Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17

SINADYA ni Ernesto nasa pinakasiyudad ng Masbate ang main office ng committee ng mga mananabong. Dito kasi niya isusumite ang panibagong registration form para sa rescheduled na derby sa Mayo trese.

Sa rescheduled na derby, hindi na kailangang magbayad ng panibagong registration fee ng mga bayad na rito, ngunit kailangan ng updated na registration form dahil ilalagay rito ang panibagong mga petsa at para na rin ma-update kung nabago ba ang pangalan ng mga handler o ang breed at timbang ng manok na isasabong.

Malayo ang ibiniyahe ni Ernesto kaya nag-book siya in advance ng isang silid sa hotel na malapit sa committee office. Dito siya magpapalipas ng gabi bago umuwi kinabukasan sa Mandaon.

"Nag-file ng complaint sa committee ang mga Tenorio," balita sa kaniya ng sekretarya ng committee na si Blanca. Ito rin ang nangongolekta ng updated registration forms. "Kasama ka sa inireklamo nila."

"Dahil ako ang representative ng mga sabungero ng Mandaon, kaya malamang, iniisip nilang ginamit ko ang posisyon ko at pagiging malapit sa presidente ng kumite para ma-disqualify sila," bagot niyang saad para hindi na ma-obliga si Blanca na ipaliwanag sa kaniya kung bakit inireklamo siya. "Parang bata talaga ang Archie na 'yan sa sobrang pagka-immature kahit kailan."

"Hindi si Archie ang nag-file. Ang kuya niyang si Alover."

'Interesting.' Hindi niya napigilang mapangisi. "A, si Alover?" Playful sarcasm danced in his eyes, on his grinning face. "Hindi naman siya kasali sa isyung ito, 'di ba? Hindi na rin member ng samahan ng mga mananabong si Alover kaya bakit nakikisawsaw pa siya? Bagot na bagot na ba s'ya sa teritoryo n'ya kaya idinadamay n'ya na ang pangalan n'ya rito?"

Napapailing na ngumiti nang magalang ang babae habang tsinetsek nito ang mga form na inabot ni Ernesto. Sinisigurado nitong walang nakaligtaang sulatan o pirmahan sa papel.

Meanwhile, Ernesto could not help ranting on. Mainitin lang talaga ang ulo niya, lalo na pagdating sa mga kaaway niya. He just could not believe that Alover was getting himself involved into his fight with Archie because sore loser stopped joining cockfights years ago. Gusto raw kasi nito sarilinin ang lahat ng perang nakukuha mula sa mga panabong na manok, na imposible para dito noong kasali sa samahan nilang mga mananabong sa Masbate dahil may binabayarang porsyento sa buwis at registration fee sa mga derby na hosted ng cockfighting committee ng Masbate.

"Hindi ko alam kung maiinis ba 'ko o maaawa. Pati 'yong pag-award kina Guwenesco ng alkalde bilang 'Best in Sanitation 2005,' nakikisali pa siya."

Iginagawad kasi ng sangay ng DTI (Department of Trade ans Industry) sa city hall ng probinsiya ang 'Best in Sanitation' sa mga negosyong may pinakamataas na rating sa kalinisan.

"Hindi pa raw nasusubukan ng city hall libutin nang buo ang manukan nila. Kung sinuyod daw maigi ang manukan nila, baka sila ang binigyan ng award!"

Nangingiti lang si Blanca na nagtsetsek sa mga form na pinasa niya.

"Sobrang boring lang siguro sa baluwarte nila," Ernesto puffed proudly, yet acted like he was innocently wondering. "Baka sawa na sila na sila-sila lang ang nagkakapalitan ng mukha sa teritoryo nila. Hindi na sila napag-uusapan dito sa Masbate kaya kailangang magpapansin ni Alover o ng mga alipores niya sa mga nasa labas ng nasasakupan nilang mga Tenorio."

Nangingiting napakibit ng isang balikat ang sekretarya.

"Okay na 'to," taktak ni Blanca sa mga papel sa desk nito para mapagpantay-pantay. "Ipinasasabi pala ni President Edoard na rescheduled ang meeting next week. Panibagong designation din daw ng mga trabaho. Sa meeting na mismo pag-uusapan kung paano at ano ang mangyayari."

"Petsa? Oras?" labas ni Ernesto sa cell phone. Dito niya ititipa ang petsa at oras at ise-save sa Notes feature ng cell phone. "Kailangan kong i-update ang alkalde tungkol dito. A-Attend na raw siya sa unang meeting tungkol sa rescheduled derby."

Saglit na namangha si Blanca sa kaniyang ibinalita at sa cell phone niya. Latest model kasi ang cell phone at may camera. Ito ang uri ng cell phone na hindi pa masyado available sa merkado sa Pilipinas.

Pagkadikta ng babae sa petsa, oras, at venue ng meeting, dumeretso na siya sa hotel na tutuluyan.

***

MAG-GAGABI na nang nakauwi sina Joan at Kyle mula sa isa na namang buong araw ng pagtatanong-tanong at paghahanap kay Kobi.

Sinalubong agad sila ni Nanay Kristina sa pinto ng bahay. Hindi ito nangumusta tungkol sa paghahanap kay Kobi dahil siguro kitang-kita naman sa mukha nila ni Kyle—lalo na sa mukha niya—na wala pa rin silang napala sa paghahanap. Bagkus, nagtanong lang ito kung nakakain na ba sila.

"Hindi pa, 'Nay," malumanay na sagot ni Kyle at tinanggal nito ang dalawang pang-itaas na butones ng asul na shirt nito habang papasok ng bahay.

Tahimik namang nakasunod si Joan dito. Nang napatingin sa kaniya si Nanay Kristina, nginitian niya ito. Kahit pilit. Kahit ang totoo, pinanghihinaan na naman siya ng loob.

"O, sige. Magpahinga muna kayo. Hindi pa kami tapos sa pagluluto, pero okay na naman 'yong sinaing. Ulam na lang ang hihintayin."

Magalang siyang tumango bilang tugon.

"CR lang ako," paalam naman ni Kyle sa nanay nito.

Nang lingonin siya ng binata para magpaalam, nakaupo na siya sa sofa. Medyo natutulala pa siya dahil nag-iisip siya kung saan pa nila puwedeng hanapin si Kobi o kung saan may mapagtatanungan tungkol sa pinuntahan nito.

Lingid sa kaniya na malungkot na ngumiti si Kyle sa gawi niya bago tumuloy sa banyo.

Si Rita naman, kanina pa nakatanaw sa kanila mula sa dining area. Nang makabalik na roon si Nanay Kristina, iniwan nito ang ina sa pagluluto. Saktong nakapasok na si Kyle sa CR nang makaalis ng kusina si Rita. Dahil hindi nito naabutan ang kapatid, umupo muna ang dalagita sa sofa, sa tabi niya.

Malaki ang ngisi sa mga labi ni Rita. Panay rin ang silip ng babae sa pinto ng CR, nag-aabang kay Kyle bago siya pinansin.

"Huwag ka nang malungkot, Joan. Si Kuya pa? Gagawa at gagawa 'yan ng paraan kapag may gusto . . ." Nanadya itong mambitin, nanunukso ang ngisi nang lingonin niya ito. Paglingon niya, at saka lang itinuloy ni Rita ang sasabihin, ". . . sa 'yo."

Tumaas ang isang sulok ng kaniyang mga labi. Gusto niyang ngumiti pero hindi ito nagmukhang bukal sa kaniyang puso. Mabilis din siyang nagbaba ng tingin.

"Wala naman sigurong kaaway ang kuya mo. Ibig sabihin, okay lang siya kung gano'n. Baka nagbakasyon lang o namasyal—" Napailing ito. Sumeryoso na ang kanina'y masiglang boses. "Pinapagaan ko lang ang loob mo. Alam ko, wawents na ang mga pinagsasasabi ko pero . . ." Nag-aalalang napatitig na lang sa kaniya si Rita dahil hindi niya ito iniimik.

Joan turned to her. "Pasensiya na," magaan niyang ngiti kahit may lungkot sa kaniyang mga mata. "Hindi mo naman kasi dapat inaalala o pinoproblema itong pinagdadaanan ko, pero heto ka . . ."

She gave Rita a pat on the shoulder twice. May sasabihin pa sana siya pero naunahan iyon ng paghahayag dito sa kaniyang biglaang napansin.

"Si Kyle?" hanap ng mga mata niya bago ibinalik ang mga ito sa dalagita.

"Nag-CR lang." Naging pilya na naman ang ngiti nito. "H'wag kang mag-alala, hindi mawawala 'yon. 'Lagi siyang nandiyan para sa 'yo."

Natatawang pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Puwede ba, Rita?"

"Ito ha, deretsahang tanong. . . ." Humarap pa ito ng pagkakaupo sa kaniyang direksiyon. "Ano ang tingin mo kay Kuya?"

"Ano'ng 'ano ang tingin ko?'" Joan's innocent eyes held a mix of confusion and wonder.

"G'wapo naman ba para sa 'yo si Kuya?" Pinipigilan nito ang mapangisi nang malaki.

Hindi niya napigilan ang matawa kahit walang-buhay ang tunog nito dahil nasa isipan pa rin niya si Kobi. "Ano bang tanong 'yan, Rita?"

"Gusto kong sagutin mo," nangingiting kulit nito.

Sumaglit siya ng tingin sa pinid na pinto ng CR. Natatakot kasi siya na baka iba ang maisip ni Kyle sa kaniyang isasagot kaya nanigurado siyang hindi nito maririnig iyon.

"Naguguwapuhan ka ba kay Kuya?" usig nito, nakaloloko ang ngisi.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Binabaan niya ang boses. "Siyempre, g'wapo si Kyle." Doon pa lang ay lumaki na ang ngiti ni Rita. "Lahat naman ng may mata gano'n ang sasa—"

"E, 'di gusto mo si Kuya Kyle?"

Ewan kung bakit nangingiti siya. "Ano ka ba? G'wapo siya, oo, kasi totoo 'yon. Hindi por que nagsasabi ako ng totoo na g'wapo siya, e, may gusto na ako sa kaniya."

"E, ikaw lang naman ang naguguwapuhan sa kaniya!" Tila nilalabanan nito ang kagustohang lakasan ang pagtawa, ang madaig ng tuwa. Mas kinikilig pa yata si Rita kaysa sa kaniya.

Nag-ismid-ismidan siya rito habang nangingiti. "Napakagaling mo talagang mang-asar, Rita."

Napunta kay Kyle ang tingin nila nang makitang palabas na ito ng banyo. Lumapit ito sa kanila. Biglang tumayo naman si Rita mula sa kinauupuan nito.

"Pahiram ng cell phone," sabik nitong bungad sa nakatatandang kapatid.

"Kauuwi ko lang, cell phone agad ang bukambibig mo." Kahit sa kapatid, magiliw si Kyle. Malumanay. Maayos makipag-usap. Nagkukunwari lang ito na nanenermon habang dinudukot mula sa leather cell phone holder na nakakabit sa gilid ng sinturon nito ang cell phone. Halata namang nakikipagbiruan ito sa kapatid.

Aabutin pa lang ni Kyle ang cell phone ay hinablot na iyon ni Rita.

"Thank you!" At tumalon ito sa solohang sofa. Umupo ito nang nakataas ang dalawang paa sa armrest bago ginamit ang cell phone.

"Sino ang tatawagan mo, Rita?" Nanaig lang ang inosenteng kuryosidad kay Joan kaya natanong niya ito.

"Prfft!" pautot ng nguso nito bago malapad na ngumiti. Bumalik sa cell phone ang mga mata nito. "Wala akong tatawagan, no? Wala namang cell phone ang mga kaklase ko. Maglalaro lang ako ng Bantumi."

"Bantumi?"

"Parang sungka siya, pero sa cell phone mo lalaruin. 'Yong cell phone ang kalaban mo." Kasunod niyon ang mayabang na ngisi ng dalagita. Feeling ni Rita, ka-level na nito si Ernie Baron sa ibinigay na trivia tungkol sa cell phone game.

"Kung gusto mo," ani Kyle kay Rita habang nakaupo na pala sa kaniyang tabi sa sofa, "sa 'yo na 'yang cell phone pagkakuha ko ng suweldo ko bukas."

Nanlaki ang mga mata ni Rita. Nagningning ang mga ito. May bahid ng ngiti sa mga labi nito kahit hindi ito makangiti. Tila natatakot ito ngumiti dahil baka ma-jinx ang mga sinabi ni Kyle kapag pinangunahan nito.

"Talaga?" ani Rita at umayos ng pagkakaupo sa solohang sofa para makasandal sa backrest nito. "Ows. 'Di nga?" Umarte itong hindi kumbinsido. Her lips exaggeratedly downturned, an exaggerated frown.

"Seryoso!" Pumatong ang braso ni Kyle sa ibabaw ng sandalan ng sofa. Umabot ang kamay nito sa bandang likuran ni Joan. "Basta tataasan mo ang mga grade mo."

"Pa'no kung hindi ko mapataas?" naniniguradong paniningkit ng mga mata ni Rita rito.

"E, 'di kay Joan ko ibibigay 'yang cell phone."

Lumaki ang ngiti nito. "Weh? Gusto mo lang talaga ibigay kay Joan, 'ka mo!"

"Seryoso! Sa 'yo ko talaga gusto ibigay 'yan. Pero kung magpapabaya ka sa pag-aaral katetelebabad, kay Joan ko na lang ibibigay 'yan!" masayang pakikipagdebate ni Kyle sa kapatid.

"Telebabad ka r'yan? Games lang naman ang aatupagin ko rito, no! Wala rin akong pangload kaya anong telebabad ka riyan?" Rita cutely pouted as she continued her game.

"E, 'di palo-load-an kita."

"Naku, 'wag na, Kuya. Sarili kong cell phone kaya dapat ako ang magpapa-load. Hindi naman p'wedeng aasa na lang ako 'lagi sa libre, no? Ikaw na nga ang gumagastos dito sa bahay . . ."

"Kuuuu." Nagpipigil ng tawa ang nakangising si Kyle. "Nagbabait-baitan si Santa Rita para hindi ko bawiin ang cell phone sa kaniya."

"Hehe," nakaw nito ng tingin sa kanila. Rita really had this natural child-like mischief in her smile.

Natatawa na lang si Joan sa magkapatid.

Kailan ba mula noong huling nakabiruan niya ang kaniyang Kuya Kobi?

It was so long ago.

Nagulat siya nang napalingon kay Kyle, sakto kasing nagtama ang kanilang mga mata.

Hindi alam ni Joan kung ano ang sasabihin. Hindi niya maipaliwanag kung bakit kinabahan siya.

Siguro, natatakot siya dahil parang nagugustohan na nga niya si Kyle. Ano ba ang hindi kagusto-gusto sa lalaking ito? He's straight-up handsome, no questions asked. Mabait na kapatid. Mabuting anak. Masipag at responsable sa trabaho nito. Matulungin na tao.

Ang nakatatakot lang siguro ay masyadong mabilis ang mga pangyayari. She was liking him way too soon. And she might seem innocent but she wasn't that dumb. Nagtatalo pa rin ang puso at damdamin ni Joan kung tama ba ang nase-sense niya o nag-a-assume lang siya . . . na gusto rin siya ni Kyle, gusto sa paraan na hindi lang bilang kaibigan, gusto hindi lang dahil sa tinutukso ito ni Rita sa kaniya. . . .

"Bakit sa akin mo naman ibibigay 'yong cell phone mo kung hindi kay Rita?" Joan asked Kyle softly that matched her soft, sheepish smile.

"Para kapag aalis ang kuya mo, kahit magkalayo kayo, makapagpapaalam na siya sa 'yo. Para hindi ka na 'laging nag-aalala nang ganyan." Pumihit ito para harapin siya nang mabuti mula sa pagkakaupo nito. "Iba ka kasi makatingin sa cell phone ko nitong nakaraan pa, para bang gusto mo  nang ipagpalit iyong cell phone mo sa cell phone ko."

Mukhang halata pa rin ni Kyle ang lungkot at pagod sa kaniyang mga mata, sa kaniyang mukha, at sa kaniyang pilit na ngiti. Pero ang pinakatumunaw talaga sa kaniyang puso ay ang pagbibigay atensiyon ni Kyle at ang pag-alala nito sa bawat maliliit na detalye tungkol sa kaniya. No one paid attention to these things about her, not even Kobi who only cared if she had already eaten or was still breathing, nor those maniacs who only paid attention to her looks, her body.

Honestly, she looked at people's phones out of awe. Una, 'yong sa Kuya Kobi niya. Señor Ernesto's phone was the coolest, though. It had a colored screen and a camera. Mukhang madaling gamitin naman ang cell phone ni Kyle. May ringback tone pa.

Joan always had her humble cell phone. Kahit papaano hindi siya nalulungkot sa  'pag naiiwang mag-isa sa bahay dahil may tatlo itong built-in games. Binili pa ito ng kuya niya mula sa sanglaan para may magagamit siya tuwing may emergency o kapag naghahanap lang ng makakausap. Ang hirap nga lang dito, wala siyang pera para manatiling may load ang cell phone niya.

But either way, the mere fact that Kyle was perceptive when it comes to her just made her feel . . . special.

Mahinang natawa si Joan.

Napayuko siya.

Her closed fists rested atop on each of her knees.

"Hindi mo naman ako kailangang bigyan ng cell phone. Masyado ka namang mabait, e, kaya kung ano-ano ang naiisip ni Rita."

Ngingisi-ngisi lang si Rita, abala pa rin sa paglalaro pero nakikitsismis ang mga tainga.

"Kailangan mo nang masanay kay Rita—"

"Kasi, dito ka na raw titira. Ibabahay ka na raw ni Kuya," pang-aalaska ni Rita.

"Baliw," tawa ni Kyle.

Nangingiti lang si Joan. Hindi niya makuhang maging masaya o kiligin. Kapag nag-aamba na kasi ang saya, naaaalala niya si Kobi at biglang hahalili ang pangkakonsensiya sa kaniyang dibdib.

She could not be happy without knowing if her brother was safe or happy, too. She felt that she didn't deserve to feel happy or loved, without making sure that her brother was doing well.

•••

PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024

R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery

Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro