21
"PUWEDE bang maiwan muna kami rito, Manong Sammy?" kalmadong pakiusap ni Ernesto sa trabahador.
Magalang itong tumango. "Sige ho, señor."
"Kung gusto mo ng tubig o kape, makiusap ka lang kina Mona."
Pigil nito ang paglapad ng ngiti. "Sige, señor. Salamat ho."
"Bumalik ka rin agad dito," aniya sa lalaki nang patungo na ito sa pinto.
"Opo, señor."
As the door closed, he shot a brooding underlook toward Joan. "Why here?" sandal niya sa swivel chair.
Nakuha pa nitong magulat. "Nanong 'here?'" Anong 'here?'
"Tapos na ang pakay mo rito," paghigpit ng kaniyang boses. Ernesto crossed his arms. "Bakit hindi ka pa umaalis sa hacienda? Pinapunta ko rito kahapon si Kyle pagkatapos ng karambola. Sinabihan ko na siyang ibalik ka na sa bahay ninyo."
"Sinabi niya naman 'yon sa akin."
"Kung gano'n, ano pa ang ginagawa mo rito?"
"Ang sabi ni Kyle, mga Dela Fuente at trabahador lang ng hacienda ang puwedeng tumira dito kaya nararapat na bumalik ako sa Nilabanan. Kaya para hindi na ako makitira kina Kyle o bumalik doon, mag-a-apply ako ng trabaho rito."
He just could not believe this woman. She sounded so innocent, like a child explaining a simple logic. But it seemed like she was mocking him for having to laid out the obvious to him.
"Maraming oportunidad at trabaho sa labas ng hacienda. May bahay ka sa Nilabanan. Bakit ipinagsisiksikan mo ang sarili mo rito?"
"Siyempre, bakit lalayo pa ako, 'di ba? Kaya dito na ako nag-apply ng trabaho."
He was speechless. Hindi siya makapaniwala sa itinatagong apog ng babae. That pride in her voice did not escape his ears though.
"Nani? Ang wais ko, no?" magaan nitong ngiti sa kaniya.
Ah, he was no fool. Such looks, innocent eyes, and carefree smile would never outsmart a Dela Fuente.
His eyes narrowed. "Ang sabihin mo, tuso ka. Ipipilit mo na naman ba na makialam ako sa paghahanap diyan sa kapatid mo? Gusto mo bang maglagi rito para konsensiyahin ako sa bagay na wala namang kinalaman ang mga Dela Fuente? 'Tulad ng pagkawala ng kapatid mo?" He sat straight and untangled his arms. 'Because . . . what else can be her agenda here?'
"Tuso? E, sino ba 'yong madaya na kaya nanalo sa karambola kasi hindi nakipaglaban 'yong manok niya? Patago-tago lang. Paiwas-iwas masaktan."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Ernesto was holding in his irritation.
"Si Kapitan talaga ang tunay na panalo," dugtong pa ni Joan.
May himig na naman ng pagmamalaki sa boses ng babae. For Ernesto, she sounded very immature.
How dare this woman question Siki's win. Siki who was well-trained, who sprung from the finest hybrid of majestic chicken breeds. Siki always held a special place in Ernesto's life—a symbol of his excellence as the eldest child of the family, a symbol of being a victor in many cockfights.
It was the main unspoken rule in cockfighting—to never attach yourself to your fighting cock. Loss would be easier to deal with that way. But Ernesto took the risk with Siki, because he had no plans to lose anyway. And it was worth it.
His aim was to always be on top of all things—to be the victor in every battle, whether within the arena or in life. So, how dare this woman belittle Siki—the fruit of his extensive research, studying, and years of attempt to breed the finest rooster of all? The product of his sweat and hard earned money?
Back to Joan, sure, he could play with kids like her. Kung nakaya niyang makipaglaro ng asaran sa mga Tenorio, bakit hindi rin sa isa pang isip-bata katulad nito? Natural siyang pikunin, kaya pumapatol kaagad sa maliit na pang-uudyok pero siyempre, hindi muna siya nagpapakita ng pagkapikon sa umpisa. He would always play it cool at first.
"A . . . kaya pala inampon mo ang talunang manok na 'yon," ngisi niya.
"Hindi siya talunan! Makabalik lang sa kondisyon si Kapitan, hindi pa tapos ang isang soltada, bagsak agad sa kaniya si Siki!"
"Isang soltada?" He scoffed arrogantly and leaned an elbow on his desk. His body slightly angled to face the right side, but his face pointed toward Joan. 'Ang ambisyosa masyado ng babaeng 'to. Paano niya naisip na sa isang round lang o isang soltada lang, matatalo agad sa one-on-one si Siki?' "Baka nga hindi pa tapos ang unang soltada, hilong-talilong 'yang Kapitan mo kay Silent Killer!"
She gaped, almost defeated at their banter. Then tight-lipped as she clenched her fists. Napagtanto na yata nitong wala itong laban sa asaran sa kaniya. Ernesto was about to laugh when he realized something out of the blue. Binigyan niya si Joan ng nanghuhuling tingin, ng nanunudyong ngisi.
"A, ayaw mo lang siguro malayo kay Kyle, kaya dito mo gusto magtrabaho."
Joan seemed to be caught red-handed because her eyes widened from what he said. Add to that that she dropped mouth open innocently and blushed. She looked so cute he could not help a smile forming at the corner of his lips.
Napasandal sa kinauupuan si Ernesto,l at matamang pinagmasdan ang dalaga. He felt like he nailed in his victory and nothing else could change that.
"Iyon naman pala, e. Idinamay mo pa ang mga manok-panabong, hindi mo na lang aminin na gustong-gusto mo rito dahil kay Kyle."
"Puwede ba, señor!" nahihiyang iwas ng namumula nitong mukha sa pagharap sa kaniyang direksiyon.
Here's the thing: what if he let Joan stay here?
Una, bilang dagdag workforce sa hacienda, na mukhang kailangan nila dahil hindi naman ito dadalhin dito ni Manong Sammy kung hindi. Pangalawa, para hindi magkakaroon ng sama ng loob sa kaniya ang kanang-kamay na si Kyle at manatili ang loyalty nito sa kaniya
At kung pinagseselosan si Joan ni Allyssa, madali na lang ang remedyo roon lalo na't sigurado siyang gusto ni Kyle si Joan. At base sa mga ikinikilos at mga reaksiyon ng dalaga, mukhang nagugustohan na rin nito si Kyle. So, what if, he brings these two closer? Sa paraang ito, wala nang pagseselosan pa si Allyssa.
Everybody wins.
But most of the wins would go to him, of course.
He chuckled. "Pa'no na ang kapatid mo? Hindi mo na hahanapin dahil si Kyle na ang hinahanap-hanap mo?"
Because if that would be the case, then he wouldn't have any problems with this woman at all whether she decides to stay or leave Hacienda Dela Fuente.
"Siyempre, hahanapin ko pa rin!" lingon nito sa kaniya. "Pero dahil ayaw mo na akong tulungan, magtatrabaho ako at mag-iipon ng pera para mahanap siya!"
Relaxed na sumandal uli si Ernesto sa kinauupuan. His eyes scanned Joan to observe her reactions or body language much further.
Meanwhile, Joan was only standing in front of him, hugging herself as she slightly rocked left and right. She was red on the face, defensive, and shy at the same time. Tila nangangalay na ito sa pagkakatayo kaya inuugoy ang sarili.
He always made it a point that he knows everyone's weaknesses starting from their reactions and body language. In that way, he would instantly know how to manage his people and to make them work to his favor. That's why he knew how to get Kyle's loyalty in the first place. . . .
After observing Joan, he considered her application. Medyo tagilid siya sa balak ng babae na ituloy ang paghahanap sa kapatid, pero wala namang kinalaman ang mga Dela Fuente sa pagkawala ni Kobi, at hindi na naman siya inoobliga ni Joan na tumulong, kaya ano pa ang dapat niyang ipag-alala?
"Paano ang bahay n'yo sa Nilabanan?" He had to ask that, dahil kung wala nang balak bumalik si Joan sa bahay nito, obligado siyang patirahin ito sa isa sa mga rowhouse na nakatalaga para sa mga trabahador ng hacienda.
"Iiwanan ko muna, señor."
"Dito mo gustong tumira?"
"Para hindi na ako mamasahe." Medyo kumalma na ito kaya ibinalik na nito nang tuluyan ang tingin sa kaniya.
"Para hindi na mamasahe papunta kina Kyle?" He just could not help smirking when he would tease her.
And as he expected, pink scattered all over her cute face.
"Puwede ba?" iwas nito ng tingin sa kaniya.
So, the woman easily falls, and she began to like Kyle that easily. How she looked funny when infatuated—red-faced, defensive, and all that teenage-like reactions. Hindi na bago kay Ernesto ang ganito, but it still amused him when he sees it.
He gave her his verdict. "Oo. Puwede."
Natigilan ito. She turned her head wildly toward him again. "Puwede?"
"Puwede ka na magtrabaho rito . . ." He intentionally trailed off, so that the suspense would keep her on her toes. ". . . kung kakayanin mo."
Mapaglaro ang paghahamon sa tono niya sa huling sinabi.
"Ano ba? Siyempre kaya ko! No'ng buhay pa ang tatay namin, high school na ako no'n, tumutulong ako sa pag-aalaga sa mga alaga niyang manok!"
Nagbibida na naman ang babae. This time, he found it funny . . . entertaining. Enthusiasm was in her light voice. There was not a single mockery of some sort or a stating-the-obvious sound in her tone.
A smile played on his lips. "Good." He clapped his hands once. "Dapat kompleto mo na ang requirements mo next week."
"Requirements?" She wore a look that printed 'I'm-clueless-about-jobs-and-applications' on her face.
Ernesto explained, more patient this time, "Dito sa hacienda, kailangan mong magpasa ng credentials, ng mga papeles na may kinalaman sa 'yo, for record keeping."
She cocked her head to the side. Hindi pa rin yata nito nage-gets ang ibig sabihin niya. 'Damn. She's already fucking 26 . . . 27. How long did that Kobi lock this girl up in their house to know so little?'
Ernesto kept his tone calm, soothing. "May birth certificate ka ba? May NBI Clearance? May bio-data o resumé?"
"Kailangan pa ba ng gano'n para makapag-alaga ng mga manok?" inosente nitong tanong.
"Dito sa hacienda namin, oo, kailangan. That is, if you want to be entitled to proper compensation and benefits."
Iba na kasi ang panahon ngayon. Hindi tulad noong Spanish era na halos alipin ang turing sa mga trabahador sa hacienda ng mga prayle. This time, no matter how small the job may seem, everyone must be compensated and must enjoy benefits like every other types of jobs. Wala namang problema sa ganoon si Ernesto. He was just wondering what made Joan think that in her line of job, she was not entitled to pass requirements.
Nang mapagmasdang mabuti si Joan, mukhang nahulog na ito sa malalim na pag-iisip. Ni hindi na nito nakuha pang makatugon sa kaniya.
"Sasabihan ko si Kyle na paliwanagan ka," tindig niya mula sa kinauupuan at pinagbuksan si Joan ng pinto. "Tutulungan ka rin niyang mag-claim ng mga requirement mo kung wala ka pang kopya."
Paglingon niya, wala pa ring tinag si Joan sa kinatatayuan nito.
"Puwede ka nang umalis. Kung masalubong mo si Manong Sammy, paderetsuhin mo rito."
Parang ayaw pa nitong umalis. Napapaisip pa yata ito.
Ernesto was getting impatient. "Huwag kang mag-alala. Kung wala kang naintindihan sa mga sinabi ko kanina, ipapaliwanag uli 'yon sa 'yo ng crush mo."
Nagbabantang pinandilatan siya nito ng mga mata, pulang-pula na naman ang mukha. He could not help a chuckle because she just looked so funny, no deeper explanations. Just funny.
"Puwede ba, señor? Huwag kang magdyo-joke ng ganyan kapag kasama natin si Kyle, ha?" Halatang nagpipigil ng inis sa kaniya ang namumulang babae.
Isang beses nagpalipat-lipat ng taas ang magkabilang sulok ng kaniyang labi. "I don't need to joke. Halata naman sa namumula mong mukha."
Napahawak ito sa isang pisngi, natawa tuloy siya. There are truly two kinds of stupids—one that irritates him and one that is funny. He prefers the funny one, of course.
Inirapan siya ng babae bago nito tinungo ang bukas na pinto. But when Joan was about to step out of the door, Allyssa suddenly appeared on the hallway. Nagpalipat-lipat ang gulat nitong mga mata sa kaniya at kay Joan.
Napahigpit ang kapit niya sa seradura ng pinto.
Pigil niya ang hininga.
His wife knew how Joan looked like. Huwag sana ito magpadalos-dalos ngayong personal na silang nagkaharap ng babaeng pinagseselosan nito.
On the other hand, Joan stared at Allyssa. Nangingilala ang bilugang mga mata ng babae bago ito magalang na yumuko at umatras. Muntik na kasi magkabungguan ang mga ito sa pinto.
"Good morning, señora," malumanay na bati ni Joan na tila hindi makangiti. Nasa mga mata nito ang paninimbang sa magiging reaksiyon ni Allyssa.
Allyssa glanced at him. Ernesto gave her a reassuring smile along with an encouraging nod. He wanted Allyssa to greet Joan back, for courtesy, then come to him.
His wife returned her eyes on Joan. Ang tagal nitong mag-react. Sasabog na yata ang baga niya sa sobrang pagpipigil ng hininga. He was already alert just in case Allyssa starts a fight with Joan. He could not kill the possibility of that scenario from happening, but he was still hoping that that wouldn't happen.
Nagtaas-noo lang si Allyssa kay Joan. Medyo nabangga ito ng balikat ng kaniyang asawa nang lapitan siya.
This wasn't what he was asking from his wife, but at least, she did not start something or made a scene. Handa naman siyang paliwanagan ito tungkol sa pagsadya ni Joan sa kaniya sa office room, huwag lang ito mang-aaway.
Joan lowered her head and immediately distanced herself from them while Allyssa stood before him with her hands clamped on his left arm.
"I saw the door open, love. Kaya naisip kong itsek kung lumabas ka na ng office. I want to invite you already to have breakfast with me," tingala ni Allyssa sa kaniya.
Her worried eyes and uncertain smile made Ernesto feel guilty. Allyssa had always been this really sweet woman. She's loving, trusting, and carefree. She doesn't judge people. That's why it hurts a part of him to see her turn to be the person that she was not, especially when she was already beautiful and perfect for who she really was, who she used to be.
Ernesto cupped the side of her face with his hand, thumbed her skin, and smiled. "I'll follow. May kailangan lang akong ibilin kay Manong Sammy."
Nag-angat siya ng tingin at natanaw na naroon pa rin sa kinatatayuan nito si Joan. He knew that Joan felt his gaze because she suddenly looked up and met his eyes. Nakita niyang bahagyang nagulat ang babae pero nang hindi niya naalis agad ang pagkakatitig sa mga mata nito, tila nabasa agad ni Joan ang kaniyang iniisip. Magalang itong tumango bilang pagpapaalam at umalis na.
Allyssa noticed their exchange of glances. In fact, none of them noticed how she watched their silent conversation through their eyes.
Nang ibalik ni Ernesto ang tingin sa asawa, yumakap ito sa kaniyang baywang at sumandig ang gilid ng ulo sa kaniyang dibdib.
"Joan, right?"
Napalingon si Joan na napahinto sa pag-alis nang marinig ang pangalan. Napatingin ito sa kaniya, pagkatapos kay Allyssa.
Then Joan granted his wife a polite smile. "Opo, ma'am."
"Alam ko ang kuwento tungkol sa kapatid mo. Sana makabisita ka uli rito. Baka puwede kitang matulungan."
Inilihim ni Ernesto ang pagkagulat. Napatingin siya kay Allyssa at sa mahinahon nitong ngiti.
Nagliwanag naman ang mukha ni Joan sa narinig. "Talaga, señora?"
Humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Allyssa. "Oo. How about at sunset? Ipasusundo kita, 'tapos magmeryenda tayo sa rooftop?"
Napatingin sa kaniya si Joan. Tila nagtatanong ang mga mata nito. Hindi maunawaan ni Ernesto kung bakit nanghihingi pa ito ng approval niya, so he just looked away.
"Sige, señora! Hindi pa naman ngayon ang simula ng trabaho ko. Kailangan ko raw muna lakarin ang . . . ang rek . . ." She paused, trying to recall the words. "Ang requirements ko!"
Allyssa stifled a giggle. "Great!"
Hindi niya gusto itong ginagawa ni Allyssa. . . .
"Sige po, ma'am, señor," tango ni Joan sa kanila para magpaalam bago tuluyang umalis.
Nang naglaho ang babae, humiwalay agad si Ernesto sa pagkakayakap ng asawa. "Why do you have to do that?"
"Do what?" tila maang-maangan ni Allyssa.
"Alam mo kung ano ang ginawa mo." Hanggang maaari ay pinipigilan niyang pagtaasan ng boses si Allyssa, for her and their baby's sake. "Para saan ang pag-imbita mo kay Joan?"
"I just want to talk to her," nanunukat nitong titig sa kaniya. "Gusto ko lang malaman kung ano ang naka-e-enjoy sa pakikipag-usap sa kaniya."
"Hindi kami nagkuwentuhan dito, kung iyan ang iniisip mo."
"Tapos na ang pagpapahanap mo sa kapatid niya. Tapos na ang derby. Ano pa ang ginagawa ng babaeng 'yon dito?" pagtitimpi nito.
"You just woke up late and we haven't had breakfast yet." He tried to reach her arm. "Let's eat first then I'll explai—"
Tinabig nito ang kamay niya. Her eyes filmed with tears. "I lost my appetite already." Allyssa almost struggled talking with the hint of wavering in her voice.
"You can't lose appetite! Think about the baby!"
Pero naunahan na siya ng pag-walk out nito.
***
NAKAUPO sina Rita at Joan sa sofa at tanghaling-tapat na. Bukas ang TV sa sala, pero wala sa maingay na palabas ang kanilang atensiyon.
Tanghaling tapat na niya naikuwento sa dalagita ang nangyari noong nagpunta siya sa mansiyon ng mga Dela Fuente kaninang umaga dahil buong umaga itong nasa manukan. Part-time na summer job kasi ni Rita ang pagtulong sa manukan sa hacienda. Half-day lang ang schedule nito sa trabaho roon kaya tuwing tanghali ay umuuwi na ito sa bahay.
Habang nagkukuwentuhan sila ay abala naman sa paghahain ng pagkain sa dining table sina Nanay Kristina at Tina.
"Talaga?" sabik na siksik ni Rita kay Joan matapos niyang ikuwento naman dito ang tungkol sa sinabi ni Señora Allyssa.
"Oo," ngiti ni Joan dito. "Mamayang sunset daw, ipasusundo ako ni Ma'am Allyssa."
"Grabe ka talaga, Joan! Ano ba ang sikreto mo at pansinin ka ng rich people?" masaya nitong usyoso.
She just shrugged. Kahit siya, hindi niya alam kung bakit gusto siyang tulungan ni Señora Allyssa. "Naaawa lang siguro sila sa akin."
"Kami rin naman, mahirap, kaya bakit hindi naaawa si Señora Allyssa sa akin? Bakit hindi rin niya ako yayaing magmeryenda?" drama-dramahan ni Rita bago humagalpak ng tawa.
Natatawa na tuloy siya rito. "Ewan ko sa 'yo! Paano sila maaawa sa 'yo, e, naggagaganyan ka? Matatawa lang sila sa 'yo imbes na maawa!"
Siniko siya nito sa braso. "Pero seryoso, tutulungan ka talaga niyang hanapin ang kuya mo?"
"Iyon ang sabi niya. Pero sana talaga, makatulong 'yong ideya niya na mamaya ko pa malalaman kung ano."
Tumango-tango si Rita.
Niyakap naman ni Joan ang kandong na throw pillow. "Alam mo, para siyang diyosa, Rita." Lagpas sa pader ng bahay ang tingin ng kaniyang mga mata. "Noong una, nakakatakot siyang tingnan. Parang masungit. Parang marunong magparusa kung makatingin. Nahihiya akong tingnan siya."
Nakikinig lang si Rita habang seryoso ang mukha.
"Pero kahit nakakakaba ang presensiya niya, ang ganda niya. Pang-model ng shampoo ang buhok. Straight. Mahaba. 'Tapos, kahit hindi ko siya nahawakan, ang ganda ng balat niya at saka mukhang makinis. Singkit ang mga mata niya, ang ganda. Alam mo 'yong . . . 'yong pa-diamond na nakapahiga? Parang gano'n. Ay, dili pala! Mas akmang sabihin na parang mata ng miya." Pusa. "At saka ang ganda ng damit niya at—"
She was interrupted by Rita's chuckle.
"Ano'ng nakakatawa?" irap niya. "Nag-iistoryahan tayo rito, e, bigla ka namang nang-iistorbo!"
"E, kasi parang first time mo lang nakakita ng kagandang babae!"
"Nakita mo na ba si Señora Allyssa?"
"Ngek! Siyempre naman, no!"
"Wala ka man lang bang naramdaman no'ng nakita mo siya? Sa kaganda niyang 'yon!" naeeskandalong harap niya rito.
"Prft. Anak-mayaman siya, e, kaya automatic, maganda siya. Wala namang kakaiba ro'n. Ang kakaiba, ikaw. Bakit ang ganda mo kahit wala kang pambili ng mga pampaganda? Baka ampon ka lang, ha? Baka ang totoo e, nawawalang heredera ka sa isa sa mga hacienda rito sa Masbate!"
"Tigilan mo na nga 'yang pagpupuyat mo sa kanonood ng teleserye sa gabi. Pati ako, nadadamay sa imagination mo, e," pabirong palo niya sa braso ni Rita.
Tumawa ito.
Ibinalik ni Joan ang tingin sa harap. 'Mamaya magre-ready na ako. Dapat presentable ako mamaya para hindi nakakahiya kay Señora Allyssa.'
•••
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro