaplos sa mukha ng lalaki ang malamlam na liwanag mula sa mga dilaw na bombilya na nakadekorasyon sa karamihan sa mga carroza.

Nagbaba siya uli ng tingin sa inaabot nitong rosas. Nagugulohang tinanggap niya ito.

"Iyan na ang souvenir mo sa pag-attend nitong prusisyon para sa Flores De Mayo. Huwag ka nang maghangad ng kung ano-ano pa."

Lumaki ang kaniyang ngiti. "Salamat. Itatabi ko 'to."

Joan inspected the red rose closely. She could not hide her glee, her swooning sigh. "Kaganda nitong bulaklak."

"Rosas ang tawag diyan."

Sabi na nga ba, ganito ang magiging reaksiyon ng mga tao kapag nahalatang first time niya makakita ng isang bagay sa personal, kapag nagagandahan siya!

"Aram ko!" naiinis niyang anas dito.

Señor Ernesto suppressed a grin, but it was so obvious that he was laughing at her at the back of his mind. "Akala ko, dili mo aram, e."

"Alam ko, okay? First time ko lang makakita nito sa personal kaya—" Joan paused and returned her eyes to the rose.

'A, bakit ba masyado akong defensive?

'Dahil ba ito ng katotohanang wala na si Kobi para magtanggol sa akin? Kaya ako na mismo ang nagtatanggol sa sarili ko?'

"Bumalik na tayo sa loob. Ready na si Allyssa. Baka gusto mong makita siya. Mahirap na kasi siyang makita mamaya sa prusisyon. Siksikan. Hindi na kita palalapitin sa asawa ko mamaya at baka anurin ka ng mga tao." Then Señor Ernesto turned on his heel.

"Anurin? Ano ako papel?" sabay niya sa lalaki pabalik sa loob ng municipal hall.

"Ang sinasabi ko lang, na kay Allyssa na ang buong atensiyon ko mamaya. Hindi na kita mababantayan. Kung bakit ba naman kasi isinama ka pa niya rito? Duwa pa kayo na babantayan ko  ngayon." Dalawa.

"Hindi na ako bantayin, señor."

"Ibig sabihin, kung maligaw ka o mawala sa prusisyon mamaya, kaya mo na'ng umuwi nang mag-isa sa hacienda?"

Napaisip siya: Oo, kaya niya. Alam niya ang daan papunta roon. Kaya lang, wala siyang pamasahe. Mahaba ang lakarin papunta sa hacienda, at isa pa, gabi na. Madilim na sa daan lalo na sa highway at bulubundukin papunta sa hacienda.

Señor Ernesto took her silence as her defeat. "Kita mo na?"

Joan fidgeted at the rose. "Ah!"

Napalingon sa kaniya si Señor Ernesto. Before he could even ask what happened, both of them already saw her bleeding finger. Tinanggalan na ng tinik ang mga rosas, pero sa tangkay na hawak ni Joan, may nakaligtas sa mapanuring mata ng florist. Nasa bandang ilalim ng pinakamababang talulot ng rosas ang tinik na tumusok sa daliri ni Joan.

"Sipsipin mo," anas ni Señor Ernesto. Ewan kung naiinis o naaasar ito sa kaniya.

Sinipsip naman ni Joan ang dumudugong daliri. She stole a glance at him while sucking her point finger.

Señor Ernesto let out a tired groan. "This is why I only like to do things one at a time. Ang hirap ng maraming inaasikaso," reklamo nito habang dinudukot ang wallet. "Dito ka lang. Bibilhan kita ng bandage."

That's when Joan understood that irritation was his way of expressing things. 'Tulad ng pagkakataong ito na pagod ang lalaki dahil pabalik-balik ito sa pagitan nila ni Señora Allyssa para masigurado na pareho silang naaasikaso nang maayos. For always taking responsibility in everything, it was Señor Ernesto who was having a hard time.

Naawa tuloy si Joan dito.

"Ako na," lahad niya ng isang kamay.

Nagsalubong ang mga kilay nito.

"Ako na ang bibili."

Hindi nagdalawang-isip si Señor Ernesto. Tinanggap nito ang alok niya para hindi mapurnada ang plano  nitong itsek uli ang asawa nito.

He fished out a fifty-peso bill and handed it to her. "Dalian mo. Baka hanapin ka sa akin ni Allyssa. Pagbalik mo, maghintay ka na lang sa receiving area. Malapit na kasing magsimula ang parada." Tsinek pa nito ang suot na relo. "Siguradong pababa na rin naman sina Allyssa mula sa dressing room."

Joan nodded and immediately left. Sa labas ng convenience store, binasa ni Joan ng mineral water ang duguang daliri. Pagkabili ng bandage, umupo siya sa table set ng convenience store na nakaharap sa salaming pader nito. Inilapag ni Joan sa mesa ang rosas at bote ng mineral water na paubos na ang laman. She carefully wrapped the band aid around her finger. Napahigpit ang pagpaikot niya ng bandage sa daliri kaya dama niya ang pagpintig ng kaniyang daliri.

Pagpasok sa municipal hall, halos banggain ni Joan ang mga tao na nagkumpulan sa receiving area. Panay ang hawi ng security team ng municipal hall sa mga nakikiusyoso para hindi siksikin ang pinagkakagulohan ng mga ito.

But Joan managed to pave her way. She stopped once a security guard in white barong stood on her way with his spread out arms. Lumagpas dito ang tingin ni Joan. Her eyes marveled at the most beautiful woman she had ever seen . . .

Allyssa Bernardino-Dela Fuente.

Pero teka, bakit hindi nito kasama si Señor Ernesto?

•••

PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024

R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery

Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro