20
SA LOOB ng dalawang linggo, tinuruan si Joan ni Kyle ng mga dapat niyang malaman sa pagkikristo sa sabungan—mula sa 'rules and regulations' na susundin sa nalalapit na derby hanggang sa mga hand gesture at lingo na ginagamit.
Kadalasan, nakaupo sila ni Kyle sa mahabang bangko na gawa sa kahoy. Nakasandal ito sa pader ng bahay sa labas, nakaharap sa bakuran, at abot-tanaw ang mababang gate.
Kyle would usually show the hand signs using his own hands, then Joan would copy. Pero habang tumatagal, nagiging komportable na silang dalawa na hinahawakan ni Kyle ang kaniyang mga kamay. Ang mga daliri nito mismo ang gumagabay sa kaniyang mga daliri para iwasto ang kaniyang hand signals lalo na at ilang beses pa siyang nalilito bago makuha ang tamang hand sign. Dapat din siyang maging maingat kung ilang beses ibababa ang pagturo ng kaniyang mga daliri at baka isipin ng papakitaan niya ng signal na doble ang sinisingil niyang taya nito.
Bukod sa mga hand signal, pinaglaro din siya ni Kyle ng memory game.
"Dapat matandain ka sa mga nakikita mo," nakangiti nitong saad nang umupo sa tapat ng mesita sa sala. Magkaharap sila at ang mesita lang ang nasa kanilang pagitan. "Walang papel-papel sa ruweda. Aksaya ng oras at mapaghahalataang baguhan ka."
Oo, sinisigurado din ni Kyle na masusunod pa rin ang kagustuhan ng amo nitong si Señor Ernesto na hindi dapat magkaroon ng alas ang mga Tenorio para manalo sa reklamo ng mga ito ukol sa pagkaka-disqualify sa event. Kailangan nilang makasiguradong hindi magagamit ng mga ito ang kawalan niya ng kaalaman sa pagkikristo para palabasing siya ang nagpasimula ng gulo sa napurnadang derby.
Kyle showed her some paper folders that were cut-out into small cards. Sa likod ng mga iyon, may nakadikit na cute size pictures ng mga Torre.
Napangiti tuloy si Joan.
"Tingnan mo isa-isa habang inilalapag ko," ani Kyle.
Kyle set the cards face up first. Kita ni Joan sa mga larawan sina Kyle, Rita, Nanay Kristina, Tina, at ang asawa ni Tina na si Rogelio. Ang nasa ikaanim na larawan ay si Señor Ernesto.
"Bakit naman pati picture ni Señor Ernesto, isinali mo?" labi niya.
Magaang natawa si Kyle. "Para hindi ka makalimot na seryosohin itong ginagawa natin."
"Seryoso naman ako, a?"
"Talaga?" nanghuhuli nitong ngisi. "E, parang sa akin ka nagiging seryoso, e."
Nakakainis talaga ang mga banat ng lalaking ito. Ewan, pero habang tumatagal, parang nagsisimula na siyang talaban ng mga pasakalye nito. She used to only respond a sheepish smile to those things. Pero nitong nakaraan, hindi na niya mapigilan ang mapabungisngis.
Napailing tuloy si Joan. "Umayos ka nga! Ikaw itong hindi seryoso, e!"
"Oo. Kasi sa 'yo lang naman ako seryoso, e," ayos nito sa mga litrato para magpantay-pantay.
"Huwag mo nga ako daanin sa gan'yan. Puro ka naman gan'yan." Nasa mga litrato ang tingin ni Joan. Kahit nakikipagkulitan pa siya kay Kyle, hindi siya nakalilimot magpokus sa ginagawa nila.
"Puro alin?"
"Puro mga gan'yan, puro salita."
"Ibig sabihin, gusto mo na akong kumilos?"
Gulat na napaangat si Joan ng tingin. Saktong nag-angat din si Kyle ng tingin kaya nagkatitigan sila.
Her lips slightly parted, surprised at the way his gaze made her heart trot in little beats. Opposite her was Kyle, who seemed more pleased than surprised at how their eyes connected.
"Oo. Kumilos ka na at ituloy ang pagte-training sa akin dito," natataranta niyang balik ng tingin sa mga litrato.
Unang binagsakan ng kaniyang tingin ang bagot na ekspresyon sa mukha ni Señor Ernesto. Halatang bagong kuha lang ang litrato. At malamang sa malamang, labag pa sa loob nito na ipa-print ang litrato para gamiting praktisan ng pampatalas niya ng memorya.
"Okay," Kyle shrugged, smiling bigger than earlier. His eyes were on the pictures already. "Ilang beses ko nang nababanggit sa 'yo na importanteng matandain ka sa mga nakikita mo, lalo na sa hitsura ng mga tao. Tandaan mo kung sino ang pumusta para sa atin. Kung ano ang hitsura niya, kung saan siya nakapuwesto ng upo . . ." Nagnakaw ng sulyap si Kyle, pero iniisa-isa na ng mga mata ni Joan ang mga litrato. ". . . kung magkano ang pusta niya."
"Okay," sang-ayon niya.
"Ipakita mo rin ang hand gesture mo sa akin."
Napamaang siya rito. "Lahat-lahat, gagawin ko ngayon?"
"Oo. Kaya mo 'yan, Joan." He gave her a reassuring smile, but that did not really help her last minute panic. "Simulan na natin." Kyle picked up a card. "Si Rita. Seven thousand "
She lifted her hands, pointing her seven fingers downward.
Kyle nodded. Itinaob nito ang litrato para ang card na pinagdikitan na lang ang kaniyang makita.
Binilisan din ni Kyle ang pagsasalita. "Si Nanay," angat nito sa litrato ng ina. "Sampung libo."
She hand signaled. He did not show any reaction—if she did it correctly or not—instead, he put the card down.
"Si Rogelio. Limang libo. Si Ate, seven thousand. Si Señor Ernesto, twenty thousand."
Halos hindi siya magkandaugaga kaka-hand signal. Natagalan siya kay Señor Ernesto dahil dalawang beses niya kailangang itaas ang mga kamay.
Nang nakataob na ang lahat ng card, umahon ang panibagong pagsubok.
"Saan dito ang may tayang limang libo?"
'Limang libo . . . Si Kuya . . . si Kuya Rogelio 'yon!'
Madali niyang natandaan iyon dahil ito lang ang nag-iisang tumaya ng limang libo. Iyon din ang pinakamababa. Ang mahirap ay kung alin sa mga nakataob na card ang pinagdikitan ng litrato ni Rogelio.
Kasabay ng pag-e-ensayo sa pagkikristo ni Joan ay ang ilang meeting na ang sinipot niya. Mga meeting iyon na may kinalaman sa pag-apela ng mga Tenorio sa pagkaka-disqualify ni Archie sa sabong. At sa huli, walang napala ang mga Tenorio mula sa kanilang reklamo. Nanatili silang disqualified dahil sa violation na ginawa, ang pagpapasimula ng kagulohan.
Hanggang sa dalawang araw na lang ang nalalabi bago ang mismong petsa ng event . . .
***
NAKATOKONG na shorts si Joan at oversized shirt na pula—mga damit na baon niya mula sa dating tinitirahan. Nakatayo siya sa lupain ng mga manok-panabong ng mga Dela Fuente. Ito ang isa sa mangilan-ngilang parte ng ekta-ektaryang lupain ng hacienda na may nalalabi pang latag ng damo.
Matapos i-test mismo ni Señor Ernesto ang pagiging kristo niya, pinaningkitan siya nito ng mga mata.
Nailang siya sa tila nanghuhusgang tingin nito sa kaniya. Idagdag pa na lalaki ito. At medyo natatakot siya kapag tinititigan ng lalaki dahil base sa karanasan niya noon, nakababastos ang iniisip sa kaniya ng isang lalaki kapag ganoon kung makatitig. What kept Joan together was the fact that Señor Ernesto was looking straight at her face, not her body, not her tigthly bandaged large breasts.
Dumikit sa señor ang katabi nitong si Kyle. Bumulong. Tiyak niyang inuusig na nito ang honcho na ihayag ang nasa isip nito.
"Medyo malamya pa siya." Iyon lang at inalis na ni Señor Ernesto ang tingin sa kaniya. He gallantly turned to Kyle. "Angasan niya nang konti. Hindi puwedeng lalambot-lambot siya sa ruweda. Palakihan ng pusta ang labanan dito. Marami siyang dapat na makarag na mananaya sa manok natin. Baka maagawan siya ng ibang kristo."
'Angasan?' Napapamaywang si Joan habang nakikinig sa mga ito. 'Bakit kay Kyle 'to sinasabi ni Señor Ernesto? Narito ako. Nasa harapan niya ako.'
Hindi siya nakapagpigil. "Bakit hindi mo sa akin mismo sabihin 'yan? Hello? Nandito ako!"
Ikinaway pa niya ang isang kamay.
Señor Ernesto just looked at her at the corner of his eye before resuming talking to Kyle. "Matapos lang ang event, tapos na ang problema natin."
Itinigil na niya ang pangungulit ng kaway rito. Kung ayaw naman kasi talaga siyang pansinin ng lalaki ay wala na siyang magagawa.
Joan could not help an internal sigh. 'Sana nga, matapos na ang problemang 'to. Para makapagpokus na ako sa paghahanap kay Kuya Kobi.'
***
DINIG sa rowhouses at karatig na lugar sa palibot ng arena ang komosyon mula sa sabungan.
Huminto ang sasakyan ni Kyle sa paradahang nalalatagan ng graba at pagkapatay nito sa makina ay nilingon si Joan.
"Huwag kang mag-alala, Joan," payapa nitong ngiti sa kaniya. "'Tulad ng sinabi ko sa 'yo kahapon, tutulungan kita. Dili ko hahayaang mapahamak tayo."
Sabay na bumagsak ang kanilang mga mata. Pumatong kasi ang kamay ni Kyle sa ibabaw ng kaniyang kamay.
Out of reflexes, Joan automatically withdrew her hand. Kapwa sila kinabahan at halos sabay pang nagsalita.
"Sorry—"
"Ano—"
Natigilan sila at nagpalitan ng mga tinginan na nagpapaubaya. Gusto ni Joan na paunahing magsalita si Kyle, pero parang gusto naman nitong mauna siyang magsalita.
But Kyle, as always, heeded nothing else but what she wanted to happen.
"Sorry. Hindi ka sana nabastusan sa ginawa ko."
Nagbaba siya ng tingin. Her hand was already pulled close to her chest into a ball of fist against her beating heart, while Kyle's hand already returned on the steering wheel. Sa higpit ng kapit doon ng binata, kita niyang kinakabahan din ito.
"Ano kasi . . . Masyado lang kasing mabilis. Bakit hinahawakan mo ang kamay ko?" Nanumbalik ang inosente at natatakot niyang mga mata sa mga mata ng lalaki.
"Sorry talaga. Ayokong matakot ka sa akin, ano kasi—"
Hindi na nito malaman kung paano ipapaliwanag ang sarili. Nahihiya tuloy si Joan na makipagtitigan pa rito. Napunta tuloy ang kaniyang tingin sa harap ng kotse.
Matapos ang ilang minutong katahimikan, hindi nakatiis si Kyle. "Hamos na. Baka hinahanap na tayo ni Señor Ernesto."
Binuksan nito ang pinto sa tabi nito. Hindi na hinintay pa ni Joan na pagbuksan siya ni Kyle at alalayan sa pagbaba ng kotse. Kaya na naman niya kaya sinabayan na niya ito sa pagbaba mula sa sasakyan.
Today, Joan wore the pair of jeans that Kyle gifted for her on her birthday. Tinernuhan niya ang pantalon ng puting button-down blouse na tiniklop hanggang sa mga siko ang mahabang mga manggas. Her curly hair was tied in a high ponytail. It was so long, it had to be tied high so that she would not accidentally sit on it.
Of course, Kyle matched her beauty with his handsomeness in his blue jeans, green short-sleeved button-down shirt, and neatly trimmed hair in place.
Tinungo nila ang rowhouse na nakatalaga para kay Señor Ernesto, sa mga tauhan nito, at sa anim nitong panabong na manok. Nakahanay ang kulungan ng mga manok sa bakanteng espasyo sa tapat ng rowhouse habang bantay-sarado ang mga ito ng mga tauhan ni Señor Ernesto. All of his men looked rough and tough, wearing a frown or a static scowl on their faces.
Walang-bati na nilagpasan ni Kyle ang mga ito kaya tahimik siyang sumunod. Iniwasan niyang mabangga sa hanay ng kulungan ng mga manok na asikasong-asikaso ng dalawang handler na itinalaga ni Señor Ernesto para sa mga ito.
As Joan walked past the cages, she saw the black rooster at the center—the one that always got this special treatment, Siki.
Ang ingay ng malaking bentilador ang sumalubong kina Joan pagpasok sa rowhouse. Tahimik na nakaupo sa tapat niyon si Señor Ernesto. He slouched on a wooden chair. His foot was atop the other as they rested upon the seat of another wooden chair across where he sat.
Nakasuot ng puting button-down shirt si Señor Ernesto na may maikling mga manggas. Dahil maikli ang mga manggas, yumayakap ang mga ito sa matigas at matambok na biceps ng lalaki. His wavy hair was wildly tossed here and there, shimmering with a coat of sweat. Panay ang dampi nito ng panyo sa butil-butil ng pawis sa noo at gilid ng mukha.
Napaisip tuloy siya kung paano natitiyaga ng lalaki ang magtrabaho sa hacienda kung pawisin ito.
His piercing eyes landed on them.
"Ang tagal n'yo dumating. Nag-date pa ba kayo o ano?" masungit nitong saad.
"Sorry, Señor Ernesto," tugon ni Kyle rito.
"Dumeretso na kayo sa arena. Makipag-coordinate na kayo sa mga tao roon para masimulan na ang pataya."
Señor Ernesto sounded in a rush. Impatient. Joan wondered why.
Tumango si Kyle at nilingon siya. "Tara, Joan," anito at nauna sa kaniya sa pinto.
Joan gave Señor Ernesto one last look. 'Sa init ng panahon siguro kaya aburido siya. Hindi siya magkandaugaga sa kapupunas sa kan'yang pawis.'
Nang ituon sa pinto ang tingin, nakita niyang nakaabang ang mga mata ni Kyle sa kaniya. Seryosong nag-aanyaya na ang tingin nito kaya mabilis siyang tumalima.
Alas-singko ng hapon nagsimula ang derby kung saan labing-anim na manok ang maglalaban-laban. Hindi na ito katulad noong naunang derby na may nagaganap na 'ulutan' o sistema kung saan pinagpapares-pares ang mga manok-panabong na maglalaban bago isalang sa ruweda. Sa pagkakataong ito, 'karambola' na ang sistema ng labanan kung saan magsasama-sama sa iisang ruweda ang mga manok at matira-matibay. Naka-e-excite sa mga patron na isa lang ang puwedeng umuwing panalo. Naka-e-excite din para sa mga ito ang isiping makatutunggali ng mga ordinaryong mamamayan ang mga panabong na manok mula sa mga mararangyang hacienda at mayayamang sabungero.
Lingid sa kaalaman nila na ginawang ganito ang sistema ng laro upang makabawi ang committee sa naluging pera mula sa unang derby na napurnada dahil sa suntukan nina Archie Tenorio at Señor Ernesto Dela Fuente. One winner would mean paying less people with the pot money.
Nakakakaba naman ang katotohanan na mas malaki ang tiyansa ng mga 'tulad ni Señor Ernesto na manalo dahil sa dami ng manok-panabong na isasalang nito sa karambola para makasigurado. Pinapayagan kasi ng komite na sumali ang isang team o maglaban ng hanggang anim na manok-panabong ang isang team o isang sabungero. Bagay na 'di kayang pantayan ng mga mahihirap na sabungero na hanggang isa o dalawang manok lang ang kayang alagaan.
Sa hudyat ng kasador, nagsalubong ang mga kristo at mananaya sa gilid ng ruweda. Nagkawayan ang mga kamay at nag-unahan ang mga mananaya upang mapansin ng mga kristo. Ang mga kristo nama'y panay ang papansin at tawag sa mga mananaya. Halos lamunin si Joan ng pagkakagulo sa paligid. 'Buti na lang at may naisip silang diskarte ni Kyle.
Panay ang palitan nila ni Kyle ng tingin. She was below, at the cockpit, while he roamed around the bleachers. Nakikipagpalitan si Joan ng transaksiyon sa mga mananaya habang palihim namang tinatabihan ito ni Kyle para memoryahin ang taya at isulat sa dala nitong papel.
Without her knowing, Kyle requested to be assigned for monitoring backhanded offers and bets. Ito ang mga klase ng taya na walang-kamalay-malay ang komite na nagaganap. Ipinagbabawal ang ganitong klase ng ilegal na diskarte sa mga derby kaya sinisigurado ni Señor Ernesto, na miyembro ng komite, na walang dayaang nagaganap sa pamamagitan ng pagpapalibot ng mga tauhan nito sa bleachers.
Habang nakabibingi ang ingay sa pagitan nilang mga kristo at mananaya, nagaganap na sa likuran ng arena, ang 'kulitan.' Ang 'kulitan' ay ang pagtutukaan ng mga manok sa ulo ng kapwa manok para maging agresibo ang mga ito. Kinokondisyon ng ganitong gawain ang mga manok na makipag-away para ganahang makipagsabong.
Nang matapos ang tayaan ay ipinatawag na ang mga kalahok. As the participants entered, bright white lights flashed, pointing to the cockpit.
This time, Joan stood outside the cockpit, at the front row of the bleachers. Kyle, who remained on the bleachers, stood right behind her. Pasimpleng binabakuran siya nito mula sa mga manonood na nagsisiksikan na sa gilid ng ruweda, mapanood lang nang maayos ang karambola.
Grabe ang pagod at pangangalay ng kaniyang mga braso kaya nakalaylay ang mga iyon sa magkabilang gilid niya. Nanghihinang napasandal tuloy si Joan sa dibdib ni Kyle.
Pinanood nila ang paikot na paghanay ng mga kalahok. Hindi magkakatabi ang mga magkaka-team kundi nakakalat. At madaling nahanap ng mga mata ni Joan si Señor Ernesto.
He stood gallantly in his black cowboy boots. Namumuti na ang mga iyon sa alikabok katulad ng dulo ng pantalon nito dahil sa masukal na lupang sumasahig sa ruweda. Señor Ernesto cradled Siki beneath his arm, gently stroking the provoked fighter from its nape down to its back.
At sinimulan nang pakawalan ang mga manok. Umaatikabo agad ang panimula. Nagsuguran ang karamihan sa mga panabong. Nagliparan ang mga manok, alikabok, at balahibo. Nagkaroon ng palitan ng tukaan at kalmutan. Dumagundong ang pinaghalong hiyawan ng mga manonood at sabungero sa buong coliseum habang pumapailanlang sa mga ito ang masiglang komentaryo ng announcer.
Nagpatakan ang mga dugo ng mga nadaplisan ng 'tari' o patalim na nakakabit sa isa sa mga paa ng bawat manok.
Dahil sa duguang mga manok, doon naalarma si Joan. 'Kawawa naman sila . . .'
Pero taliwas sa reaksiyon ni Joan ang sa mga manonood—may mga napapalatak na ng malulutong na mura, at may humahalo na ang tawa sa pag-cheer sa pinustahan nitong manok. Naghalo-halo na ang mga nagsasabong na manok kaya hindi na rin malaman ni Joan kung alin sa mga iyon ang pagmamay-ari ng mga Dela Fuente.
Then Kyle spoke behind her. "Mautak talaga si Siki."
Naningkit ang mga mata niya. "Paanong mautak? Diin?" Saan?
The dusts settled down slowly as the roosters fell one by one. Nang mahawi ang ulap ng alikabok, mas naging malinaw na kay Joan kung nasaan si Siki.
Taliwas sa ibang mga manok. Si Siki ay paikot-ikot lamang sa ruweda. Namamasyal. Patuka-tuka sa lupa. Lumalayo agad sa mga nagpapatayang manok. Hindi madaling mapansin iyon sa kalagitnaan ng kagulohan. Sa huli na lang nakikita kapag mangilan-ngilan na lang ang natitira.
"Hindi ba pandadaya 'yan?" pasigaw na bulong ni Joan kay Kyle. Nag-iingat lang siya na huwag marinig ng kahit sino sa kabila ng dumadagundong na ingay sa arena.
Kyle just shrugged. "Kung pandaraya 'yan, e, 'di sana, kanina pa pinuna ng referee, 'di ba?"
Napasimangot siya. "Wala akong alam sa pagsasabong, pero tandang-tanda ko pa ang narinig ko noon sa tatay ko na nagsasabong dati. Mamalasin ang mga mandaraya sa sabong."
Kyle just chuckled. "First time mo nga pala napanood magsabong ang señor, ano? Puwes, mabibilib ka ngayon sa galing niya sa sabong."
Joan returned her eyes on the cockpit and flinched at the sight of blood and chaos there.
Susuray-suray na dinampot ang isang puting manok na natitirang nakatayo. Dinampot na rin ni Señor Ernesto si Siki. Pinatuka si Siki sa ulo ng puting manok. Hindi gumanti ng tuka ang puting manok.
Pagkatapos, pinatuka ang puting manok sa ulo ni Siki, pero hindi ito tumuka. Lumaylay lang ang ulo nito. Tila humihinga pa ito pero matamlay dahil sugatan. Dahil doon, idineklarang panalo si Siki. Dumagundong uli ang arena sa lakas ng hiyawan at halo-halong reaksiyon mula sa mga manonood at mananaya.
Señor Ernesto won but had no big reaction on his face. He just politely smiled at the audience and stroked the back of his black rooster.
"Hamos na," anyaya sa kaniya ni Kyle para lisanin ang kanilang puwesto.
Tantiya ni Joan ay mag-aalas-nuwebe na ng gabi sila nakabalik sa rowhouse. Bukod sa karambola kasi ay tinapos nila ang programa at sinamahan si Señor Ernesto sa pagkolekta ng mga premyo nito na isang tseke at labinlimang patay na manok.
Nang marating ang rowhouse, nagliligpit na ng gamit ang mga tauhan ni Señor Ernesto sa labas nito. Inabala naman ni Señor Ernesto ang sarili sa pagbibilang sa mga patay na manok sa loob ng mga karton habang nakaupo sa kahoy na upuan. Nakatutok pa rin sa honcho ang malaking bentilador. Kahit gabi na kasi ay maalinsangan pa rin ang panahon.
Habang pinapanood nila si Señor Ernesto, siyang lapit dito ng isa sa mga tauhan nito. Ito ang pinahabol nila sa isa sa mga natalong manok-panabong na nakatakbo kanina.
"Señor," angat nito ng kamay, patiwarik ang hawak sa puting manok na natirang buhay sa karambola kanina. "Nakuha na namin sa wakas itong si Puti!"
"O, isama na 'yan sa mga ititinola mamaya," walang-emosyon nitong saad. Nasa pagbibilang ng mga patay na manok pa rin ang mga mata nito.
Nakita ni Joan ang nanghihinang pagkawag ng puting manok. It clucked in a small, strained, pleading voice.
"Masusunod, señor," talikod ng tauhan ng honcho nang pigilan ito ng kaniyang boses.
"Anay la!" Sandali lang!
Nagulat na lang ang lalaki dahil pagharap nito sa kanila, nakalapit na siya rito.
Hinawakan ni Joan sa katawan ang manok gamit ang dalawang kamay. "Puwede bang akin na lang 'to?"
"Ano na naman ba 'yan, Joan?" Señor Ernesto side-eyed at her.
"Buhay pa 'to, o! Dili ka ba—"
'Naaawa.' Iyon sana ang sunod niyang sasabihi pero bakit nga ba nagsesentimiyento siya ng ganito sa isang batikang mananabong? Para sa mga katulad ni Señor Ernesto, wala namang halaga kung nakaaawa ang hayop o hindi. Dahil kung may awa ito, hindi ito malilibang sa panonood sa pagpapatayan ng mga manok-panabong.
"Akin na lang 'to," pagtatapos ni Joan.
Señor Ernesto looked away for a second. Tinapos nito ang pagbibilang bago tumayo at dinukot ang wallet mula sa back pocket ng pantalon nito.
"Ayaw mo ng pera?" balik ng bagot nitong mga mata sa kaniya.
'Pera?'
He counted some bills in his wallet before he plucked out some of them. "Ito na ang kita mo para sa gabing ito. Medyo binawasan ko dahil may nagreklamo na hindi mo isinama sa bilang mo ang pusta niya."
Napalunok siya. "Gusto ko 'yong manok."
Disbelief sparked his bored eyes to life. But it was only for a short moment. Señor Ernesto's disappointment at her suddenly took place.
"Tingnan mo nga 'yang manok na 'yan," mabigat nitong wika, tila nagpipigil na pagtaasan siya ng boses. "Mamamatay na rin 'yan. You'll just disappoint yourself, dahil kahit anong gamot ang gawin mo sa hayop na 'yan, mamamatay lang din 'yan."
Sa maikling panahon na nakasalamuha niya si Señor Ernesto, alam na alam na ni Joan ang isang bagay tungkol dito—hindi ito mapapaliwanagan pa kapag buo na ang desisyon nito. So, she did not bother to explain herself anymore.
"Basta. Akin na lang 'yong manok."
He gave her a stare. Naghihintay pa yata itong magbago ang isip niya. The longer he waited, the more his eyes narrowed at her.
"Pagbigyan n'yo na si Joan, señor," malumanay na pagitan ni Kyle sa kanila. "Alagang manok ang gusto niyang pabuya sa unang trabaho niya sa pagkikristo, kaya pagbigyan na lang natin."
Hindi pa rin nagpatinag si Señor Ernesto. He seemed to wait for her to change her mind but Joan's determined eyes kept locking gazes at him. Pinanindigan niya kung ano ang gusto niya.
Señor Ernesto scowled. "Bagan lamay!" Para kang tanga! "Ito na ang pera! Makatutulong ito para mahanap ang kapatid mo pero manok pa ang gusto mo!" Then he shook his head while slipping the money back in his wallet. "But fine. Pinili mo 'yang manok, e 'di iuwi mo 'yang manok na 'yan."
Nagliwanag ang kaniyang mukha. Dali-daling inagaw niya mula sa tauhan ni Señor Ernesto ang puting manok.
Hindi malaman ni Joan kung paano hahawakan ang manok noong una. Medyo nanlaban kasi ito. Nag-alala si Kyle at kumilos na para bang balak siyang tulungan, but before he could, she already managed to cradle the wounded chicken into her arms.
Napangiti siya nang isandig ng manok ang ulo nito sa kaniyang braso.
"Hello, Kapitan," usap niya rito.
"Great. She already named the chicken," Señor Ernesto muttered sarcastically while picking up his black cowboy hat. Nakasabit lang ang sombrero kanina sa sandalan ng upuang kahoy.
Nang ibalik ni Joan ang tingin sa honcho ay nilagpasan na siya nito. Palabas na ito ng rowhouse nang magsalita nang walang-lingon. "Kyle, pagkahatid mo kay Joan, dumeretso ka sa mansiyon. Kakausapin ko kayo ni Dado."
"Opo, señor," ani Kyle at 'tulad niya, hinatid nito ng tingin si Señor Ernesto.
Noong nasa loob na sila ni Kyle ng kotse nito, doon na malayang nakapagkuwento si Joan.
"Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit sobrang pagod at aburido 'lagi ang Kuya Kobi ko." She could not help a loud, tired sigh. "Grabe itong trabaho niya. Ang sakit sa ulo! Nakatutuyo ng lalamunan ang pagtatawag sa mga tao, 'tapos, ang sakit sa mga braso at binti! Nakabibingi pa ang ingay! Magulo! Mahirap mag-concentrate!"
Mahinang natawa si Kyle. "Wala namang trabahong madali, lalo na para sa mga 'tulad natin na hindi naman sikat o pinanganak na mayaman."
Nakasandal lang si Joan sa kinauupuan. Her dreamy eyes pointed at nowhere. Wala na sa mga braso niya ang manok dahil nagpapahinga na sa kulungan nito sa back seat si Kapitan.
"Totoo 'yan, Kyle. Kaya hindi na ako magiging mapili sa trabaho."
Gulat na napasulyap ito sa kaniya. He looked more worried than surprised though. "Maghahanap ka ng bagong trabaho?"
"Oo," nakangiting lingon niya rito habang nakasandal pa rin sa upuan ang ulo. "Kailangan e." Nasa bubong ng kotse na ang kaniyang tingin. "Dapat, makaipon ako ng pera para mahanap si Kuya."
He granted her a sad smile. "Hindi ka talaga susuko pagdating sa kapatid mo, ano?"
"Hindi nga niya ako sinukuan kahit hirap na hirap na siyang kumayod para may makain kami, kaya bakit ko siya susukuan?" naluluha niyang ngisi, umaasa.
Masyadong umaasa . . .
***
THE warm scent of coffee relaxed Ernesto along with the view of the dried terracotta lands and mocha mountains before him.
Everything just felt so peaceful. Even the skies seemed forgiving: The sun wasn't harsh on the land. Clouds spread out evenly, blanketing the sun to withhold its fiercest rays.
There was nothing that brought Ernesto more peace than winning a cockfight and possessing more money.
Nakaupo siya sa office room ng kanilang bahay at inihanda na ang tseke ng napanalunang pot money sa derby. Umaabot sa milyon ang nakaprintang halaga rito. He finished signing the deposit slip and neatly tucked it in the middle of his passbook's page, along with the check.
Nang matapos, sumimsim siya ng kape. Sa bawat paghagod ng kape mula sa kaniyang mga labi pababa sa lalamunan ay kumalat ang pagkagising sa kaniyang buong diwa at sistema.
Sa wakas, wala na siyang problema pa.
Tapos na ang derby.
Tapos na ang obligasyon niya pagdating sa pagpapahanap sa kapatid ni Joan. Hindi na rin niya kailangan ang tulong ng babaeng iyon kaya wala na siyang pakialam kung saan ito mapunta dahil sa kahahanap kay Kobi.
Ibig sabihin din niyon, wala nang pagseselosan si Allyssa. Kaya solved na rin ang problema niya pagdating sa mood swing ng nagdadalantaong asawa.
'Balik na sa normal ang lahat. . . .'
Kumatok sa pinto nang ilang ulit ang katulong bago ito sumilip sa silid. "Señor Ernesto, may naghahanap po sa inyo. Si Manong Sammy."
Si Manong Sammy ang namamahala sa manukan ng hacienda. Hindi mga manok-panabong ang nasa manukan na nabanggit kundi mga binhing manok 'tulad ng mga inahin at sisiw. Ito rin ang responsable sa chicken meat and egg business ng mga Dela Fuente.
"Sige, patuluyin mo, Mona."
Ilang segundo lang at sumilip mula sa likuran ng pinto ang ulo ni Manong Sammy. May nakasabit na puting towel sa leeg ng matandang nasa mid-fifties na nito. Halata sa mamula-mulang balat nito na matagal na itong bilad sa araw. Namumuti na rin ang ilang hibla ng patasang gupit ng buhok nito.
"Magandang umaga, señor."
"Tuloy," sulyap niya rito bago sumimsim uli ng kape.
Pagbaba niya ng mug, nalingonan niyang tumuloy ang matanda. Hindi pala ito nag-iisa. Sumunod kasi rito papasok sa office room si Joan.
Joan slightly lowered her head. He was not sure if she was being polite or feeling sheepish. She smiled but obviously nervous. Ang babae na rin ang nagsara ng pinto dahil huli itong pumasok.
Itinutok niya agad kay Joan ang kaniyang tingin. He scanned her from head to toe—on her soft face and the small curls of her hair tied in a messy bun. She wore a green oversized shirt and denim shorts that almost reached her knees. Kulay pula ang gomang tsinelas nito.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. 'Anong gulo naman kaya ang nagawa ng babae para abalahin si Manong Sammy?' Nirendahan ni Ernesto ang sarili bago pa siya napaimik. 'What if she came here for me? Ipagpipilitan pa rin ba niya na responsabilidad ko ang pagpapahanap sa kapatid niya?' He grew more suspicious of her. 'Bakit tila ayaw niya akong tantanan?'
When their eyes met, Ernesto was already calm. Yes, he was calm, but this was only the kind of calm that occurs before an outraging storm. He was only holding back his speculations and caution.
"Señor," panimula ni Mang Sammy. Maaliwalas ang mukha ng matanda. Nagdalawang-isip tuloy siya sa unang hinala niya na may atraso si Joan dito. "Sumadya ho ako rito para ikonsulta sa inyo kung puwede bang magtrabaho sa manukan itong kasama ko?"
•••
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro