Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18

ALAS-KUWATRO pa lang ng madaling araw ay gising na si Joan. Kasama niyang kumilos sa kusina si Nanay Kristina at ang nakatatandang anak nitong si Tina na nakatira lang sa katabing-bahay. Nagtulong-tulong sila sa paghahanda ng almusal at sabay-sabay silang kumain. Nakikain rin sa kanila si Tina at ang asawa nitong si Rogelio na nagtatrabaho rin sa Hacienda Dela Fuente.

Driver si Rogelio, isa sa mga nagta-transport ng mga crate ng itlog mula sa manukan ng mga Dela Fuente patungo sa dapat padalhan nito na mga tindahan, puwesto sa palengke, naglalakihang grocery stores, at supermarkets.

Sobrang aga gumising ng mga Torre dahil alas-singko pa lang ng umaga ay dapat na nasa trabaho na nito si Rogelio. Kasama rin nila si Kyle na natulog kagabi sa sarili nitong bahay na kahanay ng tatlong rowhouse sa lote ng mga Torre.

Nagmamadaling umalis ang dalawang lalaki kanina. Una raw kasi na ginagawa ni Rogelio ay ang pagtsek sa kondisyon ng delivery truck na gagamitin. Si Kyle naman ay pinangungunahan ang pagpapatrolya sa palibot ng hacienda at sa boundary nito sa kabundukan ng Cuerpo Serpiente.

Si Joan naman ang nagpresintang magwalis sa bakuran. Maaabala kasi si Rita sa paghahanda para sa lakad nito. Mamayang alas-siyete ng umaga kasi, si Rita naman ang aalis para sa part-time summer job nito sa manukan. Isa ito sa mga tagalinis ng kulungan ng mga inahing manok at sisiw roon.

Naiwan naman sina Nanay Kristina at Tina sa hapag-kainan. Sila ang nagligpit ng mga pinagkainan at nagtulong sa mga hugasin.

Kasalukuyang nakapusod ang kulot na buhok ni Joan. Nag-aalpasan ang ilang hibla kaya lumaylay ang mga ito sa kaniyang noo at sa gilid ng mukha. Hanggang kalahati ng mga hita niya ang itim na cycling shorts na humuhulma sa pagiging bilugan ng mga ito. Kupasing puti naman ang maluwag na shirt na kaniyang suot at mahigpit ang pagkakabenda ng kaniyang mga dibdib. Dumikit ang tela ng shirt sa kaniyang likuran at dibdib dahil basa ng pawis. May haba ang shirt na umaabot sa kaniyang mga hita.

Habang nagwawalis sa bakuran ng mga Torre, pasikat pa lang ang araw sa silangan. May mga sinag ito na tumutusok sa pagitan ng dilim at ng mga ulap kaya kalat na humihibla ito sa kalangitan. Humahaplos ang malambot na liwanag sa gilid ng kaniyang mukha.

Hindi pa nakakalahati ni Joan ang nawalisang bakuran nang may matanaw siyang sasakyan. Pamilyar sa kaniya ang itim na kotse na kulay ginto ang rim ng mga gulong. Inisip niyang lalagpas din iyon kaya ibinalik niya ang atensiyon sa pagyuko at pagwawalis sa masukal na lupain. Tinipon ng kaniyang walis-tingting ang naligaw na mga dahon, talahib, maliliit na bato, at maliliit na sanga ng mangilan-ngilang punong nabubuhay rito sa kabila ng tuyot na lupain.

Nag-angat uli si Joan ng tingin. Lumakas kasi ang ugong ng sasakyan. Huminto ito sa tapat ng mababang gate.

Inilagay niya ang mga naipong kalat sa dust pan bago tumayo nang tuwid. Patuloy sa paggulong ang butil-butil ng pawis na gumigilid sa kaniyang maamong mukha. Hinawakan niya sa iisang kamay ang dust pan at ang stick na hawakan ng walis-tingting. Wala sa loob na ipinangpunas niya ang palad sa gilid ng leeg habang palapit siya sa gate.

Nagulat siya nang pumanaog mula sa back seat ng kotse si Señor Ernesto Dela Fuente. Nakamaong ito na pantalon na kulay itim. His dark brown belt with a horizontal oblong silver buckle hugged his hips. Naka-tuck in ang itim nitong button-down shirt na mahigpit ang hakab sa matikas nitong katawan at bukas ang unang dalawang butones. Sumilip tuloy ang silver necklace na itinatago roon ng lalaki. Maikli ang manggas ng damit nito kaya bumubukol ang biceps.

His dark wavy hair was combed messily by his fingers to the back of his head, clearing their strands away from his forehead and face. Señor Ernesto's eyes were liquid gold as the sunrise reflected on them. And his soldering gaze met her innocent round eyes, her eyes that remained dark brown but seemed to carry a glow from behind their darkness.

Señor Ernesto effortlessly pushed the gate open. The arrogant man walked in as if he owned the place because he knew it stood on their family's hectares and hectares of land.

Hindi tumingala si Joan. But as their distance shortened, her eyes had to move up to meet his when he stopped in front of her. Again, he brought in this refreshing woody scent of sequoia with sprinkles of spicy notes.

"Don't offer me anything, this won't be long," seryoso nitong saad.

"Ano'ng hindi mahaba?" nagugulohan siya. Inaantok pa yata siya kasi nalulutang siya at hindi maunawaan ang ipinapahiwatig ng kaniyang kausap.

"Ano'ng hindi mahaba—" Lalong gumusot ang mukha nito. "Puwede ba? Pumarito ako para kumustahin ang lakad n'yo kahapon ni Kyle."

"Hindi ba ikinuwento sa 'yo ni Kyle? Hindi ba, nagre-report siya sa 'yo?"

Señor Ernesto impatiently threw his hands on his hips. He stared at her as if he could not believe she was saying the things she was saying, all that while being not-fucking-around dead serious.

"Gusto kong malaman ang lahat mula sa 'yo," mariin nitong saad. "Ano sa tingin mo? Paano mo mahahanap ang kapatid mo? Sa pagtatanong-tanong n'yo ba, wala ka bang napapansin na baka may kinalaman sa pagkawala niya?"

Malungkot na magbaba siya ng tingin. "Wala pa rin kaming napapala." She found herself staring at Señor Ernesto's brown leather shoes. Tumagos din doon ang kaniyang tingin.

"Nasabi na sa 'yo ni Kyle, 'di ba? Dalawang linggo  lang ninyo p'wedeng gawin ang paghahanap na 'yan. Pagkatapos ng dalawang linggo, ititigil na namin ang pagtulong sa 'yo."

She returned her eyes on his. Naghahanap siya ng kaunting pag-aalinlangan o awa sa malamig na titig ni Señor Ernesto pero walan siyang natagpuan. No mercy. No second thoughts. His eyes glowed with unfeeling.

"Oo, señor. Nasabi na ni Kyle . . . sa akin," pinanghihinaan niyang wika.

Sa pagkakatitig ni Señor Ernesto sa kaniya, nagsalubong ang mga kilay nito. Tila may naisip ito. "Isa pang bagay."

Kinabahan siya.

"Umapela ang mga Tenorio sa pagka-disqualify nila sa rescheduled na sabong. Pag-aaralan iyon ng committee. Posibleng mapatawag kami nina Archie para . . ." he shrugged, ". . . ayusin ang lahat." Sumunod ang pagod nitong buntonghininga. Tumanaw sa pasibol na liwanag ng araw ang lalaki.

And as the sunrise touched his face, deep etches became more prominent. Joan saw some blind marks on his handsome face—faded scars, and scratches, and cuts. Pero mas malinaw sa mga ito ang peklat ng isang hiwa sa bandang pangahan nito. Dahil sariwa pa, sa tingin niya ay nakuha iyon ng lalaki noong ipinagtanggol siya nito.

"For sure, they'll reason that it is all your fault, our fault," patuloy nito, hindi pa rin siya nililingon. "Iibahin nila ang kuwento. That dumb Archie will try to justify what he did. I am sure of it. Basang-basa ko na ang galawan ng pamilya nila. Siguradong ipagdidiinan nila na ginulo mo ang kristo nila kaya kinompronta ka nila."

"Magwi-witness na naman ako?"

"More than that," he turned to her, showing the glorious sun kissing the side of his face. "You have to defend yourself. Kailangan mong panindigan ang pagiging kristo mo."

Napalunok siya. Matatakot na sana siya pero nabuhay ang pagrerebelde sa kaniyang dibdib.

"Teka lang!" pagpupuyos niya. "Ano ba 'tong ginagawa mo sa 'kin? 'Lagi mo na lang ako ginagamit! At ano ang napapala ko sa pagpapagamit ko sa 'yo?"

Naghintay siya sa sagot ni Señor Ernesto. Pero nanghihilakbot na matapang na pagtitig lang ang tanging ginawa ng lalaki sa kaniya.

"Wala!" sagot ni Joan sa sariling tanong. "Wala!" tangis ng kaniyang bagang. "Hanggang ngayon, nawawala pa rin ang kapatid ko! At ang kondisyon mo pa, dalawang linggo mo lang ako tutulungang mahanap siya! Makita ko siya o hindi, basta 'pag natapos ang dalawang linggo, wala na!"

Nag-iwas lang ng tingin si Señor Ernesto. He returned his eyes on the sunrise.

"Takot na takot kang nalalamangan ng ibang tao pero ikaw itong mapanlamang sa kapwa mo!"

He glared at her. His jaws clenched. He was about to blurt something but as their eyes met, something seemed to hold him back.

Nakipaglaban si Joan ng titigan dito. Isa lang ang sigurado niya, hindi siya puwedeng magpatalo. Lalo na ngayong wala na si Kobi na laging nagtatanggol sa kaniya.

"Who made this mess?" he spoke lowly, threateningly dark.

Hindi siya agad nakasagot.

"Who?" His tone remained creepily calm.

She did not break away from the intensity of their eye contact. But her silence was enough to let both of them know the answer to his question.

"Ikaw ang naglagay sa akin sa sitwasyong ito, babae," he spat, as if disgusted by her. "I want this ordeal to be fucking over but it keeps on finding ways to go round and round. Get it? I just want this to be over. Kaya pakiusap. Umayos ka."

"Bakit ba kailangang gawing komplikado ang lahat?" mahinahon na niyang saad, pero palaban pa rin ang malambot at inosente niyang tinig. "Tulungan mo ako at tutulungan kita. P'wede naman ang gano'n, 'di ba?"

"Sa tingin mo ba, it makes sense? Na tinutulungan ka ng mga Dela Fuente na hanapin ang kapatid mo na nasa wasto nang edad? Lalo na kung wala naman kaming kinalaman sa pagkawala niya? Lalo na kung hindi namin kayo kaano-ano?"

"Hindi naman mahalaga 'yon, señor. Ang usapan dito, kailangan mo ang tulong ko. Hindi na nga pera ang hinihingi kong kapalit, e. Ang gusto ko lang, mahanap ang kapatid ko. Malaman kung ano ang nangyari sa kan'ya!" Nabigla siya sa pagtaas ng kaniyang tono. She was getting carried away again by her emotions. Nahihiyang napailing si Joan at kinalmahan ang pananalita. "Hindi mo maiiwasan na malamangan ka ng iba sa pamamagitan ng panlalamang mo, señor. Hindi ba mas mainam kung maging patas na lang tayo sa isa't isa?"

She squint her eyes when they caught the blinding strand of sunrise. It stung her like a key that twisted and unlocked the chamber that held her tears. Dama niya ang pag-iinit ng sulok ng kaniyang mga mata.

"Hindi mo mahahanap ang taong walang planong magpakita sa 'yo."

Nadurog siya sa mga sinabi ng lalaki.

"Tanggapin mo na lang na iniwan ka na ng kapatid mo."

"Hindi!" naluluhang harap niya rito.

"Look, Joan. It just doesn't make sense! Umalis siya nang walang paalam! Umalis siya kahit alam niyang absuwelto na siya sa nangyaring gulo sa sabungan! Umalis siya kahit alam niyang pauwi ka na sa bahay ninyo! What else could that possibly mean?"

"Paano kung may dumakip sa kaniya?" Tangina. Lahat na ng dahilan ay iisa-isahin ni Joan. Panghahawakan na niya ang kahit anong posibilidad, huwag lang siya maubusan ng rason para hanapin ang kapatid. "Paano kung . . . kung may nanakot sa kaniya? O nagbanta sa buhay niya? O baka naman—"

"We can't live based on speculations," malumanay pero mabigat na saad ni Señor Ernesto. "Mabuti pang ituloy mo na lang ang buhay mo. Hindi 'yong hanggang ngayon, umiikot pa rin iyang buhay mo sa kapatid mo."

Natigagal siya sa narinig. Joan felt her lips shudder at her fearful awe on Señor Ernesto's shattering words. It was because they made more sense than anything else this time.

"Hindi ka na nga 'laging ikinukulong ni Kobi sa bahay ninyo, pero bilanggo ka pa rin niya, Joan."

Señor Ernesto was sizing her with his eyes before he scoffed arrogantly. Nang mapagtanto na hindi siya matitinag nito, medyo may pagsuko sa pagbuntonghininga nito.

"Pero kung gusto mo pa rin ituloy 'yang paghahanap mo sa kapatid mo after two weeks, you're on your own. Maghanap ka ng trabaho para may panggastos ka sa mga lakad mo, dahil wala ka nang maaasahan mula sa amin."

He seemed to wait for her response, but how could she respond to him? Manginig-nginig pa rin ang kaniyang kalamnan. All she wanted was a little compassion, a bit of mercy, pero sino nga ba siya para alalayan ng mga Dela Fuente? Both of them had a point on why they wanted to do what they wanted to do.

Señor Ernesto seemed disappointed by her lack of response, but he said what he said. Tila iyon lang ang mahalaga para sa lalaki, so he turned on his heels. He headed back to the car with the same air and authority in his strides.

Naluluha pa rin si Joan nang umusad na ang itim na kotse. Natanaw niya ang unti-unting pagliit ng sasakyan—katulad ng kaniyang pag-asa—hanggang sa tuluya na itong naglaho sa kaniyang paningin.

***

"THAT'S a very harsh thing to do," prangkang saad ni Doña Grazie.

Ernesto just got home. Sa katunayan, kaaalis lang ng tauhan nito na nagbitbit sa kaniyang bagahe at nag-iwan sa malaking bag na nakapatong sa kaniyang kama.

He sat at the side of the bed, and he was already taking off his shoes when his mother knocked on the door.

Doña Grazie was originally looking for Allyssa. Ngunit dahil wala sa kuwarto ang kaniyang asawa, kinumusta nito ang lakad niya sa committee kahapon. Naikuwento na rin ni Ernesto rito ang napag-usapan nila ni Joan.

"Look, Ma." He sat straight, folding his socks together and turning their combination into a ball, "I really don't like it when I take responsibility for everything when I shouldn't."

"That's very out of character," Doña Grazie said, unconvinced. "You love responsibilities. Kaya ka nga naging honcho rito."

Ernesto just shrugged. "Well, this time it's different."

"Ang concern lang naman ng ama mo, siguraduhin mo sana na hindi madadawit ang mga Dela Fuente sa problema ng babaeng iyon."

Doña Grazie stood a few feet away from him. She was an epitome of cold serenity and poise; petite with short, dark wavy bob hair with streaks of white strands. Her white sleeveless dress, with a neckline that covered her collarbone, contoured her pear shaped body.

"Tandaan mo na malapit na ang filing of candidacy para sa eleksiyon. We have to be very careful with our image, very careful with how people will perceive us."

"I know, I know," Ernesto groaned.

He was getting really tired of this. In this family, all they cared about was their image, the reputation of their surname.

"This will really mean a lot to your father," Doña Grazie softened her voice.

Napatingin si Ernesto sa ina. "Naiintindihan ko naman, Mama. Si Joan nga ang unang-una kong pinuntahan pagkabalik ko rito sa hacienda. Habang maaga pa, patitigilin ko na ang paghahanap niya sa Kobi na 'yon. Much better if I'll stop her from  involving us if ever she wants to keep on searching for her brother."

Lumagpas ang tingin niya sa ina. Napansin kasi ni Ernesto na nakatayo na sa gilid ng bukas na pinto ng silid si Allyssa. She wore a knee-length babydoll dress in pastel blue. Her long dark hair laid out in one long single braid. Pain writ in her watery eyes.

Nakaramdam si Doña Grazie. She turned slowly and gracefully, then she saw Allyssa on the door.

"Oh, Allyssa." Relief was in his mother's voice, akmang palapit na ito sa kaniyang asawa, "I've been looking for you."

Allyssa maintained her calm in the midst of a brewing rainstorm in her eyes. "Sa rooftop na lang tayo magkita, Mama. Gusto ko munang kumustahin ang asawa ko."

Ernesto could not look away from her eyes that never left their gaze on him. Kahit alam niyang hindi maganda ang ipinapahiwatig na emosyon ng mga ito—mabigat at nagdaramdam.

"Okay," mahinahong ngiti ng ginang bago siya nito nilingon. "Ernesito."

That was the only instance he looked away from Allyssa. Tumayo siya mula sa kinauupuan. "Thanks, Ma, for checking on me."

Tumango ito sa kaniya at nginitian si Allyssa nang madaanan ito bago lagpasan sa pinto.

Nang naglaho na si Doña Grazie, bumalik na kay Allyssa ang atensiyon ni Ernesto.

"Love," lapit ni Ernesto rito.

Tumalikod ito para isara ang pinto. Nang aabutin na niya ang braso nito, pumihit naman si Allyssa paharap sa kaniya.

"Really? Inuna mo pa talagang puntahan ang babaeng 'yon kaysa ang umuwi sa akin?" she spat.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay, nag-aalala. "Allyssa, inuna ko lang naman siya daanan dahil gusto ko, pagkauwi ko rito, nakapirmi na ako rito sa mansiyon."

Hindi ito kumbinsido. "Tigilan mo nga ako, Ernesto. Marunong ako makahalata! Bakit hindi mo na lang ipakausap sa mga tauhan mo ang babaeng 'yon? Bakit ikaw pa mismo? Bakit kailangang personal ka pang makipagkita sa babaeng 'yon?"

Ernesto took all the patience he could muster. "Allyssa, I don't know kung bakit ngayon mo lang napapansin 'to. I always personally deal with people that I have transactions with and you are always okay with it." He tried to hold her arms gently, but she kept swiping him away. "Every once in a while, I personally meet up with them and you know that. Mabuti na 'yong ako mismo alam ko kung ano ang nangyayari sa mga bagay-bagay. I don't want to rely on other people's words alone. I have to be present—"

"Enough," mariin nitong iling at tinapat sa kaniyang mukha ang palad nito. "Please," Allyssa stepped aside to get past him.

Hinawi ng kaniyang asawa ang manipis na mga kurtinang tumatabing sa pinto. Dumeretso ito sa balustre ng balkonahe sa kabilang dulo ng silid. Itinukod nito ang mga kamay roon at tumanaw sa labas. Her shoulders rose and fell, evidence of her taking deep breaths.

Sinundan ni Ernesto ang asawa rito. He laid his hands on her waist and smoothly slid from there until his palms reached her belly. Ernesto rested his hands there, as if holding Allyssa and their baby at the same time.

Idinikit niya ang gilid ng kaniyang mukha sa gilid ng ulo nito. With his cheek against her hair, he could inhale the sweet blossoms from her shampoo. His eyes landed straight to the view outside—the open space in front of their house, the long, straight, reddish roof of the horse stables, up to the foot and then, the top of a dry mountain.

"Allyssa, listen to me."

Suminghot ito. She was only at the verge of crying. "I don't like this feeling, Ernesto. That while I'm here, cooped in this house, unable to even ride a damn horse—" She stopped. She froze. She shook in anger. "Kung sino-sinong babae ang kinikita mo."

"Allyssa, this is not you. Are you listening to yourself?"

Ernesto was too tired of this. Marami na siyang pinapasan na responsabilidad at suliranin. He was holding on to the remaining patience he has. He had to. Ayaw niyang magkaroon sila ng problema ni Allyssa. It was not simply because her family's ranch and country club in Tagaytay is their major supplier of the finest breed of horses, but most of all, because she's the mother of his child. The safety of their baby rests on her well-being.

"You used to be so self-assured, as carefree as the wind," Ernesto pressed himself closer to her. Napapikit siya nang mariin. "You never doubted me like this. I've talked to any person and you are not being like this."

"That was before, when I had nothing to lose," she almost stammered. Manginig-nginig pa rin ito dahil sa tinitimping galit.

"'Lagi ko namang ipinapaalam sa 'yo ang mga transaksiyon ko, ang mga katransaksiyon ko, kaya bakit ganito? Pinagdududahan mo ako?"

"Bakit kasi siya? Bakit 'lagi mo siyang inuuna? Bakit sobrang priority mo ang babaeng 'yon?"

He could not help a deep frustrated sigh as he released her and took a few steps back.

That seemed to alarm his wife because when she wildly turned to face him, a total devastation was all over her face. He saw her teary eyes, and her quivering lips. Her face scrunched at her effort to resist sobbing in front of him.

"Saan ka pupunta?" manginig-nginig nitong sigaw sa kaniya. "Bakit hindi mo ako masagot?"

"Kasi iyon at iyon lang din naman ang ipapaliwanag ko sa 'yo, 'di ba?" Nagpipigil siya ng inis sa babae. "Na parte lang ng trabaho ko itong ginagawa ko. That I'm just doing my parents a favor here." He shook his head, eyes still piercing on Allyssa's. "Pero kahit ulit-ulitin ko 'yon, pagdududahan mo pa rin ako, 'di ba? You'll still accuse me of cheating on you."

Allyssa took a step forward. "Then fuck me."

Nasa mga mata ni Ernesto ang pagkabigla, pero hindi siya nawalan ng tinag.

"Fucking fuck me, Ernesto!" she challenged angrily.

"You're pregnant."

"At this phase of my pregnancy, my OB said p'wede pa," matapang nitong asik. "So, come on! Fuck me!"

Lumapit ito sa kaniya. He never foresaw that his wife would dare him like a thug on a street—her arms spread wide, lunging at him testily.

"Fuck me, Ernesto! Fuck me!"

Hindi na siya nakapagpigil. "Stop this immaturity, will you?"

Nabasag si Allyssa, nagpira-piraso sa kaniyang harapan. Ang bumagsak na mga bubog ay ang mga luha nito.

"See? You can't even fuck me," panginginig ng mga labi nito.

He wanted to spat back, to ask her if she thought she was making any sense, because who on earth believed that sex solved marital problems? Not him!

Pero oo nga pala. Nagdadalang-tao ito. Ernesto may not understand how it was really like to carry a child. It must be the hormones. Hindi naman nagkulang sa paalala ang kaniyang nanay sa kaniya ukol dito. Sobrang vocal din sa kaniya ni Allysa pagdating sa lahat ng bagay kaya alam niya na may hindi maipaliwanag na emosyon na pinagdadaanan ang mga babae dahil sa tinatawag na hormonal imbalance.

Nakuyom na lang niya ang mga kamao. Nagpigil-pigil muna siya.

Meanwhile, Allyssa began sobbing in front of him, her hands cupping her wet face.

"Am I not pretty anymore, Ernesto? Am I not desirable anymore? Is that why you don't want to see me first above anyone else?"

He gently hushed as he took Allyssa into his arms. Quakes of sadness was all over his wife as he wrapped her into a soft embrace. He could feel her body vibrating while he rubbed her back to comfort her.

Isinubsob naman ni Allyssa sa kaniyang kaliwang dibdib ang mukha nitong natatakpan pa rin ng mga kamay nito. She was crying against his left chest, as if she intended to in order for his beating heart to hear her cries.

•••

PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024

R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery

Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro