Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15

KINABUKASAN, maagang lumakad sina Joan at Kyle para magtanong-tanong sa kaniyang mga kapitbahay.

Pagsakay ng kotse ay lumingon siya sa back seat na nanatiling bakante. Lumagpas sa mga upuan ang tingin niya at sumilip sa nalagpasan nilang daan mula sa bintana sa likuran.

Then, Joan eyed on Kyle. Nasa tabi niya ang lalaki, ang mismong nagmamaneho sa sasakyan.

She just could not help staring at him. He was charming, with looks that could put anyone at ease. Maybe because his gazes are soft. Maybe because his smiles are warm and demure.

Kyle looked neat and pleasant in his blue jeans and cerulean button-down shirt with sleeves folded in three-fourths. The clean cut of his hair cleared the way for his handsome face to show. His dark skin was gently kissed into a light brown by sun due to the nature of his job. His biceps and overall muscles weren’t as swollen as Señor Ernesto’s since his body type was more on the leaner side. Nevertheless, he looked firm.

Hard. Strong. Athletic.

He was not the pa-macho type yet for Joan, his tenderness and mild-mannered nature did not make him less of a man. Fuck old-school societal standards of what a man—or even a woman—is supposed to be.

Hindi naman tuod si Kyle. Panay din naman ang nakaw nito ng sulyap sa kaniya kaya hindi nakaligtas sa lalaki ang pagtitig niya rito.

“May gusto ka bang sabihin?” alanganin nitong ngiti.

Hindi yata ito nauubusan ng ngiti . . . para sa kaniya.

“Talaga bang tayong dalawa lang ang pupunta sa Nilabanan?” banggit ni Joan sa kung saan sila nakatira ng kaniyang Kuya Kobi. “Hindi ba mas magandang may kasama tayo? Para may tumutulong din sa atin sa pagtatanong-tanong.”

“Maaalarma ang mga tao kapag maraming taga-Hacienda Dela Fuente ang dumayo sa inyo, Joan,” anito. “Lalo na kapag marami tayong nagtanong-tanong sa kanila tungkol sa kapatid mo.”

Sa tingin niya, tama ang lalaki.

“Hanggang maaari, ayaw din kasi ni Señor Ernesto na ikonekta ng mga tao sa mga Dela Fuente ang pagkawala ng kapatid mo. Kapag lahat ng tauhan niya, nagkalat sa Nilabanan para magtanong-tanong, iisipin ng mga tao na masyadong interesado sa kapatid mo ang mga Dela Fuente. Kung ano-anong kuwento ang posibleng mabuo sa mga isip nila.”

“Tama ka riyan,” deretso niya ng upo sa wakas. “Lalo na si Aling Pearly.”

Inayos ni Joan ang seat belt dahil napunta na naman ito sa pagitan ng kaniyang mga dibdib. She carefully laid it straight across her chest. At the corner of her eye, she caught Kyle immediately look away. Tila nahiya ito sa nakita.

“Si Aling Pearly?” tanong ni Kyle nang maramdamang nakatingin siya rito.

“Oo. Si Aling Pearly. Siya ’yong may-ari no’ng tindahan sa amin.” Medyo nakaramdam siya ng inis sa naalala. Rumehistro iyon sa maamo niyang mukha. “Siya ’yong nagtsismis noon na ako ang dahilan kaya nagkasunog noon, na nakatulugan ko ang kandila.” Lumambot ang kaniyang ekspresyon. Tumamlay ang kaniyang boses. “Hindi naman siya nagsisinungaling pero . . . bakit kailangan pa niyang ipagsabi sa lahat ng tao ’yon?” Nasa harap ang kaniyang tingin, sa konkretong kalsadang kabilaang nababakuran ng mga puno’t halaman. “Wala namang nasaktan no’n. Kalahati ng bahay namin ni Kuya ang nasira at hindi nadamay ang mga kalapit na bahay!” Nilingon siya ni Kyle at hinayaan lang niyang masalo ng binata ang kaniyang pagkakatitig dito. “Simula noon, ang tingin na ng mga tao sa akin, walang-muwang sa mundo. ’Lagi kasi ako nakakulong sa bahay, ’tapos nakagagawa pa raw ako ng ganoong klase ng mga aksidente. Daig ko pa raw ang paslit sa sobrang kawalan ko ng ingat.” Nakatingin pa rin siya kay Kyle nang isinandal niya ang sariling ulo sa kinauupuan. “Pati pagdadamit ko, sinisi na nila. Iba makatingin sa akin ’yong apo niya. Hindi ako nakatiis kaya nakarinig talaga siya sa akin! ’Tapos, ano? Ako ang pinagalitan ni Aling Pearly kasi malaki na nga ang dibdib ko, nagsususuot pa raw ako ng mga sando. Kaya malalaking T-shirt na ang sinusuot ko mula no’n.” Then, her defeated voice lowered down. Tumagos kay Kyle ang kaniyang tingin dahil ang nakikita na lang niya ay ang imahe ng kaniyang nakaraan. “Pero kahit gano’n . . . kahit ako na ang nag-adjust . . . wala pa rin namang nagbago.”

Nginitian niya ang lalaki. She just felt obliged to smile back even if she didn’t feel like it. Nasa mukha na kasi nito ang pag-aalala habang palipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa binabagtas na daan ng kotse nito. She just wanted to assure him that the past didn’t hurt her anymore, that she’s alright.

“Wala rin akong napala noong nagtanong-tanong ako sa mga kapitbahay,” pagod niyang buntonghininga. “Kaya paano naisip ni Señor Ernesto na may mapapala siya kapag pinagtanong-tanong ka sa lugar namin?”

Hindi inalis ni Joan ang mga mata kay Kyle. Naghintay siya sa sagot nito.

“Huwag sana sumama ang loob mo.” He spoke gently, eyes still on the road. “Pero sa tingin ko, wala rin kasing mapapala sa ’yo ang mga kapitbahay mo kaya mas madali sa kanila na itaboy ka na lang kaysa mag-istorya sila nang pagkahaba-haba.”

Medyo nasaktan siya roon. “Ano naman ang gusto nila? Bayaran ko sila para magsabi ng totoo, gano’n?”

“Parang ganoon na nga.”

Napalabi siya. “Ano ’yon? Babayaran ko sila para magtsismis sa akin? E, araw-araw naman nilang ginagawa ’yon nang walang bayad. Bakit kapag magtatanong ako . . .” Hindi na natuloy ni Joan ang pagrereklamo. Napailing na lang siya sa sobrang pagkadismaya.

Tumalikod siya kay Kyle at itinutok ang mga mata sa katabi niyang bintana. Nakita niya ang mabilis na pakikipagkarerahan sa sasakyan ng larawan ng hanay ng mga berdeng puno at halaman na kanilang nadaanan.

“Hindi na kasi tsismis ang hinihingi mo sa kanila, Joan,” mapang-unawa nitong paliwanag. “Impormasyon na. Sabi nga ni Ka Ernie Baron, ‘walang knowledge, walang power.’

‘Impormasyon . . .’ Interest sparked in her eyes. ‘Oo . . . Impormasyon. Mas importante iyon kaysa sa tsismis. Mas mahalaga. Mas totoo iyon. Hindi ineksaherado . . .’

Tumuwid siya ng upo at hinarap uli si Kyle. “Sigurado ka bang dito lang ako sa kotse habang nagtatanong-tanong ka? Baka kailanganin mo ng tulong ko. Baka hindi sila maniwala na ako mismo ang nagpatulong sa ’yo. Baka kailangang makita nila tayong magkasama.”

Napatigil si Joan dahil nasulyapan niyang malapit na sila sa kapitbahayang tinitirahan nila ni Kobi. Nagkalat sa tabi ng kalsada ang ilan mga tagaroon. They were moving based on their usual daily activities. Nothing seemed new or out of ordinary.

“Dito ka na lang sana sa kotse kasi baka maging emosyonal ka mamaya . . .” lingon sa kaniya ni Kyle.

“Hindi, a!” depensa ni Joan. “Pramis, okay lang ako mamaya. Inihanda ko na ang sarili ko.”

Ngunit ang totoo, hindi siya sigurado kung kakayanin niya kapag wala na naman silang  napala sa gagawing pagtatanong-tanong. Hindi niya alam kung ano na ang iisipin kapag hindi na umusad ang paghahanap sa kaniyang kapatid.

Her brother just disappeared without a trace. What was she supposed to think? She could come up with endless lists of possibilities but not knowing what really happened would make her restless.

Tila nabuhayan ng loob si Kyle dahil sumigla ang boses nito. “Aasahan ko ’yan. Kailangang kalmado lang tayo mamaya. Iwasan natin ang makapukaw ng malaking reaksiyon mula sa pagtatanong-tanong natin.”

Joan put on a determined face. “Maaasahan mo ’ko pagdating r’yan, Kyle.” Sinamahan pa niya ito ng pag-aja ng kamao.

“Okay,” nangingiting naghanap na ito ng mapaparadahan.

***

INABOT ni Ernesto ang hawak na manok sa kasama niyang handler. Pagkatapos ay hinarap niya ang direksiyong pinagmumulan ng kaniyang nagkukumahog na tauhan.

Nagmamading inangat naman ng kaniyang tauhan ang suot na cowboy hat bago bumati. “Señor, sumadya ang mga Tenorio. Tinanong namin pagpasok nila sa gate kung bakit sila narito, at kayo raw ang hanap nila.”

Deep inside, Ernesto was alarmed, but it was not evident on his face. Nanatili siyang walang-tinag mula sa narinig na balita, because, of course, he already expected this. Magwawala talaga ang mga Tenorio dahil sa pagka-disqualify ni Archie sa nalalapit na derby. Ang nakababahala lamang ay sumugod ang mga ito sa kanilang hacienda at sa mga oras na ito, malamang ay nakaderetso na ang mga ito sa mansiyon.

Tiwala si Ernesto na anuman ang maganap, basta sa loob ng hacienda, ay malakas ang laban nila. Pero hindi pa rin niya maalis sa isip ang magiging epekto ng gulo sa ipinagbubuntis ni Allyssa.

“Sige. Pumunta na tayo sa mansiyon,” pasya niya agad bago binigyan ng huling sulyap ang handler. The handler cradled his black rooster in his arm and lightly rested a hand atop its feathery back. He pronounced Siki as ‘Sai’ and ‘Key.’ “Ikaw na muna ang bahala kay Siki.”

Tumango ang handler. “Ibabalik ko na rin agad siya sa kaniyang bahay.”

Ernesto nodded and walked ahead. Sa labas ng bakurang tadtad ng mga teepee para sa mga manok-panabong, naghihintay ang isang itim na sasakyan. Mabilis silang dinala nito sa mansiyon. Hindi na sila nakaparada sa tapat ng bahay dahil nakaharang dito ang convoy ng mga Tenorio. It was composed of four cars—two of them were luxury cars with two seats only.

Ilan sa mga tauhan ng mga Tenorio ang nakabantay sa naiwang mga sasakyan. Hindi man kita, may ilan sa mga ito na nakaposisyon sa tagiliran ang mga kamay. Tiyak na may baong armas ang mga ito na hindi sila takot gamitin sa oras na magkagipitan.

Sa receiving area pa lang ng bahay, bumungad na agad ang grupo nina Archie. Nakikipagdiskusyon na ang mga ito kina Feliciano at Genaro.

Mas bata kay Ernesto ng limang taon si Feliciano. Matikas ang pangangatawan nito at dalang-dala ng kaguwapuhan nito ang suot na camouflage shorts na hanggang tuhod ang tabas at fitting round-neck shirt na kulay orange na hanggang mga siko ang mga manggas. White crocs were on his feet. Maikling-maikli ang tabas ng buhok ng binata. It was trimmed so neatly and shortly they looked like spikes. His hair was dyed blonde.

Genaro, on the other hand, contrasted Feliciano’s bright-colored style. His clothing choices are plain, mostly minimalistic, and he always wore eyeglasses. As of the moment, Genaro wore a pair of jeans that slightly sag. His sneakers were white with blue accents. His blue shirt was slightly loose for his fit yet sized for his slender figure with a length that reached his hips. His side-combed hair was slightly wavy but it was damp and combed thoroughly, that’s why it looked straight.

Umangat ang tingin ni Ernesto at natanaw sa hagdanan si Allyssa. She was an image of delicateness in her white dress with ruffled straps and her long, black hair laid neatly upon her left shoulder. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa pasamano ng hagdan. Naghalo ang takot at pag-aalala sa mukha nito na pinapusyaw ang mataray na dating ng mga ito.

Nakaalalay sa likuran ni Allyssa si Doña Grazie na larawan ng katatagan at matapang ang pagkakatitig sa mga lalaking nagtatalo. She wore her signature-style of dress—a short-sleeved slip-on that narrowed by the hips. Currently, her dress was pale pink with small white flowery patterns.

“Nakatutuwang pakinggan ang telenobela ninyo,” nakangising sarkasmo ni Feliciano bago nag-angas, “pero huwag mo dalhin dito ang reklamo mo, Archie.”

“Bakit hindi? Dito nakatira si—”

“This is a private property! This is a home! A family home!” he snapped. How dare anyone talk back to Feliciano. It was the kind of offense his brother doesn’t take lightly.

“Dito nakatira si Ernesto!” patuloy ni Archie na mas nagtaas ng tono.

“Si Ernesto, oo! Pero ang buong asosasyon, hindi!” Lumapit si Feliciano. Napasinghap sina Allyssa sa pag-aakalang susugurin nito sina Archie.

Archie’s men froze in alert. They readied their hands on their hips, close to their gun holsters.

Samantala, hindi dumikit ang mga kamay ni Feliciano sa mga bisita. Lumapit lang ito para ipakita sa dalawa ang naninindak na mga mata nito.

Archie scoffed. “Sino ba sa tingin mo ang sumulsol sa asosasyon na tanggalin kami sa derby?”

Genaro remained still. Behind his eyeglasses were a pair of unfazed hooded eyes, sharp as fighting cock talons. Nanatili lang ito sa tabi ni Feliciano, palipat-lipat ang tingin sa dalawang magkausap at sa mga tauhan ni Archie na nasa likuran nito.

“We don’t know and we don’t care. Ano ba ang alam namin diyan? Hindi na namin sakop ang asosasyon. Si Ernesto ang kausapin mo. At huwag dito!”

Archie raised a finger at Feliciano. “You know this is personal! Dahil ito sa galit ng pamilya ninyo sa amin!” Archie pulled back his hand. “That son-of-a-bitch! Nananadya na talaga kayong mga Dela Fuente!” Gusto pa nitong hablutin si Feliciano na nagawa na nito kung hindi naagapan ng nakatatanda nitong kapatid na si Alover.

No one seemed to notice Alover’s presence because everyone was absorbed with the heated argument between Archie and Feliciano. No one noticed Alover, not until Genaro happened to glance at his direction.

Pero saglit lang nakatikim ng atensiyon si Alover. Bagot na napabuntonghininga si Ernesto kaya mabilis na nailipat sa kaniya ang atensiyon ng mga nasa receiving area ng mansiyon. Sa kaniya na rin ipinukol ni Archie at ng kapatid nitong si Alover ang matalim na mga tingin.

“Talagang nagsama pa kayo ng mga tauhan n’yo rito, Archie,” malamig niyang saad. Dominanteng tumapik ang cowboy boots niya sa sahig habang palapit sa mga ito. Ernesto slightly lowered his head and gave them a judging underlook. “Kumusta, Alover, amigo.”

Alover just hissed. He was Archie’s balding brother with a round configuration but tall. The Tenorio lot really despised Ernesto including Alover, the man of few words in the family, who always preferred to keep mum but talk behind someone else’s back.

“Don’t amigo me, you treacherous snake,” Alover muttered.

Napangisi si Ernesto dahil buhay na buhay pa ang galit sa dibdib ni Alover. “Tama lang ’yan. Stay seething in anger. You Tenorios should not heal. No one should not be able to move on from a Dela Fuente.

“But before playing a victim, just remember, someone stole my shares from the sponsored chicken feeds.” Tumabi si Ernesto sa pagitan nina Feliciano at si Genaro na kapwa umatras para mapunta sa kaniyang likuran. “I don’t think that’s me.”

“Tangina, Alover, chicken feeds na nga lang ninanakaw mo pa,” mapang-asar na bulalas ng maangas na si Feliciano.

Lalo tuloy gumusot ang mukha ng magkapatid.

“Kino-corrupt,” Ernesto corrected. “Ipamimigay dapat ’yon ni Mayor Arguelle last year sa mga kasali sa derby—”

“Just shut up!” Hindi nakapagpigil si Archie. “Ang ipinunta ko rito ay ang pagsulsol mo sa asosasyon!”

“Ano na naman ba ’yon, Archie?” Pakiramdam ni Ernesto ay daig pa niya ang nakikipag-usap sa isang paslit. Mas maayos pa nga kausap ang paslit kaysa sa mga Tenorio.

“Bawiin mo ang pag-disqualify sa amin!” lapit ni Archie sa kaniya. He even yelled at his face. “You are disqualifying us for what? For that woman?!”

Nanatili siyang walang-tinag. Napayuko naman si Allyssa at patuloy na nanood sa kanila si Doña Grazie. Napatingin naman sa kaniya ang kaniyang mga kapatid, naghihintay sa kaniyang isasagot.

“Ano ba ang mahihita mo sa babaeng kristo na ’yon, Dela Fuente?” hamon ni Archie. “Malakas ba ang kapit? O baka naman, nagpanting ang pandinig mo noong niyaya ko siyang makipagkita sa akin?”

Something stung Allyssa. She immediately left the stairs and climbed back to the bedroom. Siyang halili ni Doña Grazie sa puwesto ng babae. Dumikit ang ginang sa pasamano ng hagdan. Her palm pressed on it gently.

“Archie, you’re such a clueless idiot,” Ernesto gritted with an emphasis that could shatter even a demon’s will to show him his face. “This is all because you fucking punched me, you animal. Have some accountability!”

“You deserve it—”

“I don’t,” hagod ni Ernesto sa sariling baba. “Getting punched for what? For a nobody that I give less fucks about? Getting punched for nothing . . . makes me so enraged. And if you don’t drop this shit and leave our land at once, you know that the worse can happen.”

“I demand you! Bawiin n’yo ng asosasyon ang desisyon! Ibalik n’yo kami sa derby!”

“Why? Feeling sorry now for the millions you spent for your mediocre roosters?” he smiled wickedly.

Susugurin na naman siya ni Archie kung hindi lang ito naagapan na naman ni Alover.

“That’s enough,” awat ni Alover sa kapatid.

“Not until we get his word!” sagot nito sa kapatid pero nasa kaniya ang tingin. “Ernesto! Sinasabi ko sa ’yo, bawiin n’yo ang pag-disqualify sa amin!”

“You started a ruckus, idiot. That’s against the rules and regulations of the association. You just did a violation that makes you subject for disqualification.”

“Hindi lalaki ang gulo kung hindi ka gumanti ng suntok sa akin!” ganti nito. “O baka sinadya mo nga ’yon?” Pagak itong tumawa. “Sinadya mo, no? Sinadya mo! Sinetup mo ako para lang maalis kami sa derby!”

Bagot na tinapunan niya ng tingin ang pinto nang bumukas iyon. Nagsipagpasukan na kasi ang kaniyang mga tauhan. Dahil dito, tiyak niyang natanggap na ng mga ito ang kaniyang instruksiyon na ipinasabi niya sa isa sa mga tauhan niya kanina bago siya nakarating sa mansiyon.

Siguradong maging sa labas ng mansiyon, nakakalat na ang kanilang mga tauhan.

Mayabang na inihilig ni Ernesto ang ulo. Pinasadahan niya uli sina Archie ng tingin. “Umalis na kayo o mga tao ko ang gagawa n’on para sa inyo.”

“Isa kang tarantado,” angil ni Archie bago nilingon ang mga tauhan. “Tara na!”

Tinapunan pa sila ng magkapatid ng matalim na tingin bago binangga ang kaniyang nakaharang na mga tauhan. Humawi ang mga ito para padaanin ang grupo hanggang sa makalabas ng pinto.

“Hindi pa rin ba tapos ang isyu na ’yan?” iritableng puna ni Feliciano sa kaniya. “Tangina, no’ng nakaraan pa ’yang suntukan n’yo, a?”

He remained composed. Nilingon niya ang kapatid. “Dinadahilan lang naman ’yon ni Archie. Ang isyu talaga ng hangal na ’yon ay ’yong pagkaka-disqualify nila sa rescheduled na derby.”

Itinuon niya uli sa pinto ang tingin.

“Puta. E, hanggang dito kasi sa bahay, ginugulo na tayo ng mga Tinoyo na ’yan.” Likas na mang-aasar talaga si Feliciano. Sanay na siya sa ‘Tinoyo’ na termino nito para sa mga Tenorio.

“Are you threatened?” Genaro asked gently. Gently yet, there was a bite of challenge to it.

“Threatened? Patawa ka, Genaro?” pag-aangas ni Feliciano sa kapatid bago ibinalik ang tingin sa pinto.

Of course, who would be threatened? Hanggang salita lang naman ang mga Tenorio. Patalikod o patago kumilos ang mga ito dahil hindi kayang lumaban nang harapan. Tiyak ni Ernesto na nagsama lang ng armadong mga tauhan sina Alover at Archie para lumakas ang loob ng mga ito na sumugod sa kanila. Kasi nga, hindi talaga kaya ng mga itong lumaban nang harapan, lalo na kung magaganap ang laban na iyon sa baluwarte nilang mga Dela Fuente.

“Hindi pa tapos ang trabaho. Aalis na ako,” paalam ni Ernesto. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin sina Feliciano at Genaro.

Sa halip, nilingon niya ang mga babae sa hagdan. Nagtaka siya dahil at saka lang niya napansing wala na roon si Allyssa.

Ernesto gave his mother, who remained emotionless, a polite nod. Then, he went out of the house. He stood by the front porch and watched the Tenorios leave.

After making sure that his business was done, Ernesto called one of his men. “Pakihanda si Amberwing. Nasa kuwadra rin niya ang cowboy hat ko. Naiwan ko kaninang umaga noong nagpatrolya. Pakikuha na rin.”

Tumango ito at mabilis na tumalima sa kaniyang utos.

Habang pinanonood ang paghawi ng mga tauhan, na mahigit tatlumpu, para bumalik sa kani-kanilang trabaho, nakatanggap naman siya ng tawag.

It was Kyle.

He immediately answered the call.

“Kyle,” seryoso niyang bungad.

“Ay, sorry!”

Sigurado siyang kay Joan ang boses na narinig.

Inabot nito kay Kyle ang cell phone. Alam niya na iyon ang ginawa ng dalaga dahil humalili na rito ang boses ng kaniyang kanang-kamay.

“Good morning, señor.”

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Kyle.”

“Nandito na kami sa Nilabanan.”

“O. May nakalap na ba kayong impormasyon?”

“Magsisimula pa lang, señor. Gusto ko lang po sana kayo tanungin kung magkano ang ibabayad sa mapagtatanungan namin.”

“Bayad?” Naeskandalo siya sa narinig. ‘Ano’ng bayad ang pinagsasasabi nito?’

“E, kasi, señor, alam n’yo namang sa panahon ngayon, mabilis mapagsalita ang mga tao kapag may bayad.”

Napailing siya. Ito ang isa sa mga dahilan kaya hindi siya sang-ayon sa takbo ng utak ng kaniyang ama. Getting involved in someone else’s business meant another unnecessary expenses for Hacienda Dela Fuente! Kung siya lang ang masusunod, hindi na siya makikialam sa problema ng Joan na ’yon!

“Dalawang-daan kada tao. Okay na ’yan,” mabilis  niyang sagot. “Tawagan mo na lang ako uli kapag may resulta na.” At dinugtungan iyon ng kaniyang isip, ‘Ang dami ko pang tatrabahuhin sa hacienda, abala pa itong paghahanap sa Kobi na ’to.’

“Sige, señor. Nasa akin naman ’yong ipinadala ninyong pera. Kasya ito para sa apat na tao.”

He sighed. That money was supposed to be gas money. Nanghihinayang siya kahit papaano sa pera dahil gagamitin na ito na para bang pangsuhol sa ibang tao para magsalita. Because he wasn’t just the type of person who believes in charity. His principle had always been that if a person wanted something, they should work hard for it. That a person should only give something to someone if they earned it.

***

MAKALIPAS ang tatlumpung minuto, natagpuan na lang ni Ernesto ang sarili sa backseat ng kaniyang kotse. Kadarating lang niya sa bayan ng Nilabanan.

Mula sa likuran ng dark-tinted na bintana, tinanaw niya sina Kyle at Joan. Nakita niya ang dalawa sa bungad ng main road, sa pinakakanto ng kalsada kung saan kapag binaybay ay mararating ang bahay nina Joan.

Nakatayo ang dalawa sa tapat ng isang ihawan. Kumakain.

Nagkukuwentuhan.

Nahuli pa niya ang pagtawa ng dalawa.

Tumalim ang tingin niya sa mga ito.

•••

OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!

Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024


PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024

First Wattpad Version © March 11, 2021

Second Wattpad Version © September 23, 2024

R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery

Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro