Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2

JOAN wore an oversized faded shirt. Hirap siyang makahinga sa higpit ng pagkakapulupot ng benda sa kaniyang dibdib sa ilalim ng suot na sports bra pero tiniis niya. Kailangan niya kasing magsuot nang ganoon araw-araw simula nang mag-dose anyos siya dahil sa ganoong kamurang edad ay nagsimula ang pagbabago sa kaniyang katawan.

Puberty instantly gave her menstruation and big breasts. At dahil sa kaniyang dibdib ay pinagtitinginan siya hanggang sa nabuo na rin ang insecurity sa kaniyang katawan. She began to feel ashamed of her big and early developed breasts. They made it hard for her to run. They made it hard for her to do simple things without being sexualized by the unwanted eyes and attention she was getting from everybody—some men who looked with malice, and some women who would complain and demand her to dress more decently.

Aanhin din ba niya ang malaking boobs kung nababastos naman siya? Aanhin niya ang mga ito kung napapaaway ang kaniyang Kuya Kobi kapag may mga lalaki na huma-harass sa kaniya? Kapag bumibiyahe sila sa malalayong lugar, pumupunta sa palengke o sa dalampasigan, at lumalakad sa karatig-bayan, napapaaway ang kuya niya sa mga malalaswa kung tumingin o sa mga nagpaparinig sa kaniya.

The oversized outfits made her look wider than her normal size, but the slimness of her arms revealed the truth about how the lack of proper meal made her slim. Walang pakialam si Joan kung hindi bagay sa kaniya ang suot, ang mahalaga ay hindi halata ang hulma ng bilugan niyang mga hinaharap. Besides, Joan believed that her beauty didn't depend on her breasts.

She loved her slim waist and thick ass figure where she was slightly pudgy around the lower waist because of her wide hips. She also had eyes that were so round and dark brown with thick lashes. Mapapansin lang na kulay brown at hindi itim ang kaniyang mga mata kapag nasisinagan ng araw. Her hair were swirls of messy springs of tiny corkscrew curls. Lagi niyang ipinupusod ang buhok kahit na laging may umaalpas na mga hibla nito mula sa tali. Those soft tendrils often chandeliered on the sides of her forehead and framed her delicate face.

https://youtu.be/Xk2UrBlRgl4

Nakatitig na si Joan sa sariling repleksiyon, sinisiguradong balot na balot ang katawan ng suot na malaking T-shirt at maluwag sa binti na pantalon. Tsinelas lang ang sapin niya sa mga paa. Lagi silang nakatsinelas ni Kobi kahit sa loob ng kanilang bahay dahil masukal ang sahig dito. Wala itong tiles o linoleum, at hindi sementado o patag. Dating kubo ito na pinatibay ang bubong at mga dingding sa paglipas ng panahon. Iyon lang kasi ang kaya ng pera ng pamilya nila.

"Joan," ubo ni Kobi na biglang sumulpot sa kaniyang likuran. Daanan kasi papunta sa kahoy na lamesa ng pinag-isang sala at kusina ang kinalalagyan ng lumang body-sized mirror.

Sinundan niya ng tingin ang kapatid. Magulo ang makapal na itim at maliit na pagkakakulot ng buhok nito dahil bagong gising. Tuluyang naging hukot ang postura nito dahil sa sobrang pagbabanat ng buto mula pagkabata. Halatang-halata pa ang pagiging hukot nito dahil bukod sa payat ang pangangatawan ay matangkad din itong lalaki.

Umupo sa mahabang bangko si Kobi, "Nasabi mo na ba kay Mang Ismael?"

Umubo pa ito. Then she heard Kobi clear his throat.

Joan cringed a bit at how she looked, so she focused on adjusting her T-shirt a little by tugging it down. Sinagot niya ang kapatid, "Oo naman. Nasabihan ko na."

Tumango-tango ito. Kumilos na rin ang mga kamay ni Kobi para isa-isahin ang pagtanggal sa mga takip sa pinggan na pinaglagyan niya ng tirang ulam at kanin para dito. Pagkatapos, sinalinan ni Kobi ang sarili ng tubig sa baso mula sa plastik na pitsel. "Nasabihan mo na pala, bakit ayos na ayos ka riyan? Saan ka pupunta?"

Hindi niya dinamdam ang tono ni Kobi. May mga araw naman kasi na magiliw itong makipag-usap sa kaniya. Iritable lang ang kaniyang kuya dahil sa ubo at trangkaso nito kaya parang mapanghusga ang tono ng pananalita.

"A . . . lalabas lang saglit, kuya. Maghahanap ng . . . sideline."

Tinapunan siya nito ng matalim na tingin.

"Sideline? Bakit?" salubong ng mga kilay nito, paunti-unti ang pagsimsim nito ng tubig mula sa plastik nitong baso na kulay green. Medyo transparent ito kaya nakikitang may laman na tubig.

"E, masama ang pakiramdam mo ngayon, e. Hindi ka makakapag-sideline sa sabungan kaya saan tayo kukuha ng panghapunan mamaya?"

Umubo ito. "Mangutang—"

"'Yan na naman tayo, e," lapit niya sa kapatid. "Ayoko nang mangutang."

Sa totoo lang, ayaw na niyang mangutang kina Aling Pearly. Napapansin kasi ni Joan na nag-iiba na kung makatingin ang nakikipisang binatang apo ng matandang biyuda sa kaniya.

Tumingala si Kobi sa kaniya nang tumayo siya sa tabi ng mesa, paharap sa kinauupuan nito.

"Akala mo ba, madaling maghanap ng trabaho? Na maraming mapupulot diyan sa tabi-tabi, Joan?" Nanenermon ang tono nito habang pinamumunas ng pawis ang kuwelyuhan ng T-shirt nitong tinastas ang manggas kaya naging sando. "Baka mamaya niyan, e, mabastos ka na naman. Wala ako sa kondisyon makipagbasag-ulo ngayon—" Umubo ito nang tuyo at hindi na natapos kahit ininuman na iyon ng tubig.

Nag-aalalang tinapik-tapik niya ang likuran ni Kobi.

"Bibili pa tayo ng gamot mo," paglambot ng kaniyang boses habang awang-awang pinagmamasdan ang kapatid.

"Tangina. Kalamansi lang ang katapat nito, Joan," pagnipis ng boses nito. Hirap itong magsalita nang maayos dahil nauuubo na naman.

Napalabi siya. Ipinagpipilitan na naman kasi ng kapatid niya ang kalamansi nito na hindi na tumatalab sa lala ng ubo nito. 'Kalamansi. E, wala rin ngang pambili ng kalamansi.'

"Mangutang ka na lang mamaya ng panghapunan," patuloy ng kapatid niya.

Hindi puwede ang ipinapakiusap ng kaniyang Kuya Kobi. Kailangan niyang malusutan ito.

"Sorry, kuya, pero susubukan ko munang maghanap ng mapagkakakitaan, okay? Babalik din ako agad. Kung wala akong mapala, e, 'di sige. Mangutang tayo."

Napailing na lang si Kobi na dismayado sa kaniyang pasya. Hindi nga lang ito nakipagtalo pa dahil sa sobrang sama ng pakiramdam. Alam din naman nitong dehado ito sa kaniya pagdating sa pagpigil sa kaniyang mga gustong gawin.

"Bye, Kuya," tapik ni Joan sa balikat nito bago nagmamadaling lumabas ng bahay.

Sumalubong sa kaniya ang tirik na araw. May init iyon na tumutusok sa kaniyang balat kaya napangiwi siya. She was unwilling to go back into their house to get an umbrella. Kapag nakita pa kasi siya ni Kobi, tiyak na magbabago ang isip nito at tuluyan na siya nitong pipigilang lumabas ng bahay.

Nagsimula na siyang maglakad.

Sumadya si Joan sa bahay ni Kuya Toto para samahan siya nito kina Señor Ernesto. Nagtatrabaho para dito ang kaniyang kapatid bilang kristo o tagakolekta ng mga taya sa sabungan kaya susubukan niyang saluhin ang trabaho ng kapatid.

Ang tanging alam niya tungkol kay Señor Ernesto ay ito ang panganay na anak ng kasalukuyang may-ari ng hacienda ng mga Dela Fuente na si Don Timoteo at mahilig itong magsabong.

Matindi rin daw ang trust issues ng nakatatandang Dela Fuente kaya mismong tagakolekta ng mga taya o ang kristo na naninilbihan dito ay iisang tao lang dapat. It was supposed to be her brother, Kobi. Ito ang pinagkatiwalaan ni Señor Ernesto para sa trabahong iyon, pero biglaan namang sumama ang pakiramdam nito. Inakala pa ni Kobi na gagaling ito bago dumating ang mismong araw ng sabong pero sa kasamaang-palad ay hindi, kaya pinapunta siya nito kahapon lang kay Mang Ismael. Maalam si Mang Ismael sa pagsasabong, kaya pinapakiusapan ito sa kaniya ni Kobi na ito muna ang humalili sa trabaho nito. Ang hindi alam ng kaniyang kuya, tumanggi si Mang Ismael dahil may trabaho na ito sa construction sa bayan ng Uson. Halos nakawan siya ng antok kinagabihan sa kaiisip kung paano masosolusyonan ang problema. Nilihim niya iyon kay Kobi dahil baka mapilitan pa ang kapatid na magtrabaho kahit may sakit.

Sa huli ay napagdesisyonan niya na siya na lang ang gagawa ng trabaho ni Kobi para sa araw na ito. That should be easy. Gaano ba kasi kahirap maningil ng mga taya at pusta sa sabong?

Hanggang sa nakarating na sina Joan at Kuya Toto sa hacienda ng mga Dela Fuente. Sa sobrang init ng araw, ayaw nang pagurin pa ni Joan ang sarili kaya nagpaiwan siya sa naglakad-takbo na si Kuya Toto. Palapit pa lang siya sa mga ito ay nag-uusap na sina Kuya Toto at ang heredero.

"Señor, hindi makakasama sa sabungan si Kobi!" anunsiyo ni Kuya Toto kay Señor Ernesto nang makalapit dito. Dinig niya ang boses nito mula sa malayo.

"Bakit hindi siya nagsabi kaagad? Paghahanapin pa kami ng Kobi na 'yon ng kristo nang alanganing oras?"

Dahil sa lakas ng maawtoridad na boses ni Señor Ernesto, awtomatikong napako ang mga mata ni Joan dito.

Señor Ernesto wore black clothes—shirt, jeans, and leather jacket—and a black cowboy hat. Parang lamay ang pupuntahan nito. How grim and dangerous the hard-built towering man looked! Ang naiiba lang ng kulay ay ang brown nitong cowboy boots. Umaanino ang rim ng cowboy hat sa mukha ng lalaki kaya mas lalo tuloy naging mabalasik ang epekto ng matalim nitong mga mata, magkasalubong na mga kilay, at matigas na pangahan.

"Huwag kang mag-alala, señor. 'Yong kapatid na lang daw ni Kobi ang papalit sa kaniya ngayong araw," naulinigan niyang paliwanag ni Kuya Toto sa kausap.

Lalo itong napasimangot "Hindi mo naman sinabi kaagad na may papalit naman pala. Maalam ba talaga 'yon sa sabong? Baka malusutan 'yon ng mga mananaya, ha?" At mas lalong tumalim ang mga mata nito. "O baka naman malikot din ang kamay at mamulsa ng hindi kaniya?"

Wala sa loob na napatingin si Joan sa sariling mga kamay bago ibinalik ang tingin sa lalaki. 'Ang yaman-yaman na nila, kung umasta parang mauubusan ng pera.'

Ipinagtanggol siya ni Kuya Toto. "Mukhang hindi naman ho ganoon si Joan, señor. Maniwala kayo."

Dahil sa mga sinabi nito, mas lumakas ang kaniyang loob. Nanumbalik ang kaniyang kumpiyansa sa sarili. Kung naniniwala si Kuya Toto na kaya niya ang trabaho, magagawa niya ito.

Mabilis na isinantabi ni Joan ang takot na baka hindi magawa nang maayos ang trabaho at ma-disappoint ang kaniyang Kuya Kobi. 'Hindi ka mapapahiya sa pagtatanggol sa akin, Kuya Toto. Pagbubutihin ko ang trabaho!'

Lalong nagsala-salabit naman ang mga kilay ni Señor Ernesto. "Joan?"

Nilingon siya ni Kuya Toto. Umaliwalas kahit papaano ang mukha nitong napalilibutan ng butil-butil na pawis nang makita siya. Nagmamadaling lumapit si Joan sa mga ito.

"Hi, señor. Ako si Joan," lakas-loob niyang pakilala sa Dela Fuente.

Pinasadahan siya ng tingin ni Señor Ernesto. Pinigilan naman ni Joan ang magpakita ng anumang reaksiyon sa mga titig nito.

https://youtu.be/yxZWZK2fXv0

Oo, hindi siya komportable kapag nangingilatis ang tingin na ipinupukol sa kaniya, lalo na kung mula iyon sa isang lalaki. It just was the collection of her past experiences that made her feel this discomfort when being stared at by a man, those experiences when she was being sexualized at a young age for having big breasts, being the butt of those dirty jokes, and malicious glances . . .

Inangasan niya ang pakikipagtagisan ng tingin kay Señor Ernesto na natural niyang ginagawa sa tuwing tinitingnan siya ng isang lalaki. She had to show in that way that she was no weakling and that she didn't take shitty or harassing treatments.

Ang ginawa niya naman ay mas nagpagusot sa mukha nito. Mukhang naghahamon kasi si Joan ng away kahit hindi iyon ang intensiyon ng kaniyang ginawa.

"Maalam ka ba sa pagsasabong?" pagbaba ng tono ni Señor Ernesto.

"Opo naman. Lagi nga akong isinasama ni Kuya Kobi sa mga sabungan."

"Hindi kita nakikita."

'Paktay.'

Oo nga pala't ito ang laging kasama ng kaniyang kapatid sa sabungan dahil si Señor Ernesto Dela Fuente ang boss nito! Itong lalaki na ito na may napakalakas na presensiya. Sa sobrang lakas ay sa pagkakataong ito lang niya napagtantong may lima pa palang lalaki na kasama si Señor Ernesto at nasa tabi naman niya si Kuya Toto. Nakalimot siyang may mga kasama sila dahil nakuha ng lalaking ito ang kaniyang buong atensiyon.

"E, siyempre, nakadistansiya ako kadalasan," she lied with a straight face. "Ayokong makaistorbo sa trabaho ng kuya ko. Magagalit siya."

Hindi nagbago ang pagkakatingin ng lalaki sa kaniya. Ernesto eyed her like she was the strangest creature he had ever seen. He didn't seem pleased, but he didn't seem upset of her either. Parang diskumpiyado nga lang ito, hindi kumbinsido sa nakikita.

Medyo nakaiinsulto. Dahil ba sa babae siya kaya nag-aalinlangan ito na pagtrabahuhin siya para dito? Discriminative ba ang lalaking ito? Nagdududa na ba ito kung magagawa niya ang trabaho ng kaniyang kapatid nang maayos? She braced herself because if that was the case, Joan would gladly prove him wrong. Sisiguraduhin niyang magagawa niya ang trabaho nang maayos.

"Sige. Sumama ka na sa amin. Kailangan na nating umalis."

'Agad-agad?' Napamaang si Joan sa bilis magdesisyon ni Señor Ernesto. Hindi niya inasahan na mali ang mga hinala niya tungkol sa lalaki, but it wasn't praiseworthy either, so she kept mum about her reaction.

Nilagpasan si Joan ni Señor Ernesto, pero nag-iwan ito ng malamig at nakagigising na bango mula sa gamit nitong pabango. His energetic, deep woody scent fondled her imagination, made her visualize of a warm, rustic home in the middle of a cool, green forest in a lazy afternoon.

She felt the strands of her hair being breezed away just by him merely passing by. Panandalian itong nagbigay ng lamig sa kabila ng init mula sa sinag ng araw. Siyang talima agad ng mga tauhan ni Señor Ernesto para bakuran ito habang naglalakad.

Tigagal na napalingon si Joan kay Kuya Toto. Nagtatanong ang kaniyang mga mata kung totoo ba ang mga nangyayari.

"O, ano pa'ng hinihintay mo? Baka maiwan ka, Joan!" balik ng boses ni Kuya Toto sa kaniya sa realidad.

Joan gasped and turned on her heels. "Salamat, Kuya Toto!" lingon niya saglit sa iniwang lalaki bago humabol sa grupo ni Señor Ernesto.

***

DUMAAN ang grupo ni Señor Ernesto sa likuran ng arena. Doon nakapuwesto ang isang rowhouse na nagsisilbing waiting area ng mga mananabong. Bawat tapat ng kada bahay ay may naka-setup na mga silungan o 'di kaya'y kulungan ng mga panabong na manok.

Pumuwesto si Joan malapit sa pinto ng isang rowhouse. Sa sobrang init, nagsisisi siyang ni panyo ay hindi siya nagdala. Pinupunasan na lang niya tuloy ang pawis gamit ang kuwelyuhan at manggas ng suot na T-shirt. May electric fan sa loob ng rowhouse pero mainit naman ang buga ng hangin kaya tumambay na lang siya malapit sa pinto. Habang nakatayo siya rito, abala naman si Señor Ernesto at ang mga tauhan nito sa mga bagay na wala siyang ideya kung ano.

Sa pagkakarinig niya, makikipag-ulutan daw ang amo nila. Wala siyang ideya kung ano 'yon. They also did not bother to explain and it was all her fault. Baka inakala na ng mga ito na hindi na siya kailangang paliwanagan pa dahil sa pagsisinungaling niya na maalam siya sa pagsasabong kahit ang totoo ay limitado lang ang alam niya tungkol dito.

'Maniningil lang naman ako ng mga taya. Wala naman sigurong hindi common sense sa mga kailangan kong malaman para magawa 'yon.'

Tumuwid siya ng pagkakatayo nang matanaw ang grupo ni Señor Ernesto na pabalik na sa rowhouse matapos nito makipag-ulutan. Napapaikutan si Señor Ernesto ng mga tauhan nito, katabi ang isa sa kanila na may bitbit na kulungan ng manok na gawa sa bakal at natatakluban ng itim na tela.

Nang marating ng grupo ang rowhouse, walang pumansin kay Joan. Nagkani-kaniyang kilos na ang mga ito. May mga nag-setup sa pupuwestuhan ng manok at ng kulungan nito. May kumakausap naman kay Señor Ernesto na tauhan nito nang madaanan siya. Mabuti at matalas ang pandinig niya, kaya nang manainga siya ay nalaman niya na ang ulutan pala ay pagpapares-pares ng mga manok na paglalabanin sa pamamagitan ng pagtimbang sa mga ito.

"Talagang hindi umurong ang mga Tenorio," naulinigan pa niyang wika ng kausap ni Señor Ernesto.

"E, 'di mabuti. Malaki-laki ang magiging pot money ngayon." Deretso ang tingin ng lalaki hanggang sa nakapasok na ito sa loob ng mismong rowhouse. "Alam naman ng mga tao rito na walang panama sa akin ang mga Tenorio na 'yan."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Joan sa mga nag-aasikaso sa manok-panabong ni Señor Ernesto at sa pinto ng rowhouse. Hindi niya malaman kung saan titingin dahil sa sobrang dami ng nangyayari sa paligid, lalo na rito sa labas kung saan paroon at parito ang mga tao. May nagpapagaspasang mga pakpak ng nakakulong na mga tandang, maiingay na mga pagtilaok, pagkaykay, at pagkalansing ng mga bakal na kulungan. May mga boses din siyang nauulinigan pero hindi maintindihan ang pinag-uusapan. Mas payapa siguro kung papasok siya sa loob ng konkretong rowhouse.

Pagpasok sa kanilang rowhouse ay nakaupo na sa isa sa mga foldable steel chair dito si Señor Ernesto. Dito lang nakatutok ang floor fan habang nakatayo sa tabi nito ang kausap na tauhan. Ang iba pa sa loob ng silid na ito ay abala sa paghahanda ng maiinom at makakain ng ginoo. May mga panay labas-masok din sa rowhouse nila para ihanda ang ipapakaing patuka, inumin, at iba pang pang-grooming sa manok-panabong ng kanilang amo.

"Joan!"

Napapitlag siya saglit bago gumawi ang nalilitong mga mata kay Señor Ernesto. Sumalubong sa kaniya ang nakabusangot nitong mukha.

"Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan? Dapat kanina ka pa nangongolekta ng mga taya!"

'Lagot!' Kailangan niyang makaisip ng magandang idadahilan sa lalaki, kaya lang baka lalo pa niyang magalit ito! "Sorry, señor!" tango niya bago nagmamadaling lumabas ng rowhouse.

Saktong tanggal na ang taklob na tela sa kulungan ng manok ni Señor Ernesto paglabas ni Joan. She saw a sleek, shiny black-feathered, round red-headed brood of a rooster. Joan could not help a sigh out of awe.

That rooster was even treated better than poor people like Joan. It was served like a god by Ernesto's men who fed and guarded it.

***

ERNESTO stepped out of the rowhouse. Nakabuntot sa kaniya ang kanang-kamay na si Kyle.

"Ang tagal yata magsimula," tanaw niya sa malayo, naghahanap ang mga mata. "May balita na ba sa kristo natin?"

"Baka nahirapang maghanap si Polo," sagot ni Kyle. Si Polo ang isa sa mga tauhan ni Ernesto na inutusang puntahan ang kristo nila.

His eyes squint. That didn't sound right. Paanong mahihirapang maghanap ang isa sa mga tauhan niya sa kristo na 'yon? Organisado naman pumosisyon ang mga nangongolekta ng taya. Gusto na rin niyang magkaalaman kung sino ang 'meron' at 'wala'—ang may malalaking taya at may kakaunting taya—at nang makalipat na sila sa mas komportableng puwesto sa loob ng arena. Oo, nagmamadali siyang makapasok sa arena dahil tumatagaktak na ang pawis niya sa letseng rowhouse. Walang silbi ang electric fan doon na mainit ang buga ng hangin.

Itinigil ni Ernesto ang pagpaypay sa sarili gamit ang cowboy hat. Isinuot niya ito sa ulo, in-adjust nang kaunti para maliliman ang mukha niya ng rim nang hindi ito masyadong natatakpan. "Ako na ang maghahanap."

"Ako na, señor," alok agad ni Kyle. "Mabuti pa'ng magpahinga ka na lang dito at—"

"Magpahinga?" singhal niya rito. "Matutusta ako sa letseng init dito!"

At walang ano-anong iniwan niya si Kyle. Hindi na naman ito kailangan pang habilinan ni Ernesto. Alam na ng kaniyang kanang-kamay kung ano ang trabaho nito kapag wala siya—ang magsilbing kaniyang mga mata at tainga.

Hinatid lang siya saglit ng tanaw ni Kyle bago nito binalikan ang mga tauhan na abala sa pagbabantay sa panabong na manok. Pinaikutan ng lalaki ang mga ito at ang kulungan ng manok na abala sa pag-ubos sa patuka nito.

Kyle's eyes held suspicion within them. Kahit mismong mga taga-alaga at tagabantay sa manok-panabong ng amo nito ay minamatiyagan pa rin nito nang mabuti. Nagkaroon na kasi noon ng kaso na nabayaran ng kalaban nila ang isa sa mga dating taga-alaga para lasunin ang manok-panabong ni Ernesto. Kyle's vigilance avoided that scenario from happening ever again.

Samantala, palapit pa lang si Ernesto sa back entrance ng arena ay naririnig na niya ang nagkakagulong ingay mula sa loob nito. Normal na ang ingay sa arena dahil sa dami ng mga mananabong, mananaya, at manonood na hindi magkandaugaga sa pagbibigay ng kanilang mga pusta sa mga kristo. Daig pa nga ng mga ito ang nasa concert kung makipaggitgitan at mag-iringan. Bukod pa roon ay nagaganap pa ang mga pasimpleng negosasyon ng mga matitinik na bata mula sa magkakaibang panig ng mga mananabong para makapandaya o mas mabuting sabihin na 'makadiskarte.'

Ernesto got inside the arena and looked around. Natanaw niya ang ilan sa mga kristo na nakapuwesto malapit sa hanay ng upuan para sa mga manonood. Nakadipa ang karamihan sa mga ito, kumakaway ang mga kamay, nagtuturo o 'di kaya'y sumesenyas sa mga mananaya na pinagkokolektahan ng mga ito ng taya.

He squint his eyes and finally spotted Joan.

'Hindi na siguro bumalik sa rowhouse si Polo dahil pagkatsek niya sa kristong 'to, inatupag na niya ang ipinapagawa ko.'

Pinasya niyang lapitan si Joan para tanungin kung magkano na ang nakolekta nitong pusta para sa kaniyang panabong na manok. Habang palapit siya sa babae, naging malinaw sa kaniya na may kausap na pala ito.

Isang nakangisi na Tenorio.

The man attempted to reach for Joan's cheek.

Mabilis na pumalag ang babae. Naulinigan niya ang pagtaas ng boses nito nang tinabig ang braso ng kausap nito.

Napaatras naman ang binatang Tenorio, nakangisi pa rin pero may kislap ng iritasyon sa matalim nitong mga mata.

Minadali ni Ernesto ang mga hakbang.

***

Read advanced and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive

PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024

First Wattpad Version © March 11, 2021

Second Wattpad Version © September 23, 2024

R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery

Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro