1
2004
ERNESTO Dela Fuente got up from the bed. He should be already dozing off from the good sex he just had but he couldn't. No matter how hard he tried, he just could not sleep.
He tossed the blanket aside, exposing his lightly tanned skin shimmering with a thin film of sweat. His muscles etched hard and deep all over his body that was thinly haired at the right places.
Napagawi ang kaniyang tingin sa nakaniig, si Allyssa. Her straight hair scattered, occupying most of the pillows. Magaan ang pagkakapikit ng singkit nitong mga mata na may naggagandahang mga pilik. Ibig sabihin ay masarap ang tulog nito. Her sore lips slightly upturned in her slumber.
Ibinalik ni Ernesto sa harap ang tingin at pataas na sinuklay ng mga daliri ang buhok. Masidhi ang pitik ng kaba sa kaniyang dibdib dahil ito ang unang beses na nagkama siya ng babae nang walang proteksiyon.
'Get real. You're not nervous that you didn't use protection, because she consented to this honeymoon sex. What you're really feeling is guilt, because you have no feelings for her,' usap niya sa sarili gamit ang isip.
See, he didn't really love Allyssa Bernardino. Nasulsol lang siya ng ama na paibigin ito, na ligawan ito kahit wala siyang nadarama para dito. At umabuso pa ang ama niyang si Don Timoteo sa pamamagitan ng pag-utos sa kaniya na pakasalan ang babae.
Their marriage was for their ranch's benefit. Anak kasi si Allyssa ng pinakamayamang may-ari ng ilang horseback riding clubs at country clubs sa Tagaytay. Bukod sa mga club na iyon ay naggagandahang mga breed ng kabayo raw ang ipinapadala ng pamilya Bernardino sa mga Silvestre. Siyempre, gagawa si Don Timoteo ng paraan para maagaw ang supplier ng mga kabayo ng mga Silvestre na mortal nitong kaaway. So, he came up with the most wicked plan yet—to fool an impressionable, carefree woman into marrying Ernesto for connections. Because their marriage would also mean having the power to make the Bernardinos cut off their business transactions with the Silvestres.
Bakit naman pumayag si Ernesto? Of course, to please his father. Also, he didn't really care whoever he marries. Wala kasi sa isip niya ang ma-in love sa kahit sino o ang magseryoso sa isang relasyon dahil wala siyang interes pagdating sa romansa, sa pakikipag-date. Natanggap na niya na hindi siya iibig at hindi matututuhan iyon, kaya wala lang para sa kaniya ang ikasal sa babaeng hindi niya mahal. Besides, he believed this would be the most responsible thing to do as the eldest child in the family—to obey his parents and help the family with their business, even if it meant stepping on other people.
What was even the sense of marrying for love? Sa huli naman, hindi pag-ibig ang magpapaikot sa buhay ng isang mag-asawa kundi ang pagiging committed sa desisyon nila na magsama habambuhay at gawin ang mga responsabilidad nila bilang mag-asawa at bilang mga magulang ng kanilang magiging mga anak. Hindi ito naiiba sa isang business deal o contractual agreement na bihasa na si Ernesto dahil hinubog na siya ng ama para humalili rito balang-araw sa pamamahala sa kanilang mga negosyo. Kaya ganoon na lang din ang gagawin ni Ernesto. He would treat his marriage with Allyssa like a simple business deal.
He wasn't worried about how Allyssa would feel about this. She was younger than him by several years—she was twenty-four and he was thirty-one—so it would be a challenge for her to understand his mindset, but he believed that they would meet halfway soon. Tiyak niya kasing paglipas ng mga taon ay magkakatulad din sila ng pananaw ni Allyssa. Hindi rin naman niya hahayaang maging pabigat sa isa't isa lalo na sa angkan ng mga Dela Fuente ang kanilang pagiging mag-asawa.
Ernesto got dressed in a pair of loose white linen pants that matched its white linen scoop shirt. Lumabas siya para maglakad sa poolside ng nirentahan nilang resthouse at tumungo sa dulo nito kung saan may isang balkonahe. Pumagaspas ang magaan niyang kasuotan dahil sa hangin kaya pasayad-sayad ito sa kaniyang balat.
https://youtu.be/xW-QrY5RqSA
It was a moonless night and his path was only guided by the low light fixtures around the resthouse. He stood by the balcony that overlooked the end of a cliff and watched the violent tossing of dark ocean waves beneath.
This was supposed to be their honeymoon, but for Ernesto, this signified the start of his job as the first sacrificial lamb among the sons of Timoteo and Imelda Gracia Dela Fuente.
For him, this was only a small sacrifice—his marital status.
Little did he know that what he really sacrificed was his freedom.
***
Three months later . . .
BAHAGYANG tumagilid ang kabayo ni Ernesto. The morning breeze gently tossed his jet black, wavy hair. His firm muscles were clad by his tight button-down shirt with its sleeves rolled up to his elbows, and its yellow floral stitchings contrasting the blackness of the main fabric. His black piercing eyes were cautious. Inangat niya ang tingin at ipinako ang mga ito sa tuktok ng kabundukan na tinatawag na Cuerpo Serpiente.
He could see the dawn breaking. A pinkish orange smoke darted slowly like shears that cut through the dark blue portions of the fabric sky. And below that sky, there was a familiar silhouette—Allyssa.
https://youtu.be/ZJbG0Krw-2k
Pumagaspas ang dulo ng mahabang buhok ni Allysa dahil sa malamig na ihip ng hangin. Nakatalikod ang babae mula sa kaniyang direksiyon habang lulan ito ng puting kabayo. Pino itong pagmasdan sa suot na puting maluwag na bestida na sinasayaw ng hangin ang nakalaylay na parte ng palda nito, lalo na ang mala-kampanang mga manggas niyon.
As his horse gently climbed the side of the mountain, Ernesto was starting to get a clearer glimpse of her face from an angle. Humaplos ang malamlam na liwanag ng bukang-liwayway sa mukha ng babae. She seemed contemplative while mounted on the horse that faced the part of the mountain that overlooked the land of the Silvestres. There was that longing look in her eyes. Her speechless lips slightly parted.
Nitong nakaraan pa parang isang ibon na pinagkaitan ng kalayaan kung kumilos si Allyssa; isang bisirong nakatali sa kuwadra at hindi makatakbo.
Marami ba masyado ang masasayang mga alaala nito sa Hacienda Silvestre? Naging masaya ba talaga sa lugar na iyon ang babae kaya tinatanaw-tanaw pa rin 'yon? Ang akala niya'y pagod na ito sa kababalik doon. Akala niya ay pagod na ito sa tinuturuan nitong binatilyong hindi naman matuto-tutong mangabayo. Sino nga ba 'yon? That Silvestre boy called Manu?
Bukambibig ni Allysa ang Manu na iyon mula noong nagkakilala sila. They met that one night when she happened to wander by the mountains. Kuryosidad daw ang nagtulak sa dalaga dahil mahilig itong mamasyal kaya inakyat ang bundok kahit ipinagbabawal ng mga Silvestre. Ernesto promised to keep her little adventure a secret if she would meet him again the following night. Then, he reported to Don Timoteo about their meeting, and his father made him an accomplice to his wicked plan. At doon na nagtuloy-tuloy ang lahat hanggang sa humantong sila ni Allyssa sa pagpapakasal.
Ernesto scoffed at the very thought of that city boy, Manu, with a mocking grin lifting the corner of his lips.
'Those city boys,' Ernesto thought discriminatorily, 'They claim that the city is a jungle, when they're actually pathetic and can't keep up with the wild side of the country like here in Masbate.'
Dahil kay Allyssa, nakalimutan saglit ni Ernesto na nakasunod pala sa kaniya ang mga tauhan. Nagsipaghintuan na rin ang mga kabayo ng mga ito nang nanatili si Ernesto sa gilid ng bundok para titigan ang asawa at mag-isip ng kung ano-ano. Tinanaw na lang muna tuloy ng mga vaquero si Allyssa na nasa tuktok pa rin ng bundok.
Ernesto looked to his side when he felt their presence. He was not pointing his gaze at anyone though.
"Let's go," kalmadong usig niya sa mga tauhan bago pinasampa ang kaniyang itim na kabayo sa kabundukan.
Siyang talima naman ng kaniyang mga tauhan.
Naulinigan ng babaeng nasa malalim na pagmumunimuni ang mga yabag at halinghing ng kanilang kabayo. Napalingon tuloy ito at napasunod ang tingin sa kanila.
Pinaikutan nang bahagya ni Ernesto at ng kaniyang kabayo si Allyssa at ang sinasakyan nitong kabayo. Habang pinapaikutan ay binati niya ang asawa. "Good morning, Allyssa."
"Good morning," sunod ng mga mata nito sa kaniya.
"Ang bilis mong nakapuslit, a? Nauna akong umalis ng bahay, pero naunahan mo pa ako rito." He smiled at her, yet his gaze was cold, dark, and steely.
Allyssa softened. She always did so in his presence. Nagiging maingat din ito sa pananalita. Hindi kasi tumatalab sa kaniya ang carefree attitude nito. Dahil panganay at nasa kaniya ang lahat ng pressure, walang oras si Ernesto makipag-deal sa mga taong wala masyadong pakialam sa paligid nito. Sa mga taong pa-chill-chill lang at puro 'think positive' o 'everything will be alright' ang bukambibig. Fuck, no. He demanded discipline and righteousness. He believed that the harsh realities of life didn't just turn around because of toxic optimism. Ernesto believed that life had to be dealt with responsibly and wisely. It must be lived with caution. Feelings weren't facts, so they only stood as evidence and not basis for anyone's actions.
That's him. That's how Ernesto rolled, especially when there were snakes that live just on the other side of the mountains . . . Those snakes were the reason why they named this mountain range Cuerpo Serpiente or 'Body of the Snake' in the first place. The government did not make this name official for the mountain range but word of mouth and the potent influence of the Dela Fuentes and Silvestres made the locals of Mandaon, Masbate call it that way.
"I don't really expect na magkikita tayo rito," malumanay na saad ni Allyssa.
"Are you trying to say that you're sneaking around?" mahinang kabig niya sa renda para huminto sa paglakad ang kaniyang kabayo. He was facing Allyssa while her horse faced their front, the direction where the Silvestres' farm was.
She tilted her torso a bit to turn to his direction. "Hindi sa ganoon, Ernesto. I'm just taking a morning ride." At humigpit ang mga kamay ng babae sa renda ng kabayo nito.
"I see . . ." pasada niya saglit ng nanunuring tingin dito. "Akala ko, nami-miss mo na ang Hacienda Silvestre, e."
She swallowed and looked away. "Akala ko, ang isesermon mo sa akin ay hindi ako dapat nangangabayo kapag ganitong buntis ako."
Wala siyang sinagot. Na-guilty siya saglit dahil nawala sa isip niya na nagdadalang-tao ang babae. Nawala sa kaniyang isip ang kalagayan ng batang nasa sinapupunan nito, ang anak niya mismo. Inuna niya ang mga pagdududa. Inuna niya ang nasaling na pride dahil tila mas gusto ng kaniyang asawa sa lupain ng mortal na kaaway ng kanilang pamilya kaysa rito sa hacienda ng mga Dela Fuente.
Allyssa continued, "Kailan mo ba maiintindihan na wala akong pakialam sa away ng mga pamilya ninyo? Naging mabuti ang mga Silvestre sa akin. Welcome na welcome naman ako rito. Those things bring both of your families close to my heart. So, is it a bad thing if I miss the Silvestres?"
"Oo," giit niya ngunit hindi galit. He was in a far better mood to get angry so easily. "Dahil kasal ka na sa akin."
She wildly turned her head to face him once more. Nasa mga mata ni Allyssa ang piping protesta.
"At dahil isa ka nang Dela Fuente, may pakialam ka na rin dapat sa mga concern ng pamilyang ito. Hindi mo puwedeng sabihing wala kang pakialam sa mga problema ng pamilyang ito at ang isa sa mga problemang iyon ay ang mga Silvestre."
Napahiyang nagbaba ito ng tingin. "Please, don't think that I said that because I don't care. I care about this family, lalo na't parte na ako ng pamilyang ito . . . At ito ang pinanggalingan mong pamilya . . ." She softly gazed into his eyes, begging for his sympathy, " . . . love."
'Itong babaeng ito talaga. Dadaanin at dadaanin ka sa lambing para lang maabsuwelto sa pagtatalo na siya rin naman minsan ang nagpapasimula.'
Pinalagpas na lang ito ni Ernesto, lalo na't nasa paligid lang ang kaniyang mga tauhan. Ayaw niyang sermunan at ipahiya ang babae sa harap ng mga ito.
"Bumalik ka na sa bahay, love," magaang ngiti niya kay Allyssa.
And calling her 'love' worked for her. He saw relief flooding in her eyes, making them sparkle against the light from the breaking dawn.
"Thank you, love." She adjusted her horse, making it trot a little so that they could lean close to each other.
Allyssa planted a soft kiss on his lips before turning her horse back. Tinanaw muna ni Ernesto ang pagpanaog niyon sa kabundukan para siguraduhing babalik nang ligtas sa mansiyon ang babae. Pero hindi pa nakararating ang kabayo sa paanan ng bundok ay pinahinto iyon ni Allyssa. He saw her figure sway slowly a bit before she lifted a hand to massage her temple.
Kinutuban siya nang hindi maganda sa biglaang paghinto ng kabayo ni Allysa.
"Simulan n'yo na ang pagpapatrolya. Susunod ako," nagmamadaling habilin ni Ernesto sa katabing vaquero.
Pagkatapos ay lumipad ang lupa at alikabok dahil sa pagpadyak at pagkaladkad ng mga paa ng kaniyang kabayo papunta sa kinatatayuan ng kabayo ni Allyssa. Nang malapitan ito, nakatuon na ang noo ng babae sa batok ng kabayo nito.
"Allyssa." There was an authoritative demand in his voice, "Ano'ng nangyayari sa 'yo?"
It took her a while before she managed to answer in a weak voice. "Nahihilo ako, love."
He remained calm and collected. Idinikit niya ang kaniyang kabayo sa kabayo nito para hindi niya na kailanganing bumaba pa. Deretso siyang sumampa sa kabayo ni Allyssa. Pumosisyon si Ernesto sa likuran ng kaniyang asawa at binakuran ito ng mga bisig niya bago mahigpit na kumapit sa renda. He dominantly scoffed his command, jolting the horse with alertness before it trotted down the mountains.
***
MABILIS ang takbo ng oras kapag maraming ginagawa. Pagpatak ng alas-dos ng hapon ay nakagayak na si Ernesto. Mabigat ang mga yabag ng brown cowboy boots niya habang binabagtas ang malawak na masukal na lupain. It was an open field, not a single house or tree were in sight.
Nakabuntot sa kaniya ang grupo ng mga tauhan na pare-parehong nakapantalon, cowboy boots, at mga polo. Meanwhile, Ernesto put on a black leather jacket on top of his black fitting shirt to shield him from the blaring sunlight. Idagdag pa ang lilim na hatid ng itim niyang cowboy hat. Deretso ang kaniyang tingin, sigurado ang mga hakbang hanggang sa marating ang malilim na parte ng lupain. Sa parteng ito makikita ang hilera ng mga tatsulok na bahay ng mga tandang o gamefowl teepee. Nilagpasan niya ang karamihan sa mga ito hanggang sa marating ang nag-iisang gamefowl teepee na kulay pula.
Ernesto squatted and eyed at the rooster in it which had a fine breed, black feathers, and a red head. It was Silent Killer. Payapa itong naglalakad-lakad kahit nakatali ang isang paa sa harapan ng silungan nito. Wala itong ipinakitang reaksiyon sa paglapit ng kanilang grupo sa bahay nito.
Makalipas ang ilang minutong pag-obserba sa manok ay umusod siya para madampot ito. Nakaalalay ang isang kamay ni Ernesto sa ilalim ng manok habang ang kabila naman ay humagod nang kaunti sa balahibo sa likuran nito. Sinipat-sipat niya ang mga pakpak, ang tuka, at ang mga paa nito bago iniling-iling ang ulo nito. Ilang ulit pa niya itong ininspeksiyon bago nagsalita.
"Ihanda n'yo na 'to," maingat niyang baba sa manok sa lupa.
He watched the rooster flap its wings a bit before it silently resumed its mindless pacing. Huminto ito, yumuko, at tumuka nang kaunti sa masukal na lupa bago naglakad na naman.
"Opo, señor," sagot ng isa sa kaniyang mga tauhan. Hinawakan ng isang kamay nito ang manok habang ang isa ay tinatanggal ang taling nakapako sa lupa mula sa pagkakapulupot sa paa ng manok.
Nakatayo na uli si Ernesto nang malingunan ang humahangos na isang lalaki. Humihingal pa ito nang makalapit sa kanila.
"Señor, hindi makakasama sa sabungan si Kobi!"
"Bakit hindi siya nagsabi kaagad? Paghahanapin pa kami ng Kobi na 'yon ng kristo nang alanganing oras?" anas ni Ernesto sa lalaking butil-butil ang pawis na tumatagaktak dahil sa layo ng itinakbo nito sa ilalim ng tirik na araw.
"Huwag kang mag-alala, señor. 'Yong kapatid na lang daw ni Kobi ang papalit sa kaniya ngayong araw."
Lalo siyang napasimangot. "Hindi mo naman sinabi kaagad na may papalit naman pala. Maalam ba talaga 'yon sa sabong? Baka malusutan 'yon ng mga mananaya, ha?" At mas lalong tumalim ang kaniyang mga mata. "O baka naman malikot din ang kamay at mamulsa ng hindi kaniya?"
"Mukhang hindi naman ho ganoon si Joan, señor. Maniwala kayo."
Lalong nagsala-salabit angkaniyang mga kilay. "Joan?"
•••
Read advanced and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
First Wattpad Version © March 11, 2021
Second Wattpad Version © September 23, 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro