0003
-Volume O3-
"INIIBIG KONG, MATILDA"
O aking binibini,
Ang iyong ganda'y nakakabighani,
Mga seryoso mong mga mata,
Tila nakikita ang sulok ng aking kaluluwa.
Sa iyong mukhang napakaamo,
Na siyang palaging nagpabilis sa tibok ng aking puso,
Ang iyong buhok na kay haba,
Sumasayaw at nililipad ng hangin, ang ganda mo, O aking sinta.
Ang makilala ka'y isang sagot sa dalangin,
Ngunit sana'y iyong mapansin, ang lihim kong pagtingin,
O aking binibini, nais ko'y ika'y maangkin,
Naghihintay sa bawat araw na ikaw ay makapiling.
Ngunit tila ikaw ay nasa malayo,
At napakahirap sungkitin ng iyong puso,
Sapagka't, ako'y ordinayong tao lamang,
Walang maipagmalaki, o di kaya'y kayamanan na kayang ipagmayabang.
O aking prinsesa,
Sana'y iyong mapansin, sana'y masuklian ang aking paghanga,
Na kay tagal ko nang pinadama,
At sayo'y palaging pinapakita.
@precisely_gem
*****
•| ang larawang nasa itaas ay hindi sa akin
•| it was obtained from the elements of Canva and was edited on the same app
•| all credits belongs to its rightful owner
***
Thank you for reading! See you sa susunod kong tula! ☺️
Don't forget to vote, comment, and share!
Love lots, pag-amping mo kanunay, and God bless everyone 💗
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro