Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9: Trouble

CHAPTER 9

"Trouble"

"Waaah Aldrin sorry." Sabi niya saka nanaman bumahing kaya tuluyan na akong lumayo sakanya. Tsk

"Panira ka naman ng moment e." Reklamo ko pa pero sa totoo lang gustong-gusto ko nang tumawa ngayon dahil sa hitsura niya.

"Kasi mukhang sisipuni---Achoo! Sisipunin yata ako." Aaminin ko naman na nadismaya ako dahil hindi ko siya nahalikan. Ang wrong timing naman kasi talaga kung bamahing. Ano pa ba ang kaya niyang gawin maliban sa umakyat sa puno dahil kinakaawaan ang ibon at bumahing kapag may hahalik sakanya? Kakaiba talaga. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong mapangiti.

"Ang lamig naman kasi ng tubig niyo." Reklamo pa niya. Hindi ko naman kasalanan na hindi siya nagpainit ng tubig kanina. "Akala ko kasi may heater kayo e." Rich kid talaga. Paano ko ba siya naging girlfriend? Mukhang ang sala namin ay kwarto lang niya.

"Rich kid talaga. Dapat sinabi mo saakin kanina."

"Kasalanan ko bang hindi ko alam na wala kayong heater?"

"Aish! Mag-aral ka na nga lang." Sabi ko nang may awtoridad ang boses. Inilapag ko pa yung ibang reference niya sa harapan niya para mag-aral na siya. Kung aawayin lang niya ako baka hindi na siya matapos mag-aral.

"Kapag naka-perfect ako bukas, i-libre mo ako ah." Masigla niyang sabi at saka nag-umpisa na ngang mag-solve ng kung anong math problem man yun. Hindi naman ako masyadong nakakatulong sakanya. Tingin ko nga ay alam naman niya lahat ng mga iyan.

"Ayaw ko nga. Wala akong pera saka isa pa magdodota pa ako."

"Dota? Anong napapala mo doon?"

"Marami. Maliban sa makakasama mo mga barkada mo ay nagkakapera ka pa."

"Barkada o mga ka-trashtalk-an. Saka paano ka magkakapera doon? Pustahan ba iyan?" Nagger pala siya.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumayo at binuksan ang pintuan. Takte! Alam ba niya kung anong oras na?

"Uuwi ka na?"

"Oo kasi mukhang wala ka namang balak na pigilan ako e!" Nagtatantrums ba siya?

"Bahala ka dyan. Maraming multo sa labas. Ikaw din bigla ka nalang makakakita ng babaeng nakalutang at nakatingin sayo tapos may kalesa pa riyan na dumadaan saka yung lalaking may hawak-hawak na ulo. Meron pa ngang aninong daan nang daa---" Bigla nalang siyang tumakbo at niyapos ako. Nanginginig siya ngayon sa takot pero kung alam ko lang na takot pala talaga siya ay kanina ko pa siya kinuwentuhan ng mga gawa-gawang horror stories para nakayakap na siya saakin kaagad. HAHA!

"Aldrin naman e! Tama na. Hindi na ako aalis."

"Oh tama na. Doon ka na. Nanananching ka na e."

"Ayaw!" mas lalo pang humigpit ang yakap niya saakin. Tss. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hahayaan ko nalang siyang nakayakap lang saakin?

"Natatakot ka lang sa babaeng lumilipa---" Isang nakapalutong na sampal ang natanggap ko pagkatapos ko siyang takutin ulit. Shete! "Lady masakit na yun ah!"

"Ikaw kasi e!" Aish! Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas dos na. Patapos na rin naman siya sa pag-aaral niya.

"Matulog ka na nga lang."

"Ayaw ko. Mag-aalas tres na baka mamaya ay may multo pa sa kwarto mo." Pagmamaktol niya. Pero alam ko naman na antok na antok na siya. Kanina pa siya humihikab at halatang nagpipigil ng antok.

***

"Aldrin huwag mo ako iiwanan. Dito ka nalang din matulog." Sa kwarto dapat siya ng kapatid ko matutulog kaya lang ang hinayupak kong kapatid ay nagkulong sa kwarto niya. Si mama rin ay naglock ng kwarto niya. Okay naman ako sa sala matulog kaya lang bakit ba kasi tinakot-takot ko pa siya kanina? Ako tuloy yung may problema ngayon.

"Sa sala ako matutulog."

"Hindi pupwede!" Hinila niya ang dulo ng damit ko dahil ayaw niya talaga akong umalis. "Dito ka matutulog! Kahit sa tabi na kita matulog basta samahan mo lang ako. Promise hindi naman ako malikot matulog e." Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay para lang maniwala ako sa sinasabi niyang hindi siya malikot matulog.

"Sa kama ka, sa sahig ako." Kako dahil mukhang hindi naman ako mananalo sa babaeng ito. Ang mga babae ay ipinanganak na hindi nagpapatalo sa mga argumento. Sa nanay ko palang at sa kapatid ko palang tapos ngayon nadagdagan nanaman ng isang babae na laging nasusunod ang mga gusto.

"Malamig dyan Aldrin." Hindi ko na siya pinansin dahil inaantok na ako. Basta nilatag ko nalang ang hihigaan ko at natulog na ako.

"Sungit. Hindi namamansin. Psh. Goodnight na nga."

***

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Masakit sa mata kaya naman umupo na ako para mag-inat-inat. Ang ipinagtataka ko lang ay wala na si Lady sa kama. Tatayo na sana ako nang mapansin kong nasa tabi ko lang pala siya. Akala ko pa naman hindi siya malikot tapos mahuhulog din naman pala sa kama.

Matagal ko siyang pinagmasdan habang tulog pa siya. Akala ko noong una nakakainis lang siya dahil ang childish niya. Pero masaya siyang kasama. Lagi niya akong napapangiti. Hindi ko rin namamalayan na nasasabihan ko na rin siya ng I love you. Kung ilang beses ba niya ako napapangiti sa isang araw ay hindi ko na rin alam.

Ginising ko na rin naman siya bago pa kami makita ni mama. Malalagot pa ako dahil dito kay Lady. Hindi ba niya iniisip na nasa bahay namin siya? Nasa kwarto ko siya at kasama niya ako? Ano nalang iisipin ng nanay ko saakin.

"Oh nakatitig ka nanaman saakin. Iba na talaga kapag gwapo." Kakatapos ko lang maligo at sakto namang ginugulo ko lang ang buhok ko.

"Baliw, hindi!"

"Ma! Si Lady sinabihan akong hindi gwapo."

"Oi! Wala naman akong sinabing ganyan! Napapatitig lang ako kasi ang aga-aga, ang lapad na ng ngiti mo." Ginatungan pa ni mama ang sinabi ni Lady at hindi na nila ako tinigilan hanggang sa makaalis kami sa bahay.

Kasalanan na ba ngayon ang ngumiti dahil sa natutuwa lang ako sa takbo ng relasyon namin ni Lady? Hindi na ako basta napilitan lang dahil sa akala ko gusto ko lang siya sa litrato. Hindi ko mapaliwanag. Shete.

***

"Sigurado ka bang ayaw mong pumasok muna sa klase namin? Maki sit-in ka muna." Dyahe. Bakit kasi ang aga ng klase ko. Hindi ko tuloy siya masasamahan. Mamayang alas diyes pa kasi ang pasok niya.

"Hindi, ayos na ako. Isa pa aaralin ko pa itong isang module. Hindi ko kasi natapos kagabi e. Kaya ikaw huwag kang babagsak sa quiz mo ngayon kung hindi malilintikan ka."

"Ikaw ang malilintikan saakin kung hindi ka papasa sa subject mong iyan. Maliwanag?"

"Yes sir! Pumasok ka na."

"Oo na."

Hindi na yata mawawala ang pagtatanong saakin nila Jolo tuwing makikita akong kasama ko si Lady. Hindi lang kasi talaga sila naniniwala na kami na. Na parang ang bilis ng lahat pero kung umasta kami parang ang tagal na raw namin.

Nasabihan pa akong mabait lang talaga ako sa babae. Leche! Akala mo hindi kaibigan kung magsalita. Buti nalang at dumating na yung prof namin at ibinigay na ang quiz namin ngayong araw. Hindi ko matandaan ang lahat dahil hindi naman ako nakapag-aral masyado. Saktong pasang-awa lang ako.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Aireen saakin nang makita niya ang score ko.

"Bawal bang hindi masyadong mag-aral kahit minsan lang? Concerned kasi ako kay Lady kagabi kaya tinulungan ko siya sa subject niya."

"Eh baliw ka pala e. Magkaibang course naman kayo kung makasabi ka na tinulungan mo siya."

"Kaysa naman manyakin siya nung punyeta niyang prof. Subukan lang niyang ibagsak si Lady."

"Oh no. Don't tell me---" Ako na ang nagtuloy ng sasabihin niya dahil alam ko naman na pareho na kami ngayon ng iniisip.

"Oo siya nga. Kahit kalian ang malas talaga niya. Sa lahat ng pwedeng maging prof yun pa. At sa dinami-dami nila sa klase siya pa ang napiling ibagsak."

"Dapat talaga sa Prof na iyon ay ireklamo na. Kaso ang lakas ng kapit e."

"Sinabi mo pa."

Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na ako kaagad sa klase nila Lady. Mukhang kinakausap na siya ng prof niya. Nakita ko kasi siya habang palabas na ang iba niyang kaklase. Bakit ba nila siya iniiwan mag-isa? Alam naman nilang manyak yung prof na 'yan.

"HINDI NAMAN TAMA YAN SIR! PERFECT NA NGA AKO E! BAKIT NIYO AKO IBABAGSAK?" Pakshet! Tama ba ang narinig ko?

"HEY! DON'T TOUCH ME!" The heck! Hindi ko na hinintay na sumigaw pa ulit si Lady. Bubuksan ko na sana ang pintuan kaya lang nakalock ito. Leche!

"LADY! BUKSAN MO 'TO!"

"ALDRIN? ALDRIN! KYAAAAAAAAAAH!" Sh*t! Sinusubukan kong buksan ang pintuan pero ayaw talaga bumukas! Leche! Kapag talaga may masamang nangyari sa girlfriend ko ay humanda talaga yung lecheng prof na 'yan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: