Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29: Wedding day

Chapter 29

"Wedding day"

"Bakit ka nagkaganyan?" Nag-aalalang tanong ko sakanya.

"Nagkamali kasi ako ng step sa hagdan kaninang tinatakasan ko si Raymond e. Bugbog na tuloy ako dahil sa hagdan." Nag-aalala talaga ako sakanya. Hindi ganoon kalakas ang katawan niya para sa mga ganung eksena. Badtrip.

"Bakit ba kasi sumama ka sakanya?" ibinulsa ko ang dalawa kong kamay at tinitigan lang siya. Hinihintay ang magiging sagot niya.

"Hindi ako sumama." Umiwas siya ng tingin. Senyales na nagsisinungaling siya.

"Lena." Seryoso ako at alam niyang gusto kong malaman kung bakit. Kaya lang imbes na magsalita siya ay bigla nalang siyang humagulgol. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi yakapin nalang siya.

"Doon nga kayo sa sala magyakapan at ako nalang ang magluluto. 'Tong dalawang 'to." Taboy niya saamin. Agad ko rin naman siyang sinunod at dinala si Lena sa may sala. Malaki kasi ang unit niya. Sakto na para sa isang tao.

"Tahan na." Pinunasan ko ang mga luha niya nang mapaupo ko na siya sa sofa para patahanin.

"Aldrin sorry." Umiiyak talaga siya ngayon. "Iiwanan na dapat kita."

"Nababaliw ka na ba?!" Halatang nagulat siya sa pagtataas ko ng boses ko.

"I'm sorry." Napapunas nalang ako ng mukha ko at saka siya niyakap. Hindi ko talaga gustong nakikita siyang umiiyak. "Kaya nga umalis ako sa bahay. Ayaw ko kay Raymond kaya lang ayaw ko rin yung thought na iniiwan mo ang pamilya mo para saakin. Ang mali lang kasi. Sarili ko lang ang iniisip ko kaya nakakalimutan na natin ang mga tao sa paligid natin." Pinunasan niya ang panibagong luha na dumaloy sa pisngi niya. Ilang beses ko ba siya dapat makita na umiyak?

"But that's the point Lena. Noong oras na sumama ka saakin ay para na rin natin silang kinalimutan. Hindi naman lahat pero ganun na rin 'yon."

"Pero Aldrin! Hindi yun pwede!"

"Lena naman. Ang gulo na kasi e. Hindi ko na maintindihan yung mga nangyayari. Paano naman ako makakatulong kung---"

"Tatanggalin nila ang mama mo sa trabaho. Ang kapatid mo baka hindi na rin makapag-aral. Aldrin, pinapalayo na ako ng mga magulang ko saiyo at ayaw ko na rin na madamay pa ang pamilya mo. Kayang-kaya ni Raymond ang lahat ng iyon." Hindi ako nagsalita at hinintay ko lang siya sa kung ano pa ang sasabihin niya. Alam kong may gusto pa siyang sabihin dahil hindi siya makatingin saakin ng diretso.

"Aldrin, ayoko na." Ramdam ko ang bigat ng pagkakasabi niya. "Itigil na natin ang bahay-bahayang ito." Muli siyang huminto at tumingin saaking mga mata. "Aldrin, I'm getting married." Umiiyak nanaman siya samantalang ako ay hindi alam ang sasabihin. "Two weeks from now."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Nabigla. Ano bang pinagsasabi niya ngayon? Nagbibiro ba siya? Tama nagbibiro siya.

"I'm getting married! Narinig mo ba ako? I said, I'm getting married!" F*ck. Narinig ko!

"Ano bang pinagsasabi mo Lena? Talkshitan ba 'to? Putek. Anong kasal ang sinasabi mo? Walang ikakasal Lena! Hindi ka ikakasal sakanya!"

Nasabi ko na yata lahat ng mura na pwedeng sabihin pa. Hindi ko na alam kung ano ang totoo.

"Aldrin, tama na. Magpapakasal ako sakanya. Magpapakasal ako kay Raymond." F*ck. F*ck!!! Gusto kong suntukin ang Raymond na 'yan. Nanggigigil ako ngayon. Sht.

"Para saan pa pala at nagpakita ka ulit saakin? Lena naman! Paasa ka naman e. Ilang taon kitang hinintay kahit na sinasabi nang lahat na patay ka na. Ilang taon yun! Tapos ganito? Lena, ganito nalang ba?"

Pero bakit kahit na naiinis ako sa sitwasyon at gusto kong magalit sakanya ay nagawa ko pa rin siyang lapitan at yakapin. Ayaw kong maniwala sa mga sinasabi niya. Tanga na kung tanga pero takte mahal ko siya. Anong silbi ng mga ginawa naming pag-alis kung hindi rin naman pala namin kayang panindigan ang isa't-isa?

Kahit na umiiyak siya ay pilit niya akong itinataboy papalayo sakanya. Tinutulak niya ako pero ayaw ko siyang pakawalan. Natatakot ako na baka kapag pinakawalan ko siya ngayon ay tuluyan na niya akong iwanan.

"Aldrin, I'm sorry."

"Pag-isipan mo please."

***

Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong huli ko siyang makita. Ngayon, ngayon ang araw ng kasal niya.

Pumunta ako sa bahay nila pero maski si Lady ay pinigilan ako. Ito raw ang kagustuhan ni Lena at wala na kaming magagwa sa naging desisyon niya. Siguro hindi ko lang talaga matanggap na nakipaghiwalay na siya saakin. At siguro ay masyado na ring umikot ang buhay ko sakanya kaya ganito ako ngayon. Nakapagdesisyon na siya at takte hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Sa tuwing mag-isa ako ay lagi kong naririnig ang boses niyang humihingi ng tawad. At tuwing naririnig ko ito ay napapamura nalang ako dahil kahit anong pilit kong intindihin ang sitwasyon ay hindi ko talaga maintindihan. Wala siyang karapatan na pangunahan kung ano ang magiging kapalaran ng pamilya namin.

Oo, naiintindihan ko naman na ayaw niyang maging hadlang kina mama. Ayaw ko rin naman masira ang pamilya namin. Ang buhay na mayroon kami. Ang buhay na magkakaroon ang kapatid ko.

"Aldrin mag-aral ka nga. You're spacing out again." Ibinato saakin ni Aireen ang notes niya. "Mag-aral ka." Pahabol pa nito. Palibhasa ay hindi nila alam ang tungkol saamin ni Lena. Na ikakasal na siya ngayon at wala man lang akong ginagawa para pigilan ito.

Binuksan ko ang wallet ko imbes na ang notes ni Aireen. Tinignan kong mabuti ang litrato naming dalawa ni Lena. Parang dati picture lang niya ang nandito pero ngayon dalawa na kami. At kung hindi ko pipigilan ang kasal nila ngayon ay baka ito na rin ang huling litratong magkasama kami.

Ang balita ko pa ay ipinakilala na si Lena sa lahat bilang anak nila. Hindi na siya itinatago. Kahit papaano ay natuwa naman ako pero nakakalungkot lang din na dahil iyon sa ibang tao.

"Kung titigan mo 'yang picture parang hindi mo na ulit makikita si Lena ah. Hoy Aldrin, hindi ka babalik sa dati. Yung tipong hindi mo pa siya kilala. Ganun. Nasayo na nga siya ah. Namimiss mo ba?" Shete! Tama siya. Tama si Aireen. Hindi pwedeng bumalik sa dati. Hindi pwedeng hindi ko siya ulit makasama.

Nakapagpasya na ako. Hindi pwedeng umupo lang ako dito ngayon.

Hindi siya pwedeng makasal.

"Anong nangyari sa'yo?" Bigla nalang kasi akong tumayo ngayon at pumunta sa harapan ni Jolo. Hindi ako kalmado. Takte! Tingin ko ay nanginginig na ako ngayon.

"Jolo."

"Oh?"

"Yung motor mo. Pahiram."

"Relax teka lang. Natatae ka ba?"

"Takte! Pahiram sabi!"

"Mamaya nalang kapag natapos ang klase. Isang subject lang naman tayo e."

"Leche! Dapat ngayon na!" Hindi ko napapansin na napagtataasan ko na pala siya ng boses at alam kong naiinis na rin siya saakin ngayon. Leche talaga. Hindi na ako makapaghintay. Basta patakbo nalang akong umalis sa klase na dahilan kung bakit naman ako pinigilan ni Jolo.

"Ano bang meron? Bakit ka ba nagmamadali?"

"Takte! Kasal ni Lena ngayon!"

"Anak ng Pu!!! Bakit ngayon mo lang sinabi!" Tumakbo siya palabas ng building at ganun din naman ako. "Ako ang magda-drive. I-suot mo 'yang helmet." Wala na akong pakialam kung kulay pink pa 'tong isang helmet niya. Alam kong si Aireen ang gumagamit nito.

Mabuti nalang at nandito si Jolo dahil hindi talaga ako kalmado ngayon. Nanginginig ako at kinakabahan.

Lena, hintayin mo ako. Please.

***

Mabilis na magpatakbo si Jolo ng Motor. Huminto lang ito nang dahil sa sasakyan na biglang tumabi saamin.

"Mag-ingat ka naman!" Pero nagulat nalang kami pagbaba ng salamin nang may-ari ng sasakyan. Si Lady.

"I'm sorry." Paumanhin niya. Hindi siya nakasuot ng pormal na damit. "Aldrin, I'm supposed to stop the wedding pero buti nalang nandito ka. Help Lena!" Hindi naman na ako nagtaka dahil alam niyang kami ito kahit na naka-helmet pa kami. Plate number. "Help Lena. Run away with her. Umalis kayong dalawa dito. Make Lena happy. Please."

"Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko."

Pagkasabi ko niyon ay agad na ulit na pinaandar ni Jolo ang motor nya. Isasama ko na si Lena saakin. Ilalayo ko na siya sa pamilya niya. Ilalayo ko siya kay Raymond.

Hindi pa nag-uumpisa ang kasal nang makarating kami ni Jolo sa simbahan. Nakalinya na ang mga ito at nasa loob pa rin ng sasakyan si Lena.

Hindi niya ako napansing pumasok sa sasakyan. Walang driver kaya naman kaming dalawa lang ngayong ang nasa loob.

"Aldrin?" Nagulat siya at marahil ay nagtataka kung bakit ako nandito. Ang masaklap pa ay dala-dala ko pa ang school bag ko. "A-anong ginaga---"

"Sumama ka saakin. Lena ilalayo kita." Agad niyang pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi niya. "Ilalayo na kita sakanila."

"Paano ang kapatid ko? Sina mama? Mama mo? Kapatid mo? Aldrin ang mga kaibigan mo?"

"Hindi ko naman sinabing kakalimutan natin sila. Aalis lang tayo. Ilalayo kita pero hindi ko hinihiling na kalimutan natin sila."

Alam kong pinipigilan niyang humagulgol. Malapit lang kami sa ibang naghahanda na sa kasal kaya naman kailangan kong maging maingat. Itatakas ko siya.

"Nakakainis ka! Akala ko hindi ka na darating. Ayaw kong magpakasal. Aldrin, isama mo na ako." Ito lang naman ang hinihintay kong sagot kanina pa at ngayon ay dahilan ng pagngiti ko.

Agad akong lumabas ng sasakyan at inalalayan ko rin siya palabas. Buti nalang at simple lang ang suot niyang wedding dress kaya madali lang siyang makalad-lakad.

"Bakit hindi nalang ito ang gamitin natin?" Turo niya sa sasakyan.

"Hindi pwede. Mabagal 'yan."

"Baka naman gusto niyang gamitin ito." Si Lady. Nandito na siya at inaabot na niya saakin ang susi ng sasakyan na ginamit nila kanina. "Go. Make my sister happy. Umalis na kayo hangga't wala pang nakakapansin."

"Lady." Agad siyang niyakap ni Lena nang mahigpit. "Babayaran ko lahat ng ginawa mo, pangako."

"Sira ka talaga. Saka mo iyan isipin kung natakasan mo na iyang papalapit mong fiancé." Sh*t!

"BAKIT NANDITO 'YAN?"

"Tara na." Hinawakan ko ang kamay ni Lena at agad siyang isinakay sa sasakyan ni Lady. Nilingon ko na muna si Jolo na ngayon ay nginitian lang ako at para bang sinasabi na ako na ang bahala dito.

"Paano si Lady---" Hindi ko na siya sinagot pa. Alam kong maiintindihan ni Lady ang ginagawa naming ito. "Makikita ko pa ba ulit siya? Ang kapatid ko?" Alam kong makikita ulit namin sina Lady, ang mga kaibigan ko at ang mga magulang namin. Hindi sila pwedeng kalimutan. "Mangako ka saakin Aldrin." Nginitian ko lang siya dahil iyon lang ang tanging maisasagot ko sakanya. Alam kong mali ang pagtakas naming ito. Pero kahit papaano ay alam kong tama rin naman ito. "Ipangako mo pa ulit saakin na hindi mo ako iiwanan."

"Pangako basta huwag mo rin akong iiwanan." At alam ko sa pagsagot kong iyon ay napangiti ko na rin siya ulit.

"Bilisan mo na magmaneho at baka maabutan pa tayo ni Raymond! Ang funny pa ng hitsura natin ngayon. May backpack ka pa at ako naman naka-wedding dress. Ibang klaseng tanan itong gagawin natin. Masyadong hindi handa." Kahit nasa sitwasyon kaming ganito, alam kong bumalik na ang Lena na kilala ko. Yung walang pag-aalinlangan sa ginagawa. Yung Lena na paninindigan ang pinasok niya. Ang Lena na minahal ko.

"Mamaya, iwanan na natin itong sasakyan kapag nakalayo na tayo para hindi na nila tayo makita." Suhestiyon pa niya.

"Kung ganun akin na iyong cellphone mo." Kahit na nagtataka siya ay inabot pa rin niya saakin ang cellphone niya. Agad ko itong itinapon sa labas pati na rin ang cellphone ko. "Sigurado na akong hindi na nila tayo mati-trace." Nakangiti kong sabi pero hindi na ako humarap sakanya dahil busy pa ako sa pagmamaneho.

Ang alam ko lang ay iniwan na namin sila. Ang alam ko lang ay malaya na siya sakanila at hindi na kami ulit maghihiwalay pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: