0006
—Volume O6—
"MARAMING SALAMAT, MAMA"
Mama, ang puso ko'y tumatalon, dahil sa saya,
Sa tuwing nakikita kitang masaya at maligaya,
Ang iyong nakakahumaling na tawa,
Sa aking tenga'y naging musika,
Mula sa binigay mong pagmamahal na buo,
Ramdam ko na ito, simula palang noong ako'y binuo,
Salamat, mama, dahil kailan ma'y hindi ka sumuko,
Hanggang masilayan ko ang mundong ito,
Mama, salamat sa iyong pagmamahal na walang ibang taong makakapantay,
Salamat sa walang-sawang pagsuporta na iyong ibinigay,
Pati sa iyong pag-aalaga sa akin at gabay,
Parang kailan lang, dala-dala mo ko sa loob nang iyong tiyan,
Sa loob ng siyam na buwan,
Mama, nahihirapan ka rin ba, minsan?
Paumanhin, mama, sapagka't ito'y aking kasalanan.
Mama, ako'y iyong inakay,
Sa unang hakbang ng aking paa, ikaw ay palaging nakasalalay,
Mama, ako'y iyong pinatahan,
Sa tuwing ako'y umiiyak sa takot na aking naramdaman,
Maraming salamat, mama,
Dahil ikaw ay laging nandiyan, sa akin sumusuporta,
Maraming salamat, mama, sa mga leksiyon na sa akin ay iyong itinuturo,
Dalhin ko ito maging sa aking pagtanda,
Makakaasa kang dadalhin ko ito, at hindi mawawala sa aking puso,
Pati ang pagmamahal mong totoo at puro,
Na siyang naging dahilan, upang ako'y lumaki na mabuting tao,
Masiyahin, minsan iyakin, ngunit may mapagmahal na puso,
Mama, ikaw ang nag-iisa kong ina,
Mula sa kaibuturan ng aking puso, muli kong bibigkasin ang mga salita na;
Maraming salamat, Mama.
@precisely_gem
*****
•| contains typographical and grammatical errors.
•| ang larawang nasa itaas ay hindi sa akin
•| it was obtained from the elements of Canva and was edited on the same app
•| all credits belongs to its rightful owner
***
Thank you for reading! See you sa susunod kong tula! ☺️
Don't forget to vote, comment, and share!
Love lots, pag-amping mo kanunay, and God bless everyone 💗
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro