19
MADALING araw pa lang ay gising na si Ernesto. It was three in the morning, turning to four. He already wore a pair of blue jeans, tucked in his blue button-down shirt with short sleeves, and put on a gold wristwatch. His silver necklace remained hidden beneath his shirt with two of its top buttons left undone.
As he buckled his belt, he glanced on Allyssa's direction. Mahimbing pa rin na natutulog ang kaniyang asawa. She wore a sheer night dress with a length that reached just above her slightly bent knees. Nakatagilid ito ng pagkakahiga sa kama, nakaharap sa direksiyon ng saradong French doors na patungo sa balkonahe ng silid.
'I can't believe she's that emotional . . . when pregnant.' He sighed, overweighed with worry. 'I understand her, ngunit sana, hindi iyon makaapekto masyado sa anak namin.'
Ibinalik ni Ernesto ang atensiyon sa kaniyang pagsisinturon.
'I'm just trying my best here. I'm not even fooling around. Bakit ako pa ang nakararanas ng ganitong buhay? Everyone acts like they hate me, always grilling me.'
He stole another glance at his wife.
'And the only person who doesn't hate me . . . is now starting to act like one too, even if she doesn't mean it.'
He looked away.
'And since she doesn't really mean it, I can't do anything about it. I have to tolerate, to endure. And enduring is torture. Why endure when there's a solution to end every problem?'
Napailing siya nang maisip ang solusyon sa kaniyang problema.
'No. I can't . . . My father will go ballistic for sure. Lalo na kapag binawi ng mga magulang ni Allyssa ang pagiging exclusive trader ng mga kabayo rito.'
Lalo siyang nalungkot.
'No, I can't . . . She's pregnant.'
He closed his eyes.
'I can't . . . She's doesn't deserve it. She doesn't deserve to be hurt.'
Nang makapaggayak, tinungo niya agad ang dining room. Iniwan muna niyang nakapatong ang itim na cowboy hat sa mesa para magtimpla ng sariling kape sa kusina.
Bago siya nakaupo sa kabisera ng dining table, nauna na niyang inilapag sa mesa ang umuusok na isang mug ng kape. He preferred his coffee black—no cream at all—but richly sugared. The kick of caffeine and sweets could instantly jolt him awake.
Habang nagkakape, pinag-iisipan pa ni Ernesto kung ano ang kakainin. Nakagawian na niya tuwing umaga ang magkape muna habang nag-iisip kung ano ang aalmusalin. 'Tapos magkakape uli siya kasabay ng kinakain na almusal.
At this hour, the maids were still in their quarters. Alas-singko ang naka-schedule na simula ng trabaho ng mga ito katulad ng paglilinis at paghahanda ng almusal para sa mga Dela Fuente na nag-aalmusal na pagpatak ng alas-sais ng umaga.
But since it was only him who was up during this hour, Ernesto did not bother to wake anyone to assist him. He could have a quick breakfast anyway. Bumabawi na lang siya ng kain pagkabalik galing sa pagpapatrolya. Kakain siya uli nang saktong alas-sais, kasabay ng kaniyang pamilya.
Nagulat siya nang pumasok sa dining room ang kapatid na si Feliciano. Meanwhile, Feliciano froze mid-step. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya.
Ernesto gave his brother a bored look. By scanning Feliciano from head to toe, he easily assessed that he was going somewhere. Gayak na gayak ito.
"Saan ka na naman pupunta? Sa tagadagat na 'yon na naman?" His tone was flat. His moves were refined as he took another sip of coffee.
"Oo. Ayaw mo ba n'on, Kuya? Kapag nakumbinsi ko ang tagadagat na 'yon na ibenta ang lupa nila, makakapag-expand tayo ng negosyo natin. Magkakaroon na tayo ng fishery!" Nahaluan ng yabang ang natural na angas sa boses nito.
Feliciano had to wait for a few moment before Ernesto finished drinking his coffee.
"Bibili ka ng lupa nang walang kasiguraduhan kung payag ako sa fishery na 'yan?" maingat na lapag niya sa mesa ng mug. "Marami na tayong trabaho rito sa hacienda. Kulang na tayo sa pamilya natin na magma-manage." He stared unaffectedly at Feliciano as he spoke. "You know Dad insists that our family must work closely in our businesses. Because there's always a room for snakes when the land and business expands. We cannot completely trust anyone outside the family."
Pilyong ngumisi ito. "E, 'di dalian na ni Allyssa manganak, para madagdagan na tayo. Then make lots of babies with Allyssa. Para hindi tayo kulangin sa tao."
Naningkit ang mga mata niya rito. "Demonyo ka talaga kahit kailan." He could not help sounding defensive. Just the thought of making lots of babies with his wife was a sheer guilty pleasure. Guilty, for he knew he had no feelings for her. Pleasure, because fuck it, who was he to deny that he likes how sex feels like? Ernesto had to shove those thoughts aside. Pronto! "Tigil-tigilan mo ang pagdadahilan sa akin gamit ang fishery na 'yan. For all we know, pinopormahan mo lang ang tagadagat na 'yon."
Sumimangot agad ito. Lumapit lang ito sa mesa para makiinom ng kape sa mug niya. Ernesto barely even noticed it Abala pa kasi siya sa panenermon sa kapatid.
"You better snap out of it, Feliciano. Be more useful here!"
Feliciano breathed out, satisfied with his drink before setting down the mug. Then, came his smug grin while cocking his head to the side. "It's not like everyday that a bull goes wild in here. So, let me do other things when I am not needed here. Alright?"
Tinapik pa nito sa kaniyang balikat bago siya iniwan sa dining room.
Napailing si Ernesto. His brother was one of the reasons why his patience was the length of a thumb. Paano pa siya magkakaroon ng mahabang pasensiya para sa ibang mga tao kung sinasagad ito 'lagi ng kaniyang mga kapatid at mga magulang?
Inangat ni Ernesto ang mug. Nagulat siya dahil masyadong magaan na ito. Be looked in it and saw that it was already empty.
"Tang—" he seethed and just winced. He impatiently pushed back the chair.
He needed another mug of coffee.
He also decided to have a simple two buttered toasts stuffed with bacon strips in between for breakfast.
***
IKALAWANG araw ng Mayo. Nakaupo sa kahoy na bangko na nakasandal sa pader sa labas ng bahay si Joan. Lagpas sa gate at bakuran ang kaniyang tingin.
There was this view past the line of thick, thorny shrubs that lined along the dirt road where the rowhouses were facing. It was as if she was looking at a mix of dark terracota and mocha shade of a desert. Sobrang lawak ng tuyot na lupain dito. Idagdag pa ang init ng panahon, kaya naghalo ang pagiging maalikabok at ang pagbibitak-bitak ng lupain. On the horizon, the peaks of a mountain line outstretched like shadows.
Hindi pa sumisibol ang araw kaya matamlay tingnan ang paligid. Nabawasan na ang pangangasul na nagkalat sa buong hacienda kaya malinaw na ang tunay na kulay ng buong lupain.
Tumingala sa kalangitan si Joan.
What was left in the sky was its pale blue color and strips of white creamy clouds, slowly seeping in.
'Bente-siyete anyos na ako . . . Mama. Papa.'
Tears filmed her eyes.
'Kuya Kobi . . .'
Her lips were shaky as she tried to smile. Joan felt like she had to try smiling, dahil baka nakikita siya ng namayapang mga magulang. Ayaw niyang malungkot ang mga ito para sa kaniya.
But it was so scary to be alone in life. It was so scary to be around people that she didn't know completely, even if they were being kind to her.
'Tulad niya na nakatayo sa bakuran na ito, parang nakatayo sa isang bakanteng lugar si Joan sa buhay na ito.
It wasn't the loneliness that made being alone hard for her. It was the fear that it brings.
***
WHAT a breathtaking view.
Nakalulan si Ernesto sa ibabaw ni Amberwing. Isang kamay na lang niya ang nakahawak sa renda habang iginagala niya ang tingin sa paligid.
At last, his face brightened up. Nakisabay rito ang pagbasag ng liwanag ng araw sa matamlay na pangangasul ng kalangitan.
Inilibot niya ang mga mata sa paligid.
Una, sa kanilang hacienda, sa umaangat na araw sa malayong dulo ng kanilang tuyot na lupain. The rich terracotta color of the land grew vibrant as the sunrise slid its bright blanket all over it.
Sunod na nagliwanag ang tatlong palapag na gusali na nagsisilbing residente ng mga Dela Fuente. Ang malayo na rowhouses para sa mga trabahador at ang kulay pulang bubong ng mga iyon ay nangislap din. Gayundin ang bubungan ng mga kuwadra, kamalig, bakahan, at iba pa.
Then, he turned to the other side where he saw the overlooking view of the Silvestres' land.
The scenery there contrasted their landscape. Sa lupain ng kanilang mortal na kaaway, makapal ang hanay ng mga puno na ilang metro ang layo mula sa ilog na nagbabaybay sa paanan ng parte ng bundok na sakop ng mga ito. Bukod sa mayamang pag-agos ng ilog at ang berdeng damuhan, buhay na buhay ang pang-Kastilang arkitektura ng mga nakatayong bahay, koral, at kamalig doon. Nagmistulang ginto ang maisan na tumingkad ang kulay dahil sa haplos ng paangat na araw. At ang mansiyon sa pinakadulo ay may mga pader na nilalambitinan ng mga bouganvilla. It was so far, they only looked like blurs of white and pinkish colors.
Ernesto's jaws tensed.
'Kami ang naagrabyado ng mayabang na mga Silvestre. Kami . . . Ang aking pamilya. Kaya bakit mas pinagpapala ang lupain ng mga ahas na 'yon? Bakit mas namumukadkad?
'Sila rin ang dahilan ng pagkasunog ng kabundukan ng Cuerpo Serpiente. Pero bakit hindi sinisingil ng Diyos ang mga Silvestre sa mga pagkakamali nila?'
"Señor," pukaw sa kaniya ng kanang-kamay na si Kyle.
Nanatili sa lupain ng mga Silvestre ang kaniyang tingin. "Ano 'yon?"
"Pagkatapos ng ating pagpapatrolya baka ma-late ako nang dating sa meeting mamaya."
"After lunch pa naman 'yon kaya bakit ka male-late? May pupuntahan ba kayo ni Joan?" Naningkit ang mga mata niya rito nang malingunan ito. "Hindi ba, sinabi ko sa 'yo na ngayong umaga, aasikasuhin mo muna ang trabaho mo rito sa hacienda?" Hindi niya napigilan ang paghigpit ng boses. "Mamayang hapon mo na lang intindihin 'yang kay Joan."
'Saang lupalop naman kaya naiisip ng babaeng iyon na hanapin o ipagtanong-tanong ang kapatid niya? When is she even going to give up? When is she going to get a hint that her brother probably made up his mind to leave her alone?'
"Opo, señor. Huwag kayong mag-alala, susundin ko naman ang mga schedule ko ngayon." There goes Kyle's sheepish smile. Ernesto knew that smile. May hihingiin na naman itong pabor. "Baka medyo ma-late lang ako sa meeting kasi sa amin ako mananaghalian. Sasabay ako kina Joan."
'Kyle is really going to be a dead man. Napalakas yata ang tama sa Joan na 'yon.'
Ernesto just could not help this disappointment. Hindi lang siya makapaniwala na magkakagusto si Kyle sa katulad ni Joan. He expected something more from his right hand, from the very person he trusts, including his taste in women.
It was just that, sure, Joan has the looks. But it was also evident that she knew nothing much about life. She was the type that still needed to be babied. For Ernesto, it was hard to wife up somebody who has zero clue on how to face the reality. She needed to grow some more, to be more matured, to experience life and reality a bit more, since she only gained her freedom from Kobi's tight upbringing just recently.
"Mag-set ka ng alarm para hindi ka ma-late," walang emosyon niyang saad at pinausad na si Amberwing.
Katulad ng kaniyang mga tauhan, inabala na rin ni Ernesto ang sarili sa pagsipat sa paligid ng boundary, sa pagpapatrolya.
Mahinang natawa si Kyle na sinabayan siya at ng sinasakyan nitong kabayo sa paglilibot. "Kung on time kasi ako aalis sa trabaho ko mamaya bago pumunta sa bayan, señor, late na ako makauuwi sa bahay."
Nahalata niyang nagpapaligoy-ligoy si Kyle. Tiyak niyang sinusukat siya nito kaya inuunti-unti ang pagdedetalye tungkol sa ipinagpapaalam nito. Maalam na talaga itong tantiyahin ang timpla ng kaniyang mood. But the problem was, Ernesto has always had a volatile mood.
The problem was, Ernesto was always two steps ahead of anyone. Nababsa na niya agad ang ibinabalak ng isang tao mula sa ikinikilos nito.
"Ano naman ang gagawin mo sa bayan?" he asked Kyle.
Hindi ito agad nakaimik. Ernesto was growing impatient, kaya sinulyapan niya agad ang tauhan. Nangingiting nakatanaw lang ito sa malayo.
Ernesto glanced at the ground where Kyle's horse was walking. Kung nagkataong nasa pinakagilid ng bundok sila nangangabayo, baka gumulong-gulong na si Kyle dahil sa tila paglipad ng isip nito.
"Kyle," pukaw niya kaya napatingin ito sa kaniya.
"Bibilhan ko sana si Joan ng cake."
"Oh . . . Ngayon pala ang birthday niya?"
Nangingiting tumango ito.
"Great. Ilang weeks mo pa lang nakikita at nakikilala 'yong tao, may pa-cake ka nang nalalaman," dukot niya sa wallet sa bulsa habang nakahawak pa rin sa renda ang isang kamay.
As soon as he fished out his wallet from his back pocket, he gave Amberwing a tug. Huminto ang kabayo. Gulat na pinahinto rin ni Kyle ang kabayo nito. Mulagat na napatitig si Kyle sa kaniya. More specifically, at his hand that was fishing out three blue bills. Ernesto handed over three thousand pesos to Kyle.
"Buy her something nice. Make sure she'll like it."
Hindi nito malaman ang sasabihin. Nahihiya pa itong tanggapin ang inaabot niya.
"Regalo n'yo kay Joan?"
"Hindi, tanga." This is what Ernesto really hate when encountering people who are infatuated with someone. Parang natatanga ang mga ito. Nagiging slow. "Pambili mo 'yan ng ireregalo mo."
After that, he could not help a smile.
Oo. Mainitin ang ulo niya, masungit siya, at walang pasensiya sa mga aanga-anga, pero natutuwa siya kapag may mga tao siya na napapasaya. Ang ugali niyang ito ay madalang mapag-usapan dahil mangilan-ngilan lang naman sa mga tauhan sa hacienda ang nakaaabot sa mataas niyang standards pagdating sa pulidong trabaho, ang natatanging mga uri ng tao na nakatitikim ng pagkagalante niya 'tulad ni Kyle.
He just had this philosophy, that he couldn't trust anyone. Pero hangga't mapapakinabangan niya, dapat niyang gawan ng pabor para mapakinabangan nang mapakinabangan. . . .
'Tulad ni Kyle.
Napatingin si Kyle sa kaniya. Tila nagagalak ang kaniyang kanang-kamay pero pinipigilan ang paglaki ng reaksiyon.nito. Tila hindi rin ito makapaniwala.
"Señor . . ." Then, he was point-blank speechless. Kyle tried, but he could not really utter a thing.
"Come on," siksik niya sa pera sa kamay nito kaya napilitan si Kyle bitiwan ang renda para tanggapin ang pera.
Ernesto sat straight once more, and held the reins of his horse with both hands this time. "I hope you'll also convince her to quit that search. It's pointless." Uusad na sana si Ernesto nang may maalala. "And! Turuan mo siya kung paano magkristo."
Nagulat si Kyle. "Si Joan?"
"Oo. Maalam ka sa mga termino sa sabong, 'di ba? Maalam ka sa mga pustahan at presyuhan. Maalam ka sa mga kalakaran."
"Opo . . . señor." Nagulat man, mabilis na naka-recover si Kyle. "Ako ang magtuturo kay Joan?"
"Oo. Dahil 'lagi kayong magkasama, 'di ba?"
Tumango ito. "Masusunod, señor."
"You have less than three weeks left. We just need her to know that job to prove those Tenorios wrong about filing a complaint against me and the committee."
Determination shone in his eyes before moving forward.
***
"WOW naman," namimilog ang mga mata na silip ni Rita mula sa likuran ni Kyle. "No'ng birthday ko, papansit lang at kanin-ulam. Pero sa birthday ni Joan, may pa-cake na, may paregalo pa!"
Lalong tumiklop si Joan sa kinauupuan. Tulad ng nakasanayan, heto na naman ang mga panunukso ni Rita sa kanila ni Kyle. Wala namang bahid ng anumang pagseselos sa boses ng dalagita tungkol sa cake at regalo. Sa katunayan, tuwang-tuwa na naman ito na kinikilig. Abot-tainga ang ngiti nito habang pinapanood ang pagsindi ni Kyle sa kandila.
Kyle stood behind Joan's seat. He slightly peered over her, bringing him close to her.
Meanwhile, Joan could not help inhaling his scent—sweat and mint mixed with a touch of warm summer breeze.
Inalala ni Joan ang pagkagulat niya kanina dahil nasa kalagitnaan na sila ng pagtatanghalian nina Rita, Nanay Kristina, at Tina nang dumating si Kyle. He carried a box with him and opened it at the kitchen counter. Wala siyang kamalay-malay kung ano 'yon dahil nakatalikod mila sa direksiyon niyon ang upuan niya.
At heto na nga, inilapag na ni Kyle sa bakanteng espasyo ng dining table, sa kaniyang tapat mismo, ang isang bilugang cake. It had a red and yellow cake topper on it. It had 'Happy Birthday!' written in a beautiful, classic cursive letters.
The cake was coated with a shiny gloss of chocolate. A white candle with pink strip spiraling around its body held a small flame that softly glowed but didn't touch her face. Natatalo kasi ang liwanag niyon ng liwanag ng silid.
"Happy birthday, Joan," magaang bati ni Kyle sa kaniya.
Tiningala niya ito. "Sobra naman 'to, Kyle. Bakit ibinili mo pa ako nito?"
'Nakakainis. Bakit parang nanginginig ang boses ko?'
Yumakap mula sa kaniyang likuran si Rita. Her thin arms wrapped around her shoulders. "Utang daw muna."
Nagtawanan sila.
"'Di. Joke lang," tawa ni Rita nang humiwalay ito agad sa kaniya. "Dali, mag-wish ka na! Para ma-blow mo na 'yong kandila!"
"Hindi ba natin kakantahan ng 'Happy Birthday' si Joan?" masayang tanong ni Nanay Kristina.
"Ang korni mo naman, 'Nay. Nakakaasiwa kaya kapag kinakantahan ng 'Happy Birthday!'" kontra ni Rita sa magaan na tono.
"Ano ang nakakaasiwa ro'n? E, birthday naman talaga ni Joan?" panlalaki ni Nanay Kristina ng mga mata rito.
"Magwi-wish na lang si Joan para makakakin na tayo," ngiti ni Kyle sa mga ito. Joan felt his gentle hand on her shoulder. "Sige na, Joan. Mag-wish ka na, 'tapos ihipan mo ang kandila."
Joan stared at the cake, at its cake topper and then, at the glowing candle. She had mixed emotions, but the most dominant of them all was her recollection of the fear she had the night their house got burned down . . .
***
BIRTHDAY noon ng Kuya Kobi ni Joan.
Umeekstra pa lang noon ang kaniyang kapatid sa pangingisda at tuwing gabi ito pumapalaot kasama ang mga matatandang mangingisda. Sinamantala naman 'yon ni Joan para maghanda ng espesyal para sa kaniyang kapatid bago ito umuwi ng mading araw.
Joan just wanted to do something special for him out of appreciation. Ito na kasi ang nagtataguyod noon para sa kanilang dalawa. Gusto niyang may magawa man lang para makabawi kay Kobi kahit papaano, kahit sa birthday may lang nito.
May tuyo at kanin pero ayaw niyang ihanda iyon para sa kapatid. Iniwanan siya nito ng kaunting pera kaya naglakad siya nang malayo para makabili sa 24-hour burger stall ng isang burger.
Nagsindi siya ng kandila katabi ng pinggan na pinaglagyan niya ng burger. Itinirik niya ang kandila sa ibabaw ng wax na ipinatak niya sa kahoy pa noon na mesa. Nag-ipit siya sa ilalim ng pinggan ng sulat para sa kapatid dahil noong mga panahong iyon, nahihiya siyang sabihinang pagbati at pasasalamat sa kapatid kaya isinulat na lang niya ang mga iyon.
Dulot ng pagod dahil sa layo ng nilakad ay tinakpan ni Joan ang burger at tinungo ang kaniyang kuwarto. Iniwan niyang bukas ang kurtinang pinto ng kaniyang kuwarto para nasisilip niya ang burger at kandila na nasa mesa.
Plano lang niyang magpahinga habang hinihintay ang pag-uwi ni Kobi, kaya lang, inantok si Joan.
Nakatulog siya.
Nang nagising siya, balot na ng apoy at usok ang buong bahay. Isa ang asawa ni Aling Pearly sa nagligtas sa kaniya noon. Umuubo-ubo na siya sa labas ng bahay habang pinanonood ang pagtutulungan ng mga kapitbahay para sabuyan ng tubig ang apoy hanggang sa nakauwi si Kobi . . .
***
PAGKAKURAP ng mga mata, bumalik si Joan sa kasalukuyan.
Nahiya siya sa paglipad ng isip niya pabalik sa nakaraan. Nakaabang kasi ang mga mata ng lahat sa kaniya at naghihintay sa pag-ihip niya sa birthday candle.
Nakaka-guilty tuloy.
Nakaka-guilty kasi ang mga mabubuting tao na 'to ang kaniyang kasama, pero hindi niya ina-appreciate ang presensiya ng mga ito. Bagkus, mas inaalala pa niya ang tao na hindi niya na kasama. . . .
Ni hindi na siya nakahiling. Basta inihipan na lang niya ang kandila dahil baka magtaka na ang mga Torre kapag natagalan pa siya sa pag-ihip.
Nagpalakpakan ang mga ito kaya naobliga siyang gawaran ang mga ito ng isang matamis na ngiti.
Pagkatapos nila magtanghalian, hinayaan siya ng pamilya ni Kyle na masolo nila ang isa't isa sa sala. Nagligpit ng mga pinagkainan sina Nanay Kristina at Rita. Si Tina naman, bumalik na sa sarili nitong bahay para daw maglinis-linis.
Nasa kandungan ni Joan ang regalong ibinigay ni Kyle sa kaniya.
"Nakakahiya naman. Bubuksan ko pa 'to sa harap mo," mahina niyang tawa habang sinisipat ng mga mata ang kahong naka-gift wrap na mabulaklaking dilaw ang disenyo.
At saka lang napagtanto ni Joan na nakadikit lang ang dilaw at puti nitong bow sa tuktok. Wala siyang kailangang hilain na parte ng ribbon para makalas ang wrapper.
"Nape-pressure ka ba? Aalis muna ako."
Akmang tatayo na si Kyle nang pigilan ng kaniyang boses.
"Ano ba? Dito ka lang!"
Lumapad ang ngiti nito. Mabilis na bumagsak ng upo si Kyle sa tabi niya.
"Oo ba. Basta ba . . ." titig nito sa kaniya bago nahihiyang napangiti, ". . . rito ka lang din."
Natatawang napailing na lang siya at binuksan na ang regalo.
He began to look soft and wistful. "Dito ka na lang sana."
•••
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro