CHAPTER 19: Hindi ko man lang nagawa
CHAPTER 19
"Hindi ko man lang nagawa"
Matagal na tinitigan nina Lena at Aireen ang apat na sunny sideup na sunog, anim na perpektong tinapay at kanin na hindi pa namin natanya kung luto na ba o hindi pa. Wala na rin kasing kanin kanina.
"Hindi ba kayo kakain?"
"Ang tanong, naglagay ba kayo ng mantika kanina?" Tumingin ako kay Jolo dahil siya naman talaga ang nagprito niyan. Habang nagpi-prito si Jolo kanina ay kinain ko na yung natirang pagkain kanina, Bahala silang kainin yang sunog na pagkain.
"Wala naman kasi kayong mantika." Sagot naman nitong isa.
Buti pa si Lena walang reklamo. Basta kumain nalang nung tinapay. Si Aireen lang talaga ang maraming reklamo at halatang gustong pahirapan si Jolo. Medyo nadadamay lang naman yata ako.
"Aldrin huwag na tayong umalis. Manood nalang tayo ng movie rito kasama sina Aireen."
"Bakit ba hindi kayo mapaghiwalay ni Aireen?"
"Ngayon lang naman ako nagkaroon ng friend na babae. Yung kilala talaga ako bilang Lena kaya pleaaase?"
Tumingin ako kay Aireen at nginitian lang niya ako.
"Naku Aldrin huwag kang maniwala. Maldita 'tong si Aireen. Kakawawain lang niya si Lena."
"Alam ko kaya nga nag-alala ako bigla e." Biro ko nalang din. Kahit kailan kasi mapang-asar si Jolo at ang laging kawawa ay si Aireen. Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw ay sila na ang magkatuluyan. Nagliligawan naman na sila. Halata naman sa mga kilos nila.
Katulad ng request ni Lena ay nanood lang kami ng kung anu-anong movie. Natulugan ko na nga yung pangalawang movie na pinapanood namin.
"Gumising ka na. Tapos na yung movie." Pagmulat ko ng mga mata ko ay tinitigan ko lang siya. Pasalamat siya at siya ang una kong nakita kaya hindi ako badtrip nang magising.
"Why are you staring at me?"
"Oo nga bakit nga ba?" Sabay pa na tanong nina Aireen at Jolo pero halatang nang-aasar lang naman sila.
"Kasi"
"Kasi?"
"Kasi ang ganda mo." Nakangiti kong sagot na dahilan naman ng pamumula niya.
"Nice one Aldrin! Subukan ko rin kay kay Aireen sa susunod."
"Dre, perfect timing ang kailangan dyan." Pagtuturo ko naman kuno sakanya.
"Magtigil nga kayong dalawa! Nga pala Lena, naguguluhan kasi ako. Yung explanation niyo kasi nitong mokong na ito kagabi ay medyo magulo."
Ang sinabi ko lang kasi kagabi ay magkaiba ang Lady na nakikita niya ngayon sa University at iba ang kasama ko ngayon. Ang hirap kasi i-explain maigi. Ang alam ko lang naman noon ay mas gusto ko si Lady kaysa kay Lena noong mga bata pa kami.
"Ano bang gusto mong malaman?"
"Eh kasi yung kambal thingy. You know, Bakit 'di ka pwede lumabas? Bakit si Lady? Bakit hindi mo sinabi kaagad na ikaw si Lena? Bakit ganun? Ano bang meron sa pamilya niyo? Pati yang pagkawala ng ala-ala ni mokong di ko pa rin gets eh"
"One at a time naman 'yang tanong." Kontra ni Jolo.
Ang dami nga naman kasing tanong. Hindi na nga ako nagsasalita. Hinihintay ko lang si Lena na sumagot. Gusto ko rin kasi malaman yung iba. Hindi ko pa rin kasi masyadong natatandaan ang lahat.
"Ako ang gusto kong malaman ay kung sinadya niyo bang ihulog ang picture? At kaninong picture yun?" Tanong naman ni Jolo
"Sa totoo lang hindi ko rin alam kung saan nag-ugat yung paniniwala nilang bawal ang kambal sa pamilya. Ang mommy ko ay may kambal din. Ganito rin naman ang nangyari sakanila noon. Parang lalabas nga lang kami tuwing nagkakasakit. Bawal ang identical twins saamin. Bawal ang parehong gender saamin pero kapag ang kambal ay lalaki at babae, sobra-sorbra nila silang alagaan. Weird, right? Ikukulong nang hindi man lang iniisip ang nararamdaman ng isa. Nakakabaliw."
Natahimik muna kami sandali. Parang yun lang talaga ang nalalaman ni Lena. Isang tradisyon na ayaw pa ihinto.
"E ang pagkawala ng alaala ni mokong?" Mokong pala ah. Upakan ko 'tong pangit na Jolo na 'to e. Hindi ko rin matandaan kung paanong napunta si Lena doon noon.
"Si Lady siya dapat ang makikidnap noon. Siya dapat kaso itong mokong sa tabi ko." Sabay tingin pa siya saakin ng masama. "Patay na patay sa kambal kong si Lady. Sinabi niyang siya ang anak at hindi si Lady. Alam ko yun kasi I was there pero hindi ako malapit sakanila. Secretly, sumakay rin ako sa sasakyan nila kaya ako nakarating doon sa lugar na iyon. Actually foggy na nga yung incident sa utak ko."
"And?" Tanong ni Aireen nang biglang huminto si Lena dahil uminom siya ng tubig.
"Bawal uminom? Pwedeng sandali lang?"
Nagpalit muna ako ng pwesto dahil nangangawit ako sa pwesto ko ngayon.
"Hindi ko alam ang iniisip ni Aldrin that time. Nagawa niyang magpakabayani sa murang edad. How amusing." Sarkastikong kwento niya. "Nagtatago ako noon kaya rinig ko silang lahat. Nang malaman nilang hindi si Aldrin ang anak ay gusto nalang nila siyang patayin. Wala na kasi siyang kwenta para sakanila. Yung tahi sa bandang tiyan mo, dahil yan sa bala." Nakatingin lang siya saakin. "Pumunta ang dad mo doon para makipagnegotiate kaya lang maski siya binaril."
Namumuo na ang mga luha niya sa mata. "... At ang papa naman niya ay namatay. Wala akong magawa. Sobrang natakot akong lumabas noon. Akala ko wala na rin si Aldrin. I saw everything and yet I cound't help them well, in fact dapat kami ang nandoon. Isa saamin ni Lady ang dapat na nandoon."
"Ang natatandaan ko nalang, nang kakausapin ko na si Aldrin ay hindi na niya ako kilala. Hindi na rin kami pinalapit ng mga magulang namin."
"So dahil sa trauma kaya siya nakalimot?"
"Yun ang sabi."
"Pero Lena paano ka unang kinausap ni Aldrin noon? Yung paano kayo unang nagkakilala?" Paano ko nga ba siya kinausap? Saka ayos na rin na maiba ang topic. Nakaraan na yun e.
"Mag-isa ako noon tapos naglalaro lang sila nina Mark at Lady. Nilapitan ako bigla ni Aldrin para sumali sakanila. Ang sabi pa niya maganda raw ang buhok ko. Mas maganda raw kesa kay Lady. Kaya ko nga siya nagustuhan e." Kahit kailan talaga ang bilis magbago ng mood niya. Kanina lang parang ang lungkot-lungkot niya at parang guilty pero ngayon ang saya nanaman niya magkwento.
"E Lena yung picture? Sinadya ba yun na ihulog o nahulog niyo talaga? At sino yun?" SI Jolo naman ngayon ang nagtatanong. Hindi ko nga pala nasabi sakanya 'yan kagabi.
"That's Lady"
"Huh? Edi hindi saiyo nainlove itong mokong na 'to?"
"Konti nalang Jolo sasapakin na kita."
"Aba malay ko d'yan. Pero at least ako na mahal niya ngayon. Sa totoo lang ako ang nakahulog niyang picture. Gumagawa kasi ako ng scrapbook noon sa may playground. Tapos nang makita ko si Aldrin ay tumakbo na ako kaagad. Kaya ayun nahulog ko siguro yung picture ni Lady."
"Bakit mo naman tinakbuhan? Hindi ka naman niya naaalala."
"Hindi ko rin alam kung bakit ako tumakbo."
"Ano ba yan ang boring naman bigla ng topic. May tanong nalang ako. Last na talaga." Napatingin kami kay Aireen na ngayon ay ngiting-ngiti na. "Nagtanan ba kayo?"
Nagtinginan kami ni Lena. Nagtanan nga ba kami? Hindi lang naman kami umuwi. Pero napaisip talaga ako kagabi nang tanungin ako ni Lena. Parang gusto ko siyang ilayo nalang sakanila.
"Tanan?" Mahinang tanong niya. "We can't. Hindi kami pwedeng magtanan ni Aldrin." Hindi ko alam pero parang disappointed ako. Nag-eexpect ba ako? Gustong-gusto ko nalang kasi siyang ilayo.
"Bakit? Ayaw mo?" Tanong ni Aireen na gusto ko rin itanong. Napapatahimik nalang talaga ako.
"Wala naman hindi lang talaga pwede. Mahahanap at mahahanap lang din naman ako ng mga magulang ko. Ayaw ko namang sisihin nila si Aldrin at ayaw ko rin namang ilayo nila ako kapag nagkataon." Pero kapag umuwi siya ay nakatitiyak akong ilalayo rin siya saakin.
"Kung ikaw magdedesisyon Aldrin? Gusto mo?" Nabaling lahat ang tingin nila saakin nang tanungin ako ni Jolo. Hindi naman simpleng bagay lang ang pagtatanan. Isa pa kailangan ko siyang buhayin pero gusto ko talaga.
"Bakit hindi?"
Bakas sa hitsura ni Lena ang pagkagulat. Mukhang hindi pa siya naniniwala sa sinabi ko. "Seryoso ako." Pahabol ko pa na dahilan naman ng pagtawa niya ngayon.
"Ikaw talaga! Ang hilig mo magbiro."
"Seryoso ako." Napakagat pa siya ng labi dahil sa sinabi ko. Parang ayaw niyang maniwala na seryoso ako. "Just tell me and I'll do it. I'll take you away from them and I'll take care of you. I promise."
"Aldrin sabihin mong nagjojoke ka lang."
"I'm not." Bigla nalang nanlisik ang mga mata niya. Mukhang ayaw talaga niya. Okay. "Joke lang." Bawi ko nalang at ngumiti na rin siya.
"Nyeta Aldrin! Akala ko talaga totoo! Ang seryoso kasi ng mukha mo." Napailing nalang ako. Seryoso rin si Lena. Ayaw niya.
"Nakakakaba kayo ni Lena parang may namuong tensyon bigla. Kulang nalang ang sparks-sparks sa pagitan ng mga mata niyo. Nakakatakot kayo." Huminga ako nang malalim at tumayo. Disappointed yata talaga ako. Siya naman ang nagsabi na gusto niyang magtanan kagabi.
"Saan ka pupunta?"
"Sa labas. Magpapahangin."
Nilabas ko rin ang cellphone ko para tignan kung may mga text si mama at hindi naman ako nagkamali. May ilang missed calls pa at dalawang text na sinasabing tawagan mo ako kapag nabasa mo ito.
Tinawagan ko siya katulad ng gusto niya. Sa ikalawang ring palang ay sinagot na niya ito.
"Saan ka natulog kagabi? Nasaan ka ngayon? Kasama mo ba si Lena?"
"Ma."
"Oo o hindi? Kasama mo ba si Lena?" Galit na si mama. Pakshet. Anong sasabihin ko?
"Ma kas---"
"Kasama mo o hindi?" Nagtataas na siya ng boses kaya naman napa-oo nalang ako bigla. "Aldrin naman! Ihatid mo na siya sakanila! Hinahanap na siya ng parents niya!"
"Ma, ayoko."
"Aldrin, anak. Huwag matigas ang ulo. Gulo iyang pinapasok mo."
Sasagot palang ako nang agawin saakin ni Lena ang cellphone ko. "Ako na ang kakausap." Seryoso lang siya kaya naman pumayag nalang ako.
"Tita, I'm sorry po and don't worry po. Uuwi na po ako." Tahimik lang siyang nakinig sa kung ano man ang sinabi ni mama sa kabilang linya. "Opo. Pansensya na po."
Nang tapos na silang mag-usap ay binalik na niya saakin ang cellphone ko at sinabing uuwi na siya nang may ngiti pa sa mga labi niya.
"Sigurado ka ba?"
"Oo naman." Still, nakangiti siya.
"Ihahatid na kita."
"Huwag na."
"Bakit?" Napansin ko na mula kaninang tinanong kami tungkol sa tanan ay kulang nalang itaboy na niya ako.
"Baka kasi makita ka ng parents ko. Tingin ko kasi ay galit pa sila sayo at saakin."
Gusto kong sabihin sakanya na natatakot din naman ako. Natatakot ako na baka bigla siyang mawala at ilayo saakin. Gusto kong sabihin pero hindi ko man lang nagawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro