12
"LOVE!"
Napalingon sa likuran niya si Joan nang marinig ang malakas na boses ng isang babae. Nahihimigan niya mula rito ang saya at sigla.
Nanatiling nakaupo si Joan sa sofa, naghihintay rito tulad ng mahigpit na bilin sa kaniya ni Doña Imelda Gracia.
That call was followed by voices . . . murmuring voices.
Malayo siya sa pinagmumulan ng mga iyon kaya nauulinigan lang niya ang mga boses pero hindi malinaw sa pandinig ang mga salita.
Ibinalik na lang ni Joan ang tingin sa harap. Sa tingin niya kasi ay wala pa si Señor Ernesto na kaniyang sadya. Hindi naman kaboses ni Doña Imelda Gracia ang kaniyang narinig na boses kaya mabuti pang huwag na niyang alamin at abalahin ang taong iyon.
"Allyssa, slow down!"
Alertong napatayo si Joan mula sa kinauupuan.
Ang boses na iyon . . . mabigat, maawtoridad . . .
Brusko.
It was Señor Ernesto's voice. She couldn't be wrong!
Nanuot sa kaniya ang pagkataranta ng lalaki.
Ang takot.
Ang pag-aalala.
She turned to her back, faced the arched doorway that led to the receiving room of the mansion. Nanatiling nakatulos sa kinatatayuan si Joan.
'Allyssa . . . iyon ang pangalan ng asawa ng señor, a! May nangyari bang masama?'
Nakaabang ang kaniyang mga mata sa doorway. Then, the murmurs returned before they became complete silences.
Hindi na maalis-alis ang kaba sa dibdib ni Joan. 'Baka kung ano na ang nangyari kaya napasigaw nang gano'n si Señor Ernesto!'
Pinangunahan siya ng mga paa. Dali-daling sumugod siya sa pinagmulan ng mga boses. Malapit na siya sa labasan nang may biglang sumulpot.
Joan gasped. She held her breath and lifted up her arms to cover her chest as she collided against a hard chest. She bounced off that chest as she immediately shot her eyes up.
"Señor!" singhap niya nang magtama ang kanilang mga tingin.
Her wide-shocked eyes were reciprocated with a sword-like glare. Nailang siya sa sobrang lapit nila kaya umatras siya agad sabay baba ng mga braso.
"Puwede bang-"
Hindi niya alam na magsasalita na ang lalaki kaya nagkasabay sila.
"Señor, ano'ng nangyari? Sumigaw ka-Si Señora Allyssa, kumusta-"
Señor Ernesto sighed tiredly. He stretched a hand, gesturing at the sofa he was eyeing.
"Puwede bang maupo ka muna?" iritadong hilig nito ng ulo nang ibalik ang tingin sa kaniya.
Napahiyang nagbaba siya ng tingin. Bakit nga ba sa daanan niya kinakausap ang lalaki?
Tahimik na tumalima si Joan. Pagkaupo na pagkaupo, nakatayo na sa harapan niya si Señor Ernesto. Ang maliit na coffee table lang ang nakapagitan sa kanila.
She looked at his ruggedly splendorous height that towered over her. He looked firm and strong with his slightly parted legs that rooted and balanced him in his standing position.
Señor Ernesto crossed his arms over his chest, popping the hard biceps against the long sleeves of his gray scoop neck shirt. Pinarisan ang shirt nito ng asul na asul na pantalon na humahakab sa matitigas nitong mga hita at binti. Mahigpit sa baywang ng lalaki ang belt nitong brown. Nakasilip mula sa ilalim ng polo nito ang malaking silver buckle niyon na pabilog. Ang mga paa nito ay may suot na itim na sneakers.
He didn't notice as much as Joan herself didn't notice how she looked at him from head to toe . . . how her eyes lingered and wandered because of the mix of awe and fear that his very presence made her feel.
"Alam ko ang nangyari," walang paligoy-ligoy na saad ng walang-muwang na lalaki. "Sinabi na sa akin ni Kyle kaninang umaga."
Napakurap siya at napaalis sa wakas ang atensiyon sa postura ng lalaki. "Tungkol kay Kuya ba talaga ang sinabi niya?"
"Oo. Nawawala raw ang kapatid mo."
Nabuhayan siya ng pag-asa. "Tutulungan mo ako, 'di ba? Ipahahanap mo ang kuya."
"Bakit ko naman gagawin 'yan?" gusot ng mukha nito.
"Kasi, tinulungan kita kay Mayor!" Hindi niya napigilan ang magtaas ng tono. Bakit kasi nagtatanong nang ganoon si Señor Ernesto? Parang ipinapalabas pa nitong wala itong balak tumulong. "At nangako ka na ibabalik mo ang trabaho ng kapatid ko!"
"Oo. Ipinangako ko 'yan. And that's it. That's all. Wala sa mga ipinangako ko ang ipahanap ang kapatid mo kapag nawala siya, 'di ba?"
Hindi. Ayaw niyang maiyak. Kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang makaisip ng sasabihin na puwedeng kumumbinsi kay Señor Ernesto na tulungan siya.
"Pagdating ng Mayo trese at hindi pa rin siya nagpakita sa akin, pasensiyahan na lang, pero, hahanap na lang ako ng ibang kristo."
"Nangako ka-"
"Nitong nakaraan pa lang, sinabihan na rin siya ni Kyle na tuloy ang trabaho niya sa akin. Ibig sabihin, tumupad ako sa pangako ko sa 'yo, Joan," mariin nitong paalala.
Napailing siya. "Paano siya magpapakita sa trabaho? Nawawala nga siya!"
Halatang nagpipigil lang ito ng ngisi. Nakagagalit talaga. How could this man find this situation funny? Her brother was missing!
"Ano'ng tingin mo sa kapatid mo? Musmos?" He scoffed proudly. "Marunong na siyang umuwi at magpasya nang kaniya kung kailan uuwi."
"Paano kung may kinalaman sa trabaho niya para sa 'yo kaya nawala ang kuya ko? Paano kung mga taong may galit sa 'yo ang may kagagawan ng pagkawala niya?"
"Paano naman mangyayari 'yon?" hamon nito. "Ano ang pakinabang ng mga kaaway ko sa kapatid mo?"
Tumiklop si Joan sa kinauupuan. Pigil niya ang maiyak.
Sinamantala naman ng lalaki ang pananahimik niya. He took it as a sign that she already raised the white flag.
"Kaya tigil-tigilan mo ang kaaasa na ipahahanap ko siya. Ano ko ba siya?" taas-noo nito. "Hamak na nagtatrabaho lang naman siya para sa akin. Sa labas ng trabaho, hindi ko na siya responsabilidad."
She didn't know why she felt like this. Humihingi lang naman siya ng tulong. Wala namang masama kung tumulong ito na ipahanap si Kobi. Pagtanaw man lang ba ng utang na loob sa pagtulong niya rito na makumbinsi ang alkalde nasuportahan ang rescheduled derby at pag-diskuwalipika sa mga Tenorio! How could Señor Ernesto's reasons sound rational even if they felt so wrong?
A . . . oo nga pala. Siya ang nagpasimula ng gulo sa sabungan. Kung hindi dahil sa gulong iyon, hindi siya hihingian ni Senor Ernesto ng tulong para kausapin si Mayor Arguelle. Kaya wala . . . walang utang na loob ang lalaki sa kaniya.
In a moment, Joan forgot that it was all her fault. It was her mistake. It was her foolishness. She had no right to even demand something in return for talking to Mayor Arguelle. It was only her, fixing the problems she caused him.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Tumayo siya para umalis na pero parang nangangatog ang mga tuhod niya dahil sa paggapang ng panlalamig at panginginig na nararamdaman ng bawat himaymay ng kaniyang katawan.
"Pasensiya na, señor. Hindi ako nakapag-isip nang maayos dahil . . . dahil sa pag-aalala ko sa kapatid ko." Nang magkaroon ng lakas ng loob, nag-angat si Joan ng mukha at sinalubong ang mga mata ni Señor Ernesto.
His eyes were both dark, nestled calmly beneath his thick brows and between his lashes.
"Tama ho kayo. Hindi n'yo na responsabilidad ito. Umasa lang naman ho ako na . . . na maaawa kayo at tutulungan n'yo ako." She gave him a polite nod. "Aalis na ho ako, señor."
Tumalikod na siya nang magsalita ang lalaki. Nawala na ang maangas nitong tono. "Aalis dito sa bahay o sa hacienda?"
Natigilan siya sa tanong ng lalaki.
Humarap siya rito. Napatitig. Napaisip siya sa itinanong ng lalaki.
Tiyak na aalis na siya sa mansiyon ng mga Dela Fuente. Ito na ang kaniyang una at huling apak dito dahil wala na siyang anumang koneksiyon sa mga ito, lalo na kay Señor Ernesto. Pero naalala niya si Kyle at ang alok ng nito na makitira siya sa bahay nito.
Kaya lang, makikitira pa ba siya rito? E, sobra-sobra na ang pagtulong nito sa kaniya. Ayaw niya nang umabuso pa. Isa pa, kinukuwestiyon din ni Joan kung ano ang makukuha ni Kyle sa pagtulong sa kaniya. She learned from looking at other people, at her neighbors, and the likes of Señor Ernesto that a person wouldn't just help others randomly. Lahat ay may kapalit. Lahat ng pagtulong, dapat may mabigat na dahilan. You don't help people just because.
"Babalik ako sa amin," aniya.
Tuluyan niya na itong iniwan sa sala. Nang marating ang receiving room, may nalagpasan siyang lalaki. Hindi niya masyadong nakita ang mukha nito dahil sa pagmamadali niya at pagkakayuko ng ulo.
Isa pa, nahihiya siyang batiin ito. Lalo na at pakiramdam niya, nanggulo lang siya sa tahanan ng mga Dela Fuente.
Bagsak ang mga balikat na pumanaog si Joan sa mga baitang mula sa front porch ng bahay. Sakto namang nasa bakuran sa harap ng mansiyon si Kyle. Iniwan ng binata ang kausap nito para malapitan siya.
He took her arms. He forgot all decency about touching people out of worry. "Joan! Bakit ka narito?"
Itinapat niya ang mga mata sa mga mata nito. "Tapos na." Her voice strained. She just could not help it. "Nakausap ko na si Señor Ernesto."
"Joan." Señor Ernesto called from the door.
Paglingon niya rito, nasa mukha nito ang gulat. Hindi yata nito inasahan na bukod sa kaniya, maaabutan din nito sa labas ng bahay si Kyle.
Bumitiw si Kyle sa kaniyang mga braso. He gave Señor Ernesto a polite, greeting nod. "Maayo na hapon, señor."
Señor Ernesto just gave him a stare.
"Pagpasensiyahan n'yo na ho si Joan. Anuman ang mga nagawa niya o nasabi . . . " Kyle was lost for words as his eyes shifted between her and Señor Ernesto.
Itinutok naman ni Señor Ernesto ang mga mata sa kaniya. "Hacienda Dela Fuente is the safest place for you," he spoke in a low-toned confident declaration. "Sumama ka na lang kay Kyle."
"Señor-" hindi-makapaniwalang panimula ni Kyle.
"Balak niyang bumalik sa kanila," Señor Ernesto interrupted.
Pinanlakihan ito ni Joan ng mga mata. Tuluyan na siyang napaharap sa lalaki. "Bakit mo sinabi kay Kyle?!"
Tumalikod lang ang lalaki at bumalik sa loob ng bahay.
"Balak mong umalis pala," pagtatampo ni Kyle, pero mapang-unawa ang mga mata nito kung makatitig sa kaniya.
Hinarap niya ito. "Nakahihiya naman kasi na makitira pa ako sa inyo. Isa pa, matanda na ako, Kyle. Kaya ko nang buhayin ang sarili ko. Maghahanap na lang ako ng trabaho. At may sarili kaming bahay ng kapatid ko kaya roon at doon lang ako uuwi."
Tumanaw si Kyle sa saradong pinto ng mansiyon bago ibinalik ang tingin nito sa kaniya.
"Sinabi ko na kay sir ang nangyari sa 'yo kaya ano pa ang ipinunta mo rito?"
"Oo, alam na raw niya. Umasa lang naman ako na mapagbibigyan niya ako sa paghingi ko ng tulong sa paghahanap kay Kuya Kobi." Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin dito. "Ngunit oo nga pala, umaabuso na ako. Sobra-sobra na ang hinihingi ko sa kaniya. Ako na nga itong dahilan kaya nagkagulo sa sabungan . . . nagmamalabis pa ako."
Alam niyang naaawa sa kaniya si Kyle. Lumambot kasi ang ekspresyon sa mukha ng lalaki. "Huwag mo na masyadong isipin iyon. Tapos na 'yon, e. At saka, inayos mo na 'yon."
"Kung hindi lang kasi nangyari 'yon, siguro, hindi bigla-biglang mawawala ang kapatid ko."
Napailing siya at nagmamadaling nilagpasan si Kyle. Gusto niya na'ng iwanan ito. Gusto niya na'ng umalis. Nag-aamba na naman kasi ang kaniyang mga luha.
Kabado namang humabol ito, sumabay sa mga malalaking hakbang niya. "Si Señor Ernesto na ang nagsabi, Joan, mas ligtas ka rito sa hacienda. Huwag ka nang bumalik sa inyo. Please."
Nasa nilalakaran ang kaniyang tingin. Mariin ang pagkakatikom ng kaniyang mga labi habang pigil ang mga luha.
"Hindi mo naman kailangang mahiya sa amin. Makikitira ka lang pero magtatrabaho ka pa rin. Hindi ka magiging pabigat sa bahay kung 'yan ang inaalala mo."
She had enough. Joan faced him.
"Bakit ba gustong-gusto mo akong makitira sa inyo? Bakit ba gustong-gusto mo akong tulungan, Kyle? Ano ba ang habol mo sa akin? Wala naman akong kahit ano! Katawan ko ba? Mukha ko ba?" she blurted.
He didn't seem offended. He looked more hurt, taken aback.
A guilt suddenly swept all over her. Sa mga inakusa niya kasi, pinapalabas niyang masamang tao si Kyle; na isa itong lalaking katawan lang ang habol sa isang babae.
"Ang sa akin lang naman, ayoko na magkaroon ng dagdag alalahanin si Señor Ernesto," malumanay na paglilinaw ng binata.
Dagdag alalahanin? Paano siya magiging dagdag alalahanin sa lalaking iyon? He didn't even gave a fuck about her missing brother! Paanong alalahanin?
"Kapag bumalik ka ro'n sa Nilabanan at may nangyari sa 'yong masama, iisipin ni Señor na baka may kinalaman nga siya sa mga nangyayari. Siguradong may pagpaplanuhan na naman iyon laban sa mga kaaway niya. At ayoko na maulit 'yong mapalaban kaming mga tauhan niya dahil buhay namin ang malalagay sa panganib 'pag nagkataon. Kaya ako na lang ang aako sa pag-aayos ng lahat ng ito. Ngayon pa lang, aagapan ko na."
Natakot siya sa mga narinig. "Buhay?"
"Oo. Katulad ng mga manok-panabong ng señor, handa ring magpusta ang mga Dela Fuente ng buhay naming mga tauhan nila, matalo lang nila ang mga kaaway nila."
"Imposible namang gawin niya 'yon dahil lang may masamang nangyari sa akin."
"Hindi naman ito dahil sa ikaw ang nadamay, Joan. Sa isip ni Señor Ernesto kasi, madadawit ang pangalan ng pamilya nila rito. Mapapahiya sila. Papangit ang imahe nila. Kaya ang mabuti pa, sumama ka na sa akin sa pag-uwi."
Joan fell into silence and considered before sighing. "Sige. Pero babalik-balikan ko pa rin ang bahay namin. Baka umuwi si Kuya roon."
She heard his deep sigh. Joan gave Kyle a questioning look about that.
"Nagwo-worry lang ako. Pero kahanga-hanga na ganyan ka, hindi nawawalan ng pag-asa na makita uli si Kobi," he smiled softly at her.
Ginantihan niya ito ng tipid na ngiti, ngiting hindi umabot sa kaniyang mga mata. "Vaquero ka, 'di ba? Dapat matapang ka, kaya bakit puro pag-aalala iyang nararamdaman mo?"
"Sa trabaho, hindi ako nag-aalala, pero para sa 'yo, oo," salubong ng mga kilay nito, hindi naiirita bagkus ay lalong nag-alala. "Puwede na ba tayong umuwi?" pakiusap nito.
"Sige," tango niya rito.
Sabay silang naglakad papunta sa kotse ni Kyle.
"Kapag gusto mong bumisita sa inyo, sabihan mo ako agad," anito sa mahina at mas payapang boses. "Sasamahan kita. Ihahatid kita."
"Oo," walang-buhay niyang sagot.
***
PAGBALIK sa loob ng mansiyon, bumungad kay Ernesto ang amang si Don Timoteo.
Kauuwi lang nito mula sa paglilibot sa hacienda. Suot nito ang leather jacket na napapalooban ng puting shirt at nakaitim na jeans. Don Timoteo was still dabbing his towel on the sides of his sweating face and neck.
"Ano na ang nangyari?" usig nito agad sa masungit na boses.
"Huwag na kayong mag-alala, Papa. Hindi na siya aalis ng hacienda."
"You-" Don Timoteo pointed a finger at him, "-are responsible for this. Claro? Siguraduhin mong hindi tayo madadawit sa pagkawala ng kapatid ng babaeng iyan."
"Papa, I don't even see any connection of her situation with me or with our family!"
"But what if that woman is right?" lapit nito ng mukha sa kaniya. He smelled of sweat and tobacco smoke while looking rugged and intimidatingly intense. "Paano kung kagagawan 'to ng mga kaaway natin?"
Nag-iwas na lang ng tingin si Ernesto sa ama. 'Ikaw pa na mahilig mangolekta ng mortal na mga kaaway, itong madaling mapraning. Takot ka palang madawit sa mga gulong inuumpisahan ng mga kaaway, e.'
Minsan, wala namang gulo o binabalak laban sa kanila ang ibang tao, pero dahil sa kapraningan ng kanilang ama, nagmumukhang sila pa ang nagsisimula ng gulo kapag sumusugod na sila sa mga Tenorio . . . o sa mga Silvestre.
"Bakit naman sa dinami-rami ng tao, isang hamak na kristo sa sabungan pa ang pagdidiskitahan nila? Paano nila naisip na magkakaroon ako ng pakialam sa gagawin nila sa taong 'yon?"
"Just do me a favor and settle this," Don Timoteo hissed then left him to take the stairs. Siguradong dederetso na ang matanda sa kuwarto nito para maligo at magbihis.
Napabuntonghininga na lang si Ernesto.
"Good afternoon, señor," bati ng katulong na nanggaling sa kusina. May bitbit itong tray na may lamang dalawang tall glass ng orange juice at isang malaking plato ng mga biscuit, wafer, at cutlet ng prutas.
"Saan 'yan?" tukoy niya sa mga pagkain.
"Sa roof deck ho. Meryenda ang mga ito nina Ma'am Allyssa at Doña Grazie."
'Doña Grazie' ang tawag kay Doña Imelda Gracia ng mga malalapit dito at mga kasama sa loob ng bahay tulad ng mga katulong.
Ernesto took the tray. "Ako na ang magdadala nito. Pakihabol na lang sa taas ng dalawang lata ng San Mig Light."
Inabot ng katulong ang tray sa kaniya. "Sige po, señor."
Narating agad ni Ernesto ang roof deck. It was an open-air area, no walls, just posts made of solid concrete and a sturdy cemented roofing overhead. The stream of light from the low sun gave the place a quiet ambience. The view was something soft and peaceful to the eyes and to the heart-the yellow warmth that spread all over the place and the coolness of the air was relaxing.
A breathtaking natural vista surrounded them. On the opposite side of the sun, there were deep blue skies and thin threads of white clouds. In addition, a hint of the dry, terracota-colored land where their house stood.
There were two lounging soft-cushioned chairs and a bamboo sofa set that faced across each other. May barbeque grill na nakababa ang takip kapag hindi ginagamit. At ang pinakanagnakaw sa espasyo ng roof deck ay ang billiard table. May isang shelf malapit sa billiard table na nakalaan para sa mga bola, risa, at billiard sticks.
Nilagpasan ni Ernesto ang billiard table. Habang palapit sa dalawang babae, mas naririnig na niya ang usapan ng mga ito. Both were grinning from ear to ear as their heads turned to his direction. Si Allyssa lang ang kumupas ang ngiti nang mapagtantong siya ang palapit sa mga ito.
Maingat niyang ibinaba sa mesita ang tray. Mas malapit si Doña Grazie kaya ito ang una niyang nabeso. Sunod niyang bineso si Allyssa. Then, he sat at the arm rest of the sofa, right beside his wife. Itinukod niya sa ibabaw ng sandalan ang isang kamay at ang kabila naman ay idinantay sa balikat ng kaniyang asawa.
"Kumusta ang pag-uusap ninyo?" maaliwalas na wika ni Doña Grazie.
Ernesto sighed. "Tapos na . . . sana."
Humalili ang katahimikan.
"Pero?" usig ni Doña Grazie para magpatuloy siya. Nakangiti pa rin ang kaniyang ina pero nakakatakot na kung makatingin.
Ernesto lowered his eyes and stared at his hand on Allyssa's shoulder. He found it strange that Allyssa did not reach his hand to comfort him, like what she usually does at situations like this. For some reason, he was searching for that nice gesture from her, probably, it was because he got used to it. Or to admit it, her hand on his' effectively comforts him . . .
Ibinalik ni Ernesto ang tingin sa ina. "Pero . . . narinig ni Papa ang lahat."
Nanghilakbot ito. "Naabutan kayo ng ama mo?"
Napayuko si Allyssa. "Calm down, Mama."
Napatayo ang ginang mula sa kinauupuan. "You know how he always overthinks! How fragile he is right now! His heart condition-" Umiling ito. "I'm going to check on your father."
"He didn't have a big reaction. He's mad but not that much," pahabol niya rito.
"Kahit na!" Dere-diretso sa paglakad ang ginang hanggang sa nakababa na ng hagdan.
Napabuntonghininga na lang si Ernesto. Tumayo siya at pumalit sa kinauupuan kanina ng ina.
"Kumusta?" lingon niya kay Allyssa.
She has the eye of a cat's . . . soft and tame as she looked at him, but she kept her head low. Dahil doon, kabilaang kumurtina sa gilid ng maganda nitong mukha ang mga hibla ng unat na buhok.
"I'm alright."
Na-guilty siya sa inakto niya kanina. Siguradong iyon ang dahilan kaya nangingilag ang kaniyang asawa.
"Sorry." He touched the side of her face, pressing her hair between his palm and her cheek. "Sorry kung inuna ko muna 'yong kausap ko kanina. I have to. Para umalis na." Inalis niya ang kamay sa pisngi nito at tumuwid ng pagkakaupo habang nakaharap sa direksiyon ni Allyssa. Ayos lang kahit tumatama sa kaniyang mukha ang liwanag ng araw. "So, how are you?" May naalala siya. Napasimangot. "Oo nga pala. Huwag na huwag mo nang uulitin 'yong pagtakbo mo kanina, Allyssa. Mag-ingat-ingat ka sa mga kilos mo. You're already carrying our child."
Umiling ito at binalewala ang mga sinabi niya. "Sino siya?"
"Siya?" kunot-noo niya.
"Sino 'yong kinausap mo?"
"I talked to Joan," mabilis niyang sagot, nasa boses ang pagtataka.
"Bakit? Tapos n'yo na kausapin si Ninong, 'di ba? Ano pa ang ipinunta ng babaeng 'yon dito?"
Should he tell her the truth? Bakit naman at para saan pa? Hindi na naman concern iyon ni Allyssa. She wouldn't get it also. But he told her everything anyway for her comfort, for her peace of mind.
"Si Papa ba talaga ang nagsabi niyan? O baka naman ikaw mismo ang may gustong tumulong sa babaeng iyon? Tapos na ang business niya sa 'yo, but why do I feel like you keep on making excuses to get more involved with her?"
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Why would I do that?"
Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "I don't know, Ernesto," pagsusungit nito. "Maybe because, gandang-ganda ka sa kaniya!"
Nagulohan siya. He could not help a sarcastic chuckle. "Ako? Nagagandahan sa kaniya?"
"Gandang-ganda ka. Kaya tinabi-tabi mo pa talaga ang picture niya!"
"Prft. What picture?"
Inilahad nito ang kamay. "Akin na ang cell phone mo."
"Bakit? Sino naman ang tatawagan mo?" dukot niya sa cell phone mula sa bulsa at inabot ito rito.
Allyssa immediately took his phone and began using it. "Siguro, binura mo na. Pina-print mo bago burahin kaya kampante kang-" Napasinghap ito. Nanginig sa galit bago itinuon ang nagpupuyos nitong mga mata aa kaniya. "Ito! Narito pa!"
"Give me that," agaw niya sa cell phone. Bumungad sa kaniya ang mukha ni Joan na sakop ang buong screen ng maliit na cell phone.
"That's Joan, right? That's that girl!"
"Oh." He was nonchalant. "I see." Ernesto deleted the picture. "It's nothing."
"Nothing? Nothing!" Allyssa blurted. "You kept that photo for days! Bakit ako, 'di mo kinukuhanan ng picture? Yet that woman-"
"Allyssa, I just showed her that my cell phone can take pictures. Nawala na nga sa isip ko na may picture ako ng babaeng iyon dito," kaway niya sa cell phone bago ibinalik sa bulsa. "I deleted it already."
"Patingin!" she glared.
He sighed in surrender. Inabot niya uli ang cell phone sa asawa.
Allyssa confirmed what he did, pero nagdududa pa rin ang tingin nito sa kaniya. "Maybe, you already had her picture printed."
"My goodness, Allyssa. Bakit ba selos na selos ka sa babaeng iyon? I barely even know her!" Pinipigilan na lang niyang mapikon. Medyo nakukulitan na kasi siya rito.
"Bakit mo naman ipapakita sa kaniya na nakakakuha ng pictures ang cell phone mo? Why would you also help her find her brother? Why would you let her stay here in Hacienda Dela Fuente? Why is it always important for you to speak to her first than to me?" Naluluhang nag-iwas na naman ito ng tingin.
Ernesto took in a deep breath. Seeing Allyssa's teary eyes always bring him to his senses. He married her, which meant, he was already responsible with her and her feelings. So, it means, he should treat her with discernment, and accordingly.
Maingat na kinuha niya mula sa mga kamay nito ang cell phone. Inilapag niya ito sa sofa bago hinawakan ang mga kamay nito.
"There's nothing to be jealous about. Magkakaanak na tayo. I won't abandon our child for a woman I barely knew."
"I was hoping you'll say, you love me, that's why you'll never leave me."
He felt a sting. Ernesto knew he would be lying if he said yes to that.
But . . .
He's responsible with her feelings now, as her husband.
And this is the proper way a husband should respond. . . .
"Of course, that too. Do I have to say that all over again? Dapat alam mo na iyan, Allyssa," titig niya sa mga mata nito. "Na mahal kita."
Nag-isip-isip ito bago marupok na tumango-tango. Naluluhang nginitian siya nito bago idinantay sa kaniyang pisngi ang isang kamay nito.
"You know Papa is planning to run for election next year. Kaya hangga't maaari, gusto niyang siguraduhing walang masisilip sa ating mga Dela Fuente. That's why he notices even the littlest of things. He just wanted to keep our enemies at bay. Please, understand why I have to help Joan find out what happened to her brother."
"Puwede ka namang magdahilan sa papa mo," patong ng kamay ni Allyssa sa magkahawak nilang mga kamay. "'Lagi na lang niyang ginagawang responsabilidad mo ang lahat ng bagay kahit hindi naman necessary."
"What can we do? Ako ang inaasahan niyang papalit sa pamumuno sa hacienda. That's why I have to take on the responsibilities before I am even officially the head of this place."
Malungkot itong ngumiti. Their gazes locked. Pinilit ni Ernesto ang sarili na ngumiti kaya patabingi ito.
"Gagawin mo talaga ang lahat, no? Just to please your papa?"
"Our Papa," he gently chuckled.
Magaang natawa na rin ito. "Our Papa. Our Alywn's lolo."
"You want to name him 'Alwyn?'"
Ito ba ang dahilan kaya nadatnan niyang masayang nag-uusap si Allyssa at ang kaniyang nanay? Were they talking about baby names?
"If he's going to be a boy. If she's going to be a girl, I hope we can name her Alison."
"I like those names. Either of the two will do," masaya niyang ngiti.
Just the thought of having his own child in his arms soon effectively got him ecstatic.
•••
OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!
Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024
Click on the pre-order link to save your copy: https://www.cognitoforms.com/KPubPH/LaGrillaSeries1ComeHereByAnamariessOrderForm
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
First Wattpad Version © March 11, 2021
Second Wattpad Version © September 23, 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro