11
“ANO?” gusot agad ng mukha ni Ernesto.
He stood at the front porch of their house. Gayak na gayak na siya sa kaniyang pantalong maong na asul at long-sleeved scoop neck shirt na gray. Inasahan niyang kasama nina Kyle si Kobi pagdating sa mansiyon pero hindi, hindi nila kasama ang kanilang kristo.
At may mas matindi pa roon—ito ay ang ibinalita sa kaniya ng kanang-kamay na pinatotohanan pa ng mga kasamahan nito . . .
“Paanong nawawala?” Nagtitimpi na lang siya, pero umaahon na sa kaniyang dibdib ang iritasyon.
Everything was supposed to start rolling on this day. Pagsapit ng alas-diyes ng umaga, magsisimula na ang pagpupulong ng mga organizer at kakomisyon niya sa presensiya ni Mayor Arguelle para ma-finalize ang mga preparasyon sa rescheduled derby. At dapat, nagkukumahog ang Kobi na iyon na makapunta sa hacienda dahil sa wakas, makapagtatrabaho pa ito para sa kaniya. Pero ano? Isa na namang abala itong kaniyang haharapin!
Nagpalitan ng tingin si Kyle at ang katabi nitong mga kapwa vaquero. Nagtuturuan ang mga mata ng mga ito kung sino ang magpapaliwanag sa kaniya
“Hindi namin alam, señor,” ani Kyle. “Pero maraming mga posibilidad ang tumatakbo sa aming isip.”
“Si Joan?” panunulas ng tanong mula sa kaniyang mga labi nang hindi man lang niya napag-isipan.
“Nasa sasakyan.” Medyo umiwas ng tingin si Kyle, halatang nahiya pa ito sa kaniya bago nagbalik ng tingin. “Nakatulog siya sa biyahe dahil siguro magdamag siyang gising kahihintay kay Kobi na makauwi mula pa kahapon.”
Lumipat sa bukas na pinto ng van ang kaniyang mga mata. Sinikap niyang matanaw si Joan pero hindi talaga niya ito makita. Nakapuwesto siguro ang dalaga sa pinakalikuran ng van, hindi sa mga upuan na katapat ng bukasan ng pinto.
Ernesto returned his eyes on Kyle. “At bakit isinama mo na naman siya rito?”
“Hindi natin alam, señor, kung bakit nawala si Kobi. Baka mamaya, kagagawan ito ng mga masasamang tao at balikan nila si Joan.”
Ernesto stared at Kyle. He saw worry in his eyes. Malakas nga yata talaga ang tama ng lalaki sa babaeng pinag-uusapan nila. What’s peculiar about this was why he was even wondering what Kyle liked about that woman. He was simply intrigued because they just met recently, but still, he wasn’t supposed to be so curious, right?
‘Does love really work that way? Sa isang kisapmata ba ay handa ka nang magpaalipin sa isang tao kapag may gusto ka sa kaniya? Kahit isang linggo pa lamang kayo nagkakilala?’ For Ernesto, there was nothing rational about that at all, that’s why he just could not understand it.
Patuloy sa pagpapaliwanag ang walang-malay na si Kyle. “Ang sa akin lang naman, mas ligtas dito si Joan.”
“Ano naman ang pag-i-interesan ng mga taong iyon sa kanilang magkapatid?” kunot-noo niya. “Sa hitsura pa lang ng bahay nila, makikita mo nang wala kang mapapala sa kanila. Walang kanakaw-nakaw roon . . .” He looked blankly to a distance. “At kung may interes sila kay Joan, hindi sila basta-basta pupunta sa bahay nila kung wala siya roon.”
“Ang isa sa mga palagay namin, señor,” ani Kyle, “ay baka kagagawan ng kung sinong may galit sa inyo. Dinakip si Kobi para magkaproblema ka na naman sa pag-organize sa event.”
That made him scoff. “Sorry but that’s stupid. Marami akong puwedeng bayaran para magkristo para sa akin kaya ano at pag-iinitan nila si Kobi?” Then he dismissed their conversation. “Ang mabuti pa, tapusin n’yo na ang mga trabaho ninyo. Aalis na tayo ’pag 8:30 na. Klaro?”
Tumango ang kaniyang mga tauhan.
“Sige, señor,” paalam ni Kyle.
At nagsipagsakayan na ang mga ito sa van. Tinanaw ni Ernesto ang paglayo ng sasakyan.
***
JOAN stood meters away from the front of the three-story mansion. It looked more like a building, except for the faded cream color of the concrete walls. May ispesipikong anggulo lang na maaaninagan ang pagka-orange niyon.
There were also men in jeans, shirts, and cowboy hats, strongly-built with different types of bodies. Dama ni Joan ang mga mata ng nagkalat na bantay sa bakuran ng mga Dela Fuente, pero wala siyang pakialam.
Tiyak din niyang hindi siya nilalapitan o kinokompronta ng mga bantay dahil wala naman siyang dalang kahit ano. But even if she never looked like a threat to them, yet their eyes remained alert. Their hands were ready, positioned close to their guns, to their gun holsters.
Nakaharap sa nilulubugan ng araw ang bahay ng mga Dela Fuente, kaya mula sa kaniyang pagkakatayo ay humaplos ang malamlam na pang-alas-kuwatrong araw sa likuran niya.
Nakaladlad ang kulot niyang buhok. With her back against the sunlight, her hair’s outline looked like a scorching fire. Her hair’s small strands danced with the warm gentle breeze.
She still wore the same shirt and jeans that she had on yesterday. Wala sa isip niya ang mag-ayos dahil sa mga naganap kahapon lang.
Nawawala ang Kuya Kobi niya. Hindi siya nakatulog, ni nakakain nang maayos.
Pagod siya sa ginawang paghalungkat sa maliit nilang bahay. Pagod siya sa kahahanap ng anumang clue para maintindihan niya kung ano ang nangyari.
Pagod siya sa kaiiyak.
At ayaw niyang tanggapin ang posibilidad na inabandona na siya ng kapatid.
‘Hindi mo magagawa iyon sa akin, ’di ba . . . Kuya Kobi?’ Tears welled up on her soft, round eyes.
Yes. Her brother could be harsh on her. He could be a brute when mad, but her brother had always been that same kid who used to protect her. Hatid-sundo siya nito noon sa eskuwela. Sabay silang pupunta roon at sabay na uuwi.
May mga masasaya rin silang alaala. Kumakain sila noon ng fishball habang nagkukuwentuhan sa daan. He never helped her with her assignments only because he didn’t know the answers. Tumigil na rin naman kasi itong mag-aral noon para tumulong sa nanay nila sa pagtitinda noon ng gulay.
Her brother had been trying to stay strong all these years. That’s why for Joan, if venting out on her would relieve the weight on Kobi’s shoulders, even just for a while, she would make a sacrifice and let him take all the stress out on her.
They have been through thick and thin together.
They have made it this far for Kobi to leave her behind.
Kaya hindi niya matanggap, hindi niya matanggap na basta-basta na lang nawala ang kaniyang kapatid.
She tilted her head high a bit. Angling up her face made her feel like it helped holding back her tears. Nakailang hinga siya nang malalim bago nilakihan ang mga hakbang palapit sa mansiyon.
As she neared, the house loomed over her. Its shadow swallowed her. Its presence blocked the light that touched her face earlier.
She climbed to the front porch. Hindi niya napansin ang doorbell kaya dumeretso siya ng katok sa makapal na pinto ng bahay. Putol-putol ang pagkatok niya dahil sa tigas ng pinto.
Napasinghap siya nang makarinig ng mabigat na mga hakbang mula sa kaniyang likuran.
Paglingon niya ay nakatindig na sa kaniyang likuran ang isa sa mga vaquero ng mga Dela Fuente.
“Sino ka at ano ang kailangan mo sa mga Dela Fuente?” magaspang na turan nito.
“Kapatid ako ni Kobi Orosa. Nagtatrabaho siya para kay Señor Ernesto.”
Habang pumipihit siya paharap dito, mataman siyang pinagmasdan ng lalaki. Gumusot ang mukha nito nang kaunti. Napansin siguro nito kung gaano kalugmok ang kaniyang hitsura. Maybe it was the small curls of her hair tossed here and there by the breeze, or the smell of her dried sweat. Naglakad lang kasi siya. Or it must be the slight darkening around her sad eyes due to lack of sleep that disturbed the cowboy.
“Kung nagtatrabaho ang kapatid mo para sa señor, dapat ay alam mong wala siya ngayon dito,” anito. Maangas. Mapangmaliit. Nagbabanta ang mga mata.
Nasindak man siya nang bahagya, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. “A-Anong oras siya babalik? Maghihintay ho ako.”
“Ang mabuti pa, umalis ka na lang. Baka makaabala ka pa sa mga Dela Fuente. Bukas ng umaga ka na lang bumalik o kung kailan kayo ipatawag ng señor.” Akmang paalis na ang lalaki. “Sasabihin ko na lang sa kaniya na pumarito ka.”
“Hindi ba puwedeng hintayin ko na lang siya rito?” sumamo niya. Napurnada tuloy ang pag-alis ng vaquero. “Kahit dito na lang ako sa labas maghintay sa kaniya. Dito lang ako. Hindi naman siguro ako makakaabala sa mga tao sa loob kung dito lang ako sa labas—”
“Mahina ba ang pang-unawa mo, miss?” mahigpit nitong anas. “Umalis ka na rito! Wala namang ibinilin sa amin na inaasahan ang pagpunta mo rito kaya huwag kang mapilit!”
“Alam kong hindi magandang asal ang bumisita nang walang-pasabi,” makaawa niya rito, “pero importante lang talaga ang ipinunta ko rito. Hindi ko ito maipagpapabukas pa.”
“Mas importante ang oras ng mga Dela Fuente, kaya kung puwede lang—”
“Buhay ng kapatid ko ang nanganganib dito!” Hindi na siya nakapagpigil. Ano’ng mas importante ang oras ng mga Dela Fuente? Mas mahalaga para sa kaniya ang kapatid niya! “Handa naman akong maghintay sa kaniya! Hindi ko naman siya ipinapatawag sa inyo at pinipilit na umuwi rito! Ang pakiusap ko lang, hayaan n’yo akong maghintay rito! Hayaan n’yo akong makausap siya ngayong araw!”
Her eyes teared up with rage, but the drops refused to fall. Joan was shivering and trembling all over her body, inside and out. And yet, she kept her voice firm and steady. Nakipaglaban pa siya ng titigan sa lalaki bago ito humablot sa braso niya.
“Bitiwan mo ako!” panlalaban niya nang hatakin nito palayo sa pinto. “Wala akong gagawing masama! Gusto ko lang makausap ang señor! Bitiwan mo ako!”
She gave all the little physical strength that was left in her body. Ipinagwagwagan niya ang kaniyang braso. She yelped as tears beaded the corners of her eyes. Then the cowboy gave a warning twist before gripping her arm tighter.
“Please, naman po! Hindi ako manggugulo! Kakausapin ko lang si Señor Ernesto!” hablot niya sa braso ng lalaki, pinipilit na bawiin ito para pakawalan ang kaniyang braso.
But she was no match to him. Hindi man lang nito ininda masyado ang kaniyang mga panlalaban. Kumaskas ang suot niyang mga tsinelas na madulas at manipis ang suwelas.
He was already dragging her down the stairs when she caught hold of the railing. Doon na sila nagbuno ng lalaki, naghilaan.
“Pakiusap po! Pakiusap po!” iyak niya. “Buligi man ako! Nangako siya sa akin! Nangako siya! Tinulungan ko siya! Hindi puwedeng hindi niya ako tulungan!”
“Puwede ka namang bumalik bukas, babae! Masyado kang paimportante!” The man grunted and gave her a forceful yank.
Napabitiw siya sa hawakan ng hagdan at halos madapa nang dere-deretsong hilahin ng lalaki palayo sa mansiyon.
Joan saw the other cowboys on that yard. Wala sa mga ito ang may balak na tulungan siya. Wala rin sa mga ito si Kyle, ang nag-iisang vaquero na nagpakita sa kaniya ng kabutihan nitong nakaraang mga araw. The men’s eyes seemed to judge her, too. They seemed to pity her, while being disappointed with her too. Sobrang pagkapahiya ang dahilan kaya nanlambot siya. She hung down her head, thick curls of her hair curtained her face and hid her eyes that streamed with tears.
Nagulat na lang siya nang tumigil ang lalaki sa pagkaladkad sa kaniya. Inihanda ni Joan ang sarili sa pagbitiw nito o pagbalibag sa kaniya pabagsak sa lupa pero hindi iyon ang nangyari. Hindi lumuwag ang higpit ng pagkakahawak nito sa kaniyang braso.
Instead, the next thing she heard was a low rumbling of an engine, wheels crunching the rough, dusty, grounds. Umangat ang ilang alikabok at gumulong ang maliliit na bato sa buhaghag na lupa nang madaanan ng itim na kotse. Nasilip ni Joan sa pagitan ng mga hibla ng kaniyang buhok ang paglapit ng sasakyan.
Dali-dali siyang hinila uli ng vaquero. Ipinuwesto siya nito sa tabi ng hagdan pero hindi binitiwan.
Joan straightened up slowly. Hinawi niya ang buhok na tumabing sa kanan ng kaniyang mukha dahil ang kanang kamay lang niya ang malaya niyang gamitin.
Her lips parted. Her eyes were hoping.
Pumarada sa harapan nila ang sasakyan—isang itim na Lexus IS300 na gold-rimmed ang mga gulong. Nagmamadaling bumaba ang driver niyon para pagbuksan ng pinto ang amo. An elegant woman got down from the car’s backseat—round and petite. The white dress she wore emphasized her beautiful curves. She has a skin so fair, and hair as dark and shiny as her black polished car. She got looks that always got her mistaken for Manilyn Reynes’ sister. She could pass as the mean sister though because of her eyes that bear a gaze so cold and judging.
Unang sayad pa lang ng tingin ng babae sa kaniya at sa vaquero ay tumikwas na ang isa nitong kilay.
“Tama bang hawakan mo nang ganyan ang isang babae?” maanghang nitong bungad sa vaquero na tila ikinapaso nito dahil binitiwan siya nito agad.
Joan clutched her left arm. Masakit pa rin ito at medyo namula pa. Pinisil-pisil at hinagod-hagod niya ito para maibsan ang sakit.
“Doña Imelda Gracia,” he greeted, tipping his hat courteously. Nagmistulang maamong tupa ito. “Hindi kasi madaan sa salita ang babaeng ito. Pinapaalis na, ayaw pang umalis. Puwede naman siyang bumalik bukas—”
Doña Imelda Gracia lifted a point finger, signaling him to stop talking. Then, the woman’s fierce eyes landed on hers. “At ikaw, bakit kailangan ka pang kaladkarin ng tauhan namin? Hindi ka ba makaintindi ng Masbateño?”
“M-Ma’am . . .” Maging siya, nabahag ang buntot sa malakas nitong presensiya. Lalo na nang nasasaksihan niya na ang unti-unting paglapit ng ginang sa kaniya.
The soft sunlight from behind Doña Imelda Gracia reached the corner of her left eye. It seemed to glow with predatory warning.
“Pasensiya na ho sa abala. Ayoko po talagang makaabala sa inyo . . . sa lahat, sa inyo.” Her panic doubled upon noticing she was stumbling with her words. “Gusto ko lang ho naman makausap si Señor Ernesto.”
Doña Imelda Gracia side-eyed the cowboy.
“Sinabihan ko na ho siyang wala rito si Señor,” depensa ng lalaki.
Nilakasan ni Joan ang loob. Hindi puwedeng maudlot ang plano niya sa kaniyang pagparito.
“Pero puwede naman ho ako maghintay! Kahit dito n’yo na lang po ako iwanang nakaupo sa tabi ng pinto ninyo o sa hagdan—”
A low mocking chuckle escaped from Doña Imelda Gracia’s red lips. “Ano ka? Pulubi para pumuwesto sa pinto o hagdanan ng bahay ng ibang tao?”
Nagbaba siya ng tingin. Joan just couldn’t meet the cruel woman’s eyes.
Nilagpasan naman siya nito. Nauna itong pumanhik sa hagdan paakyat sa front porch ng bahay. “Sumunod ka sa akin.”
Gulat na sumunod sa babae ang kaniyang tingin. Doña Imelda Gracia did not stop for her though, neither looked at her over her shoulder. Nagtuloy-tuloy ito sa paglakad patungo sa pinto.
Umandar naman ang itim na kotse paalis mula sa tapat ng mansiyon.
Sunod na lumipat sa vaquero ang tingin ni Joan. Parang masama pa ang loob nito na nag-iwas ng tingin sa kaniya bago siya pinaalis. “Sumunod ka na sa kaniya.”
Nag-aalinlangan pa siyang alisin ang tingin sa lalaki habang naglalakad na. Ibinalik lang ni Joan sa harap ang tingin nang paakyat na ng hagdan.
Doña Imelda Gracia stopped by the door, stepped aside, and gave her a look.
“Buksan mo ang pinto,” anito sa kaniya sabay lapit sa dalang handbag sa bandang puson nito.
Mabilis siyang tumalima. Itinulak niya pabukas ang isa sa dalawang mabibigat at makakapal na dahon ng pinto.
Doña Imelda Gracia walked past her, leaving the scent of her strong yet gentle jasmine perfume. Siyang sunod ni Joan dito pagkasara niya ng pinto.
Sinalubong siya ng malaking receiving room. Twin grand stairs met at the center landing overhead a display table made of marble. Ang porselanang vase na nakapatong sa displa table ay naglalaman ng makapal na bungkos ng malarosas na carnations.
Sa paanan ni Joan, nakalatag ang makintab na sahig na gawa sa puting marbled tiles. Kailangan niyang mag-ingat sa paglakad dahil madaling madulas sa ganitong klase ng sahig ang pudpod na suwelas ng kaniyang mga tsinelas.
Pinaupo si Joan ni Doña Imelda Gracia sa sofa sa sala. Pinigilan niyang mag-360 degrees ang leeg sa dami ng gustong tingnan. Halos mapuno kasi ang bawat pader ng silid ng mga nakabiting frame at dekorasyon. May mga litrato mula sa iba’t ibang henerasyon at ilang book cases.
Malambot ang kutson ng sofa. Brown na may klasikong disenyo ang sofa cover nito.Mukhang mga antigo na rin ang karamihan sa mga gamit dito.
Doña Imelda Gracia occupied the other side of the long sofa where she sat. “Do you need anything? Water?”
“Hindi na ho. Gusto ko lang makausap si Señor Ernesto. Pagkatapos n’on, aalis din agad ako.”
Interest made Doña Imelda Gracia lift an eyebrow. Napahagod ang mga daliri nitong may pulang nail polish sa kandong na mamahaling handbag. “Who are you first?
“Who I am?” Napatuwid siya ng upo. Bakit kasi may Inglesan, hindi naman kasama iyon sa ipinunta niya rito? “Ako si Joan Orosa.”
The woman just stared at her. Tila walang-epekto rito ang pagkakakilanlan niya. She was obviously not familiar with her.
Nagpatuloy si Joan. “Kapatid ko po si Kobi John Orosa. Nagtatrabaho siya para kay Señor Ernesto.”
“I assume, tungkol sa kapatid mo ang ipinunta mo rito.”
Dahil sa sinabi nito, nagbalik na naman kay Joan ang mga nangyari. Nilunok niya ang nag-aambang hagulgol. Bakit ba kasi pagdating sa kaniyang kapatid, ang babaw ng kaniyang mga luha?
“O-Opo.” Nahihiyang nagbaba siya ng tingin dahil nautal siya. “Hindi ko po alam kung ilang araw na siyang nawawala. Kakauwi ko lang sa amin kahapon. Mula kahapon ng umaga hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa kaniya. Hindi pa siya nakauuwi sa bahay namin sa Nilabanan.” Bakas na ang pag-aalala sa kaniyang boses. She was already helplessly blabbering, begging to be heard so bad without her even noticing it. “Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya—”
“Mukha ba kaming ‘Lost and Found’?” Mataray ang tono ng ginang.
“H-Ho?” Ano’ng ‘Lost and Found’?”
“Hanapan ba kami ng nawawalang tao?” Doña Imelda Gracia’s voice was biting and stern. Her stare, condescending. “Ang ganitong mga bagay, sa police station mo dapat dinederetso. At bakit si Ernesto pa mismo ang kailangang mag-asikaso nito?”
“Nangako ho siya na kapag tinulungan ko siyang kausapin si Mayor Arguelle, ibabalik niya ang trabaho ng kapatid ko.” Tinatagan ni Joan ang tinig. Kailangan dahil kinukuwestiyon na siya ng ginang. Hindi siya magpapatalo rito. Para sa kapatid, magpapakatatag siya. “E, paano na ’yon ngayong hindi ko malaman kung nasaan ang kapatid ko?”
“Problema pa ba iyan ni Ernesto, hija?” Sarkasmo na ang nasa tono nito.
“Opo. Dahil baka mamaya kagagawan ng mga nakabangga niya sa sabong ang pagkawala ng kapatid ko. Kailangan niya akong tulungang malaman kung nasaan si Kobi, kung ano ang nangyari sa kapatid ko.”
“Hindi mo ba matatawagan ang kapatid mo? O i-text mo kaya? May cell phone na ba ang mga pobreng kagaya mo?”
Sumama ang timpla ng kaniyang mukha dahil sa pagmamaliit ng ginang sa kaniya. Sa klase ng mga tanong nito ay parang iniisip nito na bukod sa mahirap siya ay wala rin siyang common sense para hanapin niya mismo ang kapatid bago humingi ng tulong sa iba. “Hindi siya sumagot kaninang umaga.”
“E, ngayong hapon?” paniningkit ng mga mata nito.
Joan felt so defeated, eyes misting with tears. But she didn’t come all the way here go leave empty-handed.
“Wala na pong load ang dala kong cell phone.”
Doña Imelda Gracia was taken aback. Parang first time lang nito nakakita ng taong walang load ang cell phone. “Bakit hindi kasi kayo nagpo-postpaid para—” She seemed to realize the obvious and waved her hand. “Never mind.”
“Kami na lang ng kapatid ko ang magkasama sa buhay. Wala nang ibang makatutulong sa akin ngayon kundi si Señor Ernesto.” Sinamantala ni Joan ang pananahimik nito. “Gusto ko lang makausap si Señor Ernesto. Baka may ideya siya kung sino ang may kagagawan sa pagkawala ng kapatid ko. Baka may ideya siya kung saan puwedeng pumunta ang kapatid ko. Amo siya ni Kobi, hindi puwedeng wala siyang maisip na puwede niyang puntahan o mga taong puwedeng kumidnap sa kaniya.”
“You better be careful with your words,” Doña Imelda Gracia turned heavily serious, giving her an underlook. “Kidnapping is very serious accusation, hija. Baka mamaya, sinadya lang ng kapatid mong maglayas. In that case, walang kinalaman diyan ang kahit sino, lalong-lalo na si Ernecito.” Tumayo na ito. Akmang tatayo na rin si Joan pero pinigilan siya ng pagsasalita ng donya. “You stay seated there. Tatawagan ko si Ernesto para umuwi na agad.”
***
HOURS ran so fast for Ernesto. Sa kaniyang pinangunahang mga pagpupulong ay nakapag-finalize na ang komite ng mga sabungero tungkol sa mga preparasyon para sa rescheduled na derby. Sinadya nilang itaon ang petsa ng sabong isang araw bago ang Santacruzan. Iyon ay para samantalahin na mapadalo sa kanilang event ng mga bakasyonistang dadayo para sa selebrasyon ng Flores De Mayo.
Pagkatapos, nagtanghalian saglit si Ernesto kasama ang mga tauhan at ilang ka-komite bago dumeretso sa pagpupulong kasama ang mga sabungero na ilalaban ang mga alagang panabong sa derby. Nilinaw nila na hindi na sila maniningil ng panibagong registration fee. Pinag-usapan din nila ang rules and regulations, mga importanteng oras at petsa, at ilang requirements.
At 4 P.M., the sun’s mild, apricot orange rays touched every place that it could reach. Binabagtas na ng sasakyan ni Ernesto ang zigzag, ang paikot na highway sa matarik na gilid ng kabundukan kung saan abot-tanaw mula rito ang makapal na berdeng hanay ng mga puno mula sa paanan nito. Tumagos mula sa dark-tinted na bintana ng kotse ang init at liwanag ng araw, pero sa sobrang pagod, muntik nang makatulog si Ernesto.
Papikit na siya nang marinig ang matinis na ringtone ng kaniyang cell phone.
“Hello?” sagot ni Ernesto sa tawag.
“Ernesto.” His mother spoke with a voice that naturally sounded hostile, crisp and heavy. “Habang wala pa rito sa bahay ang ama mo, dalian mo na ang pag-uwi.”
“Bakit?” simangot niya. When Doña Imelda Gracia speaks like that, things must be really that bad . . . worse than you can imagine.
“May babaeng naghahanap sa ’yo rito.”
“Sino?”
“Iyan din ang tanong namin dito. Sino ba ’tong Joan na ’to?”
Nanlaki ang mga mata niya. ‘What does that woman want from me this time?’
“Oh, no . . . She wouldn’t,” he gritted and muttered to himself.
Nahagip ng pandinig ng kaniyang ina ang mga ibinulong niya sa sarili. ‘What ‘wouldn’t?’’
“Pauwi ako riyan.” Iyon lang at tinapos na niya ang tawag.
Mabilis siyang nakarating sa hacienda. Hindi pa siya nakabababa ng kotse ay natanaw na niya ang ina sa porch sa tapat ng mansiyon. Sinabihan na siya agad nito kung ano ang sadya ni Joan.
“You better get this settled quick. Lagot ka, kapag naabutan ito ng ama mo,” mahigpit nitong wika sa nanenermong tono.
Dahil doon, nagpatiuna na si Ernesto sa loob ng mansiyon. Mabibilis ang mga hakbang niya nang masaktuhan sa receiving room na pababa naman ng grand stairs si Allyssa.
“Love!” masaya nitong tawag. From her neutral look, life showed in her eyes upon seeing him. Nakaladlad ang itim at unat nitong buhok. She looked delicate in her pale blue babydoll dress with skirts that reached her knees.
Of course, it had always been Allyssa’s habit. Kapag pauwi na siya, aabangan na nito ang kaniyang pagdating. That explained this impeccable timing.
Ernesto only gave her a glance. “Not now.”
Tumamlay agad ito. “Why? What happened?”
Dala ng pag-aalala para sa kaniya, binilisan nito ang pagpanaog ng hagdan.
“Shit,” he muttered. “Allyssa, slow down!”
Muntik na itong madulas. Nataranta kasi ito ng magaspang na pagsaway niya rito. They held their breaths.
Then, they sighed in relief.
Mabuti at nakahawak agad sa hawakan ng hagdan si Allyssa. When she steadied, she managed a smile and looked at him from the stairs.
Dismayadong napailing-iling naman siya. Matalim ang tingin niya sa asawa kaya napalis agad ang ngiti sa mga labi ni Allyssa.
“Mamaya ka na. May kailangan akong kausapin.”
At dumeretso na siya sa salas.
“Kausapin?” Allyssa wondered and resumed going down the stairs.
Patungo si Ernesto sa sala kaya doon din nito planong pumunta. Nakababa na ito ng hagdan nang masaktuhan ng kapapasok lang na si Doña Imelda Gracia.
“Allyssa!” tawag nito.
“Ma,” she smiled demurely, medyo nangingilag pa rin sa butihin nitong biyenan.
Allyssa faced Doña Imelda Gracia’s direction. Hinintay nito na makalapit ito.
Meanwhile, the woman caringly held her arms and glanced at her belly. “How are you? How’s the baby?”
Tumamis ang ngiti nito. Nahihiyang ipinukol nito sa baba ang tingin. “We’re great, Ma. Kumusta naman po ang lakad ninyo?”
“Oh.” She caught her eyes by angling her head to the side. “It’s so tiring. When you fake smiles and laughs, it makes your jaws ache.”
“Oh, Ma . . .” naaawang usal ni Allyssa rito.
“Join me. Let’s have something refreshing sa roof deck?” ngiti nito. “Masarap na ngayon ang init ng araw.”
“Well,” nag-aalangang nagnakaw si Allyssa ng sulyap sa gawi papuntang sala, “gusto ko lang po sanang silipin si Ernesto. May kakausapin daw siya?”
“Oh, that’s nothing. It’s just a small problem that’s not even his own, for goodness’ sake,” akay ng donya rito. “Matatapos din agad ang pag-uusap nila. Susunod din ’yon sa roof deck.”
Nagpatangay na si Allyssa rito. Both of them were heading to the kitchen first. Ibibilin kasi ni Doña Imelda Gracia sa mga katulong kung ano’ng meryenda ang ihahatid sa kanila sa roof deck.
“Mukhang problema nga ang pag-uusapan nila Ernesto. Gusot na gusot na naman ang mukha niya kanina, e. It’s worrying me.” Allyssa glanced at her mother-in-law as they walked arm in arm by the dining room. Ang silid na ito kasi ang unang madadaanan bago marating ang kusina. “Sino ho ba iyong kakausapin niya?”
Natawa nang magaan ang ginang. “A, kapatid no’ng isa sa mga nagtatrabaho para kay Ernesto sa sabungan. Joan Oro—” Doña Imelda Gracia shook her head, laughed. “Sorry, I forgot the surname. That surname’s just not as remarkable as Dela Fuente!”
Inilihim ni Allyssa ang agam-agam. She recalled that last night, she borrowed Ernesto’s cell phone. Gusto kasi ng babae na litratuhan ang hitsura ng likuran nito habang suot ang bagong bili nitong dress.
‘Ang Joan na iyon . . . Iyon din kaya ’yong nag-iisang babaeng nasa photo gallery ng cell phone ni Ernesto?’
•••
OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!
Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024
Click on the pre-order link to save your copy: https://www.cognitoforms.com/KPubPH/LaGrillaSeries1ComeHereByAnamariessOrderForm
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
First Wattpad Version © March 11, 2021
Second Wattpad Version © September 23, 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro