MADALI BANG SABIHIN SA MUNDO
I
Madali bang sabihin sa mundo
Na ang aking mga pangarap ay ito't hawak ko
Sundan kahit saan, magsikap tayo't tahakin ang tamang daan
Tungo sa bukas nating puno ng kulay
May pag-ibig sa bawat nilalang
Chorus
H'wag nating isipin na
Tayo'y isinilang upang mabigo
H'wag lang sa pangarap sinta
Kundi sa tunay sa totoo
II
Ano bang buhay ang mayroon ka ngayon
Tila may luha't pighati sa'yong puso
Minsan ako ri'y nabibigo
Lumaban ka't talunin ang kasawian sa palad mo
Upang bukas nati'y ang saya'y kaakbay
May ngiti sa puso ninuman
(Repeat Chorus)
Sundan minsan ng yong isipan
Ang nagaganap sa'yong kapaligiran
At ano ang iyong natatanaw
Magandang bukas mo'y nandyan lang
(Repeat Chorus)
Madali bang sabihin sa mundo
Lalala....
Written: March 18, 2000
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro