Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2: HUH????

CHAPTER 2

"HUH?"

Ilang araw na ako sa University pero hindi ko pa rin siya nakikita. Bakit naman sila ay nakita na siya? Bakit ako hindi? Ang daya! Anak ka nga naman ng nanay mo! Baka naman niloloko lang nila ako. Malakas pa naman ang trip ng dalawang iyon. Pero posible ring hindi sila nagloloko. Sadya nga lang yatang hindi mag-krus ang landas namin.

Naalala ko tuloy 'yung babaeng napadaan sa klase noong araw ding iyon. Baka naman siya rin 'yon? Ah hindi, Aldrin baka hallucination mo lang iyon. Nag-iisip ka lang talaga ng sobra ngayon.

"Mr. Santiago! Nakikinig ka ba?" Patay tayo d'yan. Hindi ako nakikinig kanina pa. Napatayo nalang ako kasi isa siya sa mga prof. na kilala sa pagiging istrikto.

"Anong method ang ginamit sa problem na 'to?" Napatingin ako sa powerpoint sa harapan. Expense method? Malay ko hindi nga ako nakikinig!

"Sorry ma'am pero hindi ko po alam. "

"Sit down!" Napahiya na ako sa klase. Buong oras din niya akong pinag-initan. Okay lang naman kaya lang wala talaga ako sa focus ngayon. Kilalang-kilala na tuloy ako ng mga kaklase ko. Kilala na kasi si ma'am bilang terror na prof sa course namin. Sikat siya mula first year to fifth year. Marami siyang ibinabagsak sa klase. Ika nga niya: Nagtuturo naman ako nang mabuti. Kayong mga estudyante lang naman ang tamad mag-aral. Kaya kung bumagsak man kayo, huwag niyo saakin isisi kung hindi sa sarili niyo. Kayo ang gumagawa ng grades niyo at hindi ako.

"Hoy Aireen, saan ba magandang tumambay?" Random kong tanong sakanya.

"Aba malay ko." Nagsusungit nanaman siya. May dalaw siguro.

"Hanapin natin si Ms. Picture." Suhestyon naman ni Jolo.

"Mahirap maghanap sa taong hindi mo naman alam ang pangalan." Kontra naman nitong may dalaw.

"Malay mo pumunta siya ulit dito." Ipinatong ni Jolo ang kanang paa niya sa armchair. Ayos lang dahil vacant namin, wala na namang prof.

"Teka tatanungin ko 'yung boyfriend niya." Presinta ni Aireen na ngayon ay nakatayo na. Hindi pa nga pala nila sinabi saakin kung sino ang boyfriend niya. Baka naman mamaya malayo ako ng ilang paligo sakanya? Kung ganoon, dapat lang na mapasa-akin siya.

"Sa hitsura mong 'yan, pre, parang may binabalak ka lang ah. Matindi. Tingnan mong mabuti 'yung lalaking nilapitan ni Aireen. Hindi naman pangit pero hindi naman din gwapo kaya lang mayaman. Walang-wala ka na. Puwede nga niya bilhin 'yang kaluluwa mo." Pinagmasdan kong mabuti 'yung lalaking nilapitan ni Aireen. Sus! Hindi naman nakukuha 'yon sa yaman.

"Aish! Nakuha pang makipagtawanan!" Naiinis na pahayag ni Jolo. Tiningnan ko siya bago muling bumaling kay Aireen. Nakakunot na naman ang noo niya. Ilang taon na rin yata 'tong may gusto sa kaibigan namin. Kahit kailan talaga ay hindi na siya nadala.

"Gustong-gusto mo talaga siya e no?"

"Oo. Hindi pa ba halata?"

"Tatanungin ko ba kung hindi? G*go talaga 'to."

"Pero wala e. Basted ako e." Kawawa naman ang kaibigan kong 'to. Sa dinami-dami ng babae, sa kaibigan pa namin nagkagusto. Mas malakas pa nga 'yang Aireen na 'yan kaysa saamin ni Jolo.

"Okay lang 'yan kahit mabasted ka pa ng ilang beses d'yan. Magugustuhan ka rin niyan."

"HOY! Anong pinag-uusapan niyo?" Muling umupo si Aireen sa harap namin ni Jolo. May narinig kaya siya sa pinag-usapan namin ni Jolo? Marahil wala dahil nagtatanong siya kung ano ang pinag-uusapan namin. Bopols ka Aldrin.

"Oh, ano nang nalaman mo?" Tanong ko sakanya.

"Lady Lyn Labanza. Cool name huh? Seventeen na siya. Isa siyang IT student. Single since birth pero hindi interesado sa mga lalaki kaya wala ka ring pag-asa! MUAHAHAHA!" Kahit nakakabwisit ngayon 'yung tawa ni Aireen ay ayos lang kasi kahit hindi siya interesado sa mga lalaki ay nalaman ko naman na hindi pa siya nagkaboyfriend. Ayos na yun.

"Kung hindi niya boyfriend 'yung mokong na 'yun, edi sino pala siya?" Ang init bigla ng tingin ni Jolo doon sa kaklase namin. Patay tayo dyan.

"Wala. Classmate daw niya si Lady Lyn noon." Kahit kailan ang dami talaga niyang nalalaman kahit na sobrang limited lang ng oras na nakausap niya ang isang tao. Puwede na siyang spy sa future.

Pero wala na akong pakialam sa ibang sinasabi nila basta nalaman ko na single siya, ayos na. Mapapangiti na ako ng buong araw dahil sa nalaman kong iyon.

"Hoy Aldrin! Para kang nababaliw d'yan. Nakangiti kang mag-isa." Wala na akong pakialam sa mga sinasabi nila. Baliw na kung baliw.

"Nga pala, Aldrin, mamayang uwian pumunta ka sa may matandang puno nitong school. Malapit lang 'yun sa garden." Napatingin ako kay Aireen. Nasisiraan na siguro siya.

"Ano namang gagawin ko doon?"

"Ano pa! Edi makikipagkita ka kay Lady Lyn!" Teka lang. Ano raw? Hindi naman yata ako handa. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Leche! Daig ko pa yata ang babae kung mataranta! Paano kung mapagkamalan niya akong stalker? Badtrip talaga 'tong Aireen na 'to.

***

Lumipas ang ilang oras at tapos na ang klase ko. Tapos na rin kaya 'yung klase niya? Pakshet. Bakit ba ako kinakabahan? Huwag na kaya ako pumunta pero ito na kasi ang pagkakataon para makikilala ko na siya. Parang it's now or never!

Sa kakadebate ko sa sarili ko ay napagtanto ko na nasa may pinakamatandang puno na nga ako. Ang lugar kung saan ko siya makikita. Iginala ko ang mga mata ko para hanapin siya maski yung mga nakaupo sa paligid ay tinignan ko na rin pero wala pa naman siya. Nakakabading.

Naglalakad-lakad ako dahil nagbakasakaling makita ko siya. Pero baka mamaya naman ay hindi siya pumunta. Sino nga naman ba ako para katagpuin niya.

Pero hindi nagtagal nang dahil sa paglalakad ko ay mukhang nakita ko na siya. Siya nga ang babae sa litrato. Ilang beses pa akong napalunok ng sarili kong laway dahil sa kabang nararamdaman ko. At habang palapit ako nang palapit ay talaga namang lalong bumibilis ang kabog ang dibdib ko. Leche nakakabading talaga ang ginagawa ko.

"Hi. Ikaw ba si---" Napatigil ako sa pagtatanong hindi dahil sa mali ako kung hindi dahil mas maganda pala siya sa personal.

"Hi." Sh*t ang ganda niyang ngumiti. "Ikaw ba 'yung nakapulot nung litrato?" Nakangiti lang siya saakin ngayon. Ano ba Aldrin? Galaw-galaw din! Napapatameme ka e!

"Dala mo ba?" Nakangiti pa rin siya ngayon saakin. Mahaba ang buhok niya at kasalukuyan itong ginugulo ng hangin. Maputi rin siya at mas matangkad lang ng kaunti si Aireen sakanya. Mapupula rin ang labi niya at ang ganda ng mga mata niya. Simple lang din ang suot niya ngayon. T-shirt at pantalon lang.

"Yung picture. Mali ba ako? Hindi ba ikaw?" Umatras siya at parang nag-aalala. "Mali nga siguro ako." Bago pa niya tuluyang maisip siya na mali siya ay natauhan na ako.

"Heto." Dali-dali kong nilabas 'yung wallet ko at kinuha ang picture para ibigay sakanya." Nakakahiya. Nagmumukha akong stalker dahil nasaakin ang picture niya.

"OMG!" Nagulat ako dahil sa pagtili niya. Ang tinis kasi. "Ito nga 'yon! Thank you! Thank you talaga!" Nagulat pa ako sa sumunod niyang ginawa dahil bigla nalang siyang nangyakap. Ganoon ba kaimportante sakanya ang picture na iyon? "Akala ko nawala ko na talaga itong picture. Grabe, sobrang salamat talaga."

"Bakit mo ba 'yan hinahanap?"

"Secret." Nakangiti at halatang pang-asar ang kanyang sagot. "Neh, anong pangalan mo?"

"Aldrin."

"Aldrin?"

"Santiago." Nakangiting sagot ko sakanya pero bakit ganoon? Siguro sa picture lang talaga 'yung attraction ko sakanya. Kanina parang attracted naman ako o baka naman dahil sa ngayon ko lang siya nakita kaya kinabahan ako kanina?

"Salamat, Aldrin, hah."

"Walang anuman." Ang weird. Mas gusto ko talaga siya sa picture. Siguro disappointed lang talaga ako. Pero walang halong biro na mas maganda siya nang malayo sa litrato. Pero bakit naman kaya ang weird ko? Nakakainis.

"Bakit natahimik ka?"

"Ah?"

"Kako bakit ang tahimik mo?"

"Kasi---"

"Neh Aldrin."

"Bakit?" Ilang beses ko siyang napansin na parang nag-aalinlangan sa kung ano man ang sasabihin niya saakin. Napapakamot nalang tuloy ako ng ulo. Gusto ko nang umuwi.

"Pwede ba kitang maging---" Napakagat labi pa siya at umiwas ng tingin.

"Maging?"

"Bo---Boy" Huminga siya ng malalim at ako naman ay parang kinakabahan sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Boyfriend?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tinanong niya saakin. Akala ko ba hindi pa siya nagkakaboyfriend? At akala ko hindi siya interesado sa mga lalaki? Sa ganitong klase ng tao ba ako nagkagusto? Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Tinanong niya ba talaga ako na maging boyfriend niya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: