Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18: Problema

CHAPTER 18

"Problema"

Nagising ako dahil sa may naramdaman akong kumakalabit saakin. Hindi ko pa rin mabuksan ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog. Tinatamad pa akong bumangon.

"Gising na."

"5 minutes." Tawad ko sa kapatid ko.

"Bumangon ka na." Gumulong pa ako sa malayo para hindi ako makalabit kaya lang napansin kong parang iba na yata ang boses ng kapatid ko? May sakit ba siya?

"Gumising ka sabi e!"

"Ingay!" Reklamo ko saka nagtaklob ng kumot.

"Ah maingay pala." Teka. Yung boses. Leche! Parang kilala ko yung boses.

"HOY ALDRIN! KAPAG HINDI KA PA BUMANGON DYAN AY MALILINTIKAN KA NA SAAKIN!" Agad akong napabalikwas at napatingin sa babaeng sumigaw. Shemay! Hindi lang yata eardrum ko ang mababasag ngayon. She's cracking her damn fingers! Anak ng!

"Oh? Hindi ka pa babangon?" Inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng lugar. Shet! Hindi ko kwarto ito. "Ano? Earth to Aldrin?"

"Hindi ko ito kwarto."

"Hindi talaga." Nakahalukipkip siya ngayon sa harapan ko. Parang galit yata si commander. "Nakakainis ka! Ang sabi mo saakin pupuntahan mo ako sa bahay nila Aireen! Kinain na ako ng TV sa bahay nila tapos ikaw patulog-tulog ka lang dito sa bahay ni Jolo?"

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ni Jolo. Shete talaga! Alas diyes na pala!

"Sorry na. Napuyat kasi ako."

"Bakit ako? Napuyat din naman ako?" Nakakunot ang noo niyang reklamo saakin. Ang cute niya talaga. "Huwag kang ngingiti-ngiti dyan ah!"

"Nakangiti ako?"

"Hindi mo tinupad ang promise mo."

"Promise?"

"Kita mo na! Pati yun ay nakalimutan mo! Ang sabi mo saakin pupuntahan mo ako ng maaga kina Aireen!" anak ng! Sinabi ko nga yun! Agad akong tumayo dahil nauna na siyang lumabas sa kwarto. Padabog pa nga niyang isinara ang pintuan.

"Lena." Hindi niya talaga ako pinapansin. Kasalanan ni Jolo 'to e. Ayaw kasing magpatulog. Alas sais na yata kami natulog kanina. Tuluyan na siyang lumabas ng bahay nila Jolo kaya hindi ko na sinundan. Nangalkal na muna ako ng damit dito. May mga naiwan akong damit ko dito kaya naligo na muna ako.

Pagkaligo ko ay agad din naman akong nagtungo sa kabilang bahay. Aish. Pagpasok ko palang ay halatang hindi ako welcome. Nanonood lang ng TV si Lena. Palipat-lipat lang siya ng channel.

"Mauubos na battery niyang remote." Huminga ako nang malalim dahil hindi man lang niya ako pinansin. Hindi siya umiimik.

"Lena." Kinakalabit ko siya pero wala pa rin.

"Lena naman."

"Sssshh." Aba! Feeling ko tuloy nagkabalakubak ako bigla.

"Lena Lena Lena Lena Le---"

"Ang ingay mo ah!" Ibinato niya saakin ang throw pillow at saka inis na inis na tumingin saakin.

"I give up." Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko at halata namang nagtaka siya sa ginawa ko. "What do you want me to do for you to forgive me?" Unti-unting nagbago ang kurba ng labi niya. Kulang nalang ay mapunit na ang mga pisngi niya dahil sa ngiti niya. Ang matindi pa nito ay parang nangloloko lang siya.

"You'll do anything?" Mas lalo pa talaga lumalawak ang ngiti niya ngayon. Kakabahan na ba ako? Pero kahit na unsure pa ako ay tumango nalang ako at sinabing "Anything."

"Great!" Bigla nalang siyang umupo sa sahig at isiniksik ang sarili niya saakin. "I-braid mo ang buhok ko."

"H-hah?"

"I-braid mo yung buhok ko sabi."

"Anong braid?"

"Aish! Ang daming tanong! Tirintasin mo yung buhok ko."

"Hah? Hindi ako marunong."

"Edi aralin mo! At pagkatapos niyan ay magdate tayong dalawa. Maliwanag?" Ang bisyo talaga nito! Ang haba ng buhok niya. Hindi ko nga alam magtirintas ng buhok. Anong gagawin ko sa buhok niya?

Tatlong oras ko na yata pinag-aaralan itong braid na sinasabi niya. Nanood pa ako sa youtube kung paano. Pwede na siguro ako magtayo ng parlor chenes. -.-

Pasalamat ka Lena dahil maganda ka. Pasalamat ka gustong-gusto ko ang buhok mo. Kung ibang tao ka baka kanina ko pa sinabunutan 'to. Sabunot talaga. Tae.

"Lena."

"Yes?" Nagbabasa lang siya ng ebook ngayon. Anong napapala niya dyan? Masisira lang mata niya.

"MagDota tayo." Bigla nalang niyang inilapag ang cellphone niya at saka tinignan ako. "Dota." Ulit ko pa.

"Barbie nalang spicy."

"Barbie? Sige barbie na lang. Ikaw ang barbie ko. Ikaw ang lalaruian ko. Pero ayaw kitang laruin kaya itatago na lang kita sa kabinet ng puso ko para maingatan kita at hindi masira ang nag-iisang barbie ko hahaha"

"Baliw!" Namula bigla ang mukha niya. "Corny-corny mo." Reklamo pa niya.

"Neh, Aldrin." Isinabit niya ang mga braso niya sa hita at tumingala para makita ako. Ang amo talaga ng mukha niya. Mas maganda pa siyang panoorin kaysa sa palabas sa TV ngayon.

"Oh?"

"Ang laki ng eyebags mo."

"Kung hindi mo ako ginising nang maaga baka hindi ito malaki." Inaantok pa nga ako ngayon.

"Weh? Hindi rin! Pero ayos lang yan, gwapo ka pa rin naman sa paningin ko." Sabi niya saka siya pumikit nang may ngiti pa sa labi. Gusto tuloy siyang halikan pero pinisil ko nalang ang ilong niya para naman makaganti ako sa ginawa niya kagabi.

"A-raaaay! ALDRIN! Yung ilong ko! Bagong gawa pa naman ito." Nagulat ako sa sinabi kaya tinawanan naman niya ang reaksyon ko. Nak ng! Pinagtitripan niya ako. "Joke lang syempre! HAHAHAHA"

"Hoy dawalang ugok! Kumain na ba kayo?" Umayos kaagad ng upo si Lena nang makita niyang dumating na si Aireen.

"Hindi pa. Nahihiya naman kami mang-invade sa kusina mo." Sagot ko.

"Sus! Kailan pa? Lagi niyo ngang inuubos ni Jolo yung mga pagkain namin. Hey, nice hair Lena."

"Maganda ba? Si Aldrin gumawa nito." Agad siyang lumapit kay Aireen at nagpunta na sila sa kusina. Close na siguro sila. Parang noong nakaraan lang ay hindi naman masyadong nagpapansinan yung dalawa.

"Ganyan talaga ang mga babae dre. Alam mo naman sila unpredictable. Hindi sila nagpapansinan ngayon bukas makalawa bestiieee na sila." Inipit niya pa yung boses niya nang sabihin niya ang bestie. Siraulo talaga 'tong Jolo na to. Pulos siraulo talaga ang mga kaibigan ko.

"Pero pare ayos ah! Marunong ka na mag-ayos ng buhok! HAHAHA"

"Leche kanina lang ako natuto. Nanood pa ako sa youtube maayos ko lang buhok niya. Nagalit kasi kanina. Hindi kasi ako nagising. Kasalanan mo ito e!"

"Oi! Mapanghusga ka pare! Kumain na nga tayo! Lunch na niyan hindi pa kayo kumain. Hindi mo nalang kas ako ginaya. Hindi nalang ako natulog. Haha" Dala-dala niya ang isang plastic ng pagkain. Binili siguro nila para saaming apat. O baka binili niya para kay Aireen.

***

"Anong sport mo Aldrin?" Isusubo ko na sana ang pagkain ko kaya lang nagtanong si Lena na dahilan naman kung bakit natawa nalang sina Jolo at Aireen

"Bakit? May nakakatawa ba sa tanong ko?"

"Alam mo ang sport niyang si Aldrin ay dota pati na rin mga kung anu-anong strategy games!" Ang saya pang magkwento ni Jolo. Sarap bangasan.

"Ang tanong ko ay sport! Hindi games sa PC at kung anu-ano pang electronic games!"

"Wala akong sport. Aanhin ko naman yang sport sport na yan?"

"Huwag ka maniwala Lena, volleyball siya magaling"

"Talaga?" Ngumiti siya at saka muling nagsalita. "Magkwento pa kayo ng tungkol kay Aldrin."

"Boring naman buhay ni Aldrin huwag nalang." Natatawa nalang ako sakanilang tatlo. Bahala nga sila. Pag-untigin ko sila e. Bakit ba ako ang topic nila?

"Marami ba siyang naging girlfriend? Mas magaganda ba sila kaysa saakin?"

"To be honest Lena, ikaw ang pinaka... alam mo na so-so lang." Tingin ko ay tuwang-tuwa si Aireen na nilalait si Lena. Parang timang talaga.

"Jolo, ayaw ko nitong pagkain na binili mo. Magluto kayo ng bago ni Aldrin. Tara Lena."

"H-hah?"

Aish! Iba talaga ang trip ng mga babae. Basta nalang aalilain yung boyfriend kapag natripan. Mali, si Aireen lang pala. Hindi naman ganun si Lena. Kawawa naman si Jolo kapag nagkataon. Pero inalila rin ako ni Lena kanina para i-braid ang buhok niya.

"Problema 'to Aldrin, hindi ako marunong magluto."

"Wala e. Problema talaga."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: