CHAPTER 14: Na-miss lang kita
CHAPTER 14
"Na-miss lang kita"
Simula noong nagpagupit si Lady ay hindi ko na ulit nakita si Lena. Nakakamiss ang kakulitan niya. Nakakamiss haplusin ang mahaba niyang buhok. Kumakain kaya siya ng marami? Ang balita ko homeschooling nanaman siya.
Hindi ko naman siya matawagan dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Sabihin ko kayang magpagupit din siya?"
"Sino?" Tanong ni Aireen saakin. Nag-aaral siya para sa exam namin bukas pero nagawa pa niyang marinig yung sinasabi kong hindi rin naman niya maiintindihan. "You're spacing out a lot, Aldrin. Hindi ka rin nag-aaral. Hindi ka na rin pinupuntahan ni Lady sa room. Nag-away ba kayo?" Paano niya ako pupuntahan? Hindi naman siya yung laging pumupunta sa klase. Ang Lady ngayon, gustong siya ang pinupuntahan pagkatapos ng klase niya.
"Alam mo kung hindi ka mag-aaral umuwi ka nalang para matulog na. Hindi rin naman kayo magkikita ni Lady ngayon, hindi ba?"
"Bakit? Nakita mo ba siya?"
"Nakita siya ni Jolo kanina. May group study yata sila sa kaklase niya. Hindi ba niya nasabi saiyo? Nag-aaway ba talaga kayo?"
"Bakit hindi mo naman sinabi kaagad? Naghihintay pala ako sa wala."
"Akala ko kasi alam mo. Sige umuwi ka na. Hihintayin ko pa kasi si Jolo." Nginitian pa niya ako pagkasabi niya nun kaya sinunod ko nalang siya. Wala rin naman akong ganang mag-aral sa library. Napakatahimik.
Napapaisip tuloy ako ngayon habang naglalakad kung tatawagan ko ba si Lena o hindi. Kung tatawagan ko nga siya ano namang rason? Anong sasabihin ko? Pumasok ka na! Ikaw ang gusto kong makasama? Aish!
"Aldrin!" Ano ba naman yan! Pati ba naman sa guni-guni ko ay maririnig ko pa ang boses niya. Patawa ka talaga kahit kailan. "Aldrin!" Ngayon naman ay nakikita ko na siya. Nababaliw yata ako. Umuling-iling pa ako para mabura ang imahe sa harapan ko. "Engot ka talaga kahit kailan! Hindi mo ba ako papansinin?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sobrang lapit na niya. Naamoy ko pa yung pabango niya ngayon.
"Grabe talaga ang imagination ko. Ang tindi pati amoy niya naamoy ko pa."
"Imagination?"
"Oo kinakausap ko ngayon yung Lena na wala naman sa harap---" Sa isang iglap ay nakaramdam nalang ako ng isang napakasakit na sampal.
"Ayan imagination pa rin ba ako? I missed you." Pagkatapos niya iyong sabihin ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit. "Sobrang namiss kita. Hindi mo ba ako namiss?" Gusto kong sabihin sakanya na namiss ko rin siya at lagi ko siyang iniisip pero hindi ko magawa. Pero kahit ganoon ay niyakap ko pa rin siya at hinaplos ang buhok niya. Nandito siya. Pinuntahan niya ako katulad ng lagi niyang ginagawa.
"Magpagupit ka na rin kasi." Hindi ko pa rin siya pinapakawalan dahil natatakot ako nabaka mamaya ay maglikot nanaman siya at biglang hindi ko nanaman na siya makasama. Ayaw ko na nun. Ayaw ko siyang bitiwan.
"Ayaw. Hindi ako magpapagupit." Mas naramdaman ko pa ang paghigpit ng yakap niya saakin ngayon. "You used to avoid me. Hindi mo ako masyadong pinapansin hindi katulad sa kapatid kong si Lady. Siya lagi ang bida sa'yo." Napapakamot nalang ako ng ulo ko dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko pa masyadong natatandaan ang lahat pero alam kong kay Lady ako laging sumasama noon. "Pero isang beses bigla mo nalang akong nilapitan at sinabihan na ang ganda ng buhok ko. Tingin ko ay nilapitan mo ako dahil alam mong ayaw saakin ng mga magulang ko." Kumalas siya ng yakap saakin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Bawal sa pamilya namin ang kambal. Ayaw nila sa kung sino man ang pangalawang lumabas at ako iyon. Sa paningin nila, isa lamang akong anino ni Lady na kung hindi na kailangan ay isinasantabi nalang."
Unti-unti ay pumatak na ang kanyang mga luha. Mga luhang parang ang tagal niyang kinimkim. Ramdam ko ngayon na parang ayaw na ayaw niya sa sarili niya at wala na siyang pakialam kung anong mangyari sakanya dahil wala naman pakialam ang mga taong nasa paligid niya.
"Aldrin, huwag mo akong iiwan." Paano ko naman iiwan ang babaeng umiiyak ngayon sa harapan ko. Kung sa daga nga ay natatakot siya. Akala ko pa naman noon, malakas siya pero hindi pala. Napakaiyakin niya at ayaw niyang maiwanang mag-isa.
"I won't. I promise. So stop crying, okay?"
"Talaga?" Pinunasan niya ang mga luha niya na parang bata.
"Oo." Ngumiti pa ako para ma-assure siya.
"Talagang-talaga?"
"Oo nga."
"Hindi nga? Talagang-talagang-talaga?"
"Oo. Talagang-talagang-talaga." Kahit siguro uulit-ulitin niyang itanong 'yan ay sasagot pa rin nang sasagot para lang maramdaman niyang hindi ko siya gustong iwanan.
"Tara sa bahay." Yaya ko sakanya pero tinakpan lang niya ang sarili niya gamit ang mga braso niya. Parang baliw. Kung anu-ano talaga ang tumatakbo sa isipan niya. "Sira ka talaga. May ibibigay ako sayo."
"Talaga? Bakit hindi mo naman agad sinabi!" Parang nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Ang bilis talaga magbago ng mood niya. Simula noong nalaman kong magkaibang tao sila ay hindi ko maiwasang ikumpara silang dalawa.
Masaya akong kasama sila pero hindi ko maitatanggi na mas masaya ako tuwing kasama ko si Lena. Mas gusto ko si Lena.
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ko si Lena na siyang nauunang maglakad. Panaka-nakang tumitingin ito saakin at ngumingiti.
Mali. Gusto ko si Lady pero mahal ko na si Lena kaya si Lena ang gusto kong makasama.
"Aldrin bilis! Gusto ko na makita ang ibibigay mo saakin."
"Heto na!" Hindi ko alam kung paano ko ipapakita sakanyang gustong-gusto ko siya. Nahihiya rin akong ipakita sakanya na ang saya ko ngayon dahil nandito siya. Leche talaga. Siya lang nakakagawa saakin nito.
***
Pagkadating palang namin sa bahay ay agad na siyang sinalubong ng kapatid kong si Rowena. Natural ay sinungitan nanaman siya. Pero kahit ganun ay bakas pa rin naman ang tuwa sa mukha ng kapatid ko. Si Lena lang naman ang nakakakaya sa ugali niya. Maliban nalang saakin at si mama.
"Oh." Inabot ko sakanya ang paperbag.
"Arte! Nakapaperbag pa!" Tuwang-tuwa niyang kinuha ito saakin. "Pwede ko na bang buksan?"
"Sa bahay niyo nalang."
"Dito na! Arte-arte mo talaga! Mas maarte ka pa saakin."
"Hagisan kaya kita ng daga ngayon?"
"Aldrin naman e!"
"Oo na sige na. Pwede mo ng buksan."
Nagpakahirap pa akong i-staple at i-tape 'yon para lang hindi niya masilip tapos bubuksan lang din pala niya rito. Bakit ko ba ibinalot 'yon? Nagpapakapagod pa kasi ako.
"HAHAHAHAHA! OMG ALDRIN! KAMUKHA MO!" Hawak-hawak niya na yung unggoy na stuffed toy na nakuha ko sa claw machine. Ilang coins din ang hinulog ko para lang dyan tapos sasabihin niyang kamukha ko!?
"Mas kamukha mo. Kaya nga kinuha ko para sayo."
"Yiee! Naaalala niya ako kahit hindi niya ako kasama. Pero kamukha mo pa rin ito."
"Mas kamukha mo."
"Magtuturuan lang ba kayong dalawa? Pareho naman kayong mukhang unggoy! Kakain na tayo!" Humagalpak nalang sa tawa si Lena bigla dahil sa sinabi ni Rowena. Sinabihan na nga kaming mukhang unggoy pero tawa pa rin siya nang tawa habang yakap-yakap niya ang ibinigay ko. Somehow, I just want to see her always laughing and smiling beside me.
"Naku! Gabi na pala. Kailangan ko ng umuwi baka mapansin nilang wala ako sa bahay. Na-miss lang naman kita kaya ako nandito ngayon." Tumayo na siya at nagmadaling bumaba kung saan nandoon sina mama. "Tita mauna na po ako."
"Kumain ka na muna."
"Naku hindi na po. Baka pagalitan na po kasi ako kapag nagtagal pa ako."
Hinatid ko siya hanggang sa sakayan. Ayaw naman niyang magpahatid hanggang sakanila dahil ayaw niyang malaman nila Lady na ako ang pinuntahan niya.
"Magtataxi nalang ako."
"Mag-ingat ka ah."
"Yes sir!" Sagot niya saka sumaludo saakin. Bago siya sumakay sa taxi ay hinawakan ko pang mabuti ang kanang kamay niya. Maliit pero mainit ang kamay niya.
" I love you." Nginitian niya ako at hinalikan sa pisngi bilang sagot.
"Don't tell Lady about this. I love you too, Aldrin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro